Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 3



🍀🍀🍀

Watermelon shake

Hindi ko maalis ang titig ko sa mga bills ng papel na nasa mesa. Mababayaran ko lang ang tubig at ilaw at ang iilang appliances, pero hindi ang bahay. Nakuha ko na ang panghuling sweldo ko kanina at nalaman ko kay Miss Apple na hindi pinirmahan ni Mrs. Lim ang leave of absence ko. Kaya pala ang bilis niyang umiwas kanina. Pinag-iinitan niya talaga ako.

It was her husband that hired me, si Mr. Lim. Mabait siya sa akin at minsan malakas magbigay ng incentives at bunos. I was awarded being an employee of the month for four consecutive months. Ang mga customers namin ang bumuto noon at alam ko iyon, dahil ako lahat halos ang hinahanap nila na gagawa ng kape nila sa umaga.

"Napagkamalan ka 'atang kabit ni Mr. Lim, ano?" si Tilda sa likod ko.

"Ako? Hindia ah. Alam naman ni Mrs. Lim na engaged na ako noon, at kahit kailan hindi ako pumapatol sa mga matatanda!" Ismid ko, sabay ayos ng damit ko ngayon.

"Anong engaged?" Bahagyang ngisi ni Tilda.

"Let me remind you, Stella, that your fiancé is six feet underground!" she smirked.

"Ang harsh mo, Ti," mahinang bawi ko.

"Mas mabuti nga para ma-untog ka! At ano 'yang suot mo?" Titig niya sa kabuuan ko.

"B-Bakit? Wala namang masama sa suot ko ah?" 

"May goodness! Last week nagreklamo si Ate Jean sa akin. Para ka raw manang—mananangal na nasa bar niya!" Lakas na tawa niya.

Uminit ang mukha ko at inis na tinitigan siya pabalik. Umismid ulit ako at tumalikod na sa kanya. Wala rin naman akong magagawa. Tinitigan ko na ang suot sa malaking salamin na nandito sa staff area. 

Mahabang palda na kulay itim at long sleeve na brown, may suot pa akong dalawang t-shirt sa ilalim na kulay puti at blue. Sinuot ko na din ang boots ko na galing Japan. Bigay pa 'to ni April, ang isang baliw na kaibigan namin ni Tilda.

Nakabuhayhay ang mahabang buhok ko. Medyo dry na nga ito, dahil nagkalat na ang mga baby hair sa bawat gilid. Isali mo pa ang dandruff ko na ang kating-kati talaga. Baka naman isipin nila na may alaga ako sa buhok ko, wala ano! Dahil dandruff lang 'to!

Yumakap agad si Tilda mula sa likod ko at natawa na.

"Kailan mo ba ititigil ang pagpaparusa mo sa sarili mo, Stella?" Titig niya sa salamin na nasa harap ko, at maayos na tumabi na sa akin ngayon.

"Hindi ko alam, Ti. Hangga't hinahabol ako ng konsensya nang nakaraan ko, ay hindi ko babaguhin ang pananamit ko." Yuko ko para maayos ang boots na suot.

"Walang magkakagusto sa 'yo, best friend."

"Meron. . . Earl loves me and accepted me for who I am. Minahal niya naman ako kahit ganito ang pananamit ko." Proud na ngiti ko at bumuntong-hininga na siya.

"Oo, alam ko na minahal ka ni Earl, Stella. Noon nagdududa ako sa kanya. Hindi ko kasi mapagkakatiwalaan ang mukha niya. Pero kasi, ikaw na 'to at inlababo ka na sa kanya kaya nanahimik na ako." Sabay talikod niya.

Napakurap akong pinagmasdan si Tilda. Iba kasi ang tuno ng pananalita niya sa akin ngayon. Parang may sekreto siyang tinatago at ayaw niyang sabihin. Kaya humarap ulit ako sa kanya.

"May dapat ba akong malaman, Ti? May hindi ka sinasabi ano?" Pamaywang ko at humarap na agad siya.

Bitbit ang ionic hairbrush sa kamay ay maingat niya akong pinaupo rito sa silya.

"What's the point of telling it to you now? I mean, wala na siya, Stella... Let his good memories of you remain that way. Mas mabuti na ang ganito." Ngiti niya, sabay suklay sa buhok ko.

"Salamat, Ti... ang bait mo talaga." Ngiti ko sa kanya.

"Hindi ako mabait, gaga!" Taas kilay niyang nakangiti pa. "Ayan tapos na! Bilisan mo na at maraming customer ngayon dahil Sabado." Kindat niya.

"Yes, Madam!" Sabay ayos ko. 

Tilda's sister is a franchise owner of the MBC Rock Bar in this area. Sub-branches lang ito at iba-iba nga naman ang nagmamay-ari sa bawat MBC ng lungsod. This is what I do for an extra. Kahit pa hindi ako pumasa sa standard bilang waitress dahil sa hitsura ko, ay nagagawa ito ni Tilda dahil sa ate niya.

"Miss S, magpapahula ako mamaya!" Kantyaw ni Ali sa gilid. Natawa lang din ako sa kanya.

"One thousand pesos, okay?" Sigaw na pabiro ko.

"Miss S, that's table fourteen, please," si Babit.

Binigay niya agad ang tray na may lamang beer at pulutan. Table fourteen daw at tumango na agad ako. 

Nakangiti kong pinagmasdan ang bandang tumutugtog sa stage. Melow ang kanta nila. Naalala ko tuloy ang mga panahon na rito madalas si Earl tuwing Sabado dahil umi-extra ako.

"Your order, Sir." Lawak na ngiti ko. Binigay niya agad ang tip sa akin at ngumiti. Napako ang paningin niya sa kabuuan ko.

"Do you work here, Miss?" tanong ng babae na katabi niya at tawang-tawa pa ito sa hitsura ko.

"Uhm, yeah, just for tonight, Maam. Extra lang, po."

"Oh, I see..."

Napako ang paningin ko sa kabilang mesa na kailangan nang ligpitin ang kalat. Kaya mabilis akong lumapit dito at isa-isang nilagay sa tray ang mga pingan at baso. Nilinis ko na rin ito nang maayos at saka bumalik sa kusina. 

Nang makalabas ulit, ay inabot na naman ni Babit ang bagong order patungong second floor.

"Pwedeng huwag ako."

"Bakit?" Sabay tingin ni Babit sa kabuuan ko.

Sosyal kasi ang nasa ikalawang palapag at isang beses na pumunta ako sa itaas, ay nakita ko si Mr. Lim na may kahalikan sa isang pribadong kwarto, at marami pa ang escort niya. Marami rin silang kasama. Kaya ayaw na ayaw ko sa itaas dahil marami kang hindi magagandang nakikita.

The second floor is called the hell's in heaven. Iba kasi ang kalakaran sa itaas at hindi ka makakapasok kung hindi ka VIP dito. At kahit pa ordinaryong waitress ay hindi puwede sa itaas. Pero kasi alam ni Babit na matalik kong kaibigan si Tilda, ang kapatid ng may-ari ng bar na ito, ay madalas ako ang pinag-uutusan niya.

Inayos niya agad ang salamin na suot ko at ang damit ko ngayon. 

Heck, nagpapatawa ka ba Babit? Titig kong nag-isip sa kanya.

"Miss S, don't you know that you are a gem? Hindi ko alam kung bakit nagtatago ka sa likod ng makapal na damit mo. Kung sa bagay aircon nga naman dito. Kaya kahit na kapalan mo pa ang damit mo ay okay lang." Ngiti niya.

"Are you kidding me?" Taas nang tuno ng boses ko at umatras na siya.

Takot sila sa akin dito, dahil naging tagasumbong na ako sa mga kalukuhan nila. Pero hindi naman talaga ako ganoon kasama. Minsan kasi inaabuso nila ang posisyon nila.

"Miss S, naman eh!" Nguso niya. "Ikaw kasi ang hinahanap."

"Ano? Sinong naghahanap?" Taas kilay ko.

Ang baliw! Sa hitsura kong 'to may naghahanap sa akin? Nakakatawa naman oh!

"Si Mr Xavion Mondragon." Sabay bigay niya sa tray na may lamang beer.

Tumingala ako sa itaas at tinitigan ang hagdanan patungo rito. Nagkalat ang mga babae sa baba. Naghihintay sila ng imbitasyon para sa itaas. 

Iwan ko ba kung bakit ang iba sa kanila ay 'atat na makapunta sa itaas, e, isusugal lang nila ang sarili nila sa mas delikadong gawain.

"Ba't napunta ang isang Mondragon dito? Hindi nila pag-aari ito ah?" Sabay tangal ng salamin ko at pinunasan ito.

"Iyon nga rin ang pinagtataka ko, Ms S. Pero last week nandito siya at hinanap ka. E, sinabi ko hindi ka naman talaga empleyado rito at extra lang."

"Tinanong mo ba kung bakit interesado siya?" Taas kilay ko. Napangiti na tuloy ako nang makita si Tilda na nasa second floor din. Nag-iikot siya at nagmamasid sa lahat.

"Oo, pero hindi naman ako sinagot. Ang snob ni Sir Xavion. Sige na ihatid mo na, please," pa-cute niya.

I rolled my eyes ang grabbed the tray. Nang makalapit na ako sa hagdanan ay napatingin ang mga walang magawang babae sa paanan at pinadaan ako. 

I know that they knew who I was. I can hear them gossiping behind me.

"Ang weird ni, manang," tugon ng isa sa kanila.

"Oy, best friend 'yan ng may-ari, tumahimik ka nga!" Tugon pa ng isa.

I shook my head while walking past them. Ngumiti pa ang tatlong bouncer na nandito. At nang makarating sa itaas ay hinanap ko pa ang numero ng mesa, hanggang sa nakita ko na ito. Napalunok tuloy ako nang magtagpo ang mga mata namin dalawa.

It's my first time seeing him. I blinked a few times while staring at him. Yumuko ako at maingat na humakbang papalit sa mesa niya. Siya lang mag-isa rito.

"Your order, Sir." Sabay lapag ko sa mesa niya.

"Thank you, Ms S." Ngiti niya.

"Is that all you need, Sir?" Titig ko sa kanya.

"A water melon shake, please." Ngiti ulit niya at yumuko na ako.

Nanginig pa ang kamay ko habang sinusulat ang order niya. Ngumiti ako bago siya tinalikuran, at nang makababa at makarating sa kitchen ay ako na mismo ang gumawa ng order niya.

"May dinagnag ba siya sa order?" si Babit.

"Oo, watermelon shake. Ihatid mo na." Sabay bigay ko sa kanya at umatras na siya na parang natatakot.

"Miss S naman, eh, ikaw na!" Lakad niya palayo at napailing na ako. 

Ang daming baliw rito!

Nang makalabas sa kitchen staff ay umakyat na ako at naglakad palapit sa kanya. He's staring at me constantly. Lahat pa 'ata ng mga babae rito ay nakatingin sa akin ngayon. Alam ko naman na hindi ako ang pakay nang mga mata nila kung 'di si Xavion.

"Here's your additional order, Sir." Maingat na lapag ko nito sa mesa.

"Thank you. Can you sit down for a moment, S?"

Nag-angat agad ako nang tingin sa kanya. Nakangiti siya at napalunok na ako. 

Ang weird talaga ng Xavion Mondragon na 'to? Type niya ba ang mga nanay na katulad ko? I-I mean nanay manamit, ano ba! Isip ko.

"P-Po?"

"Please, and this watermelon shake is for you."

"H-Hindi po puwede e... m-may trabaho pa po ako." Turo ng bibig ko sa baba.

Tumango siya na parang nag-isip, at napalingon sa ibabaw at ngumiti. Kaya tumingala rin ako kung nasaan nakatitig ang mga mata niya. . . Ang Ate ni Tilda ang nakatingin sa amin ngayon. Nasa ikatlong palapag siya.

Xavion waved at her and she smiled back and Tilda's Ate nodded. Alam ko ang ibig sabihin nito. Pumapayag siya na samahan ko muna si Xavion sa mesa niya. Tumayo na si Xavion at nilahad ang upuan sa tabi niya para ma-upo ako rito.

I hate this, but what else can I do? Alam na alam ni Tilda na ayaw na ayaw ko ng ganito. Kaya nga sinadya kong mas pangitin ang hitsura ko para walang magka-interest sa akin. E, mukhang hindi epektibo.

"T-Thank you." Sabay upo ko. Ininom ko agad ang watermelon at nangalahati agad ako nito. Nauhaw din ako.

"That's better, right?" Panimula niya.

I stared at him thoroughly while drinking my remaining shake. He's got an angelic face and a beautiful smile. Nakaka-insecure pa tuloy ang kagwapuhan niya, dahil kung babae lang siya ay tiyak siya ang pinakamagandang babae rito sa loob ng bar. He's cool and very attractive, physically.

"Madalas ka ba rito?"

"Ahm, weekends lang, extra." 

"How old are you?" Sabay inom niya sa beer.

"Twenty-four," titig ko.

"Oh, twenty four. Really?" Sabay titig niya sa kabuuan ko at inilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko. Kaya napaatras na ako.

"Yeah? I could see that. . . no wonder," he said, and his eyes never left mine. 

Kumurap ang mga mata ko at nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Umatras ang titig niya sa akin palayo. Hanggang sa naubos ko na ang watermelon shake ko at ngumiti na sa kanya. In fairness, ang gaan ng pakiramdam ko habang tinititigan siya.

"Are you engaged?" Tingin niya sa kamay ko.

"Ah, ito? Hindi na. He passed away a year ago." Yuko ko.

"Oh, I'm sorry for asking. Pasensya na."

"No, it's okay, Sir." Iling ko at tumayo na.

"Salamat sa inonim, Sir. P-Pero kailangan ko ng bumalik sa trabaho." Bahagya akong tumayo. Pinagtitinginan na kasi kami ng lahat ng mga tao rito. Lalong-lalo na ang mga mata ng mga babae na nasa gilid lang.

"Xavion Mondragon." Pormal na lahad nang kamay niya nang tumayo siya.

Tinitigan ko na ang kamay niya at nagdalawang isip ako kung tatangapin ko ba.

"Stella Marie Galvantes." I responded, and when our hands touched, I felt electrocuted. Xavion's palm is a bit rough but warm.

"Thank you ulit, Sir Xavion." 

Pareho kaming nakangiti at pormal siyang tumango bago ako tumalikod. 


-❤️❤️❤️-

If you want to read Xavion Xavier Mondragon story, ay available na po siya sa G00dNovel. In English version po. Maraming salamat. 


The strong wind blew her golden brown curly hair onto my face as she opened the door. I couldn't help but notice her beautiful and unique scent, something that only a woman can possess.

Although I dislike strong perfumes, Quinn's scent has left a lasting impression on me. Even when my eyes are closed, I can still detect her fragrance.

Every day, as she passed by, I would secretly steal glances at her. Her smile had a way of brightening up my day, and her laughter was like a symphony to my ears. Without a doubt, she was one of the most stunning girls on campus, and her family background had earned her quite a reputation.

"Aren't you sick of watching her from this far?" Hendrix said behind me. And now, the two of us secretly look at her from this distance.

Her familiar friends surround her. The usual ones that I see every day.

"Aren't you going to introduce yourself to her? If you have an interest in her, Xav, it may be worthwhile to introduce yourself. Remember, you are just as valuable as anyone else, regardless of their family background." He said and stood before me, making me unable to see Quinn's face.

"Go ahead and be a man. Do you need me to assist you?" he offered.

I shook my head and took a deep breath. "No thanks, man. It's not really my thing," I fibbed.

As I was about to leave, my attention was drawn back to her upon noticing Dominic Montadamme approaching her direction.

"I see. Now it makes sense," he said, looking in the same direction as me.

"Don't worry about Dominic, Xav. He's just a bad guy from a low-class mafia family. There's no need to be afraid of him." He laughed.

"I have no interest in getting involved and prefer to avoid trouble. I really don't want my father to go through the trouble of transferring me to another university or, even worse, sending me to the other side of the world."

"Sure," he replied while giving my shoulder a friendly pat. "It's great to have you here in Dalton. It's a relief to be away from our chaotic families." He chuckled.

Upon noticing Dominic's arms wrapped around Quinn, I quickly averted my gaze. Though he had spotted us from a distance, I chose not to acknowledge his presence and turned my focus elsewhere.

ONE time it was raining heavily. I decided to wait until the rain stopped. I looked around while sitting inside my car. Most of the students got wet, but soon enough, they found shelter.

As I looked around, I spotted Quinn standing near the mini-food shop. A few students were with her, but gradually, they all left, leaving Quinn standing alone. From what I can see, it appears that she is awaiting the arrival of the family driver, who will be picking her up.

I remained in my car, discreetly observing her from a few meters away. The tinted windows of my vehicle concealed me from view, and I was uncertain if she noticed my presence.

To make it right, I took my umbrella out of the compartment. It's a foldable one. It will help her not to get wet.

I shut the car door as soon as I'm out. The shower of rain gives me a cold chill. The wind is slightly cold, but I feel warm and nervous. I bit my lower lip, and finally, I stood next to her. She didn't look at me.

"E-Excuse me?" I stammered and swallowed hard when our eyes met. I'm partially wet, and I don't mind it.

Her eyes beamed, giving me an intensifying feeling. I just realised that this is no longer an infatuation. It has come to a different level that I didn't expect to happen to me.

"I-I've got an umbrella. You can use it," I offered.

She looked at it and looked back at me.

"Uhm, it's alright. I'm waiting for my driver," in her soft voice.

"I see. . ." I nodded and looked down at my wet shoes. Her shoes were also soaked, but it wasn't bad compared to mine.

"You can use that. I'm okay. It looks like you need it more than me," she smiled.

"I-I'm fine. I have my car with me," I said, gazing toward my car's location.

She just smiled and nodded. "He's got an emergency. My driver already texted me. I told him that I would wait," she explained.

Now I understand why she's waiting longer than the days she's here.

"Then, I will accompany you if you don't mind. Do you want some coffee?" I offered. I'm hoping she will take this offer from me.

"Do you have some cash? Unfortunately, I have no money with me. I only have my card, and this coffee shop only accepts cash."

"Yes, I have. It's my treat."

I couldn't help but smile and feel my heart flutter as she shook her head, her own smile lighting up everything around her. It was as if her smile was a radiant sun that made the rain disappear from my world.

"Quinn Isabeau Langley." She stretched out her hand, and I looked at it.

Of course, I already know her name. I've been watching her since I moved into this university. She's four years younger than me.

"Xavion Xavier Mondragon," I said and took her hand for a handshake. Her hand was cold. It's the opposite of mine.

"Shall we?" I continued.

"Sure."

We get inside, and this is how our little secret begins. 



--read more of their story and visit me there--

thank you.

c.m. louden

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro