Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 7

Chapter Seven

Something Out Of This World


She figure out I hate begging so she let me do my request. Ipinikit niya pa lang ang mga mata niya ay parang sasabog na ang puso ko sa matinding antisipasyon.

I lowered my face to kiss her, slowly at first. I knew I was not a bad kisser pero nangapa ako nang tuluyan nang maglapat ang aming mga labi. I was lost for a moment. Indeed I feel like a teenager having his first kiss for the very first time. Wala sa sariling nabitiwan ko na ang aking iPhone para lang maayos na ilingkis ang kamay sa kanyang bewang. I didn't bother picking it up. I had to grip on her waist tightly dahil para akong matutumba sa lakas ng kalampag ng puso ko.

My eyes remained closed as I started tasting and savoring her lips. She gasped and put her hands to my shoulders, gaya ko ay nanghihina rin sa aking kapangahasan. Naghinang ang mga labi namin ng ilang segundo. I let our breathings do the talking for us. Mahigpit ang kapit namin sa isa't isa, parehas nagpipigil na palalimin ang halik. I had to pull an inches away so my lips could praise her again.

"God, Imara... I didn't know I'd crave for this... You're making me crave for you and I want more than just a peck."

"Then kiss me more, Euxerre... I'm not stopping you—"

I did. This time, I was more aggressive, determinado. Pero kahit na sinisiil ko nang muli ng halik ang kanyang mga labi at gustong-gusto pang bilisan iyon ay hindi ko magawa. There was something in me that kept on telling me to do it gently. Banayad at may buong pusong pag-iingat. Sa pagkawala ng ungol sa kanyang mga labi ay natauhan ako't mas binagalan lang ang paggalaw.

My insistent mouth began kissing her with so passion, sending wild tremors along my nerves. Bawat galaw ay sigurado, making me hungry for a sensation I never thought I was capable of feeling. And when Imara started kissing me back with the same eagerness, I totally lost it. Her bubblegum tongue began dancing salsa against mine. Naidiin ko na siya sa barandilya, nanggigil pero pigil ang bawat galaw.

Ilang minuto ang lumipas ay hindi ko na rin napigilan ang pagkawala ng ungol sa aking mga labi, making her gasp and lose her strength. Mabuti na lang at mahigpit ang kapit ko sa kanya dahil kung hindi ay parehas kaming nalaglag sa sahig. We were both laughing when the kiss finally broke.

Hindi ko na inalis ang pagkakayakap sa kanyang katawan matapos naming balikan ang panunuod sa araw na nakatutok na sa aming dalawa't naging saksi sa aming unang halik na pinagsaluhan.

I helped her settled in the villa after we finally finished our breakfast. Ilang minuto ang nakalipas ay muli kaming nagkita para sa paglilibot ko sa kanya sa buong lugar. She changed her clothes. Ngayon ay nakasuot na siya ng pink na beach dress. I don't know why, but pink really suits her. Lumalabas lalo ang ganda ng kanyang balat sa kulay.

Her glow was beaming. Hindi matapos-tapos ang pagsamba ko sa kanyang kabuuan. I was jealous of her dark long hair with big natural curles because it was hugging her curves. I wish I could do that 27/4.

"You really like pink, huh?"

She chuckled and nodded at me. "You figured. How about you? What's your favorite color?"

Nagkibit ako ng balikat pero nang mapabaling sa kanya ay nagkaro'n din kaagad ng sagot. "I think pink's my favorite now, too."

"Stop, hindi nga?"

"I'm serious. I don't fancy any color but I like seeing pink now."

She blushed at that. "I don't know why you've been single all these years. Magaling kang mambola. Your lines are always solid."

"Hindi naman ako nambobola. And I told you, I'm a bad liar so expect me to be honest all the time."

Hindi na niya nagawang kontrahin ang mga sinabi ko. Imbes na magpahinga at hapon na lang pumunta sa beach ay doon niya hiniling na magpalipas buong araw. She said we only have the day to enjoy the place and we're going back again tomorrow so she wanted to make the most of our trip. Wala naman sa akin 'yon. I actually miss being on the beach so it was not hard for me to grant her requests.

We spent time island hopping, mingling with other people, and just enjoying the day being normal, free, and happy.

"Thank you so much for doing this, Eux. You don't have any idea how much I needed this." untag niya matapos naming makapagbihis at ngayon ay naglalakad na lang sa dalampasigan habang naghihintay ng sunset sa Las Cabanas.

"My pleasure. I didn't think I needed this too until now so thank you."

She smiled and let the salty air brush against her face. Wala sa sariling napangiti na lang din ako. Her face was a bit red because we were exposed from the sun the whole day, but it suits her more. Balewala sa kanya ang tan na nakuha sa araw. Kung wala nga lang daw trabaho ay gusto niya pang mag-extend. I offered her again the villa and the private jet. Muli kong inulit na kahit anong oras niya gustong pumunta ay pwede. Muli siyang nagpasalamat.

As we lay on the beach, the silence took over us. Tahimik kaming dalawa. Walang ginawa kung hindi ang pakinggan ang banayad na alon sa dagat at lasapin ang sariwang simoy ng hangin.

It was nice taking a break sometimes. Sa buong araw ay wala akong naramdaman kung hindi kasiyahan. As if I forgot to have fun for such a long time at ngayon na lang ulit. Pakiramdam ko ay nakawala ako sa matagal na panahong pagkakakulong. With that, I promised myself this wouldn't be the last. Gustohin ko mang kasama si Imara palagi lalo na sa mga ganito, ipinangako ko na sa sarili kong kahit wala siya ay gagawin ko rin ito ng madalas. That fun should always be on my schedule.

"It feels like the movies..." namamangha niyang sambit habang ngayon ay nakatitig sa kulay rosas na langit at pinapanuod ang araw na kasalukuyan nang bumababa.

"It is." I answered as I glance at her. Umahon na rin ako't naupo sa kanyang tabi.

"I sometimes wonder how some people was given such beauty yet they just take it for granted. 'Yung mga nasa siyudad gusto rito, samatalang tayo, gusto naman dito. People really don't know how to be contented, I guess. Or maybe, nagsasawa rin sa mga kinalakihang environment. Maybe humans were created with hunger to always look for something new. Something that will excite us. Something out of this world..."

Wala akong naisagot. My head was blown away with how deep her words are.

"Kapag nasa Manila ka, parang walang ibang importante doon kung hindi trabaho. Mabilis ang oras. Everything feels heavy and polluted samantalang dito, parang napakabagal ng oras. You get to fully enjoy every minute of the day. It gives us new perspective, freshen our mindset, and freed our minds and soul. It makes me so thankful I was granted the gift of life. I appreciate everything more being here..." she paused, sadness slowly crept on her lips. Sumagot na ako.

"That's deep."

"You didn't think about it?" she asked, ngayon ay nakabaling na rin sa akin.

"Being with you now makes me so thankful of my life, too... and everything in it." I answered, dahan-dahang inilalapit ang kamay sa kanya.

She smiled when she felt my hand touching hers. Hinayaan niyang maingat kong ipagsalikop ang mga kamay namin. She then leaned on me and brought her attention back to the sunset.

"I think I take all things for granted. These past few years I feel like I was on the loop. Lahat ng ginawa kong cycle paulit-ulit lang dahil sa trabaho. Parang walang progress sa buhay. Everything felt dull. Even before going here, I think I was on that same loop, but now I was freed from it because of you. And no, I am not saying this because I want to please you whatsoever. Sinasabi ko dahil sa pagkakataong ito ay 'yon ang nararamdaman ko. You gave me new perspective that made me don't want to be imprisoned of that cycle anymore. I want something new, too. Something that will excite me. Something out of this world... at kung bibigyan ng pagkakataon, I want this new chapter with you, Imara."

Napabalik ang mga mata niya sa akin. Our eyes locked, but it bothers me to see mixed emotions from her eyes. Tila ba napakarami niyang gustong sabihin na hindi niya magawa. Sa huli, kahit na hindi kasiyahan ang nababanaag ko sa kanyang mga mata ay iyon ang ipinadama't ipinakita niya sa akin.

"I want to be in this new chapter, too, Euxerre... Can I be honest with you?"

"Shoot. Masyado ba akong mabilis? Ayaw mo ba ng ganito? Is it weirding you out?"

She gently shook her head. Humigpit ang kapit niya sa aking kamay ngunit nakahinga ako ng maluwag sa kanyang masuyong pagngiti.

"I never felt anything like this to anyone. Masyado kang mabilis at ilang araw pa lang tayong lumalabas, but I feel like we're meant to meet just to feel every extraordinary feelings and emotions there is. It's weird how each second we got to progress towards what our parents wanted for us, but I'm looking forward to whatever this connection will brought us. I couldn't explain it—"

"I understand and you don't have to because I honestly feel the same. Hindi ako kailanman naging ganito kabilis sa kahit na sino. I maybe all in when it comes to being in a relationship, but this is nothing compared to what I felt before with anyone. It's a good kind of weird feeling. Nakakakaba."

She smiled and nodded. "Nakakakaba, that's the word."

"But I want to dig more. Gusto kong ma-discover kung ano pang pwedeng maramdaman kasama ka at sana gano'n ka rin... I hope this connection wouldn't change unless for the better."

"I want that, too... I needed that."

Wala sa sariling nabitiwan ko na ang kanyang kamay upang akbayan ang kanyang katawan. I pulled her to my body and gently gave a peck on her forehead. She liked it.

Wala na kaming naging usapan. We just sit there with pure silence until the sun finally left the sky. We had dinner after the sunset. Walang segundong hindi ko nakita ang kanyang mga ngiti. Dama ko rin ang matindi niyang pasasalamat na para bang matagal na niyang kailangan ng ganitong break. As I was watching her, I felt the need of it, too. She have no idea how she made me so damn happy.

Hindi ko pa man alam kung saan kami dadalhin ng koneksiyong 'to ay dama at alam ko na sa sariling handa ako. And I can't wait to succeed to it, too.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro