10
KABANATA 10
Who Are You
"Sir, ginagawa ko lang ang trabaho ko." Bungad agad ni Sofia ng makapasok sa opisina ni Sebastian.
Napahinto naman ang binata at padabog na inihagis ang dala dalang nitong bag. "Like seriously? Huh Sofia?" Nanlilisik ang mga mata nito.
"Pasensya na..."
"Pasensya? For what? Tell me!" Nagsimula na naman itong sumigaw.
Bakit ba kasi galit na galit 'to? Bulong ng kanyang isip. Nagtanong ka pa talaga!
"Tell me! What the fvck!" Hinampas nito ang sariling mesa.
"Sir..."
"I like you, Sofia! I like you more than anything else! Mahirap bang intindihin yun? Manhid ka ba?" Hindi napigilang usal ni Sebastian.
Pakiramdam naman ni Sofia ay tinapunan siya ng malamig na tubig dahil sa gulat. Bumilis ang pagtambol ng kanyang dibdib, tama ba ang narinig niya? "Pero, Sir..."
"Sabihin mong gusto mo rin ako,Sofia! Kaya kong talikuran lahat para lang sayo!"
Napaatras si Sofia ng maglakad si Sebastian palapit sa kinatatayuan niya, "No, Sir. Mali ito."
"Walang mali dito! I know you like me too! Nararamdaman ko iyon!"
Huy Sofia, magkaiba ang Like at Love. Napailing si Sofia.
"Sir, pasensya na pero nagkakamali ka. Mali ang iniisip mo..." Pagmamatigas ng dalaga.
"Ganoon nalang ba iyon? Huh?"
"Yes." Mariing sagot ni Sofia upang matigil na si Sebatian sa mga sinasabi nito. Talagang malapit na siyang bumigay at pagnagkataon, masisira lahat ng pinagpaguran niya.
"Bakit ba ang ilap ilap mo ngayon? Samantalang kagabi ay halos tumira ka na sa bisig ko! Hindi mo ba nagustuhan ang nangyari kagabi?" Ngumiti ito ng nakakaloko, "I know you liked it too. Right, Sofia? Alam kong nasarapan ka din tulad ko... masarap di b..."
Isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa mukha ng binata, "Unang una, Sir! Wala kang karapatan na bastusin ako. Pangalawa, hindi mo ako pagaari na kung kailan mo sabihing gusto mo ako ay sasabihin ko rin na gusto kita! At pangatlo, hindi ang katulad mo na walang modo ang matitipuhan ko. Oo! Sige! Masarap na! Kung masarap! Pero, Sir! Respeto naman po. Yun lang, Sir! Magandang umaga po!" At nagmamadaling lumabas si Sofia sa opisina nito. Hindi niya napigilan ang sarili kaya't nagawa niya ito. Naguunahan naman ang mga luha niyang tumulo ng makapasok sa sariling cubicle.
Pasalampak na naupo si Sebatian sa kanyang upuan at napahilamos ang mga kamay sa mukha, "Hindi ko dapat sinabi iyon..." Aniya sa sarili na nagsisisi.
Susundan na sana niya ang dalaga ng mapansin niya ang tambak na trabaho na kanina pang nagaabang sa kanya. Hindi niya maaaring pabayaan ang trabaho niya ngayong puro kamatayan ang nagaabang sa kanya.
"Huy! Okay ka lang?" Puna ni Luz ng makalapit sa dalaga.
"Huh? Ah oo naman!" Pinahid ang luha.
"May naghahanap sayo kanina." Pag-iiba ni Luz, "gwapo s'ya at talaga namang may katangkaran. Seksi s'ya. Boyfriend mo ba iyon? Noong una'y hindi ko s'ya maintindihan kasi hinahanap daw niya si Fia. Sinong Fia? Ang gulo pero nagets ko naman s'ya. Gwapo lang talaga siguro kaya medyo alam mo na..." tsaka tumawa ito na may halong kilig.
Napatingin si Sofia kay Luz, "Si Tikdas?" Bulong niya.
"Huh? No! His name is... wait!" Kinuha ni Lucy ang isang note kung saan isinulat ng lalaki ang pangalan nito. "His name is Trevor..."
Tikdas.
"Sa cafeteria nalang daw s'ya mag-iintay sayo." Ngumiti pa ito ng makahulugan.
"Thank you, Luz. Off duty ako pero kung hahanapin man ako ni Sir Sebatian ay pakisabing nasa cafeteria lamang ako." Aniya sa sekretarya ni Sebastian at dali dali lumabas ng kanyang cubicle. Tuloy ay nakalimutan niya ang kanyang sariling telepono sa kanyang mesa.
Kapapasok palang niya sa malaking entrada ng cafeteria ng mamatahan ang kaibigan. Hindi rin nakalampas sa kanyang mga mata ang mga staff ng building na lihim na kinikilig habang nakatingin kay Tikdas at mukhang tuwang tuwa naman ang kaibigan niyang gwapong gwapo sa sarili.
"Hmmm..." Napabuntonghinga si Sofia at lumapit sa kaibigan.
"TIKDAS!" Talagang nilakasan pa nito ang pagtawag sa kaibigan.
"It's TREVOR!" Ganti ng kaibigan bago nagyakapan, "Don't call me Tikdas, Sofia. Maraming hmmmm dito. Nakakaturn off..." Bulong pa nito. Natawa naman ang dalaga sa kinilos ng kaibigan.
"Kailan ka pa naging mahilig sa babae?" Tumaas ang kanang kilay nito at sinuri ang kaibigan.
"Ngayon lang..." At sabay silang tumawa ng malakas.
"So, kumain ka na ba?"
"Yes, you?" Ani Sofia sa kaibigan.
"Hindi pa nga. Pero katatapos ko lamang magkape. Ang tagal mo kasi eh." Maaliwalas na anito sa dalaga.
"Pasensya na." Naalala tuloy niya ang pagkainis kay Sebastian. "Eh, oh anong balita?" Pag-iiba niya.
"Magandang balita." Agad sagot ni Tikdas at matamang nakatitig sa mukha ng kausap. "Ayon kay Sir Quezon, nakabalik na ng Pilipinas si Daniela..." Patangutango pa ito.
"Talaga? Paano? Kailan? Nasaan siya ngayon?"
"Relax, Fia!" Natatawang si Tikdas.
"Kaytagal kong hinintay ito." Maluha-luhang pahayag niya.
"I know, but..."
"But?"
"Kasi Fia, mahirap na ngayon eh." Nag-aalangang aniya.
"Teka, hindi kita maintindihan." Nawala ang mga ngiti nito sa mukha.
"Ibang Daniela na ang kakambal mo. Lahat ng salaysay mo tungkol sa kakambal mo ay kabaliktaran sa mga nakita ko..."
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan parin ito.
"Batay sa mga naging obserbasyon namin ni Sir Quezon, iba ang Daniela na nakaharap namin."
"Tikdas?"
"Sofia..."
"Please, sabihin mo ang totoo." Pagmamakaawa pa nito.
"Nakatanggap ako ng tawag mula sa isang mapagkakatiwalaang tao na dumating si Daniela De Guzman mula America kaya't agad ko itong inalaman at pinuntahan..." Huminga muna ang binata bago muling nagsalita, "babaeng lumpo, basag ang kalahating mukha, at halos hindi na makilala ang mukha ng maratnan ko si Daniela sa isang ospital..."
"What? No! Hindi yan totoo!" Halos mahulog si Sofia sa kinauupuan nito.
"Sofia, huminahon ka..." Pangaalo niya sa kaibigan.
"Paano ako hihinahun kung nasa bingit ng kamatayan ang kakambal ko!" Napalakas ang boses nito na siyang nakaagaw naman ng pansin sa mga tao doon.
"Sofia..."
"Kailangan ko siyang makausap."
"Hindi pa sa ngayon, Sofia. Kailangan nating magingat upang sa susunod na hakbang ay makilala na natin ang nasa likod ng lahat ng ito." Pangangamba pa ni Trevor sa kaibigan.
"Pero..." Pamimilit pa niya.
"Magtiwala ka lang." Napatango naman ang dalaga at agad pinahid ni Tikdas ang luha sa mga mata nito.
Malakas na tighim ang nagpatuwid sa pagkakaupo ni Sofia at Trevor. Sabay pang napalingon ang dalawa sa pinang galingan ng tinig, "Mukhang naabala ko kayo..." Ani Sebastian na nakapamulsa pa habang titig na titig sa dalawang kaharap.
"Sir..." Napatayo si Sofia. "Ah..." ganoon din si Tikdas.
"Kanina pa kitang tinatawag. Kaya pala hindi mo sinasagot kasi..."
"Pasensya na po, Sir!" Sabat naman ni Trevor.
"I'm not talking to you..." Binalingan ng tingin ni Sebastian ang lalaking nagsalita. Lihim na napangiti si Trevor, I knew it!
"Pero... Sir off duty po ako ngayon kaya't narito ako..."
"Pero kailangan kita, De Guzman." Mariing sagot nito. Nasamid sa sariling laway itong si Trevor bago palihim na kumindat sa kaibigan.
"Sige na Fia, mauuna na ako..." Nakaramdam ng tensyon si Trevor. Hindi siya manhid para hindi mapansing selos ang dahilan ng pagiging walang modo ni Sebastian.
"Pero..."
"Magkita nalang tayo sa ibang araw..." Bawe naman ni Tikdas.
Aba! At may balak pa ang isang ito! Pagsusumigaw ng utak ni Sebastian.
"Sige. Ingat ka huh..."
"Oo naman." Naglakad sila palayo kay Sebastian at bago pa man makaalis ang kaibigan ay niyakap ito ni Sofia.
"Maraming salamat, Trevs..."
"Basta ikaw!" Ginulo pa ni Tikdas ang buhok ng dalaga bago tuluyang lumabas sa cafeteria.
Nakangiti si Sofia. Masaya siya. Ngayon, matatapos na ang kalbaryo at tinik na nakasuksuk sa buhay nila. Bagaman nasa ospital ang kakambal, malaki ang tiwala niya sa kaibigan. Si Tikdas at Everwing lamang ang nakakaalam ng lahat sa buhay niya at nagpapasalamat siya sa panginoon.
"Mukhang masaya ka." Pamumuna ni Sebastian ng makalapit sa dalaga.
Nawala ang ngiti niya. Naalala na naman ni Sofia kung paano siya binastos ng kaharap. "Do you need anything, Sir?" Magalang niyang tanong na hindi binigyang sagot ng kausap. Kung pormalan lang din naman ang labanan ay kayang kaya iyon ni Sofia. Kaya niyang maging bato sa harapan nito.
Naningkit ang mata ni Sebastian, "May date kami ni Elainne mamaya at gusto ko ay ikaw ang magmaneho ng sasakyan ko..." Pinagkariinan pa nito ang bawat salita. Wala ito sa plano ni Sebastian. Ang balak nitong humingi ng paumanhin sa nangyari pero napalitan naman ng inis. Inis? O baka naman selos? Oh come on Sebastian!
"Okay, Sir." Tipid na sagot nito at tuluyang iniwan ang kausap.
Naiwang laglag ang panga ng binata. "Sofia naman..." tatawagin pa sana niya ito ngunit malayo na agad ang dalaga sa kanya. Napakamot na lamang si Sebastian sa ulo at napailing iling.
Tahimik na naupo si Sofia sa tabi ni Luz. Muli niyang inalala lahat ng nangyari sa loob ng isang linggo. Napapailing na lamang siya.
"Oh kanina ka pa dyan?" Ani Luz.
"Oo." Ngumiti siya.
"Bakit ang init ng ulo nyan?" At nginuso ni Luz si Sebastian ng papasok na rin ng opisina nito.
Napatingin siya sa kasasaradong pinto, "Ewan..." Sagot na lamang niya.
"Baka nanlalaki na naman si Elainne. Mahilig kasi yun sa mga lalaking mayayaman at..."
"Nanlalaki?" Halos malaglag ang panga n'ya sa gulat.
"Ay? Oy huh! Secret lang yun huh..."
Nagulat si Sofia sa mga narinig nito mula sa sekretarya ni Sebastian, "No problem." Ani Sofia.
"Eh kasi yang si Elainne, ilang beses na ni Sir Sebastian nahuli na may lalaki. Pero dahil sa mahal niya nga eh di hayun, magpapakatanga si Sir..." Pagpapatuloy pa ni Luz.
"I see..."
"Mas bagay nga kayo ni Sir eh!" Palatak ni Luz.
"LUZ!" Nilakihan niya ito ng mata. Napahagikhik naman sa tawa si Luz dahil sa reaction niya.
Mula sa bintanang salamin ay tanaw ni Sebastian ang masayang mukha ni Sofia. Boyfriend niya ba ang lalaking yun? Di hamak naman na mas gwapo ako dun! Inis na naalala ni Sebastian ang lalaking kasama ni Sofia kanina. Napailing siya at muling pinagtinuunan ng pansin ang tambak na trabaho. Lumipas ang oras at natapos naman niya ng mabilis ang mga papels na dapat niyang basahin at permahan.
Magaalasyete pa lamang ng gabi ay nagaabang na si Sofia sa harapan ng magarang sasakyan ni Sebastian. Sa suot nitong faded jeans at simpleng white t-shirt ay talaga namang nag-mukha siyang alalay. Mas mabuti na iyon upang maiwasan niyang mapuna ng nobya nito lalo pa't siya ang magiging driver ng magkasintahan.
Napalunok si Sofia ng makita niyang papalapit na si Sebastian sa kinatatayuan niya. Bahagyang kumaripas sa bilis ang tibok ng kanyang puso. Napakagwapo niya.
"Let's go? Baka iniintay na ako ni Elainne." Ani Sebastian.
Hindi iyon narinig ng dalaga dahil sa busy siya sa pagsinghot dulot ng kakaibang bango mula kay Sebastian. At ang bango pa!
"DE GUZMAN! Hindi mo ba ako naririnig? Ang sabi ko ay umalis na tayo!" Sigaw nito sa dalaga kaya't napatalon si Sofia sa gulat.
"Yes, sir!" Patakbong sumakay ang dalaga at binuhay ang makina. Naupo naman si Sebastian sa likuran na lihim namang napapangiti. Mukhang epektib ata ang pangaakit ko sa kanya. Masayang sabi ni Sebastian sa sarili.
Tahimik lamang silang dalawa hanggang sa makarating sa bahay ng nobyang si Elainne.
"Babe." Ani Sebastian at hinalikan sa labi ang nobya. Napaiwas naman ng tingin si Sofia. Mahirap na baka mamaya'y iba pa ang isipin ng dalawang ito sa kanya.
"Who are you?" Pamumuna ni Elaine ng mapansin nitong babae ang nagbukas ng pinto ng sasakyan para sa kanya.
"Ah, si De Guzman. Bago naming driver..."
Driver pa nga! Nasamid bahagya si Sofia.
"Really?" Gulat na gulat si Elainne.
"Yes. But don't mind her, Babe." Pang-aalo ng binata sa nobya.
Napatango-tango nalang si Elainne habang sinusuri niya si Sofia na tahimik lang nakaupo sa unahan, "I missed you so much, Babe." Ani si Sebastian habang nakatingin sa tahimik na si Sofia. Talagang nilaksan niya iyon upang marinig nito.
"I know." Maarteng sagot nito at tuluyang kumandong sa ibabaw ng nobyo. Nagulat naman si Sebastian sa ginawa ng nobya. Hindi niya inaasahang ganoong ang mangyayari.
Walang pasa pasabing hinalikan ni Elainne si Sebastian habang nasa kandungan siya nito. Walang nagawa si Sebastian kundi tugunin ang mainit na halik ni Ellaine. Bahagyang napapreno si Sofia sa gulat. Muntikan namang mahulog si Elainne sa kandungan ni Sebastian.
"What's wrong with you woman!?" Bulyaw ni Elainne.
"Pasensya na po. Ano kasi— ah, may dumaang pu—pusa, Ma'am. May pusa!" Pagsisinungaling nito.
"PUSA?" Sabay pang tanong ni Sebastian at Elainne. Hindi maiwasang di mapangiti ni Sebastian ng palihim. Alam niyang naiilang si Sofia sa mga makikita nito.
"Opo. Pasensya na..." Nagpatuloy sa pagmamaneho si Sofia. Paminsan minsan pa ay napapatingin siya sa salamin at nagtatama ang mga mata nila ni Sebastian. Napapaiwas na lamang siya ng tingin sa binata.
Malalim na ang gabi at talaga namang pinapapak na siya ng lamok sa kinatatayuan niya kung saan ay iniwan siya ni Sebastian at umalis kasama ang nobya. Nasa labas siya ng isang mamahaling sinehan. Sa pagkakaalam niya ay inarkela pa ito ni Sebastian para sa nobyang si Elainne. Kaya't heto siya sa parking lot at nagiintay sa pagbalik ng amo. Lumipas pa ang ilang oras ng mamatahan niyang palabas na si Sebastian sa naturang sinehan.
"Seb?" Napatakbo siya dahil sa lasing ito at gumigewang pa sa paglalakad.
"Sir, anong nangyari?" Aniya at inalalayan ang binata. "Nasaan si Elainne?" Pagtataka niya.
Hindi sumagot si Sebastian hanggang sa makasakay sa sariling sasakyan, "Let's go home, Fia." Anito.
Para namang hinaplos ng tinig nito ang puso niya. Fia?
"Pero si Elainne, Sir?"
"Nakaalis na siya." Walang ka gana ganang sagot nito.
Kahit nagtataka ay marahan niyang binuhay ang makina ng sasakyan. Tahimik lamang sila pareho at nagpapakiramdaman. Ano bang nangyari? Gusto niya itong tangunin pa pero sino ba naman siya para manghimasok sa buhay nito?
"Sir..." Aniya na hindi mapigilang hindi magtanong, "Ano ho bang nangyari? Bakit lasing na lasing ka?" At nauwi ito sa paninermon.
"Who do you think you are para magtanong sa personal life ko? Shut up and drive me home, dammit!" Sagot agad ni Sebastian.
Pakiramdam tuloy ng dalaga ay napahiya siya. Parang sinampal siya ng dalawang beses sa iisang pisngi. "Pasensya na..."
"Mag-driver ka nalang, De Guzman? Pwede?" Aniya pa.
Hindi na muling nagsalita pa ang dalaga. Wala siyang balak patulan ang katarayan nito.
MAHIHINANG tapik ang gumambala sa nahihimbing na si Sebastian. Napamulat ito at napatuwid ng upo, "Narito na po tayo, Kamahalan..." Pormal niyang sabi.
Muli ay hindi sumagot si Sebastian. Naglakad lamang ito papasok sa mansion. Naiwang iiling iling si Sofia.
Aba nga naman! Hanep talaga! Snob!
Nang masigurong maayos ang pagkakasara niya sa pinto ay saka nagsimulang naglakad ang dalaga paakyat sa kwarto nito. Dahil nga sa masaya siya na muling makakasama ang kakambal at kahit pa nasa ospital ito ay hindi niya maiwasang hindi mapasipol sa kalagitnaan ng gabi habang tumatango tango pa. Laking gulat na lamang niya ng biglang may humatak sa kanyang braso.
Mainit na dibdib ang nakayapos sa kanya. Ang bawat hinga nito ay tumatama sa kanyang makapal na buhok. Hindi siya makagalaw dahil sa mahigpit na pagkakayakap nito sa kanya.
"Please, stay." Bulong ni Sebatian.
Huh? What? Bumilis ang tibok ng kanyang puso.
"Sebastian—"
"Ssshhh..." Pangaalo nito upang tumahimik siya. Kusang gumalaw ang mga bisig ni Sofia upang gumanti sa mainit na yakap ni Sebastian.
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro