Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 27


❤️❤️❤️

Cuddles


Stella's POV


Nangumusta muna si Padre Dominico sa aming dalawa ni Tilda. 

Galing kami ni Tilda sa isang paaralan na purong babae mga noon. 

Noon, hindi ko maintindihan kung bakit sa isang all girls catholic school ako nilagay ni Mama. E, sa ayaw niya akong magka-boyfriend, para raw matapos ko ang pag- aaral ko.

Sobrang stikto sa school, at kahit sa school dormitory ay bawal ang lalaki at kulang na lang magiging madre na rin kami noon. 

Father Dominic was the head at that time. Mabait siya, pero madalas ay ang sermom niya sa amin ni Tilda ang maririnig sa dorm sa bawat araw. Matigas kasi ang ulo ni Tilda, at purong kabaliwan ang nasa isip, at ako naman na matalik na kaibigan niya, ay sunod-sunuran sa kanya. Kaya hindi talaga namin malilimutan si Padre Dominico, at talagang kilala niya kaming dalawa ni Tilda. Marami kasi kaming kabaliwan ni Tilda noon, lalo't na't pagdating sa kanya at sa mga lalaki ng kalapit na campus. 

"Always pray to HIM and ask for guidance. Kung gusto mo ng lalaki na makakasama mo habang buhay ay ipagdasal mo ito sa kanya. Ask HIM, specifically what you want. If a prayer is from the bottom of your heart, HE will help you, and lead you to the right person." Ang palaging pangaral ni Padre Dominico.

Nagin masaya ang tagpo namin sa araw na ito at magkikita ulit kami ni Sister Anna pagkatapos ng tatlong araw. Aasikasuhin niya raw ang lahat at makikita ko na raw si Codi, ang anak ko. 


PANAY ang pili ko ng laruan para sa kanya. Kanina pa ako nandito sa kids toys section area. Naubos ko na 'ata ang dalawang oras, at wala pa akong nabili. 

Codi is three years old, and I know I missed a lot on his growing stage. Hindi ko na rin alam kung anong bagay na ang gusto niya at pagkain na paborito.

Napangiti ako nang mapako ang paningin ko sa isang fluffy stuff toy na si Dino the dinosaur. Malambot ito, at kulay berde. You can't go wrong with a stuff toy. Mas maganda siguro ito nalang, dahil mayayakap niya ito kahit na wala ako sa tabi niya. Inisip ko pa lang siya, ay naiiyak na naman ako ngayon.

Ito na ang kinuha ko at nagbayad na. Nagmadali ako dahil ayaw kung mahuli sa usapan namin ni Sister Anna. Alam kong bukas ay papuntang Davao na siya.

"Ano, may napili ka na na?" si Tilda.

"Oo, pasensya na natagalan. Kanina ka pa ba?" Sabay lagay ng seatbelt ko. Nasa loob na ako ng sasakyan ni Tilda.

"Okay lang. Bumili rin ako ng happy meal at ibang pagkain pa. Sana magustuhan niya!" Excited na tugon ni Tilda, at pinaandar na ang sasakyan.

"Let's go! I can't wait to see our darling baby boy!" Ngiti ni Tilda at mas ngumiti na ako.



TAHIMIK kaming dalawa at hindi ako mapakali sa sarili ko. Para akong naiihi na hindi ko maintindihan ito. 

At last, after more than three years, I can finally hug my baby.

Nang makarating kami ay mas lumakas lang lalo ang kaba sa dibdib ko. Ang daming tanong sa isip ko kanina at nag-iisip ako. 

Paano 'pag hindi niya ako magustuhan? Sasabihin ko ba na ako ang Mama niya? 

Hindi ko alam at nalilito ako. Ayaw kong matakot si Codi, kaya mas mabuting mag-iingat ako sa sasabihin ko.

"Relax lang, Stella, at please lang huwag ka naman agad umiyak. Baka matakot ang bata," ngiwi niya. 

Bumuntong-hininga ako nang makalabas kaming dalawa sa kotse. Nahinto akong saglit para e-handa ang sarili. Nahinto rin si Tilda at nilingon ako.

"Ano? Bilis na!"

"Kinakabahan ako eh," kurap ng mga mata ko.

"Ano ba! Kaya mo 'yan. Ang tagal mong hinintay ito. Come on, Stella." Sabay hawak niya sa kamay ko at hila.

My heart is pounding so hard. The moment has finally come, and I can see my baby.

Nahinto kami nang makita si Sister Anna sa unahang bahagi na kung nasaan ang fountain. Nakita ko agad ang kalaro niya. Isang masiglang bata at panay ang takbo at ikot nito sa may fountain area. Mas kinabahan ako at hindi ko maintindihan ang damdamin ko.

"Oh, my God!" si Tilda. Iniwan lang naman ako, dahil mas nauna pa siyang patakbong humakbang palapit sa kanila.

"Sister Anna!" Tawag ni Tilda kay sister at napalingon agad siya.

Nilingon ko ang paligid at walang ibang tao rito maliban nga lang sa isang bata at si Sister Anna. Nagtataka tuloy ako, at pilit na hinahanap ng mga mata ko ang kasama ng bata sa paligid. Pero wala akong makitang ibang tao.

I shifted my gaze back to them, and they embraced each other. My eyes started to get teary, but then I remembered what Tilda had told me earlier. I need to hold my tears.

"Stella." Yakap ni Sister Anna sa akin.

Napalingon agad ako sa bata at naramdaman ko ang bilis na luksong dugo. Hindi ko napigilan ang sarili ko at kusang pumatak ang mga luha ko ngayon. Napaluhod na si Tilda at hinaplos ang buhok niya. Mabilis ko rin pinunasan ang luha ko at nahinto sa likod niya.

"What's your name? I have pasalubong," lawak na ngiti ni Tilda sa kanya.

He stared at Tilda without a smile. Nagdadalawang isip ang bata hanggang sa lumapit na si Sister Anna sa kanya.

"It's okay, anak. She's a good friend of mine."

"You can call me, Tita T." Ngiti ni Tilda sabay bigay sa happy meal na nasa kamay niya.

"Thank you," si Codi sa kay Tilda at napayuko siya.

Agad siyang humawak sa palda ni Sister Anna at nag-angat nang tingin sa kanya, hanggang sa napako ang paningin ni Codi sa akin. 

I kneeled to meet his height and smiled brightly as tears welled up in my eyes once again. He looks exactly like Norman. . . his dark brown eyes, the shape of his lips and the full lashes. Lahat kay Norman niya nakuha. Maliban lang siguro sa dimples niya na nakuha niya sa akin.

"H-Hello..." tipid na tugon ko at pahid ng luha ko.

Tinitigan niya ako nang mariin habang mahigpit ang hawak ng kamay niya sa palda ni Sister Anna. Yumakap na siya kay Sister Anna at hinaplos ni sister ang likod niya.

"Hi baby. . . how are you?" Mahinang tugon ko at sinubsob niya ang mukha sa palda si sister.

Hinayaan ko muna siya nang iilang minuto at napayuko na ako. Pinatuyo ko nang mabilis ang luha ko. Baka kasi natakot siya sa akin, dahil para akong baliw na umiiyak dito.

"Why is she crying, sister?" tanong ni Codi kay Sister Anna.

"It's because she's happy to see you, anak... It's happy tears." Sabay haplos ni Sister Anna sa kanya, at bahagyang napayuko si Sister Anna kay Rigo. 

"Rigo, she's someone who knew you very well when you were a baby." Haplos ni Sister Anna sa mukha niya.

My eyes widened while looking at Sister Anna. 

So his name is Rigo? Have they changed it? Paano? Pero hindi na mahalaga ito, dahil ang makita siya ngayon ay sapat na sa akin.

"Really, sister?"

Tumango si Sister Anna sa kay Rigo at tinitigan na ako ni Rigo ng husto. I smile again, trying to control my tears and giving him the security of trust.

"H-Hello, Rigo," I said in an almost whisper, and then he smiled.

Instantly, I nearly fell out of balance when he hugged me. My tears instantly flowed like a river, and I hugged him back tightly. 

Ang tagal kong hinintay ito. Ang tagal kong pinangarap ito. At ngayon ay kayakap ko na ang anak ko.

"I miss you so much, baby. I miss you," paos na boses ko.

Napatingala ako kay Tilda at tumalikod siya habang pinunasan ang luha niya. Naiyak din si Sister Anna.

"My baby... Ang laki mo na." Sabay haplos ko sa likod ni Rigo.

"Are you my Mama?" Pabulong na tanong niya habang nakayakap nang mahigpit sa akin.

I nodded and was still crying hard.

"I am, baby. I am. . . I'm sorry, anak. I'm sorry. . . Hinanap kita, ang tagal. I'm sorry. . ."

We hugged each other for a few seconds before he loosen up his grip and looked at me. Napatitig siya sa akin nang husto, at sandaling nangunot ang noo niya pero ngumiti na rin.

"Mamita told me that I do look like my papa?" He smiles. "And you are so beautiful, mama," sa lawak na ngiti niya.

"You're absolutely a carbon copy of your papa, Codi." I cried while caressing his face.

"My name is Rigo Ve Codi Dela Merced." He pouted and hugged me again.

I nodded and just hugged him tightly. Wala na muna akong pakialam kung paano nabago ang pangalan ng anak ko. 

When he was born, I named him Codi Owen Galvantes. I only knew Norman as Owen at that time. Hindi ko alam ang buong pangalan niya at apelyedo. I chose to walk away after I found myself naked beside him. I felt so ashamed of myself.

Pakiramdam ko noong mga panahong iyon ay ang dumi kong babae dahil bumigay agad ako sa kanya. 

I got drunk and should have stopped, but I chose to end things like that. I walked away thinking everything would be okay, and I soon found out that I was pregnant. I could no longer find Norman. 

Kumalma na ang pakiramdam ko at naupo kami sa upuang yari sa kahoy. Nag-usap muna saglit sina Tilda at Sister Anna, at iniwan kami ni Codi pansamantala. He's happy eating the happy meal that Tilda gave earlier.

"I have something here for you." Ngiti ko sabay bigay ng flush toy Dino dinosaur sa kanya.

"Thank you. I like Dino dinosaurs, but I love Spiderman better," siglang tugon niya.

Tumango ako at ngumiti. 

What am I thinking? Rigo is no longer a two year-old boy. He's three year-old more and he probably likes superheroes and avengers. Hindi ko alam, dahil wala ako at hindi ko nasubaybayan ang paglaki ng anak ko.

"Don't worry next time. I'll buy Avengers superheroes for you."

"Really?" He got excited, but after a few seconds, the excitement was gone.

"Are you coming with me, Mama? Mamita said we'll leave tonight and return to Davao with Sister Anna. Are you coming with us?"

Davao? 

Bumagsak ang puso ko at wala akong maisip na isasagot sa anak ko. At least the people that adopted him are good people and so genuine.

"I would love to, baby, but I must talk to your Mamita first. Then I can visit you again next week or so, then I'll be going to Davao too," I smiled. 

"I love that, Mama. I should tell Daddy that I have found my real Mama."

I nodded and didn't say a word anymore. 

It's apparent that Rigo was being looked after with love from the people around him. He's got his Mamita and Daddy.

Paano na lang ako? Paano ko muling makukuha ang anak ko? Gusto ko siyang makuhang muli at makasama siya ng buo.

I stared at him happily while he was eating lively. Lumapit na agad sina Tilda at sister Anna sa amin ngayon.

"We have to go, Rigo. Our time is up," si Sister Anna sa bata. 

Nanlumo agad ang puso ko. That was only thirty minutes, not even an hour, but it seemed like it was only a few seconds for me. Ang bilis. Gusto ko pa sanang makasama ang anak ko.

"Sister?" Titig ko kay Sister Anna.

"They have to go, Stella. Ayaw ka munang harapin ng mga taong kumupkop kay Rigo. They want to prove first through DNA if you are really his biological mother."

"P-Po?" utal na tugon ko at awang ng labi.

"I'm sorry, sis, but teka lang, huwag kang gumalaw," si Tilda sa akin. 

Rinig ko lang ang gunting sa likurang bahagi ko at gumupit siya sa buhok ko. She smiles when I stared at her.

"Here, we have to do this too," sabay pakita niya sa isang sample pa na gagawin ko.

I nodded. Okay, I get it... I rubbed it inside my mouth and sealed it in the packet. 

It's all in complete set. Mukhang pinaghandaan nila ito at pinalano talaga. They have their doubts and I understand that, but I don't need any medical stuff and DNA anymore. Dahil alam kong si Codi at Rigo ay ang nawawalang anak ko.

"Tatawagan kita next week, Stella. Nasa Davao na ako at magkita tayo roon. Kasama na ang resulta ng DNA," si Sister Anna.

"But I am sure that Rigo is Codi, Stella... Kilala ko ang bata at alam kung ikaw ang nag-iisang ina niya," ngiti niya.

Namuo na ulit ang luha sa mga mata ko at napaluhod akong muli. Hinaplos ko na ang mukha ni Rigo at ngumiti rin agad siya.

"When will I see you again, Mama?"

I pressed my lips together and hugged him tighter.

"Soon, anak... I will see you next week. I promise," higpit na yakap ko sa kanya.

"I will wait, Mama..."

"Thank you, anak. I love you, Codi. . . Always remember that you've been a blessing from the start, and I love you with all of my heart, baby." Higpit na yakap at patak ng luha ko.


-❤️❤️❤️-
always vote for support 😘
Salamat

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro