Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

15

KABANATA 15

Two Years




"Mabuti naman at sumipot ka? Dalawang taon kang nawala na parang bula!" Bulyaw ni Tikdas sa kanya ng makapasok sa isang restaurant, "Hindi ka manlang nagparamdam! Mabuti pa iyong nanlamig kong puso, nagpaparamadam! Pero ikaw na buhay??" Pinanliitan siya ng mata ni Tikdas.




"Eh, ano kasi..." Nagulat siya sa pangbubuyaw ng kaibiga. Hindi niya inaasahan ang ganitong reaction mula sa kaibigan.




"Ano na namang palusot yan, De Guzman?" Sabat naman ni Everwing.




"Busy lang talaga..." Totoong naging abala siya nitong mga nagdaang taon.




"Gasgas na yang mga palusot mo. Hindi na ako papaloko sa mga ganyan mo!" Anang si Tikdas na hindi magkandaugaga sa kinakain. Walang pinagbago ang dalawang lalaki, mas lalong naging gwapo ang mukha ng mga ito.




"Hay nako! Kayo talagang dalawa!" Napapailing niyang sabi.




"Buti dumating ka. Kung hindi, kami nalang ang pupunta sayo..." Seryosong sabi ni Everwing.




"Kailangan ko na rin kasing bumalik eh. Okay na si Daniela, nakarecover na si Mommy. Kaya't nagpasya kami na dumito nalang sa Pilipinas. Sana, kung papalarin..." Ngumiti siya sa kaibigang abala sa pagkain.




"Nakita mo na ba siya?" Tumunghay si Tikdas at nagtaas pa ng kilay sa kaharap.




"Trevor, tumahimik ka nga!" Saway ni Everwing. Gustong matawa ni Sofia ng marinig nito ang totoong pangalan ni Tikdas. Ngayon lang yata niya narinig si Everwing ng ganoon.




"Para saan pa?" Ngumiti siya sa kaibigan, "Masaya na siya..."




"Seriously, huh? Sofia?" Anang si Tikdas.




"Tumigil ka na nga riyan! Umuwi si Sofia para sa panibagong buhay niya! Hindi para maging security escort ni Sebastian na iyon!" Anang si Everwing.




"Tama na nga 'yan..." Nangingiting si Sofia. Hindi niya inaasahang mauungkat pa ang tungkol sa lalaking minsan ay minahal niya.




"Pero okay ka lang naman kahit na ikakasal na siya?" Nagaalangang tanong ni Tikdas sa kaibigan.




Tumango lamang si Sofia.




"Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na ikakasal s'ya kay Elainne na iyon... Grabe!" Naiiling pa si Everwing habang kunot noo.




"Magpapakasal nalang, doon pa sa taong gustong pumatay sa kanya noon. Bilib rin naman ako sa kanila, di ba? Eh di sana hindi nalang nila kinuha itong si Sofia para maging alalay niyang Sebastian na 'yan! Tangina ang gago, di ba?!" Segunda naman ni Tikdas na halatang iyamot.




"Ewan ko ba at bigla nalang pumutok ang balitang ikakasal sila. Ni hindi nga tumagal sa kulungan yang si Elainne noon eh. Ang pagkakatanda ko pa'y inurong ng mga Alonzo ang kaso..." Dagdag pa ni Tikdas na siyang madaldal, "Bakit nga ba hindi natin inalam yun, huh Everwing?"




"Tumahimik ka na nga Tikdas!" Saway na naman ni Everwing sa kaibigan.




"Buhay nila 'yun, huwag n'yong pakialaman. Labas na tayo doo..." Nasabi na lamang ni Sofia kahit na parang may gustong sumabog sa bahagi ng kanyang puso. Totoo ba talaga iyon?




Dalawang araw na mula ng umuwi ang pamilya ni Sofia sa Pilipinas. Kung siya lamang ang tatanungin ay baka hindi na siya umuwi pa Pilipinas. Kung hindi nga lang siya naaawa sa Mommy na ngungulila sa sariling bayan ay baka sa States na lamang siya manirahan. Sanay naman siya na magisa. Isa pa, sa Pilipinas gustong tapusin ni Daniela ang pagaaral niya. Luhbang mahihirapan siyang iwasan ang mga kwentong tulad nito, kwentong tungkol sa mga Alonzo at lalo na sa lalaking bumihag ng kanyang puso.




"Huy, Sofia!"




"Hmmm?" Napakurap siya.




"Imik ako ng imik, nakatulala ka lamang riyan!" Paninita ni Tikdas.




"Ah, gosh... Sorry, guys!" Napahawak siya sa dibdib dahil sa sobrang kaba.




"Lumilipad na naman yang utak mo huh?" Ngumiti si Tikdas ng makahulugan.




"Tikdas, tigilan mo na nga si Sofia! Baka mamaya magtago na naman yan sa 'tin..." Tumawa si Everwing.




Siyang ngiti naman ng dalaga sa mga kaibigan, "Hindi naman ako nagtatago..." Mahinhin niyang sagot.




"Huwag kang scammer, De Guzman!" Anang si Tikdas na hindi mapigilang hindi matawa.




Napailing naman si Everwing na nahulaan na 'ata ang takbo ng isip niya, "Iiwasan mo nalang ba habang buhay?" Panimula ni Everwing.




Napatingin naman si Tikdas sa seryosong si Everwing habang nilalaro ang pagkain sa plato, "Bakit hindi mo kausapin?" Si Everwing.




Napatigil si Sofia sa kanyang pagkain na kahit ang totoo naman ay wala talaga siyang gana. Nagpalipat lipat ang mata ni Tikdas sa dalawang kaibigan.




"May dapat ba akong malaman?" Ika ni Tikdas na siyang nakaramdam ng kakaiba, "Parang may alam ka ah! Ano, ganyan kayo??"




"Hanggang kailan mo itatago sa amin?" Anang si Everwing na ibinaba na ang kutsara at tinidor. Napasinghap si Sofia dahil sa pagkagulat.




"Wilson..." Pagbanggit ni Sofia sa tunay na pangalan ni Everwing. Alam niyang magiging seryoso dahil doon.




"Bakit? Bakit hindi mo sabihin sa amin ni Trevor ang totoo..." Kalmadong saad ni Wilson.




"Ano bang nangyayari?" Nakiramdam si Trevor dahil alam niyang minsan lang magseryoso si Wilson at kalimitan ay sa trabaho lang ito seryoso.




Napayuko si Sofia tsaka humugot ng isang malalim na hininga, "Trevor," tumingin ito kay Tikdas, "Wilson," humarap din siya kay Everwing, "Alam ko na mapagkakatiwalaan kayo at napatunayan ko na 'yon. Pasensya na kung tinago ko sainyo ito. Pero oo, tama ka, Wilson. Tama ka..." Napayuko muli siya, "Gusto kong lumayo, magpakalayo layo pa dahil gusto kong protektahan ang anak ko..."




"WHAT?" Di mapigilang pagkagulat ni Tikdas. Hindi naman nagulat si Everwing sa sinabi ni Sofia.




"Wait, you kidding me, right?" Anang si Trevor.




Umiling si Sofia, "It's true..." Namuo ang luha sa mata niya.




"Paanong nangyaring may anak ka? Kanino? Kailan pa?" Tanong muli ni Trevor na humawak na sa dalawang kamay ni Sofia na nalapatong sa mesa.




"Long long story, Trevor..." Pinilit niyang mangiti para pagtakpan ang sakit na gumuguhit sa mga mata niya.




"Makikinig ako..."




"Soon, Trevor. Soon."




"Pero..."




"Trev, pagod pa si Fia. Pagpahingahin muna natin siya..." Awat ni Wilson.




"Pero..."




"Trevor..." Saway ni Wilson.




"Trevor..." Bulong ni Sofia.




Napayuko si Trevor at ngumiti, "Mag-iintay ako sa kwento ng buhay mo at ng anak mo Sofia..."




"Thank you, guys..." Bulong ni Sofia.




Nakahinga naman si Wilson ng matiyak na hindi na mangungulit pa si Trevor. "Uhm, I think kailangan ko ng umuwi," Si Sofia habang nakatitig sa relong pambisig. Tumayo naman ang mga kaibigan ni Sofia upang yakapin siya kaya't hindi na niya napigilan pa ang maluha bahagya.




"Take care, okay?" Si Wilson na hinahaplos pa ang buhok niya.




"Ingat ka, at ang baby mo..." Halatang hiyang hiya si Trevor habang binabanggit niya ang 'Anak'.




"Yes, magiingat ako. Kayo rin. Promise, ipapakilala ko kayo sa kanya. Pero hindi muna sa ngayon." Ngumiti si Sofia bago kinuha ang handbag.




Matapang ka, hindi ba? Huwag kang umiyak! Ikaw ang umalis! Ikaw ang nawala! Hindi ba't ikaw ang umayaw sa kanya! Ikaw ang nagtago! Ikaw, Sofia! Ikaw at hindi siya! Pagsusumigaw ng isip at isip niya habang binabaybay ang parking lot. Halos mangatog ang tuhod niya sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Mukhang sa pagkakataong ito ay magkakampi ang puso at isip niya laban sa kanya.




:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro