Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 17



❤️❤️❤️

The Same


Stella's POV


Isang oras na akong pabalik-balik sa malaking salamin sa kwarto. 

I've changed myself at least six times. I woke up early and did my complex routine. But it took me so long to find the right dress to wear. I felt excited thinking about Norman, and I hope to see him at the office today. 

Kaya imbes na ang mahabang palda, ay ang office skirt na ang ginamit ko at hanggang tuhod lang naman ito, at mas komportable ako. 

I exposed my skin slightly, and my top was always the same. Long sleeves with a couple of layers of clothes inside it. I tied my hair in a ponytail, where the end curls. I put a little make-up on and wear my normal black boots. 

I inhaled deeply while looking at myself in front of the mirror. 

Sa loob ng isang taon at kalahati na hindi siya nakita ay para akong teenager na excited na makita ang crush ko.  It felt like there was a hole in my stomach, and plenty of butterflies were inside it.


Nang bumukas ang elevator at lumabas ako, ay panay na ang kabog sa dibdib ko. I inhale deeply again, trying to control my elivated feeling. Nakangiti ang dalawang empleyado na kaibigan ko rito at taimtim ang titig nila sa akin na nakangiti.

"Miss Galvantes? You've changed?" Lawak na ngiti ni Edna.

"You look. . . different? Oh, I love it! How much more if you will transform your whole image into something, dear!" Ngiting tugon ni Rowena.

"O-Okay lang ba ang suot ko?" Hiyang tanong ko sa kanila.

"Hay, naku! I like your skirt, Miss Stella. Masyadong mahaba pa nga 'yan, dahil nasa tuhod mo. Pero okay na! Ang kinis pala ng balat mo. Ba't mo tinatakpan?" Titig ni Edna sa hita ko at lumapit na siya.

"Ha? A. . .e. . . type ko lang!" Bahagyang ngiti ko sa kanila. Sabay silang natawa.

"Okay. I'll see you all later. Aayusin ko pa ang opisina ng boss natin." Kaway ko, at katulad ko ay naging abala ang lahat at maaga sa trabaho. 

 Atticus sends a notification to Miss Cavern, letting her know that the Phantom is back, and I bet she let everyone know about it. No wonder everyone acts like a robot so early today. 

When I entered the door of my office, I look at his door straight away. Bukas pa ito na kagaya ng nakagawian ko. I never shut his office door. Tapat lang naman ito sa mesa ko, at makikita ko ang mesa niya sa tuwing nakaupo ako sa mesa ko.

Wala pa siya. Kaya nilapag ko lang muna ang dala kong Ipad at bag. Pumasok akong una sa office niya at nilinis ito ng konti. It's all clean and I left the door open again as it was normally. Nakasanayan ko ng iwan na nakabukas ang pinto ng opisina niya.

For one year and a half, I have always stared at his empty table facing toward my table. I imagine him a lot of times, sitting so mighty and serious without a smile. I adore him for that, in secret. And now that Norman is back, I feel lost and don't know how to act towards him. 

I don't know. I'm also confused about my feelings, but I will follow the flow. 


After four hours of staring at the wall clock back and forth, I don't think he will show up today. 

Nag-lunch time na at sa canteen ako kumain ng tahimik mag-isa. Nasanay na ako sa ganito. Pero kakaiba ngayon, dahil napansin nila agad ang kaibahan sa damit ko.

The men from the other division unit kept looking in my direction. Their eyes were like a hawk, peering like something was wrong with me. And as always, the spot beside me is empty at all times. Naka-reserba na ang pwestong ito at alam nilang lahat iyon para kanina. 

Ako ang gumagamit sa silya at lamesa na nakalaan para sa boss ko. Walang ibang pwedeng umupo sa bahaging ito kung 'di ako lang at si Norman. Well, kasali na rin sina Atticus at Xavion.

"Wala pa ba?" si Miss Cavern na nakangiti at umupo sa harapan na bakante.

"Baka bukas pa 'ata iyon." Sabay subo ko sa tinapay.

"I've heard tapos na ang project niya sa Japan at Hongkong. Kaya babalik na si Phantom," taas kilay niya at kumain na din.

I nodded and silently ate my food. We continued the day until office hours ended. I don't think he's ready to be back. Siguro pagod pa iyon at gusto ng magpahinga.


I parked his car in his basement parking area. The company gave me a car to use, and that's when I let go of Beetle. Nasa mabuting kamay na si Beetle ngayon. Isang taong mahilig sa mga old vintage collectible items and nakabili sa kanya. 

Nang makarating sa condo, ay binuksan ko na ang balkonahe rito. Tama nga naman ako dahil naghihintay na si Phantom furry feline baby.

"Gutom ka na ba? I bought you a tin of food." Ngiti kong haplos sa ulo ng pusa.

Tumayo ako at binuksan ang tin cat food. Ramdam ko pa ang bawat haplos ni phantom sa paanan ko. Napaupo ako at nilagyan ang cat bowl niya rito. Kumain din agad siya at hinamas-himas ko pa ang itim na balahibo niya.

"Ang taba mo na. Mag-exercise ka naman. Hmm?" Haplos ko sa ulo niya.

"Meow..." Titig ni phantom sa akin at kumain ulit. 

Natawa na ako. Naiintindihan siguro ako ng pusang ito.

Isang taon na simula nang makita ko si phantom sa gilid ng basurahan. Ang pangit nga niya noon. Payat at may sugat pa sa kanang mata. Nagtapon kasi ako ng basurahan sa baba, at nakita ko siya. Natakot pa nga ako at kinabahan dahil akala ko kasi aswang siya! E, gabi pa naman at purong itim ang kulay ng balahibo niya. Pero napansin ko na maamo ang mga mata niya, kaya nahabag ang puso ko sa pusa. 

Sumunod siya sa akin noon papasok sa paanan ng condo. Nilingon ko pa siya, na parang tinatakot sa titig ko. Ayaw ko sa kanya noon sa totoo lang. Pero nang matitigan ko ang mga mata niya, ay biglang pumasok ang mukha ni Norman sa utak ko. 

Sa itim na kulay niya ay naalala ko ang isang tao. May biscuit akong dala noon, na kinain ko at binigyan ko ng dalawa ang pusa. 

Ang takaw niya, at simula noon ay naghihintay na siya sa akin kada gabi sa tapunan ko ng basurahan. Hanggang sa naawa na ako at inampon ko na siya at pinasok sa loob ng condo ni Norman.

"Nakabalik na ang may-ari ng condo, kaya rito ka na muna sa balkonahe tumira ha. Bawal ka muna sa loob. Baka palayasin tayong dalawa." Haplos ko ulit sa ulo niya.

Tahimik lang itong kumain at nahabag ang puso ko habang pinagmamasdan si phantom na pusa. Naalala ko ang pag-uusap namin ni Tilda kagabi, at nabuhayan ako ng pag-asa sa sarili.  Pakiramdam ko papatak na naman ang mga luha ko. Sana nga lang ito na at sana ang tamang pagkakataon na mahanap ko na siya.


THE next day was the same. Taranta ako sa sarili dahil medyo late ako nang konting minuto. Pero gakaya nang kahapon ay hindi pa rin siya pumasok. 

What's the point of getting excited, Stella? Ang tanga ko talaga! Ganito na ba talaga ako ka excited na makita siya? 

Well, kung iisipin mo nga naman isang taon at kalahati rin na hindi ko nakita si Norman kaya excusable ang excitement na nararamdaman ko. 


The next day, Friday, napagod ako dahil sa dami ng back-logs sa trabaho kahapon. Kaya ngayon ang normal na suot ko ang ayos ko. Nakalimutan ko ng mag-ayos. Nawala na ang excitement ko.

"Stress ka ano?" Sabay titig ni Edna sa kabuuan ko.

"Tinapos ko lahat ng trabaho kagabi. Ang daming binigay ni Miss Cavern."

"Halata naman. Sige, goodluck!" Talikod agad niya.

Umandar na naman ang kaartehan ni Edna. Ganito talaga rito ang mga tao. Lahat 'ata sila nag-iiba ang ugali. Nagmana 'ata kay Miss Cavern!

Nang pumasok ako ay sarado ang pinto ng opisina ni Norman. Maingat ko pang nilapag ang Ipad at bag ko sa mesa. 

I can't remember that I shut his office door last night. Sigurado akong hindi ko sinara ito, dahil pinapabayaan ko naman na bukas ito.

"Hay naku! Si Palito siguro." Buntong-hininga ko sa sarili at humakbang ako palapit sa pinto.

Madalas naglilinis si Palito, ang janitor sa hallway at kasama niyang nililinis ang loob. Pero bawal siya sa loob ng opisina ni Norman. Siguro nakita niyang bukas kaya sinarado niya ang pinto.

I walk closer, hold the handle, turn it over, and open the door. But my world parted when I saw him sitting at his desk.

"Good morning, Miss Galvantes," baritonong boses niya at kinabahan na ako.

Makailang beses ang pagkurap at  lunok ko sa sarili. 

Owen Norman? I stared at him, confused and frozen! 

Tumayo agad siya at mahinang humakbang palapit sa akin. My heart pounded so heavily, trying to control both confussion. Parang ang hirap huminga sa harap niya at ang hirap igalaw ng katawan ko. 

Ano ba, Stella!

Tumaas na ang buhok niya at hanggang balikat na ito. Medyo kulot at nakatali. . . and the heck, he grows his beard too? He looks so matured and, and — namilog ang mata ko nang maalala ko ang parehong mukha niya noon. Noong una ko siyang nakilala sa bar.

He stopped right in front of me and stared at me evidently. My heart pounded for more, and my eyes betrayed me. Sa labi niya kasi napako ang mga mata ko at nagwalang lalo ang tibok ng puso ko.  He looks exactly the same as the first time I saw him!

"I want my coffee. . . Marie?" Tipid na ngiti niya sa akin at bumagsag na ang balikat ko. 


-❤️❤️❤️--
Vote for support 😘

Marie? Trivia? hahaha.

Salamat sa pagbasa. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro