Chapter Two
#MMTChapterTwo
#TheCEOsVirtualAssistant
Isla
NAGTAMA ang mga mata ko at iyong mga madidilim niyang mata. Iyong hawak niya sa akin ay may halong puwersa na para bang may kung ano akong nasaling sa kanya.
Maybe his ego?
Sabagay itong lalaki na humahawak sa aking braso ay isa lang namang malaking bulas na ego na may konting tao. Gusto niya lahat nakukuha at kapag hindi ay ganito.
“Tell me what do you need? Babayaran na nga namin iyong sasakyan mo at sumuko pa ako dito sa mga pulis.”
I scoffed.
“Dapat pala magpasalamat pa ako na ginawa mo iyon?” Marahas ko binawi ang braso ko sa kanya at hindi na ininda ang sakit. “Thank you po!” I mocked him and bowed as if he's a snotty royal without inhumane remorse.
Tuloy-tuloy ako lumakad palabas ng istasyon ng pulis. Nagsayang lang ako ng oras dito kasi akala ko sinsero siyang klase ng tao.
Hindi pala at napaka-arogante pa! Akala mo talaga lahat nabibili ng pera. Nagkamali siya ng binangga dahil hindi ako gano'ng klase ng tao. Mukha akong pera pero hinding-hindi ako makikipagkasundo kay Satanas.
Buong buhay ko'y impyerno na noong kasama ko pa ang aking mga magulang. Ayoko na ulit maulit iyon at ayos na ako sa ganitong buhay na simple kahit magulo sa lugar namin. Pero aalis pa rin ako at gusto ko iyong tahimik na klase ng kasimplehan.
Ngunit bago ko iyon isipin, kailangan ko muna humanap ng panibagong raket. Malabo na maka-biyahe pa ako sa napaka-kuripot na operator. Kailangan ko na umisip ng paraan at sakto namang naabutan ko si Rossette sa karinderya ng nanay niya.
“Aling Rosal, puwede ho bang mangutang?” tanong ko.
“Kumuha ka lang ng kumuha diyan at saka mo na bayaran,” tugon ni Aling Rosal.
“Ate, interesado ka pa ba sa pagiging virtual assistant?” tanong ni Rossette matapos ko maupo sa tabi niya. Tatanungin ko pa lang siya tungkol doon pero naunahan na niya ako. “Kung gusto mo pa, ito iyong penthouse address noong kaibigan ng client ko. Gusto niya rin kasi makita ng personal iyong magta-trabaho para sa kanya.”
Santiago-Ty Holdings.
Iyon ang pangalan na nasa calling card na inabot sa akin ni Rossette. Bigla ko naalala iyong lalaki kanina sa istasyon ng mga pulis. The slightly older guy called him Mr. Ty.
Hindi naman siguro.
“Marami ba ang mga Ty dito sa Maynila?” tanong ko kay Rossette.
“Ang sabi mayaman sila pero offshore businesses ang sinabi ng kliyente ko at doon daw kailangan ng magaling na assistant.”
Kaya ko ba itong inaalok ni Rossette? Malaking tao yata itong papasukan ko at baka bawal ang magkamali. Pero wala naman mawawala kung susubukan ko gawin.
“Sige. Puntahan ko ito ngayon,” sambit ko.
“Kayang-kaya mo iyan, Ate. Balitaan mo ako kapag nagkita na kayo ng client mo.”
Tumango ako bilang tugon sa sinabi ni Rossette. Umalis siya pagkatapos kumain. At naiwan naman akong matamang nakatingin calling card na bigay ni Rossette.
Now or never ang usapan ngayon dahil kapag hindi ako tumuloy, wala akong magiging trabaho. Isa pa, nakakasawa na iyong mga naririnig ko na mga sinasabi ng kapwa ko jeepney driver. Kahit anong gawin ko na pang-de-deadma sa kanila ay nauuwi pa rin ako sa pag-iisip ng malala.
Papasada siguro ako kapag hindi na galit iyong may-ari ng nabunggo na jeep na pinasada ko kagabi.
Kapag talaga naalala ko iyon, hindi ko maiwasang mainis sa lalaking malaking bulas na ego.
Masamid sana siya!
~•~•~•~
MAAGA pa lang ay naka-ayos na ako dahil halos 'di ako nakatulog kakabasa ng mga ipinadalang pointers ni Rossette. Ibinigay daw ng kliyente niya iyong do's and don'ts na dapat ko sundin para magkasundo kami ng kliyente ko.
The client is in need of a physical assistant and a virtual one. Sabi ko kaya ko naman gawin iyong pareho na role pero iyong kliyente na ni Rossette ang nagsabi na subukan ko muna daw kitain itong magiging amo ko.
Kaya narito ako ngayon sa penthouse na nakasulat sa calling card na bigay ni Rossette. Prente ako naka-upo habang nagmamasid sa paligid at inaabangan na lumabas mula kung saan iyong Vaughn Tyler Santiago-Ty na siyang kliyente ko daw.
Alas-otso ang usapan pero wala pa rin siya. Narito na ako ng alas-sais y medya pa lamang para may maganda namang impresyon akong mapakita bukod sa background na meron ako. Plus points na kung tutuusin pero nakakairita na kahit boss siya'y kailangan pa rin na marunong magpahalaga sa oras ng ibang tao.
“Are you the assistant my friend Rafael recommended?” tanong na pumukaw sa aking pananahimik.
Tumayo ako at hinarap ang nagsalita na sa laking gulat ko'y iba ang aking nasambit. “Ikaw na naman!” sigaw ko.
“The arrogant lady from the police station,” he said, showing his mischievous smile.
“Ako pa ang arogante ngayon? Ikaw nga ito imbis na mag-sorry ay kung ano-ano pa ang sinabi. Hindi lahat nabibili ng pera mo oy!”
Mali pala na pumunta ako dito. Pero teka. . . siya iyong kliyente ko?!
“Hindi mo ako kilala?” tanong niya sa akin.
“Bakit? Kailangan ba kilala kita?” Nakakaloko tawa ang pinakawalan ng lalaki sa harap ko. “Aalis na ako. Hindi ako mag-ta-trabaho sa gaya mong mayabang na gaya mo!”
Tinalikuran ko siya pagkatapos ko sabihin iyon sa kanya. Hindi talaga ako mag-ta-trabaho sa kanya dahil masyado siyang mayabang. Hindi rin kami magkakasundong dalawa kahit ilang beses na pihitin ang mundo.
“Sandali!” sigaw na narinig ko pero 'di ako lumingon. Tuloy-tuloy lang ako na lumakad paalis pero nahinto nang may matatag na kamay na pumigil sa braso ko. “How do you know Rafael?”
“Kailangan ko pa ba ipaliwanag ang sarili ko sa 'yo? Hindi naman na ako tutuloy sa pag-a-apply kaya 'di ko rin sasagutin ang tanong mo.”
“You're interesting.”
“You're annoying.”
Tumawa siya ng malakas at hindi ko naman na pinansin pa. Ang mayayaman talaga kung minsan mas mahirap pa kausap. Tulang ng Vaughn Tyler na iyon na ubod ng yabang. Sana hindi ko na siya ulit makita. Sana talaga pagbigyan ako ng langit dahil naiimbyerna ako sa kanya ng sagad sa buto!
~•~•~•~
SOBRANG INIT ngayon at nanlalagkit na ako pero hindi pa ako puwedeng maligo agad. Saka gising pa si Mang Teryo kaya hindi pa talaga puwede iyong gusto kong gawin. Sobrang talentado pa naman noon sa paninilip at kahit ano'ng gawin kong tabing ay nakaka-score pa rin ang matandang mahilig na iyon.
“Kumusta ang biyahe mo, Isla?” tanong ni Aling Rosal sa akin nang maka-upo na ako sa harap ng hinanda niyang pagkain. “Sa bahay ka na maglinis ng katawan mo. Alam mo may isang kwarto na bakante doon. Iyon na lang kaya ang okupahan mo.”
“Kulang ho ang kita ko sa pamamasada para sa upa, Aling Rosal.” Luminga ako sa paligid. “Mahina ang biyahe. Konti lang nalabas ng ganitong oras.”
“Huwag mo muna intindihin iyon. Saka ka na lang bumawi kapag may nahanap ka na maayos na trabaho.” Itong kinakain ko, hindi ko alam kung nililista ba nitong si Aling Rosal. Hindi pa naman ako sanay na ganito na may tumutulong sa akin kahit simpleng bagay. Buong buhay ko ay mag-isa na ako at kuntento na ako sa ganito. “Ano pala nangyari sa apply mo kahapon? Mabait ba iyong kliyente na kaibigan ng kliyente ni Rossette?”
“Hindi po ako tumuloy,” sagot ko. Kasunod noon ay naramdaman ko ang hampas niya na may kalakasan. “Bakit ho ba?”
“Sayang iyon! Malaki daw magpasahod sabi ni Rossette. Makakaipon ka agad kaysa sa pamamasada maghapon.”
“Mas mahirap naman ko maka-trabaho ang aroganteng gaya niya.”
Hinampas ako ulit ni Aling Rosal. “Ikaw na bata ka talaga kapag ayaw mo, ayaw mo talaga. Pero, hija, hindi naman para sa 'yo ang pamamasada. Sayang ang tinapos mo.”
Ang totoo ay natatakot ako kaya kahit may tinapos ay sa ganito lang ako naasa. Hindi pa kasi tapos talaga iyong narating ko. Undergraduate lang iyon na mahirap pa rin hanapan ng trabaho kahit saan.
“Ate Isla, may naghahanap sa 'yo,” salitang pumigil sa akin sa aktong pagkain. Lumingon ako at nakita ko si Rossette na kasama si Tyler.
Bakit narito siya? Sabi ko pa naman ayoko na siyang makita pero mukhang ayaw talaga ako pagbigyan ng langit.
“Kailangan natin mag-usap,” sambit ni Tyler sa akin.
“Ayokong kausap ka.” Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Aling Rosal. “May atraso siya sa akin,” giit ko pa.
“Ano'ng puwede ko gawin para lang kausapin mo ako?”
“Wala. Saka hindi pa ba pag-uusap ito?” Nakita ko na umigting ang panga niya na marahil dahil sa inis. Wala naman kasi nagsabi sa kanya gawin niya ang bagay na ginagawa ngayon. Paano ba niya nalaman kung saan ako nakatira? “Makaka-alis ka na ngayon,” sabi ko pa.
“I never done this to anyone before. Lahat ng gusto ko ay mabilis ko lang nakukuha.”
I scoffed. “Ibahin mo ako dahil 'di mo ako basta-basta mapapasunod sa 'yo.” Muling umigting ang panga niya at dumilim ang mga mata. “Mister, hindi lahat ay puwedeng bilhin gamit ang pera mo. Baguhin mo iyang ugali mo kung ako sa 'yo dahil 'di naman ako ang mag-a-adjust sa iyo.”
“What?!”
“Huwag ka nga maka-what what diyan. Alis na. Tsupi!” Taboy ko pa sa kanya.
Ano siya ngayon? Gusto pala niya ako kausapin pero naghahari-harian pa rin ang malaking ego niya sa katawan. Naiiling akong binalikan ang kinakain at inubos na iyon.
Hindi ako kikita kung dito lang ako tatambay kaya kailangan na kumilos. Kailangan na kailangan na talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro