Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1

KABANATA 1

Tenderloin Steak And Potato Salad




Ala sais pa lamang ng umaga ay nag-iintay na si Sofia sa harapan ng isang mataas na gusali na pagmamayari ng mga Alonzo. Ngayon ang unang araw ng trabaho niya sa anak nito bilang security escort. Kahit puno ng pagtataka ay sinunod niya ang mga utos ng bilyonaryong si William Alonzo.




Tumingin sa kanyang relong pambisig at ng makitang alas otso na ng umaga ay agad siyang pumasok sa mataas at modernong gusali upang hanapin ang pangalang ibinigay sa kanya ng Don. Mukhang mahihirapan siya dahil sa laki at lawak ng lugar kaya't minabuti nito agahan ang pagpunta roon.




Mabilisang binabasa ni Sebastian ang isang memo na nakapatong sa mesa niya. Kinuha niya ang calculator at may kinukwenta sandali bago ipinagpatuloy ang ginagawa. Pagkatapos basahin ay agad pinirmahan iyon at inilagay sa out tray. Muling tumingin sa tambak ng mga papel at napasulyap sa malaking wall clock na nakasabit sa dingding.




"Paano ko matatapos ito bago mag-alas dose." Inalala ang lunch date nito kay Elaine. Ayaw na ayaw pa naman ng nobya nito ang nalalate.




Tumingin muli sa mga papel at muling binasa ang mga iyon. Kailangan matapos niya ito agad. Pinindot ang intercom at sumagot naman agad ang sekretarya niya. "Luz, pahingi nga ako ng kape, salamat."




Ibababa na sana niya ang intercom nang may pinahabol si Luz. "Ah, Sir, may naghahanap po sainyo dito."




Nairita ito. "Who?" Kumunot nuo.




"One moment, Sir." Dinig na dinig niya ang boses ni Luz sa kabilang linya kaya naman muling nalukot ang noo niya sa pagtataka, "Si Miss Sofia De Guzman daw po, Sir. Pinapunta daw po siya ng Papa niyo."




"Ano? Anong company? Kung wala syang appointment, pakisabi na sa ibang araw nalang sya bumalik. Busy 'kamo ako." At agad ibinaba ang intercom.




Maya maya ay kumatok naman ang sekretarya nito. Sino na naman kaya itong istorbo na ito? "Come in."




Pumasok si Luz na halatang balisa, "Eh... Sir, ayaw po talagang umalis ni Miss De Guzman. Ang Papa n'yo na daw po ang bahalang magpaliwanag sainyo, Sir."




Nag-init na talaga ang ulo ni Sebastian. "Sabihin mo busy 'kamo ako! Isa pa, hindi ako tumatanggap ng bisita kung walang appointment."




"Pero, Sir..."




"Mister Alonzo?" Anang babaing nakasilip sa pinto. Pumasok na ito at iniabot ang kamay kay Sebastian. "I'm Sofia De Guzman."




Bahagya itong nagulat. Agad namang tinugod ang kamay ni Sofia na humihingi ng atensyon niya.




"Miss De Guzman?" Nasabi na lamang ni Sebastian at noon naman eksaktong dumating ang Papa nito, ang bilyonaryong si William Alonzo.




"Ah, Sebastian. Dumating na pala si Miss De Guzman. Siya ang bago mong personal assistant." Bungad ng matandang hinihingal pa.




"Personal assistant?" Gulat na tanong ni Sebastian. Para itago ang pagkakagulat at huwag na lang mapahiya sa nakamasid na si Miss De Guzman ay ngumiti si Sebastian. "Wala kang nasasabi sa akin tungkol dito, Papa."




"Nakalimutan ko. Maupo muna tayo at ipapaliwanag ko lahat."




Walang nagawa si Sebastian kundi ang sumunod sa Papa niya.




"Pahingi nga ng kape, Luz. Black para sa akin." Anang Don William. Tumingin ito kay Miss De Guzman. "Ano ang gusto mo, Sofia?"




Tumanggi ang dalaga. "Salamat na lang po, Sir."




Naupo si Sebastian sa gilid ng mesa niya. "Hindi mo nasabi na kukuha ka ng personal assistant, Papa. Kaya naman namin ni Luz ang trabaho dito."




"Sinabi ko lang na siya ang magiging personal assistant mo, Sebastian... pero ang totoo ay si Sofia ang magiging bodyguard mo." Paliwanag ng ama.




"Ano?! Bodyguard!" Gulat na sabi ni Sebastian. "Bakit ko naman kailangan ng bodyguard?" Tumingin ito kay Sofia na tahimik na nakamasid at nakaupo lang sa isang tabi. Mas bagay itong fashion model. Bodyguard? Ha! Nakakatawa!




"Huwag kang magbiro, Papa. Hindi ko kailangan ng bodyguard." Giit parin nito sa Ama.




"Kailangan mo, Seb, anak..." Humigop ng mainit na kape ang ama. "Ang totoo ay nakakatanggap kami ng mga death threat ng Mama mo nitong mga nakaraang araw. Akala ko naman ay isa, dalawa, tatlo... pero parami ng parami ang nagpapadala noon sa akin. Gusto ko lang na ilayo ka sa kapahamakan." Mahinang sabi ng Don ng nakalabas ang secretary nito at sila na lamang ang naroon.




"What? Bakit hindi niyo sinabi 'to sa akin?" Sobrang nagulat ang binata dahil sa nalaman nito sa ama.




"Nagaalala lang kami ng Mama mo kaya't kumuha kami ng bodyguard para sa bawat isa. Pinoprotektahan ka lamang namin ng Mama mo. Isa pa, hindi mapapanatag ang Mama mo kung wala kang bodyguard."




Alam ni Sebastian na kapag ang Mama niya ang nagsabi, maging ang makapangyarihang si Don William Alonzo ay walang magawa kundi sumunod. Muling sinulyapan ang babaeng magiging bodyguard niya kung saka-sakali. Ang unang napansin nito ay ang mahabang at maputing legs na hindi maitago sa suot na stockings. Pang fashion model. Sumunod ay ang kulay abo nitong buhok na alon alon.




Parang ang bango niya. Sayang nga lang at naka-business suit ito. Hindi ko tuloy makita ang korte ng katawan. Bakit ba kasi nauso pa sa mga babae ang blazer. Bumalik muli ang tingin sa mga legs ni Sofia. Hanep! Talagang hanep sa legs. Long legged. Okay na rin ang height.




"Wala namang mangyayari saking masama Pa, maingat naman ako at hindi masyodong lumalabas," aniya. Lumapit siya sa Ama at bumulong. "Yan bang mukhang ramp model na iyan ang magiging bodyguard ko? Mukhang mas kailangan niya ng proteksyon kaysa sa akin." Tumawa pa ito ng mahina na may halong pangiinsulto.




Bumulong din ang ama, "Don't under estimate that girl. She's one of the best, Seb." Ngiting ngiti ang ama. "Kaya nga yan ang kinuha ko kasi alam kong weakness mo ang mga magagandang chicks," pabirong sabi pa nito.




"Baka ako pa ang maging bodyguard niya. Sa ganda nyang yan, baka wala na akong gagawin kundi ang manapak ng mga mambabastos sa bodyguard ko." Biro din ni Sebastian.




Sa kabilang dako ng opisina ni Sebastian ay naririnig lahat ni Sofia ang pinag-uusapan ng magama. Bakit ba lahat ng lalaki ay sex object lamang ang tingin sa aming mga babae? Disgusting!




Napansin naman ni Sofia ang magandang samahan ng magama. Wari'y magkapatid lamang ang mga ito. Ang totoo ay nagulat umano ang dalaga ng malaman na isang gwapong binata ang subject niya. Kadalasa'y bata ang napapatapat sa kanya na minsan anak ng mga mayayamang intsik. Lalo pa itong nagulat ng makita nito ang karatula sa labas ng opisina na itinuro sa kanya kanina, Executive Vice President : Sebastian Alonzo Hindi lang pala basta mayaman ang subject niya ngayon, kundi ubod ng yaman. Mukhang mahihirapan ako nito, bulong ni Sofia sa sarili.




"Okay, deal tayo, Papa. Bibigyan ko sya ng dalawang linggo. Kung hindi kami magkasundo, out she goes." At sisiguraduhin kong susuko sa akin ang babaing ito.




Pinakilala ni Don William si Sofia sa sekretarya ni Sebastian bilang personal assistant ng anak. Binigyan din siya ng isang maliit na cubicle bilang opisina. Mula sa mesa ni Sofia ay makikita nito ang mga dumarating na taong maaaring maghanap kay Sebastian.




Pag-alis ni Don William ay naglibot si Sofia sa opisina para tingnan ang mga posibleng security hazards sa loob ng gusali. Kinabisado rin ng dalaga ang mukha ng mga taong nagtatrabaho roon. Sa kanyang paglilibot libot ay hindi maiwasan ng mga taong mapahabol ng tingin sa kanya, subalit hindi yun pinansin ni Sofia.




Tamang tamang palabas ng opisina si Sebastian ng bumalik si Sofia, "Aalis muna ako, Luz." Anito sa sekretarya. "Kung may mga importante akong tawag kuhanan mo nalang ng message. Babalik ako mamayang alas dos. Kung si Elaine naman ang tumawag, pakisabi na on the way na ako." Nagmamadali si Sebastian patungo sa elevator. Bago pa man sumara ang pinto ng elevator ay pumasok din si Sofia doon. Tumaas ang kilay ng binata. "Saan ka pupunta, Miss De Guzman?"




"Kung saan ka pupunta, Sir." Deretso ang tingin nito na hindi kumikibo sa kinatatayuan.




"Ano ang ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Sebastian, "meron akong meeting."




"Doon nga ako pupunta." Ulit ni Sofia.




Nayamot si Sebastian, "Don't you understand? Sasabihin ko sa iyo ng deretso. Meron akong date kasama ang girlfriend ko!"




"Okay lang 'yon, sanay na ako, Sir." Sabi ulit ni Sofia na relax lang.




Namula si Sebastian, "personal ang lakad ko, De Guzman!" Nagpipigil na talaga siya ng galit, "kakain kami ng tanghalian, ano ang gusto mo? Kasali ka namin sa pagkain?"




Ang totoo ay lihim na natatawa si Sofia. Hindi na bago sa kanya ang mga lalaking nagpapa-macho image. Karamihan sa mga gwapo at mayayamang lalaki na na-escortan niya ay galit sa mga babaeng security escort dahil sa pakiramdam nila ay nababawasan ang pagkalalaki nila. "Hindi, Sir. I'll be discreet. Hindi mo nga halos mamamalayang nandoon ako sa restaurant na kakainan niyo." Mahinahong sagot parin ni Sofia ngunit sa isang banda ay gusto ng sumabog ng isang malakas na tawa.




Sa pakiwari ni Sebastiab ay pinipilosopo pa siya ng kausap. "Hindi mo talaga ako maintindihan ang gusto kong sabihin, De Guzman? Hindi kita kailangan doon. Ano bang mangyayaring masama sa akin sa pagkain ng tanghalian? The worst siguro ay ang mabilaukan ako."




Huminto na sa ground floor ang elevator, "hindi ka naman siguro nurse by any chance para bigyan ako ng first aid." Dagdag pa nito.




Hindi nagpatinag ang dalaga, "Pwede ko ring gawin 'yon, Sir. May training ako sa first aid."




Suko na talaga si Sebastian. Binuksan nito ang kotse niya, "saan ka sasakay? Huwag mong sabihin na ipagda-drive pa kita?"




"Hindi, Sir." Tinuro ni Sofia ang katabing lumang kotse na katabi ng sasakyan nito. "Magkita na lang po tayo doon." Sabi ni Sofia sa papasakay na si Sebastian.




Napailing ang binata, "sigurado ako, hindi kita hahanapin, De Guzman." Pinasibat nito ang kotse at naiwan ang pangiti-ngiting si Sofia.




Natatawa lang si Sofia sa parang batang kinikilos ni Sebastian. Tulad nga ng sabi niya, sanay na siya sa mga ganitong klase ng sitwasyon. Alam niyang sa simula lang naman ganito ang sitawasyon. Pagkalipas ng dalawang linggo ay sanay na ang mga ito at hindi na mamamalayang may security escort sila.




Nagpalipas muna ng ilang minuto si Sofia bago sumunod kay Sebastian papasok sa isang mamahaling reataurant sa may Makati. Pagpasok pa lang sa kainan, nakita na agad nito si Sebastian. Nakaupo ito sa isang mesa sa tabi ng bintana kaharap ang sinasabi nitong girlfriend na si Elaine. Sa pagkakaalam niya, anak iyon ng isang super yamang businessman na nakapangasawa ng Kastila kung kaya't ganoon na lamang kaganda ang girlfriend nito na parang isang modela.




Pinili ni Sofia ang isang mesa sa kabilang bahagi ng restaurant. Umupo siya ng patagilid mula sa kinauupuan nina Sebastian at ng girlfriend nito. Lumapit sa dalawa ang isang waiter dala ang menu at mayroon ding lumapit kay Sofia. Nang makitang umo-order na sina Sebastian ay umorder na rin si Sofia. Gutom na talaga siya at mukhang masarap naman ang pagkain.




Juice lang ang inorder ni Sebastian para sa kanila ni Ellaine. Si Sofia naman sa kabilang dako ay umorder ng paborito niyang Tenderlion steak and potato salad. Naririnig niyang kumakalam ang sikmura niya sa gutom lalo na ng maamoy ang masarap na gravy ng ihain sa dalaga ang inorder.




Nang napansin ni Sebastian na nagsimula nang kumain si Sofia ay niyaya nito ang girlfriend, "Parang ayoko ng steak today, Elaine. Gusto mo bang mag-roaster chicken nalang tayo? May Roasters na malapit lang dito..."




"Pero nandito na tayo, Babe." Pilit ni Elaine. "Sayang naman ang oras. Maghihintay na naman tayo."




Tumayo si Sebastian at hinawakan sa kamay ang nobya. "Hayaan mo na iyon."




Nasa kasarapan ng pagkain si Sofia ng makita nitong tumayo si Sebastian at Ellaine. Dali-daling siya uminom ng tubig at dumukot ng pera sa kanyang wallet at ipinatong sa mesa.




Ang unang tiningnan ng dalaga ay ang nakaparadang sasakyan ni Sebastian, nandoon parin ito ngunit wala ang dalawa. Mabilis siyang naglakad at tamang tama namang nakita niya ang dalawa na papasok sa isa pang restaurant habang nagtatawanan. Lalong nainis ang dalaga, "Humanda ka saking Sebastian ka!" Alam nito na lalo siyang iniinis ni Sebastian kaya't wala siyang balak na magpahalata na naiinis siya.




Hindi muna pumasok sa restaurant ang dalaga at hinayaan muna nitong magsimula sa pagkain ang dalawa. Nang pumasok siya doon ay pinili ni Sofia ang isang mesang katapat mismo ni Sebastian. Tumingin muna ng masama si Sofia bago naupo sa tapat nito. Hindi naman siya pinansin ng binata na parang walang nakita.




Sumenyas siya sa isang waiter at umorder ng maiinom. Nawala na ang gutom niya at napalitan ng inis sa binata.




Habang masayang natatawanan ang mag nobya ay nakatanghod lamang si Sofia kay Sebastian na hindi manlang kumukurap. Naasiwa naman si Sebastian sa ginagawa ni Sofia subali't wala siyang magawa, alangan namang ayain muli nito ang nobya na lumipat sa ibang restaurant? Siguradong makakahalata na ang nobya sa ginagawa niya kaya't nagpasya ito na huwag na lamang tumingin sa magandang mukha ni Sofia.




Natapos silang kumain ni Ellaine na parang hindi naman nabusog si Sebastian sa kinain nito. Nang maihatid ang nobya sa sariling kotse nito ay agad tumuloy sa parking lot kung saan ay nakapark ang sasakyan niya. Luminga-linga ito upang hanapin si Sofia ngunit wala na ito doon. Nagpasya siyang umalis at bumalik sa trabaho.




Laking gulat na lamang nito ng makita niya si Sofia na nagbabasa ng dyaryo sa harapan ng secretary niya kung kaya't nakaramdam ito ng inis, "Huy, De Guzman! Bakit nandito ka? Dapat ay pinabantayan mo ako, hindi ba?" Hindi mapigilang sabi nito.




"Yes, Sir. Kaya nga nandito na ko, to make sure na safe ang daraanan mo." Ngumiti ito sabay taas ng kanang kilay. Huwag mo 'kong simulan!




Nagulat ang binata sa sagot nito. Hindi malaman kung ano ang isasagot dito, "Good." Yun na lamang ang lumabas sa kanyang bibig at tumuloy sa kanyang opisina.




Anong akala mo? Maiisahan mo 'ko? You watch and learn! Nangingiting bumalik ang tingin sa dyaryong binabasa. Pero sa totoo lang ay binabasa ni Sofia ang cartoons doon at talagang gusto na niyang matawa tungkol sa joke doon ni Erap. Nang narinig ni Sofia ang paglapat ng pinto ng opisina nito ay tsaka siya tumawa ng malakas.




Samantalang si Sebastian ay ipinagpatuloy ang trabaho. Binabasa niya ang isang production report nang tumunog ang telepono. "Hello," aniya.




"Mister  Alonzo, Mister Chong from Singapore is one the line."




Nabigla si Sebastian sa bagong tinig na narinig. "Sino 'to? Luz?"




"No, Sir. This is me, De Guzman. Sofia De Guzman, Sir." Sagot ng bodyguard niya.




"Ikaw? Bakit? Nasaan si Luz?" Nagtatakang tanong nito.




"Nandito sa tabi ko. Kaya lang Sir, part of my job is to screen all your calls." Paliwanag niya.




"Ha? Sino naman ang nagsabi sa iyong pwede mong gawin yan? Walang ibang dapat makialam sa mga telephone calls ko nang hindi ko alam!" Halos sumigaw na ang galit na galit na si Sebastian.




Napansin naman agad ni Sofia iyun, "Sir, long distance po si Mister Chong from Singapore."




"Sige, ikonekta mo!" Sagot nito sa kabilang linya. Ngunit pagkababa-baba palang ng telepono ay ipinatawag ni Sebastian kay Luz si Sofia. "Luz, papasukin mo dito si De Guzman, plaese." Nasa tono ang inis.




Hindi naman nagtagal at pumasok ang dalaga, "pinapatawag nyo daw po ako."




"Oo! Gusto ko lang linawin sayo na hindi mo pwedeng ulitin ang ginawa mo kanina o anumang bagay tungkol sa akin without my permission!"




Napansin naman ni Sofia na hindi manlang siya nito inalok para maupo kaya't nakatayo lamang ito habang nagpapaliwanag. "Pero Sir, kasi po utos iyon ng father niyo na makatitiyak ng kaligtasan niyo, and I just want to repeat again Sir, trabaho lang po."




Ano na nga ba ang magagawa ni Sebastian? Hindi naman niya pwedeng kontrahin ang sinabi ng Papa niya sa harap ng isang empleyado lang. Magmumukha silang katawa-tawang mag-ama. Ang hindi niya matanggap ay kumuha rin lang naman ng bodyguard niya ay babae pa at ni hindi manlang pinaalam sa kanya.




"Lilinawagin ko lang, Miss! Bago ka gumawa at makialam ng kahit anong bagay na may kinalaman sa akin ay sabihin mo muna para alam ko. Hindi ko gustong may ibang nagdedesisyon tungkol sa buhay ko!" Anito na gigil na gigil.




Hindi kumibo si Sofia.




"Understood?!"




"Naiintindihan mo ba ako?!" Sigaw pa nito.




"Yes, Sir!"




Nagpatuloy si Sebastian sa kanyang ginagawa habang nakatayo naman si Sofia sa harapan nito.




"May kailangan ka pa, De Guzman?" Nag-angat ito ng tingin ng mapansing hindi ito gumagalaw.




"Ako? Sir? Wala naman po. Di ba pinatawag mo 'ko, Sir. Baka ikaw, may kailangan ka pa?" Sagot nito na may halong pang-aasar.




Aba't pilosopo! "Wala na Miss! Makakalabas ka na! Hindi kita kailangan dito!"




"Okay, Sir." Lumabas ito.




Nakatitig ang binata sa pintuan kung saan ay kalalabas lamang ni Sofia.




"Ano bang klasing kamalasan ito at binigyan ako ng super kulit pero magandang bodyguard." Naiiling nitong bulong.




:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro