13
KABANATA 13
With You
Nagmulat ng mata si Sofia dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Humikab siya at napahawak sa katawan. Nanlaki ang mga mata niya ng mapagtantong wala pala siyang saplot at tanging kumot lamang ang nakabalot sa kanyang kabuoan. Noon niya naalala ang nangyari kagabi. Napabalikwas siya ng bangon. Napatingin sa kanyang relo.
"Oh my-"
"Good morning." Nakangiting bungad ni Sebastian. May dala pa itong tray ng pagkain. Alas diyes na ng umaga kaya pala kakaiba ang sikat ng araw na dumadampi sa kanyang balat.
"Ah-eh..." Hindi mapakaling sabi nito na hindi makatingin sa mukha ng binata. Mukhang masaya ata ito na hindi maintindihan kung anong kasiyahan ang nakalakip sa bawat ngiti nito.
"Are you okay? Nagdala ako ng food... Hindi na kita nagising kanina."
"I'm okay." Tumayo siya dala dala ang kumot at dali daling pumasok sa banyo. Alam niyang namumula ang mukha niya sa hiya.
"What are you doing, Sofia?" Inis niyang sabi sa sarili na nakaharap sa malaking salamin habang titig na titig sa kanyan katawan. Hindi niya magawang mapakalma ang sarili. Naiinis siya sa kanyang sarili. Gusto niyang maiyak sa inis o sa tuwa? Bakit? Napasigaw siya sa inis.
"Sofia, okay ka lang ba?" Pagaalala ni Sebastian mula sa labas.
"O-oo, okay la-lang ako..." Pinigilan niyang mapahikbi.
"Are you sure?" Nasa tono ni Sebastian ang pagtataka.
"Ye-yes!" Sigaw naman nito na hindi maitago ang ngarag ng boses. Basa na ang kanyang mata dahil sa pagiyak.
"Open the door, please?!"
"Ah-" Hindi magkandaugaga si Sofia kung paano pupunasan ang mga luha na walang tigil sa pagagos.
"Sisirain ko 'to!" Halos matanggal na ang trangkahan dahil sa pagpupumilit nitong mabuksan iyon.
"Kasi..." hindi na natapos ni Sofia ang sasabihin niya ng biglang bumukas ang pinto dahil sa isang malakas na sipa at nasira nga iyon. Mukhang wala namang pakialam ang binata kung nasira man iyon o ano.
"I said, open it, right?" Hinawakan agad nito ang palapulsuhan niya.
"So-sorry-"
Bigla nitong niyakap ang dalaga na tumutulo ang luha. Hindi niya alam kung natakot ba ito kaya't naiyak ito o baka may iba pang dahilan.
"Ssshhh, don't cry... please." Bulong nito kay Sofia na hindi mapigilang hindi napasinghot.
"Isang malaking kasalanan ito, Sebastian..." Inilayo ni Sofia ang sarili sa binata.
"No. It's not, Sofia. I'm safe with your arms... please, tahan na." Niyakap nito ang dalaga ng napakahigpit.
"Sebastian, let me go." Halos hindi na niya marinig ang sariling tinig. Wala namang nagawa si Sebastian kundi dumistansya sa dalaga. Nakaramdam siya ng kirot sa bahagi ng puso ni Sebastian ng talikuran siya ng dalaga na para bang wala lang dito ang lahat ng iyon. Parang sinipa at pinagsusuntok ang puso niya sa pagkadismaya kay Sofia.
Natapos ang maghapon na nakasunod lamang si Sofia sa kung saan man pupunta ni Sebastian. Parang nakaramdam siya ng awa sa sarili. Bakit ba naman isang haplos lamang ng lalaki ay bumibigay na agad ang matatag niyang katawan. Ni minsan ay hindi niya inakalang magkakaganito siya sa poder ng mga Alonzo. Pero ano pang magagawa niya? Nangyari na at hindi na kailan pa man maibabalik ang bagay na inangkin na ni Sebastian. Ang puso niya, ang buong puso niya.
"Hello? Sofia?"
"Hello, Luz." Matamlay niyang bungad kay Luz. Wala kasi siyang maisip na maaaring tawagan kundi si Luz. Hindi naman niya pwedeng tawagan ni Tigdas at Everwing para i-kwento ang mga nangyari sa kanya sa loob ng ilang araw na pamamalagi niya sa mga Alonzo.
"Oh, napatawag ka?" Halata sa kabilang linya ang pagtataka.
"Lucy..." Napahagulhol na siya ng tuluyan.
"Wait, ano bang nangyayari? Huh?" Hindi mapakaling tanong nito.
"I think... I'm falling in love, Lucy... at hindi pwede iyon. Siguradong-"
"What?" Halos mabingi si Sofia sa lakas ng sigaw nito.
"Siguro, hindi ko na alam... hindi ko na alam sa sarili ko kung pagmamahal na nga ito o nadala lang ako." Suminghap siya bago pinunasaan ang pisngi.
"Sofia? Wait, hindi kita maintindihan. Ikaw ba talaga yan?"
"Oo. Luz, anong gagawin ko? We had s-sex..." Napaiyak na naman siya.
"What?" Nagulantang ang babae sa kabilang linya, "Tang ina, seryoso ka?" Tumili pa ito na parang ikinatuwa pa iyong sinabi ni Sofia.
"Luz, please. I need your help. Tulungan mo ako, please..."
"Hay nako, Sofia. Bakit ba naman kasi-"
"Kailangan ko ng bumalik sa Manila." Napatuwid siya at pinilig ang ulo.
"Huh? Bakit? May ilang araw ka pa d'yan para maging escort ni Sir Sebastian-"
"No. Kakausapin ko si Don Alonzo." Wala ng iba pang rason para hindi niya layuan si Sebastian at hindi niya maatim na papatol siya sa 'Boss' niya? Sa anak ng boss niya.
"Sofia..." Yun na lamang ang nasabi ni Luz sa kabilang linya ng patayin ni Sofia ang kanyang cellphone. Kasunod naman agad noon ang isang tawag mula kay Luz ngunit hindi niya yun sinagot. Hinayaan lamang niya hanggang sa nawala na rin ang pangalan ni Luz sa screen ng kanyang cellphone.
Tumayo agad siya at inayos ang mga gamit. Kailangan na niyang layuan si Sebastian bago pa man ito malaman ni Don William. Siguradong hindi maganda ang magiging record niya sa kataas taasan kung malalaman nilang nakipagrelasyon siya sa subject niya. Nagpasya siyang huwag na munang pansinin ang binata kung hindi naman tungkol sa trabaho ang kailangan nito at kailangan niyang layuan ito hanggat hindi niya nakakausap ang Don.
Nakatulala lamang si Sofia habang nakikinig sa isang meeting kung saan ay si Sebastian ang nagsasalita. Maraming tao roon. Nasa kanang bahagi lamang siya at nakikinig. Napapitlag na lamang siya ng magpalakpakan ang iilang tao sa loob. Napahinga siya ng malalim. Sa wakas ay tapos na rin. Talagang nangalay ang binti niya. Sino ba namang hindi mangangalay halos tatlong oras siya nakatayo roon.
"De Guzman." Si Sebastian na mukhang kanina pa siyang sinusulyapan.
Napakurap ito. "Yes, Sir?"
"Saan ang next meeting ko?" Tanong nito na nag iwas ng tingin sa dalaga.
"Sa site nalang po..."
"Just cancel it." At hinagis nito ang isang mineral water na ininuman ni Sebastian. Kung hindi nga lang mabilis ang kamay niya ay baka sa dibdib niya ito dumeretso. Napatras siya dahil sa lakas ng tulak ng binata. Kahit naman malakas si Sofia ay mas malakas parin ang pwersa ng mga lalaki. Hindi niya maintindihan kung anong aksyon ba iyon ipinapakita ni Sebastian para sa kanya. Mukhang wala 'ata ito sa mood at siya ang pinagdidisketahan.
"Huh? Pero nakaready na po sila para sa pagdating n'yo..." Agad niyang bwelta ng makabawi.
"Hindi mo ba ako narinig?" Sigaw ni Sebastian na siyang tingin ng ilang tao doon. Napatango naman ang dalaga.
"Okay, Sir." Lumayo siya sa binata. Alam niyang malapit na siyang maiyak dahil sa pinapakitang asal ni Sebastian sa kanya. Kanina nga lamang ay iniwan siya ng binata sa hotel kaya't halos takbuhin na niya ang kalsada para maabutan niya ito. Tapos hindi manlang siya nito pinaupo kanina sa dahilang lahat naman raw ng escort ay dapat nakatayo. Napahinga siya ng malalim. Pagtitiisan na lamang niya ang inuugali nito sa ngayon.
Natapos ang buong maghapon na pagod na pagod siya. Ngayon lang yata siya napagod ng ganito kalala. Alam naman niyang ginagawa ito ni Sebastian para mainis siya o magalit pero mas pinili ni Sofia ang intindihin ang inaasal nito at hayaan nalang. Pagkatapos naman nito ay aalis na siya... at walang kasiguraduhan kung kailan siya babalik o babalik pa ba siya.
Sumilay ang ngiti sa labi ni Sofia ng salubungin niya si Tikdas sa airport. Dala dala ang maliit niyang maleta. Nang makausap nito ang Don Alonzo kahapon ay walang alinlangan siyang pinayagan nitong makabalik agad sa Maynila kahit may dalawang araw pa siyang nalalabi para maging escort ni Sebastian Alonzo. Mukhang naintindihan naman siya ng Don.
"So paano? Ikaw na muna ang bahala kay Sebastian Alonzo?"
"Ano pa nga ba..." Natatawang sagot ni Tikdas.
"Mauuna na ako. Hindi na ako nagkapagpaalam pa sa kanya. Masyado pa kasing maaga para gisingin siya. Ikaw na ang bahala roon, huh?" Pilit siyang nangiti sa kaibigan kahit pa ang totoo naman ay gusto niyang maiyak.
"Pasaway ka talaga, Fia! Kung hindi lang talaga kita kaibigan, hindi ko tatanggapin ito! Pero sabagay, dalawang araw lang naman eh." Ngumiti ito kay Sofia.
"Basta alagaan mo s'yang mabuti. Nasa palihid lamang ang kalaban."
"Alam ko." At umapir ito sa kaibigan.
"So paano? Mauuna na ako. Siguradong nagiintay na ang kakambal ko..."
"Ingat ka. Mamimiss kita. Malamig sa Amerika, Fia. Baka magbago pa ang isip mo." Natawa ito sa sariling biro.
"Sira ulo! Sige na!" Ngumiti siya sa kaibigan atsaka mahigpit na niyakap ito.
Habang nasa himpapawid pabalik ng Maynila ay hindi mapigilang hindi maluha si Sofia. Ngayon, makakasama na niya ang kakambal at pati narin ang ina. Matagal na niyang pinangarap ito at ngayon, matutupad na. Pinahid nito ang luha.
"Sebastian, salamat dahil tinuruan mo akong magmahal kahit panandalian lamang. Hindi ko makakalimutan lahat ng ala ala na iniwan mo sa akin at darating ang araw na pasasalamatan mo ako dahil iniwan kita. Hindi mo ako dapat mahalin. Kailan man ay hindi maaaring maging isa ang escort at ang amo nito. Sana malutas na ang kasong pagpatay sa buhay mo. Hindi ko man nagampanan ito, alam ko na malapit na, malapit na malapit na. God knows how much I care, I love for you. Ito ang mas makakabuti para sa ating dalawa. Paalam, hanggang sa muli." Tahimik niyang pinunasan ang mga luhang naglalandas sa mapupulang pisngi niya.
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro