Kabanata 8
🍀🍀🍀
Stella's POV
Mariin kong tinitigan ang business card na binigay niya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukuti niya kanina.
Huh, one-night escort? Legit talaga? One million? Ang swerte ko naman kung ganoon?
Ganito rin ang ginawa niya sa akin noon. But I doubt it if he remembers me. It's better for us not to know each other because I don't want to get involved with him anymore.
Tumayo ako at naligo na. Iniwanan ko lang ang business card niya sa mesa. It took me ten minutes to scrub my skin and refresh myself. I blew dry my hair while thinking.
I think I need to go to the salon to get a hair treatment and a trim. Kahit pa siguro balot ang buong katawan ko, ay hindi naman ako pabaya sa sarili ko.
Love yourself because it's yourself and nobody else.
Iyan palagi ang litanya ni Papa sa akin noon noong nabubuhay pa siya. I miss my Papa so much. Pina-cremate noon ni Mama ang katawan niya at nilagay sa isang pribadong sementeryo ang abo niya. Dinala ni Mama ito sa Cagayan de Oro. Ayaw niya kasing mahiwalay kay Papa.
Natulog na ako, madaling araw na rito. Ayaw ko munang isipin ang alok ni Norman sa akin, baka bukas mas malinaw na ang pag-iisip ko kompara ngayon na litong-lito.
ANG ingay ng cellphone ang gumising sa akin. Alas nuebe na ng umaga at mabigat pa ng talukap ng mga mata ko, dahil night shift nga naman ako sa bar. Gusto ko pang matulog.
"H-Hello?" pikit-mata ko. Hindi ko man lang tiningnan kung sino ang tumawag sa akin ngayon.
"A-Anak? Stella?" ang boses ni Mama ito.
"Ma? Good morning," I said lazily.
"Anak, ang kapatid mo si Marvin. Isinugod namin sa hospital kagabi. Sumakit ang tiyan niya at—"
Naalimpungatan agad ako at napabangon mula sa pagkakahiga.
"Ho? Si Marvin? Bakit?" Litong tanong ko at kinabahan na. Humakbang ako pababa patungo sa kusina ng bahay ni Tilda. Kumuha ako ng tubig mula sa ref.
"Pumutok ang appendix niya, anak. Isinugod namin ng Tito mo sa pribadong hospital dito. Nasa labas ako ngayon ng emergency. May pinirmahan lang ang Tito mo at nakapag-downpayment na siya para masimulan na ang operasyon ngayon."
Pinikit ko na ang mga mata.
My God! I only have fifteen thousand in my account. Naubos ang savings ko dahil sa bayarin ng walanghiyang Earl na pesti na iyon!
"Magkano raw, Ma?"
"Nag-down ang Tito Fidel mo ng fifty thousand kanina. Hiniram pa niya iyon sa negosyanteng kaibigan niya. Emergency lang. . . sorry, anak. Wala kasi akong pera. Naubos ko ang ipon sa tuition ng kapatid mo. May pera ka ba'ng naitabi, anak?" mababang boses ni Mama.
"Uhm, m-meron naman, Ma. Hahanap ako ng pandagdag. Ako na bahala, Ma. . . pakisabi kay Tito na babayaran ko rin siya. Magkano kaya sa tingin mo ang bayarin natin sa lahat-lahat, Ma?"
"H-Hindi ko alam, anak. Pero siguro nasa kulang-kulang one hundred thousand? Depende sa condisyon ni Marvin. Pero sabi ng doctor, malusog daw si Marvin at bata pa. Mabilis ang magiging recovery niya."
"Okay, Ma. Ako na pong bahala. Sige, Ma. I love you. Bye." Pinatay ko na ang tawag at napasandal ako sa kinauupuan ko.
Dios ko, saan ako kukuha ng pera nito?
Tilda is out of town, and I still owe fifty thousand to her. Nakakahiya naman kung lalapit ulit ako sa kanya. Wala akong trabaho kaya hindi ako puwedeng mag emergency cash out.
My goodness! Mag-isip ka nga Stella, hanggang sa napako ang paningin ko sa business card ni Norman na naiwan dito sa mesa kagabi.
Wala na ba talagang ibang paraan?
Kunot-noo ko itong tinitigan sa sarili. Makailang beses ko pang binasa ang pangalan niya at paulit-ulit sa isipan ko ang numero niya. Na-memorise ko na 'ata!
Napahilamos ako sa sarili at ginulo na ang buhok ko.
Ang cheap ko at siya pa talaga? Wala na ba'ng iba? Wala na nga 'di ba? Wala na Stella!
Tumayo ulit ako, at pumasok ng banyo para maligo. Nag-ayos sa sarili at sinuot ang makapal na suot ko. I took a deep breath while looking at myself in front of the mirror. Nagtatalo ang isip at puso ko kung tatawagan ko ba siya o hindi na.
Hawak ko na ang business card niya at ala-una na. Kanina pa ako pabalik-balik nang lakad at hindi mapakali sa sarili. Hanggang sa tumunog na ang cellphone ko, at nabitawan ko tuloy ang business card ni Norman sa kamay ko.
When I look at my phone to see who's calling it was an unregistered number. Baka si Tilda lang din ito. Minsan kasi iba't-ibang numero ang ginagamit niya. Lalo na ngayon na out of town siya.
"H-Hello?"
The line went quiet for a couple of seconds.
"Hello? Ti? Is this you?" babang boses ko at napabuntong-hininga na ako. Kakapalan ko na ang mukha ko sa kanya. Wala na akong ibang malalapitan.
But then, when I heard a clearing throat, and it was not Tilda. My heart throbbed. It was a man's voice.
"Uhm, It's Norman here, Miss Galvantes. I'm just making sure I got the right number. So I rang to check on you." He cleared his throat again, and my mouth parted.
"Oh? I-I see. . ." Natahimik ulit ang kabilang linya at pumikit na ako.
It's now o never, Stella! Kaya mo 'to! Kakapalan ko na ang mukha ko!
"Ahm, are you free later?" agad na tanong ko.
"Have you made up your mind? I can fetch you now if that suits you?"
Halos mapako na ang dibdib ko sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko ngayon. Kinakabahan ako. Nanlamig ang buong katawan ko, at basa na ang kamay ko sa pawis!
"Yeah, if you're not busy, Sir Norman."
"Okay. I'll pick you up in ten minutes. Send me your address."
"Okay. . ."
After sending him the address of Tilda's place I ran upstairs. Para akong bata na hindi mapakali sa sarili. I kept looking at myself in the mirror. E, wala namang dapat ayusin pa, dahil nag-ayos na ako kanina. Sinuot ko na ang boots at tinali ang mahaba kong buhok.
After ten minutes I went outside and shut the door of Tilda's house. Nasa isang pribadong subdivision and bahay ni Tilda. Safe naman dito dahil may sariling roving guard kada oras. Aayusin ko pa sana ulit ang buhok ko nang huminto ang isang puting toyota land cruiser V9 sa harapan ng gate.
Kumunot na ang noo ko. Pero hindi ko pinansin ito, at hinubad muli ang boots ko ngayon. Naisip ko kasi na magpalit ng sapatos. At imbes na ang boots, ay ang flat na pump shoes na ang sinuot ko. Ito lang din naman ang meron ako rito.
Ang akala ko sa katapat na bahay ito. Pero nabigla ako nang marinig ang boses ni Norman.
"Are you ready?" baritonong boses niya at nag-angat na ako nang tingin sa kanya.
I smile a little bit and nodded. Mabilis ko lang sinuot ang sapatos at humakbang nang mabilis palapit sa gate, palapit sa kanya.
I felt tense straight away when he opened the car door for me. I slowly got in, sat down while he prepared himself, and started the car ignition.
It was a five minutes of silence inside the car. I can only hear the music in the player being played. Hindi ko alam kung saan kami papunta, at tahimik lang din ako habang pinagmamasdan ang labas ng bintana.
"Let's grab something to eat and we'll discuss things in private," panimula niya at tumango na ako.
Nahinto ang sasakyan sa isang reserved spot na parking space area. Tumingala pa ako at kitang-kita ko ang taas ng gusali sa harapan namin ngayon.
It's the Monde Tower and Resto. Isa sa mga negosyong pagmamay-ari ni Xavion Mondragon. Nauna siyang lumabas at binuksan ang side ko. Maingat naman akong lumabas dito.
I walk casually and shyly beside him. I moved a bit and kept my distance from him. Siguro dalawang dangkal ang layo niya at nauna siya, at sa likod niya lang ako. Pero huminto siya at nilingon ako.
"Come on, Stella. Magkasama naman tayong dalawa." Tipid na ngiti niya at seryoso ang mga mata sa akin, kaya tumabi na ako para sabay kaming pumasok dalawa.
The huge glass rotating door opened, and the four security guards on the corner bowed halfway at him. And that includes all of the staff inside the information desk area.
Napaawang agad ang labi ko at nilibot nang mga mata ko ang buong entrada ng hotel.
Ang ganda... Ang ganda nga naman ng hotel na ito.
The first class hotel of Monde Tower Corporations. Kahit pa ang lahat ng mga empleyado ay pormal na pormal ang suot. Ang lawak ng guest area, na kung saan ay may iilang customer na nakaupo rito at naghihintay sa room service nila.
"Good afternoon, Sir," bati sa kanya ng dalawang nakaitim na pormal na tao.
Napatingala akong nakatitig kay Norman at bakas ang pormal na anyo sa kanya.
He looked haughty, mighty, and powerful beside me. While me? I look stupid and pathetic, like an old maid beside him.
Nakatingin naman halos ang mga mata ng mga desenteng pormal na babae sa lounge area sa akin. Napayuko na ako sa hiya. Bumukas ang gintong elevator sa pinakadulo at nahinto si Norman at nilingon ako.
His head moves sideways. It's a hint of movement that tells me to get in first.
Okay, I got it, and I strode inside like a mouse.
Nang sumara ito, kaming dalawa lang ang nandito. Nasa gilid ako at kitang-kita ko ang sariling kabuuan sa salamin sa harap.
Ang pangit talaga ng hitsura ko! Ewan ko ba! Nakakahiya tuloy sa kanya!
I looked at him in the mirror's reflection. His posture dominates. He looks mighty, haughty, and hot.
Ano pa nga ba? Si Owen Norman Mondragon ka nga naman 'di ba?
He cleared his throat and loosened up his tie.
Umiwas agad ako nang titig sa kanya at tumingalang tinitigan ang numero sa itaas ng elevator. Napakagat ko pa ang pang-ibabang labi ko sabay hawak nang mahigpit sa maliit na purse na dala ko.
Please lang kumalma ka naman puso ko. I need to be professional. I need him this time for my brother's operation. Kaya parang-awa muna, heart, huwag ka munang tumibok na parang baliw sa harap niya.
I am not the same person three years ago. Matagal na 'yon at marami nang nagbago sa aming dalawa. I'm sure he won't notice me anymore. Hindi na niya siguro ako kilala. Well, hindi ko na rin siya kilala. Mas mabuti magsimula kaming dalawa sa panibagong yugto ng buhay namin ngayon.
Nang bumukas ang elevator nauna na siya nang iilang hakbang sa akin at sa isang pribadong kwarto agad kami nagtungo dalawa. Nahinto ako sa pintuan nito nang makita ang loob.
I swallowed hard, and my heart hammered. Hindi naman 'ata 'to kwarto ng hotel ano?
"What are you doing?" Seryosong tanong niya sa akin at napakurap na ako.
"Get in, Stella. This is not a room where the beds are." Sabay tingin niya sa kabuuan ko, at bahagyang natawa na siya at napailing pa. Umiwas na din siya sa titig at nauna nang humakbang.
Ngumiwi ako at maingat na pumasok sa loob.
Sana nga lang hindi ko pagsisihan ang magiging desesyon ko ngayon sa kanya. Sana nga hindi na.
-❤️❤️❤️--
Vote for support, salamat 😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro