Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14

KABANATA 14

Moving On




Nakakailang bote na ng beer si Sebastian habang nakatingin sa kawalan. Isang linggo na rin ang lumipas mula ng umalis si Sofia sa poder ng mga Alonzo at mawala na parang bula. Hindi niya matanggap na naturingan siyang anak ng isang mayaman at kilalang tao pero hindi niya mahanap ang isang tulad ni Sofia De Guzman. Idagdag pa ang pagkakasangkot ni Elainne sa naganap na pamamaril sa kanyang kotse noong makabalik siya mula sa Davao. Napaiyom ang kanyang kamao. Bakit nga ba ito nangyayari sa kanya? Simula ng makulong si Elainne ay hindi pa niya ito dinalaw o kahit kausapin manlang dahil galit na galit siya sa dating nobya.




"Sir Sebastian pinatawag niyo daw po ako?" Ani ng isang may edad na lalaki.




"Oo, gusto ko lang malaman kung may balita na ba sa pinahahanap ko sainyo?"




"Pasensya na, Sir. Mukhang magaling magtago itong si Sofia De Guzman. Kahit mga kaibigan niya'y walang makapagbigay ng impormasyon..." Nayuyukong paliwanag ng kaharap.




Napatango na lamang si Sebastian na may munting kirot sa kanyang puso. Mukhang malapit na siyang sumuko kung ganoon, "Salamat, makakaalis ka na..." matamlay niyang sabi.




Muling tinungga ni Sebastian ang lata ng beer. Marahan niyang isinandal ang likod at hinilot ang sentido. Araw araw siyang ganito at walang minuto na hindi sumagi sa isip niya ang imahe ni Sofia. Gusto niyang pagsisihan ang mga pangbabalewala niya sa dalaga noong bago ito mawala at hindi na niya muli pang nakita.




"Sebastian, anak..." Bungad ng Don sa kanyang anak.




"Pa." Ngumiti ng mapait si Sebastian sa ama.




"Ngayon lang yata kita nakitang uminom ng ganito karami?" Tumingin ang ama sa ilang lata ng beer na nakakalat sa sahig.




Tumawa ng mapakla ang anak bago muling tinungga ang alak, "May kailangan ka ba, Pa?"




"Wala naman." Kumunot ang noo ng Don.




"Really? Mukhang bago ata yan sa pandinig ko?" Bahagyang ngumisi ito.




"Sebastian..."




"Tell me, Pa? Kailan mo pa alam na si Elainne ang taong gustong pumatay sa akin? Fuck, hindi ko naisip 'yon! I was amazed at the same time, huh!" Mapait siyang nangiti na parang pinagdududahan pa ang ama.




"Anak..." Hindi malaman ng ama kung paano ba niya kakausapin ang lasing na anak.




"Ano, Pa? Sabihin mo!"




Napayuko ang ama bago magsalita, "Mula ng magresign si Sofia De Guzman at sabihin n'ya ang lahat ng tungkol kay Elainne. Lahat ng posibleng si Elainne nga itong gustong..."




"Damn it, damn it! Ginawa niyo akong tanga tanga!" Halos sapakin na ni Sebastian ang sariling mukha sa sobrang paginis sa sarili niya.




"Sebastian, makinig ka muna sa Papa mo..." Siyang pasok naman ni Mrs. Alonzo na halatang kanina pang nakikinig sa mag-ama.




"Alam mo bang kahit si Sofia ay ayaw tanggapin ang kasong pagpatay sa pamilya natin, lalo na sayo..." Panimula ng Don at siyang kuha rin ng lata ng beer at binuksan ito.




"Pa!"




"Pero dahil pinakiusapan ko siyang tanggapin ito kapalit ng isang malaking tulong kaya't tinanggap niya ang trabahong iyon ng walang alinlangan." Huminga muna muli ang matandang Don, "Sinabi niyang kaya siya bumalik dito sa Pilipinas ay para hanapin muli ang mawawala niyang kakambal. Masyadong matapang si Sofia, hindi siya sumuko at naniwala sa sarili niyang buhay pa ang kapatid niya. Nito lang narescue ang kakambal niya mula sa isang grupo ng mga sindikato. Matagal nawala ang kakambal niya, maraming taon..."




"May kakambal si Sofia?" Gulat na gulat nitong tanong.




"Oo, si Daniela De Guzman..."




"Daniela De Guzman?" Kunot noong tanong niya.




"Oo, ang nawawalang anak ni Tin De Guzman, ang mayamang negosyante na minsa'y inalok mong maging kasyoso natin sa ilang site sa Cebu..."




Napatungga ng beer si Sebastian. "I can't imagine na anak siya ni Madam Tin..."




"Tinanggap ni Sofia ang trabahong ito kapalit ng tulong ko upang mahuli ang nasa likod ng pagkawala ng kakambal niya. Nang araw na makausap niya ako ay kinumpirma niyang si Elainne ang nasa likod ng walang katapusang pagpatay sayo. Kaya pala kahit anong ingat ay may nakakalusot na kapahamakan dahil nasa tabi mo lang pala ang gustong tumapos sa buhay mo at si Elainne 'yon. Iniwan ni Sofia ang trabaho dahil alam ko na tapos na iyon. Nahuli na si Elainne pero hindi pa kami nagkakaharap. Gusto kong marinig ang mga paliwanag niya. Ang tanging maipapayo ko lamang sayo ay hanapin mo ang nilalaman nito." Sabay turo sa puso niya, "Alam kong mahal ka rin ng taong laman niyan..."




Napayuko na lamang si Sebastian at muling nag-isip ng paraan upang matuntun ang dalaga. Mukhang hindi rin naman siya tutulungan ng ama dahil kung alam niya kung nasaan si Sofia ay kanina niya pa itong sinabi sa anak.




New York City

"Mommy!" Umalingawngaw ang isang tinig mula sa labas ng isang modenong bahay. Napatingin naman ang babaing nakatayo sa balkonahe. Suot ang makapal na damit dala ng panahon. Magwiwinter season na kasi at kailangan nilang magsuot ng makakapal na damit upang paglabanan ang lamig.




"Fia??" Kumunot noo pa ang ginang bago lumapit sa anak.




"Mommy!" Tumakbo si Sofia at niyakap ang ina.




"Oh, jesus! You here. Akala ko'y hindi ka na uuwi dito. Magpapasko sanang akong magisa kung ganoon..." Naluluhang pahayag ng ina.




"Sorry, Mom. Naging busy lang po ako. Marami akong trabaho bago nagresign. Tulad ng pangako po sayo, Mommy..." Hinawakan ni Sofia ang kamay ng kanyang ina, "May early christmas gift po pala akong dala. Alam ko na ito ang palagi mong hinihiling kay Santa." Nangilid ang luha ni Sofia. Napatitig ang ginang sa isang babae mula sa likuran ni Sofia.




"Dani?" Alam na alam ng Mommy niya na si Daniela ang kaharap nito. Kahit pa may peklat ito sa mukha ay alam niyang ito ang nawawalang anak kahit ilang taon pa ang lumipas.




"Mom..." Walang ano ano'y sinalubong siya ng mainit ng yakap ng dalaga, "Mommy..." Humagulhol ito sa pagiyak. Maging si Sofia ay hindi napigilang hindi maiyak ng yakapin ni Daniela ang ina. Matagal na panahon ang ninakaw sa kanila upang magkasama sama at ngayon, natupad na ang pangarap ni Sofia na mahanap ang kakambal sa maibalik sa piling nila.




Humarap ang inang si Tin kay Sofia at hinawakan ang mga kamay, "Alam kong dugo at pawis ang ginamit mo para lang mahanap ang kapatid mo, ngayon... masaya na ang Daddy mo dahil buo na tayo at hinding hindi na muling magkakahiwalay pa, Anak."




"Opo, Mommy. Ipapangako ko po na makukulong si Emilio, ang taong nagbigay ng matinding bangungot sa buhay ng kakambal ko at sa buhay natin..." Muling nagyakapan ang magiina habang walang tigil sa pag-iyak ang kanyang Mommy.




Malalim na ang gabi ngunit heto si Sofia at nakahalumbaba habang nakatanaw sa mga ilaw na siyang nagbibigay ng liwanag sa daan. Magiisang buwan na mula ng iwanan niya si Sebastian ng walang paalam. Para saan pa? Tapos na ang trabaho niya sa mga Alonzo at wala na siyang balak pa na bumalik o kahit makita manlang ang binata. Tama lang ang ginawa niya. Umiwas lang siya sa kapahamakan. Mayaman si Sebastian, higit na mayaman sa angkan niya at iyon ang ayaw niya. Ang malagay sa panganib ang mga mahal niya sa buhay.




Nagiilusyon ka na naman ba? Sofia?




Napabuntong hininga na lamang siya, "Move on..." Aniya sa sarili.




"Iyon ba talaga ang gusto mo?"




Napalingon siya, "Daniela, bakit gising ka pa?"




"Hindi ako makatulog..." Sagot niya. Ngumiti ito at lumapit sa kapatid, "Salamat sa lahat, Fia..."




"Ano ka ba? Kapatid kita at lahat gagawin ko para sayo kahit buhay pa ang kapalit noon..." Napangiti si Sofia at muling nabura sa isipan ang imahe ni Sebastian.




"Kahit pa iwan mo ang taong mahal mo, para lang sa akin? Hindi ba't kasakiman naman yata iyon..." Naupo si Daniela at marahang tinitigan ang kakambal.




"Siguro..."




"No. Malaya na tayo, malayo na ako sa bangungot ng nakaraan. Nakakulong na si Emilio kaya't heto ako, malaya na..." Anang si Daniela, "Ang laman naman nito ang ipaglaban mo, Fia. Alam kong susugal ka muli. Pero kung hindi mo susubukan hindi mo malalaman." Tinuro ni Daniela ang bandang puso ng kakambal.




"Dani..."




"Please, Fia. Alam kong mahal mo rin siya. Alam kong nasasaktan ka. Alam ko iyon dahil iisa ang puso natin. Nararamdaman kita dahil kakambal mo ako." Ngumiti si Daniela.




Tumulo ang luha ni Sofia at malayang niyakap ang kapatid. Kahit pa may peklat ito sa mukha ay hindi maitatago ang pagiging magkamukha nila.




"Thanks, Dani."




"Ako na ang bahala kay Mommy, umuwi ka ng Pilipinas at sabihin mong mahal mo siya..." Hinaplos ni Daniela ang likod ng kapatid.




"Pero hindi ganoon kadali iyon. Ako ang nawala, ako ang nangiwan, ako ang nanakit. Sa palagay mo ba ay ganoon ganoon na lamang niya ako tatanggapin?" Huminga siya ng malalim at muling tinanaw ang paligid.




"Life is too short. Hindi mo alam kung kailan may mawawala at kung kailan may darating. Walang pero pero, Fia. Sundin mo ang nilalaman nito." At tinuro muli ang puso niya. Tumango lamang si Sofia at niyakap ang kakambal ng mahigpit.




:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro