Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 12

Chapter Twelve

Shattered Heart


"Are you okay? Do you need anything? I'm about to leave the office so if you need anything please tell me."

"No, I'm fine. I just have a bad headache. Kailangan ko lang ng pahinga. Sorry kung hindi ako makakapunta sa dinner natin ngayon."

"No please, don't be. I understand. Okay lang. Take the rest that you need. I'm fine. Besides, ano ba naman 'yung isang gabing ma-mi-miss kita?"

"Oh Eux... That makes me feel bad."

"It's okay, baby... Susunduin ko lang si Saryna tapos diretso na kami sa bahay. Magpahinga ka na. We'll talk soon, alright? Bawi na lang tayo next time kapag mas maayos na ang pakiramdam mo."

"Sorry ulit."

"Stop apologizing now. It's okay, love. It's okay..." mas malumanay kong sagot dahilan para tumigil na siya.

Pagkababa ng tawag ay tinapos ko na rin ang trabaho ko dahil nagpapasundo sa akin si Saryna sa club. Siguro ay lasing na naman ito at kailangan ako para makalusot kina mommy. I don't mind. Mas gusto ko pang ganito ka-bukas sa akin ang mga kapatid ko. I want myself to be the first thing who comes in their mind when they were in trouble. Gusto kong bago ang ibang tao ay sa akin sila nagtitiwala. Damien already called me when I missed to answer Saryna's first call. Hindi daw niya masusundo at nagpapaumanhin kaya ako na lang talaga ang pag-asa ng kapatid ko.

"Where you at? Malapit na kami."

"I'm drunk kuya, Nio. I'm so sorry. I know I told you the last time was the last time, but it's my friend's birthday so I had to go and celebrate the day with her."

"Alright, I understand. Can you come outside the bar now? We're almost at the entrance."

"I don't think I can, kuya. Everyone is already drunk. My world is spinning already. Fucking patron. Fuck, my head hurts and I think I'm about to puke!"

Wala sa sariling napapikit ako nang marinig ang pagsuka ni Saryna sa kabilang linya pagkatapos na pagkatapos sabihin ang salitang 'yon. I cut the line and asked Vlasta to hurry up, but because it was Saturday night, talagang nag-traffic sa entrance ng club.

Imbes na ibigay pa sa valet ay walang pakialam na lang naming iniwan ni Vlasta ang sasakyan sa mismong harapan ng exclusive club. Nang makilala naman ako ng mga empleyado ay walang nagawa ang mga ito. They even accompanied us inside to look for my sister, but my feet was put to stop when my eyes immediately locked to a girl walking towards my direction.

Pakiramdam ko ay may biglang sumakal ng mahigpit sa aking leeg nang tuluyan nang makita ang kanyang kabuuan.

Are my eyes betraying me? What is she doing here? Ang sabi niya ay may sakit siya kaya hindi siya makakapunta sa dinner namin pero anong ginagawa niya rito sa club?

Did my fiancée just... lied to me?

Bago pa ako masagot ng natitirang katinuan sa aking utak ay para na akong pinagsakluban ng langit at lupa nang makita ang halos patakbong pagsunod sa kanya ng isang lalaki at walang sabing paghila sa kanyang kamay upang ilapit sa katawan nito. Before I could even react to it, the man already savored her lips like he was craving for it the whole night. Ang mas malala, my fiancée answered the man with the same intensity and passion, leaving me with nothing but a shattered heart.

I blacked out. The next thing I knew, I was being pulled by the security after continuously punching the man my girlfriend just kissed.

Everything was happening so fast yet I feel like time was standing still. Kita at dama ko ang bawat paglapat ng malalakas kong kamao sa mukha ng lalaki. I watched Vlasta pulling me away from the man. May mga dumalo na ring security nang hindi niya magawa. The place became quiet and all I could hear was the horror to Imara's voice. She was shouting and crying while begging for me to stop, but I just couldn't. Hindi ko alam kung anong demonyo ang sumapi sa akin at bigla akong naging bayolente.

I was never a mad man. Kaya kong timpiin ang sarili ko lalo na pagdating sa galit pero sa pagkakataong ito ay parang hindi na ako ang sarili ko.

I could feel the bones in my hand breaking while I continuously disintegrate the man's skull. I could feel many hands trying to stop me. They were all not successful for minutes until some customers from the bar helped them, too.

Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng hangin sa baga nang sa wakas ay mailayo nila ako sa wala nang malay na lalaki. Hinang-hina ang buo kong katawan at nagsisimula ko nang maramdaman ang kirot ng aking mga kamao pero nang mapunta ang mga mata ko kay Imara na agad dinaluhan nakabulagtang lalaki para tignan kung buhay pa ay pakiramdam ko may namatay sa akin.

Bago pa ako makagalaw at makapag-isip ng kung ano ay nahila na ako ni Vlasta palayo. Sa aming paglabas ng club ay nakita ko ang kapatid kong nakatayo sa labas ng aming sasakyan. Her brows furrowed when she saw us, but then she was shocked to see my state.

"What happened, kuya? Bakit punong-puno ng dugo ang mga kamay mo?!" nag-aalala niyang tanong, tila nawala ang kalasingan habang palayo na kami sa bar.

Wala akong naisagot sa kanya at nanatili lang na tulala. I didn't even bother checking my hands even when the pain was starting to kick in.

"Vlasta? What happened? And where are we going?!"

"We're on our way to the hospital. I already called your dad and told him you are with us. Sinabi ko na rin sa kanya ang nangyari sa kuya mo."

"Then tell me what happened! Nagpasundo lang ako pero mukhang nakipag-away pa kayo! It is your fault! Sinong kaaway mo at bakit nadamay ang kuya ko?!"

"It's not my fault."

"You're such a fucking liar! Hindi nakikipag-away si kuya! You're fucking going to lose your job you idiot! Wala kang kwenta!"

"I swear it was not my fault. Nakita ni Eux si Imara na nakikipaghalikan sa ibang lalaki sa bar na 'yon."

Doon natahimik ang kapatid ko at pagkatapos ay awang-awang napabaling sa akin. Sunod-sunod naman akong napalunok nang muling umulit sa utak ko ang mga sinabi ni Vlasta.

"Turn the car around. I just want to go home."

"Kuya you need to go to the hospital—"

"I said turn the fucking car around! Hindi ko kailangan ng hospital! And you," Napaatras si Saryna nang siya naman ang balingan ko, nabanaag ko ang takot sa kanyang mukha.

"Stop talking dahil sa ating dalawa ay mas matino kaysa sa 'yo ang utak ko so just stop now, Saryna!"

Halos maiyak siya sa aking pagsigaw pero hindi ko na mabawi. I don't know what just got into me, but I feel like a different person. Nagsisisi man akong nasigawan siya pero hindi ko na gusto pang magsalita upang bawiin ang lahat ng mga pagalit.

Walang nagawa si Vlasta kung hindi ang sundin ako. Nang makarating sa bahay ay nagpapasalamat akong hindi pa nakakababa sila mommy kaya malaya akong nakadiretso sa kwarto ko.

"Tell everyone to leave me alone. Walang kakatok, walang lalapit sa kwarto ko, at walang maghahanap sa 'kin, maliwanag ba?" I said to Vlasta who was following me.

"But Nio—"

"Even you," I cut him harshly. "Don't follow me. Just let me be alone, Vlasta."

His feet was put to halt after I said that. Kahit na nag-uumapaw pa rin ang pag-aalala sa kanyang ekspresyon para sa akin ay wala na siyang nagawa kung hindi ang sundin ang mga utos ko. Even though it was clear that we are friends, I am still technically his boss kaya ako pa rin ang masusunod.

I locked my door when I finally got to my room. I went to the sink and tried washing the blood on my hand. Masakit at namamaga na ang mga iyon. I clearly needed some medical attention, but I just want to be alone.

Ilang beses akong napangiwi habang tinatanggal ang mga natuyong dugo pero pakiramdam ko ay hindi matapos-tapos ang ginagawa ko dahil sa muling pagbalik sa utak ko ng mga nangyari.

Imara, my fiancée just ran after the man she kissed after the scene I created. Hindi sa akin, hindi para humingi ng tawad at magpaliwanag kung hindi sa lalaking kasama niya sa panggagago sa akin.

I thought we were fine. Akala ko maayos kami dahil wala naman kaming pinag-awayan at mas lalong nagsisimula na kaming mag-plano para sa aming kasal kaya bakit? Did she cheated on me because I won't have sex with her? Masyado pa rin bang big deal sa kanya na nagawa ko siyang tanggihan at piniling gagawin lang 'yon kapag kasal na kami? Was she really that hungry for sex?

Tama ba ang nararamdaman ko o nabulag na lang ako sa pagmamahal ko para sa kanya? Kasi noong una, alam ko namang ganito siya. Wild, liberated, yet I discarded all that because I want to give it a chance and I already forgot all that about herself so why? bakit niya ako nagawang gaguhin? Bukod sa sex ay wala na akong iba pang maisip na dahilan.

Damn it, I was fooled. And I hated it so much.

Bigo kong naitukod ang mga kamay ko sa lababo, hindi na natapos ang paghuhugas at hindi ininda ang sakit dahil natalo na naman ako ng aking mga luha.

What did I do wrong? All these time naman wala akong ginawa kung hindi maging totoo at iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko. If this was just a game to her, then I'm not interested. I don't fucking want it.

Hinayaan ko ang sarili kong ilabas ang lahat ng sama ng loob. I continued crying and asking myself why. Saka lang ako natigil nang marinig ang pagtunog ng aking telepono. It was Imara. Alam ko na ang sasabihin niya at hindi ako handang marinig ang lahat ng 'yon kaya nang sagutin ko ay hindi ko siya binigyan ng pagkakataong makapagsalita.

"I don't want to hear anything from you so please don't fucking call me again, Imara. We're fucking done." walang preno kong sabi pagkatapos ay agad na ibinaba ang tawag.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro