Kabanata 1
"Life moves on, and so should we. If I cut you off, chances are, I will hand you the scissors."
🍀🍀🍀
Move on
"Yes, I will marry you, Earl."
He scooped and kissed me hard. Ito na 'ata ang pinakamasayang bahagi ng buhay ko. Tama nga sila noon, na sa kabila ng paghihirap natin sa buhay ay may isang tao na handang tangapin ang ano man tayo sa mundo.
This one person will stick to us through thick and thin—a person who's willing to accept our mistakes from the past and ready to love us unconditionally.
Isang taon na kami ni Earl. Mabait siya, galante at masaya sa trabaho niya. Manager sa isang appliance centre at katulad ko, ay simpli lang din ang gusto niya sa buhay.
"Stella! Have you seen the news? Hindi ba papuntang Indonesia si Earl?" Hysterical na saad ni Tilda sa kabilang linya.
"The plane crashed, Stella! At isa si Earl sa mga pasahero nila."
Ang akala ko ay nagsisinungaling lang siya, mahilig kasi sa prank si Tilda, hindi pala.
Nilublob ko ang katawan sa bathtub at pinigilan ang paghinga
One, two, three, four...
"Oh, God!" Napamulat ako at huminga nang malalim nang makaahon ang mukha ko sa tubig.
How I hope it was easy for me to end my life, but it's not. Every time I tried to cut my breath, slice my pulse, and stare at the big pile of pills to overdose and kill myself, I could not do it.
Hindi ko po pala kaya... at sa lahat nang katangahan at kasalanan na nagawa ko sa buhay ko ay hindi solusyon ang magpakamatay ako.
Earl wont be happy seeing me like this. Alam kong mas gugustuhin niyang maging masaya ako. Pero papaano? How can I be happy when he's not here anymore? Wala na siya? At ano pa ang saysay ng buhay ko ngayong wala na siya sa tabi ko.
Tumingala ako sa kisame ng banyo at pilit na pinigilan ang pagpatak ng luha.
Today is his death anniversary. It's been a year since he left me alone in this house. Ito ang pangarap namin na bahay para sa pamilya namin dalawa. Ang sakit, ang sakit-sakit padin dito sa loob ko.
This house still has lovely memories of him, and I don't know if I could go on living.
Napakurap ako nang marinig ang lakas na tunog ng doorbell sa baba at ang ingay ng cellphone ko. Bumalik ako sa realidad ng buhay ko ngayon.
I stood up and wrapped the towel around me. I dried my hands and looked at my phone... it was Tilda.
"H-Hello, Ti?" in my weak voice.
"Hoy, bruha! What are you up to? Don't tell me nag e-emote ka na naman? Buksan mo nga ako rito! Nasa baba ako."
"T-Teka lang, Ti. Magbibihis lang ako."
Pinatay ko na ang tawag at mabilis na nagdamit sa sarili. Sinuot ko nang mabilisan ang panty at short at puting t-shirt. Binalot ko lang ang buhok ng tuwalya at bumaba na para pagbuksan siya.
"Hay, salamat naman at buhay ka pa!" Pabirong tugon niya at yumakap agad sa akin.
"May dala akong pagkain. Paborito mo!" Excited na tugon niya at naglakad na siya patungo sa maliit na kusina.
I shut the door and followed her towards the kitchen.
"Ang init ngayon, hay naku! Mabuti ka pa at nakaligo na. Maliligo rin ako mamaya, okay?" Lawak na ngiti niya at tumango ako.
Honestly, this house is very tiny. It's a two-story house with two bedrooms on the second floor and a decent bathroom size. Nilaan kasi ni Earl ang isang kwarto at ginawang extension ng bathroom namin. Gusto kasi niya na may malaki kaming bathtub at magandang shower.
Ang dami naming plano sa maliit na bahay na ito. Lahat ng gusto niya ay may kamahalan, pero okay lang dahil para naman 'to sa aming dalawa. Pero ngayon na wala na siya, ay naiwan na ako sa bigat na bayarin ng bahay na ito.
Nahinto si Tilda at nakatitig sa lahat ng bayarin na nakadikit sa refrigerator.
"My goodness, ang laki pala ng bayarin mo rito? At meron pa sa lahat ng mga gamit sa bahay na nandito."
"Alam ko." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at kumuha ng dalawang baso.
"I'm giving up my car, Ti. Hanapan mo naman ako ng buyer ni beetle, please." Mahinang tugon ko at naupo na ulit ako.
"Sure ka?" pag-aalala sa boses niya.
Tinitigan niya ako nang mariin at tumango ako sa kanya. Alam niya kasi na ito lang din ang gamit ko sa lahat ng lakad at sa trabaho. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? I cannot give up the house. Ang hirap bitawan ng bahay na ito, dahil sa mga alaala ko kay Earl.
"Stella, you don't need this house. You can live with me if you like. Wala akong kasama sa bahay at doon ka muna. This house is thirty years to pay, and because of your ex-fiancé stupidity he signed a bridging contract to the lenders. Kaya ano ngayon? O, ikaw ang nahihirapan?" Kunot-noo niya.
"Saan ka kukuha ng sixty thousand pesos kada buwan? My goodness! Twenty five thousand lang ang sweldo mo sa coffee shop ni Mrs Lim." Pamaywang niya.
Napabuntonghininga ako at nagsandok na ng kanin sa harapan niya. Bahala siya magtalak sa akin basta kakain muna ako.
"At wala ka pang nakuha sa insurance niya dahil hindi pa naman kayo kasal. Kaya hayon! Andoon sa matapobre niyang ina! Akala mo naman kung sino sila? Che! Mga ambisyosa!" Inis na tugon niyang naupo at kumain na.
"Mag-isip ka nga, Stella!" Sabay subo niya nang kanin sa bibig gamit ang daliri.
"Hindi nakapangalan sa 'yo ang bahay na ito. Hayaan mo na, dahil kukunin din 'to ng ina niya sa 'yo! Mark my words, Stella. Huwag kang tanga!" Sabay turo niya.
I nodded and eat. "Alam ko naman, Ti. Hindi naman ako tanga."
"Hindi nga. Medyo lang! Pero tanga pa rin!" pagpatuloy niya.
"Leave this house, Stella. Huwag mong hawakan ito dahil lang sa alaala mo kay Earl. I'm sorry for my harsh comments, but I think you better let go and move on, best friend." She pouted.
"Isang taon na 'di ba? Isang taon ka na rin na babad sa utang dahil dito," titig niya
"Life moves on, and so should we. If I cut you off, chances are, I will give the scissors to you, Stella!"
Kumain na lang din ng tahimik. Ayaw ko munang isipin ito. Makakahanap pa naman ako ng solusyon kaya okay lang. Wala na kasi akong savings. Naubos na dahil sa bayarin.
"Ano babalik ka na ba bukas sa trabaho? Galit na si Mrs Lim sa mga absent mo."
"Oo, babalik ako bukas. Tama na sa akin ang isang taon," mahinang tugon ko.
"Mabuti naman! At puwede ba ayusin mo nga iyang pananamit mo. Mukha kang lusyang na nawalan ng asawa!" Inis na tugon niya. Ininom ko na agad ang tubig ko.
"Don't tell me pinaparusahan mo na naman ang sarili mo, Stella?"
"Hindi ba dapat? Tama na siguro sa akin ang ganito. Mas mabuti na maging matandang dalaga na lang ako." Tumayo ako at kumuha pa ng kanin sa rice cooker. Maingat kong nilapag ulit ito sa mesa.
"My goodness, Stella! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yo!" desperadang boses niya.
"Business Management ang tinapos mo. Ginapang mo pa 'yan! Oo, sabihin na natin na naging tanga ka noon, at natoto ka na. You met Earl and then you build a new life with him. Yes, I was happy because finally you've found yourself again. But my goodness, girl! Binalik mo lang ang sarili mo sa kung ano ka noon!"
Nag-angat ako nang titig at natatawa akong pinagmamasdan ang mukha niya. Nagkalat ang kanin sa gilid ng labi niya dahil sa kakatalak sa akin. Alam kong higit pa sa isang matalik na kaibigan ang tingin niya sa akin, dahil kapatid na ang turingan namin sa isa't-isa.
Tilda Banes is my one and only best friend in life. Scholar ako noon sa Trinity Faith University High School, isang pribadong paaralan sa Cebu. Sa kabilang Isla kami nakatira noon, sa kapatid ni Mama. Dahil mataas ang pangarap ko ay sumugal ako sa full scholarship ng dalawang Unibersidad ng lungsod, at nakapasa ako sa TFU.
Baguhan ako at walang kaalam-alam sa syudad. I was renting a small pad, enough space for me to sleep. Five hundred pesos ang buwan na renta na parang nasa loob ka ng sardinas. Wala akong choice, wala kasi akong ibang kakilala roon.
I excel academically but been bullied. Nakilala ko si Tilda nang tumuntong akong second year. Transferee siya galing Canada. Mabait siya at naging magaan ang loob ko sa kanya. Hanggang sa naging matalik na magkaibigan kaming dalawa. Hindi siya maarte at kahit pa ulo ng manok ay kakainin niya. Nakikigaya lang naman siya sa pagkain ko noon, dahil iyon lang naman ang kayang bilhin ko.
I graduated with flying colors in high school and passed the full scholarship in Ateneo de Manila. She goes to the same school too. Iba nga lang ang kurso niya sa kurko ko. And then the rest is history.
Nahinto agad siya at tinitigan na ako.
"Ano ba, bruha! Naiinis na ako sa 'yo ah!" Tumalsik pa ang kanin na galing sa bibig niya sa mukha ko at natawa na ako.
"Oo, na!" Bahagyang tawa ko, sabay punas sa mukha ko.
"Ano sa Sabado gusto mo ba ng extra? Naghahanap si Ate," tipid na tugon niya at tumango na ako.
"Oo, pero ibebenta ko pa rin ang sasakyan ko," ismid ko.
Tumaas na ang kilay niya na parang hindi makapaniwala.
"As in? So ano, balik commute ka na naman?" Sabay subo niya.
"Okay, lang kailangan ko lang bayaran ang tatlong buwan na balance sa bahay na ito. Wala ng palugit ang bangko. Baka puwedeng one hundred thousand si beetle."
Umiling na siya. "Eighty thousand ang bili mo kay beetle at ibebenta mo ng one hundred thousand? Ano ka sira!" Taas kilay niya.
"Sige na, please... Have mercy," sa nakaaawang titig ko. "Sige na please, ikaw na lang talaga ang pag-asa ko, Ti. Kung hindi dahil sa 'yo baka matagal na akong nagpakamatay at nawala sa mundo."
"Aray!" Sabay sapak niya sa ulo ko.
"E, kung papatayin kaya kita ngayon? Ano!" Pagbibiro niya at natawa na ako.
"I'll see what I can do. I'll ask Ate Jean, but I can't promise anything. Maliban nga lang kung ibebenta natin si beetle sa junkshop." Lakas na tawa niya at ngumiwi na ako.
--❤️❤️❤️--
Vote for support. Thank you.
Under editing pa po ito into physical copy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro