Kabanata 21
🍀🍀🍀
Tense
Stella
"S-Salamat sa paghatid," tipid na ngiti ko.
Tuwid ang tayo ko sa harap niya. Ang akala ko ay sa baba lang niya ako ihahatid, pero sumabay siya papasok sa elevator patungo sa condo.
We stared for a few seconds, and I blushed!
May mali 'ata? E, condominium niya 'to eh. Tapos heto ako naghihintay na umalis siya?
"Gusto mong mag kape?" Lunok na ngiti ko. Kinakabahan ako dahil sa maling pag-trato ko sa may-ari ng condo na ito.
"Yeah, that would be good. Thanks." He smiled slightly and walked past me to get inside.
Hindi 'ata magandang ideya ito. Pero bahala na! E, hindi naman ako ang may-ari ng condo na 'to dahil siya naman talaga.
Sa ginawa niya sa akin ngayon ay lutang ang isip ko kanina pa. Panay ang talak ni Boyet kanina, at hindi ko maintindihan ang ginawa niya sa kabuuan ko. E, utos daw ni Norman. Kaya sumunod na ako.
After all, I've been meaning to change myself for good. Hindi ko lang alam kung papaano. But now that Norman gives me so much confidence in myself, I better face everything and not hide from my past anymore. Haharapin ko na kung ano man ang kahihinatnan ng lahat ng ito.
Umupo siya sa massage chair na nandito at pinikit ang mga mata. Mabilis ang hakbang ko patungong kusina at pinaandar na ang coffee machine para makagawa ng kape. Tinanaw ko ang glass sliding door ng balkonahe. Nakatingin si Phantom sa akin at naghihintay sa pagkain niya.
Lumabas ako at agad naman siyang gumulong sa harapan ko. Nilagyan ko ng cat food ang food bowl na nandito. Kumain din agad siya at hinaplos ko pa.
"Pasensya na, nagutom ka na ano?" Mahinang tugon ko sabay haplos sa ulo ni Phantom.
My heart pounded heavily when I heard Norman cleared his throat behind me.
Napatayo agad ako mula sa pagkakaupo at agad nagtago si Phantom sa ilalim ng silya na nandito. My eyes widened when I looked at him, and he looked at Phantom under the chair, hiding.
"What's his name?" Napaupo siya para titigan nang husto ang pusa na nagtatago sa ilalim ng silya.
"Ahm, P-Phantom." Sabay kagat sa pang-ibabang labi ko. Tumango siya at tinawag si Phantom. Kumuha ng dry cat food sa food bowl at nilagay sa kamay niya.
"Come here, buddy."
Maingat na lumabas si Phantom at humakbang palapit sa kanya. Hanggang sa napaamo niya ito at hinaplos na niya ang ulo.
"We've got the same nickname. . . Phantom," tugon niya sa pusa at napangiti na ako.
Alam ko kaya iyon, kaya Phantom ang tawag ko sa pusang iyan dahil ikaw ang naalala ko Norman. Isip ko habang pinagmamasdan ang kabuuan ng likod niya.
"Um, e-check ko lang ang kape," pigil-hiningang saad ko. Tumango na siya at haplos padin ang pusa.
Mabuti na lang at okay sa kanya ang pusa. Nag-alinlangan ako noon, noong dinala ko si Phantom dito sa condo niya. Pero ang makitang paghaplos niya kay Phantom ay gumaan agad ang pakiramdam ko.
They said animals can sense if a person is good or bad. Mas kilala raw nila ang ugali ng isang tao dahil nararamdaman nila ito.
Inilapag ko agad ang kape naming dalawa sa maliit na mesa rito sa sala at naupo na ako. I looked at him and he still patting Phantom's head. Hanggang sa tumayo na siya at nakangiting lumapit sa akin.
"Coffee is ready." Ngiti ko at kinuha ko na ang tasa ng kape ko at ininom ito.
I need to calm myself. Kanina pa kasi hindi mapakali. I admit it, he looked more dashing and handsome than ever. Naghalo ang kaba at excitement sa puso ko nang makita ang bagong hitsura niya. Nawala sa isip ko ang agwat namin dalawa.
Kinuha niya agad ang tasa ng kape at tinikman ito.
"Ahh, that feels good. Thank you." Tipid na ngiti niya at naupo na sa tabi ko.
I move away a little bit. I didn't expect him to sit down beside me and closer. Akala ko kasi sa harapan na silya siye, eh hindi, kaya kinabahan na ako. Panay na ang inom ko sa kape. Natahimik kami pareho at nilibot nang mga mata niya ang buong condo.
"You made the condo more lively, Stella." Sabay inom niya sa kape at titig sa mga halaman na nandito.
"W-Wala kasi akong ibang magawa. Kaya halaman ang pinagkakaabalahan ko."
"That's good. I really like it."
Natahimik ulit kami. Tumayo ako at kinuha ang remote control ng TV. Pero bago ko paman pinaandar ito, ay ang boses ni Norman agad ang narinig ko.
"Alexa, turn the TV on, please," he ordered, and I paused.
I looked at the TV, and it turned on by itself. I swallowed hard. Nanigas na tuloy ang katawan ko at hindi ko siya matitigan pabalik.
"Alexa, turn the curtains blinds down."
Bumaba ang lahat ng roller curtains sa malalaking bintana. Nilingon ko si Norman at titig na titig siya sa akin ngayon. Napakurap ako at nag-iwas sa titig niya.
I don't think having him inside here was a good idea, but the heck! Pamamahay niya ito at nakikitira lang ako rito.
Mahina akong humakbang palapit sa kanya at pabalik sa upuan ko. My heart pounded so hard again. My goodness, wala ba sa plano niya ang umuwi na?
"Alexa, turn the lights off."
My heart jolted and I looked at him straight away. Nanlaki ang mga mata ko habang tinitigan siya.
Nabaliw na! Ano bang plano niya? Papatayin niya ba ako sa sobrang kaba sa puso ko? Norman naman.
Then the main lights went off leaving the dim lights on. I sighed deeply and nervously. Maliwanag naman ang paligid pero hindi na kasing liwanag ito na kagaya kanina. Tumayo agad ako sa tabi niya.
"S-Sir Norman, g-gusto mo bang kumain ng cake? M-May cake ako sa fridge. Chocolate cake," pilit na ngiti ko. Ang totoo gusto ko lang na may pag-uusapan kami. Baka kasi kung saan pa mapunta ito.
"Sure, Miss Galvantes," he heaved deeply.
Mabilis ang hakbang ko papuntang kusina at binuksan ko agad ang refrigerator. Halos hindi ko na makita ang dalawang maliit na plato ng buksan ko ang drawer. Kaya kinapa ko ito. My knees are trembling, and my heart never stops pounding so hard that I might go crazy soon.
Nag-slice ako sa cake at nilagyan ang dalawang plato. Kumuha rin ako ng dalawang orange juice. Naubos ko na kasi ang kape ko. Ewan ko lang sa kanya, pero okay lang siguro ito.
"Do you want me to make you another coffee, Sir Norman? I have an orange juice here if you like?"
Tumayo na siya at kitang-kita ko ang matipunong pangangatawan niya na palapit sa akin. Napalunok na ako at pilit na inaayos ang sarili.
"Another coffee please, Stella." Lapag niya ng tasa sa sink at tinitigan ko lang ito.
"Ah, okay." Kinuha ko ito at mabilis na hinugasan lang ng tubig para magawan ulit siya ng kape.
"Drop the 'sir', Stella. Tayong dalawa lang naman ang nandito," babang boses niya.
"O-Okay, Sir."
He cleared his throat again, and I just realized what I had said. I bit my lower lip.
"Sorry."
Nilapag ko agad ang kape niya, at mabilis na ininom ang juice ko. Pareho na kaming nakatayo ngayon sa counter ng kusina. Nanginig pa ang kamay ko nang hawakan ko ang tinidor para kainin ang cake.
Ano ba, Stella! Sigaw ng isip ko, at mabilis na isinubo ito sa bibig ko.
I kept scooping my cake and non-stop feeding myself. Kahit pa puno na ang bibig ko ng cake ay panay pa rin ang subo ko nito. Kamuntik pa tuloy akong mabilaukan nang mag-angat ako ng tingin sa kanya at seryoso ang mga mata niya sa akin.
"Slow down." He chuckled slightly and shook his head.
"I won't eat you, Stella," he laughed, and my mouth parted.
Natawa kasi siya. Nahiya tuloy ako sa sarili ko. Ako lang 'ata ang nag-iisip ng ganito sa kanya. E, samantalang wala lang naman sa kanya ang mga iniisip ko.
I'm experiencing a mix of excitement and nervousness. The fluttery sensations in my stomach are causing discomfort, but I can't deny my feelings for him. It's a new experience for me, and it's making me feel a bit uneasy around him.
Hindi naman ako gaga para hindi maintindihan ang nararamdaman ko ngayon sa nag-iisang Owen Norman Mondragon na boss ko. Kumalma ka naman puso ko.
I can still see the smile on Norman's face. Kalahati lang ang nakain niya sa cake at inubos na ang kape niya. Ang lakas niyang uminom ng kape.
Nang tinitigan ko siya ay ang isang maamong Norman ang nakikita ko sa mukha niya. Para siyang anghel, ang ganda ng mga mata niya. He constantly licked his lips, making it so red and I wanted to taste it.
My goodness, Stella Marie!
Nanlaki na ang mga mata ko dahil nahuli niya akong nakatitig sa kanya ng husto. Umiwas agad ako at napayuko na.
"Stella."
"Ha?" Sa awang ng labi ko at titig sa kanya.
Mabilis niyang hinaplos ang gilid labi ko gamit ang kamay niya at dama ko agad ang init na dala nito.
My God, Norman. Don't do this. If he will kiss me now, then I am sure I cannot stop myself from this.
"Let me clean you." Haplos ng kamay niya sa gilid ng labi ko.
"That's better," He smiled a little bit and then sucked his thumb after cleaning the side of my mouth.
My mouth parted again. Napakurap ako at natawa na sa sarili ko. I looked down and chuckled. I felt reddish at this moment. Iba ang iniisip ko samantalang nilinis lang naman niya ang gilid ng labi ko dahil sa chocolate icing na nandito. Tumikhim na siya at nag-angat na ako ng tingin sa kanya.
"I better go, Stella," titig niya sa labi ko.
"Ha? Ah, okay," dismayadong tugon ko.
He then strode away from me and grabbed his coat on the chair. Sumunod agad ako sa kanya. At nang marating ang pinto ay siya na mismo ang nagbukas nito. Lalabas pa sana ako para mahatid siya patungo sa elevator man lang pero nagsalita na siya.
"Get in. I'll be okay from here," seryosong titig niya.
"Oh, really? Okay ka lang ba?"
He nodded while staring at my lips again, and I did the same.
"S-Sige. Good night," ngiti ko.
There was no smile from him, but I could feel the tension between us. I swallowed hard while he shut the door.
Napasandal agad ako sa likod ng pinto nang maisara niya ito at napahawak ako sa dibdib ko. Malakas kasi ang tibok ng puso ko na parang sasabog na ito.
***
Norman's POV
Damn it. That was so close.
I stood still for few seconds in the door. I took a deep breath and I felt the want in my system. Mas mabuti ng umalis na ako kaysa sa ano pa ang magawa ko. I don't want to scare her. Ayaw ko munang takutin siya, dahil gusto ko munang makuha ang puso niya.
I will do things slowly. But damn, my hormones and my mind are playing dirty towards her.
I turn away and face down, brushing the palms of my hands in my face until I notice a bunch of roses on the side of the door.
Fuck you, Timothy!
Lihim na mura ko habang tinitigan ang mga bulaklak na nandito. Kinuha ko agad ito at mabilis na humakbang papasok sa elevator para makababa.
While waiting inside the elevator, I grabbed the note and read it. Tama nga naman ako galing kay Timothy ang mga ito.
Nang bumukas ang elevator ay sa basurahan ko agad tinapon ang mga bulaklak. Napamura ako ng makailang beses bago pumasok sa sasakyan.
I know Timothy is a resident of this building. Like me, he's got his condominium too. It's on the same floor.
Ilipat ko kaya si Stella sa Villa at ako rito? Damn it! The hell, am thinking!
As soon as I got home, my phone rang, and I looked at who was calling.
"Ma..." Tamad na sagot ko at napaupo agad ako sa massage chair na nandito. I put my phone on the side, on a loud speaker mode.
"Owen Norman, kailan mo ba ako dadalawin rito!? Nakarating ka na galing Japan at hindi ka man lang nagpakita sa akin?" Sermon ni Mama sa kabilang linya.
"Don't worry, Ma, in two weeks I'll be heading there. May gagawin kami ni Conrad na proyekto sa Isla, kaya magtatagal ako ng Davao at pati na sa Isla ko," I said while shutting my eyes.
"Oh? That's very good, anak. I miss you so much, hijo," siglang tugon ni Mama.
"E-Ellow, tito Owen. . ." Isang maliit na boses ang pumukaw sa atensyon ko at napamulat agad ako.
"W-Who's with you, Ma?" kunot-noong tugon ko.
"Say hello to Rigo, hijo. . .Yes, baby it's your Tito Owen," ang boses ni Mama sa kabilang linya.
I took a deep breath and shut my eyes again. . . Ang anak ni Valeria. Isip ko.
Sino kaya ang ama ng batang ito? Mapapatay ko 'ata at hindi man lang pinanindigan ang pagiging ama niya.
"Hello, bud," I said calmly. "Where's your Mommy Valeria?"
"W-Who? Si Tita Va-al, Tita! Tita!" Pasigaw ni Rigo sa kabilang linya.
"Hello, baby! I have pasalubong!" ang boses ni Valerie sa kabilang linya.
Naimulat ko ulit ang mga mata sa ikalawang pagkakataon.
What the hell is happening over there? Kaninong anak ba ang batang iyon?
"Ma??" My brows furrowed.
"Hijo, I'll call you again. Maghahanda muna kami, anak."
"Ma? Who's that kid? Akala ko ba kay Valeria? What the—" I could not finish my sentence because my spoiled brat sister cut me off!
"Hello, Norman! It's Valerie not Valeria?!" inis na tugon niya at humalaklak na ako.
"Akala ko kasi anak mo," mahinang tawa ko.
"Sana nga anak ko, ano?"
"What?! So who's son is that?" My eyebrows furrowed. I have a bad feeling about this. Wala ni anong sinabi si Mama sa akin.
"It's Mama's son! Hello?!" arteng tugon niya.
"What?!" I shockingly uttered. But before I could ask more questions, she turned the phone off and left me hanging. I shook my head and leaned backward.
What the hell is happening over there with them? Huh, this will be interesting, and I can't wait to see them.
--❤️❤️❤️--
always vote for support 😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro