Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4



Mistress


Binayaran ko ang lahat ng bayarin maliban nga lang sa bahay. May dalawang linggo pa ako at hinihintay ko pa ang buyer na nakuha ni Tilda para sa sasakyan ko. 

They offered seventy-five thousand pesos, and I accepted it. Unfortunately, I have no choice since I need money to pay the mortgage. 

The week has passed and the buyer contacted Tilda. Gusto niyang makita muna ang sasakyan sa personal at matingnan kung okay pa ba. 

It was past lunchtime when I arrived at the Polo Food Cart. Malawak ang likurang bahagi nito na parang running oval ground. Maraming tao sa gilid. They're having picnics and whatever. I saw Tilda's car, and I parked beside her diagonally. 

Puno ng panghihinayang nang matitigan ko si beetle. I'm gonna miss you beetle, but I have to let you go... Titig ko nito at saka pumasok sa loob.

"Ti!" Kaway ko sa kanya. Nasa lobby silang dalawa.

"Jeff, this is Stella. She's the owner of beetle," pagpapakilala ni Tilda sa aming dalawa.

Tinangap ko ang kamay ni Jeff at ngumiti sa kanya. Napako agad ang paningin niya sa kabuuan ko. Agaw atensyon nga naman akong magdamit, ano? 

We went outside again because he wanted to have a look at it. But it seemed like he changed his mind when he saw Beetle. Girly raw masyado ang sasakyan ko. Although it's a beautiful vintage collection piece, he still couldn't take it.

Bumagsak na ang balikat ko nang matapos kami at ininom ang orange juice na bigay ni Ti. Naiwan kaming dalawa rito na nakatitig sa kahabaan ng oval playground sa labas.

"Huwag mo na lang kasing ibente si Beetle, S."

"Kung may choice lang ako. Ayaw ko naman talaga, pero wala eh."

"Hindi naman nakapangalan sa 'yo ang bahay 'di ba?" Sabay inom niya ng orange juice at napatitig ako sa kanya.

"Hindi pa. I'm planning to change the name of the title to mine. Kailangan ko lang imbitahan ang ina niya. Hindi kasi kami legal," buntong-hininga ko.

"Bitawan mo na lang, S. Magsimula ka ng bago." Tingin niya sa kabilang daku.

"Ewan ko..."

Sa totoo lang gusto kong bitiwan ito, pero nanghihinayang ako. Malaki na rin kasi ang naipundar ko. Inisip ko kasi ipagpatuloy na lang kaysa sa kumuha ng bagong bahay. Sayang din kasi.

Tahimik kaming dalawa hanggang sa maubos ang inomin namin. Tiningnan ko ang oras sa relo na suot at tumayo na. 

I need to go to the public library. Ngayon kasi ang interview ko. Kahit na ayaw na ayaw ko, ay wala na akong magagawa, kaya susugal na ako rito.

"I'll see you tonight, Ti. May interview pa ako sa library." Halik ko sa pisngi niya at pait na ngumiti siya pabalik sa akin.

NANG makarating sa carpark ng pampublikong library, ay napapikit-mata ako habang mahigpit ang hawak sa steering wheel.

When was the last time I came here? It was two years ago. My hands sweat, and I feel the little tremors inside me.

Umayos na ako at kinuha ang menthos sa bulsa at isinubo ito sa bibig. I took a deep breath before taking a step towards the big library door.

Sa bawat hakbang ko papasok ay ang magandang imahe ko noon ang bumalik sa isip ko. 

This place was so special to me. I was so young and naïve at that time. I fell in love with Timothy Del Santa Maria. He was my first love and the first one who broke my heart. 

Ang inosenting puso na nagmahal ng sobra ay nasaktan din ng sobra-sobra.

Ang lawak na ngiti ko kay Mrs Teodora ang bumati sa akin. Maputi na ang buhok niya at mas kumapal na ang salamin sa mata. Kumunot ang noo niya, at tinitigan ako na mula ulo hanggang paa.

"S-Stella Marie?"

"Madame Teodora. Còmo estàs?"

"My goodness! What happened to you, hija? Soy buena!" Ngiti niya. Pinaupo agad niya ako at napako ang buong paniningin ko sa maliit na opisina niya rito. 

Nothing had changed, and everything was still the same. You can still smell the fresh old oak trees around this area. The smell of the old books reminds me of my old days here. 

Bumigat lang din ang pakiramdam ko na parang nalunod ang puso ko sa mga sandaling ito. Kumuha agad siya ng mineral water na maliit sa kitchen staff area, at nakangiting binigay ito sa akin.

"Ano? Magsisimula ka na ba?" Sabay ayos ng salamin niya at mas nugmiti pa.

"I am so delighted that it was you. I thought I would never see you again, hija. Noong umalis ka rito may isang tao na pabalik-balik dito ng isang taon."

Nahinto ako sa pag-inom ng tubig at napaawang ang labi ko habang nakatitig sa kanya. I felt the flick of heartbeat in my system. 

Sino kaya? Si Timothy ba? O si...

"It wasn't Timothy. It was a young, defined man with dignity at him. I believe he belongs to the most powerful clan in this era, Stella. You should have waited a little bit longer at that time, hija."

Ramdam ko agad ang lakas na pintig ng puso ko at ang init sa mukha ko. Napayuko na ako at nagkunwaring may kong anong kinuha sa bag. E, wala naman dahil tissue lang naman ito!

So, after all, it was him...

I can't remember his face that much, but I am sure it was him. I can't even recall mentioning this workplace. Si Timothy lang naman ang madalas na nagpupunta rito noon.

 I shook my head and give Madame Teodora my smile. Tumahimik siya at nagtaas ng isang kilay niya.

"So you're engaged? Kanino?" Titig niya sa kamay ko.

Napailing na ulit ako at tipid na ngumiti. "He passed away," babang boses ko.

"Matagal na ba, anak?" malambing na boses niya.

Alam kong ramdam niya ang ganitong eksena dahil ganito rin ang nangyari sa kanya, sa unang taong minahal niya. Hindi ko na 'ata mabilang kung ilang beses na niyang na-e-kwento sa akin ang buhay pag-ibig niya.

"Hmm, isang taon na," pait na ngiti ko.

"Oh, the heartache... I'm sorry, Stella. But life most go-on to the ones who are left behind. You're still very young and very attractive. Nagtatago ka man sa kakaibang estilo ng pananamit mo, ay ang ganda pa rin ng mga mata mo, anak. Your beauty is captivating." 

"I don't know what happened to you three years ago. But I believe you have your reasons, and I respect your privacy, anak. Pero isa lang ang masasabi ko. Bata ka pa at buksan mong muli ang puso mo. Huwag mo akong gayahin, okay?" Ngiti niya.

"Ano? Are you willing to do this type of job? Pag-isipan mo muna, anak." Saad niyang nakangiti sa akin at tumango na ako.

We discussed different things and catching up on the lost years. Masaya ako kahit papaano, pero hindi ko maalis ang poot sa puso ko. Every time I get closer to the library, I always have this guilty feeling towards me. That past is haunting me, and even in my dreams. It's there to remind me.


NANG mahinto ko ang sasakyan sa labas ng bahay ay nabigla ako sa nakita. Kaya dali-dali akong lumabas ng kotse at binuksan ang gate rito.

What the—who did this? Who's inside that took all my things outside? Sinong naglabas ng mga gamit ko at bakit nasa labas na ito ngayon?

"Oh, there you are. Nakauwi na pala ang kabit!" Namaywang siyang nakatitig sa kabuuan ko.

 Maganda siya at mahaba ang buhok. Hindi ko pa siya kailanman nakilala. Hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung bakit nasa labas ang mga damit at gamit ko.

"Sino ka? At ano ang ginagawa mo sa pamamahay ko!?"

"Pamamahay mo?" Taas kilay niya.

"Stella?" Ang mama ni Earl ito at tumabi sa babae ngayon. Kakaiba ang ngiti niya at pilit na umiiwas nang titig sa akin.

"Pasensya na, Stella. Ayaw kasing sabihin ni Earl sa 'yo noon at sumang-ayon lang naman ako sa gusto ng anak ko. P-Pero, this is Nimfa, ang legal na asawa niya,"

Nanlaki ang mga mata ko at bumagsak ang balikat ko sa lupa. 

Ano? Asawa niya? Tama ba ang narinig ko? 

Napakurap ako nang makailang ulit at hindi makapaniwala sa narinig.

"Hindi naman kayo nag kaanak, e. From now on, I'm taking my rights as his legal wife." Taas kilay ni Nimfa at titig sa kabuuan ko. Umirap pa siya at iniwan kaming dalawa ng mama ni Earl dito.

I stared at Earl's mom without a word. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit. Ang nawala si Earl na walang paalam? O ang malaman na may itinatago siyang sekreto, at pinagkaisihan pa nila ako ng mama niya! 

"I'm sorry, Stella. Hindi ko agad sinabi sa 'yo kasi nagdadalawang isip ako, anak. Alam kong masakit pa sa 'yo ang pagkawala ni Earl. P-Pero kasi—"

"Manloloko!! Mga sinungaling kayo!" Patak ng luha ko.

"Kaya pala kinuha mo ang lahat ng insurance niya, dahil may asawa naman pala ang walanghiya! Mga walang konsensya!" Sabay tulak ko sa ina niya at napasandal siya sa pinto.

Wala na akong pakialam sa kanya. Nawala na ang respeto ko sa ina ni Earl. 

I am so furious right now that I wanted to kill Earl again! Gusto kong patayin ulit siya! Pero patay na ang walanghiya! 

Mabilis akong pumasok sa loob at umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

"Hey, pamamahay ko na 'to! Ba't ka pa pumasok?" Harang ng misis ni Earl sa akin. Pero imbes na matakot, ay isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa mukha niya, dahilan nang pag-atras niya sa harapan ko.

"Ang kapal ng mukha mo!?" Turo ko sa mukha niya.

Ngayon ko lang napagtanto na alam niyang magsasama na sana kami ni Earl noon. Pagkatapos kasi ng proposal niya, ay nagsama na kami sa bahay na ito. Nabulag ako sa sobrang tiwala ko sa kanya at pagmamahal na din. Hindi ko alam na niloloko niya lang ako, at alam kung alam nila ang lahat at ako lang din ang bulag sa katutuhanan dito.

"Ba't ngayon ka pa sumugod? Dahil wala na si Earl? Ba't noon hindi, Nimfa?" Talas na titig ko sa kanya.

"Dahil anak lang ang gusto ni Earl sa 'yo! At hindi ko iyon maibigay sa kanya!" Lakas na boses niya.

Pumatak na ang luha ko sa narinig at mabilis na pumasok ako ng kwarto. Isa-isa kong kinuha ang iilang importanteng papelis ko rito at mga gamit. 

Wala naman masyado akong gamit, kaya kasya ang lahat sa dalawang maleta na meron ako. Tumingala na ako sabay punas ng luha ko. 

Ang malas ko talaga sa mga lalaki! Kung hindi ako iiwan ay sinasaktan naman ng sobra.

Bwesit ka Earl! Lihim sa mura ko at sinara na ang maleta ngayon. Pababa na sana ako nang mahagip nang mga mata ko ang picture frame namin dalawa. Kinuha ko agad ito at binuksan ang likod para makuha ang litrato naming dalawa, at pinunit ito ng pinong-pino.

I hope you go to hell, Earl! Sa imperno sana ang bagsak mo! Walanghiya ka! Ginawa mo pa akong kabit, bwesit ka! Mura ng isip ko.

Nang makababa ako ay hindi ko na nilingon ang dalawa, at nakatayo lang sila sa gilid. Nahinto ako nang hakbang nang makarating sa pinto.

"Siyanga pala, salamat! Dahil hindi ko nabenta si Beetle ko! Bahala na kayo magsama rito! Goodluck!" Irap ko sa kanilang dalawa.

Mabilis kong nilagay sa likod ang mga maleta ko at pinaandar si Beetle.

"I'm sorry, Beetle... I'm sorry, baby." Hikbi ko at nagsimula na sa pagmamaneho.


--❤️❤️❤️--
Salamat much 😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro