Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Seven

#TBHAChapterSeven
#CriminalsOffspring

Isla

MATAMA ko ipinarada sa harap ng isang dry cleaning shop ang sasakyang ipinagamit sa akin ni Tyler para kuhain ang mga damit niya. Marami raw iyon kaya heto't pinagamit na niya ang sa mga sasakyan na naka-tengga lamang sa malawak nitong parking lot.

Isang dahilan kaya pulos irap na naman ang inabot ko sa sekretarya ni Sir Raf. Hindi pa raw ito nakaranas ng gaya sa nararanasan ko ngayon dahil una, she's not working for Vaughn Tyler Santiago-Ty.  Pangalawa, mas maselan sa tao si Sir Raf kaysa kay Tyler base sa obserbasyon ko sadyang may eksepsyon lamang talaga.

Maaaring may eksepsyon pero babalik pa rin sa unang dahilan ang aking konklusyon. I worked for Tyler so I get the privilege like this.

Malalim akong huminga at inayos ang aking sarili. Ibinaba ko ang in-car vanity mirror saka nilabas ko tinatagong lipstick na ilang dekada ko na yatang gamit. Sa pagsahod ko na lang siguro papalitan.

For the mean time, ito muna ang gagamitin ko.

I applied a little amount on my lips and then I fixed my hair before coming out of the car.

Muli akong huminga ng malalim saka pinindot na ang lock button ng aking sasakyan. Tuloy-tuloy akong lumakad hanggang makapasok na ako sa dry cleaning shop.

"Hi! I-pi-pick up ko lang iyong mga damit ni Mr. Ty."

Iyon ang bungad ko na salita sa staff ng dry cleaning company. Kinuha ko sa bag ang resibo at iyon ang pinakita bilang katunayan  na mayroon ngang pina-dry clean si Tyler sa lugar na ito.

"Inaayos pa namin. Maupo ka muna, ma'am," tugon naman ng staff nang makita nito sa database ang status ng pina-dry clean ni Tyler.

Tumango naman ako at naupo pero natigil nang makita ko sa labas iyong kahina-hinalang kilos ng dalawang lalaki. Kumunot ang aking noo at matama silang pinagmasdan. Mukhang nahuli ko sila dahil ako kanilang binabantayan ngunit bakit?

Mga tao ba sila ni Papa? Ano na naman kaya ang kailangan nila sa akin?

"Nandyan ba si Mr. Ty? Oh. . . sino ka?" Napalingon ako nang marinig ang salita na iyon ng isang ginang. 

"Ako ang personal assistant ni Mr. Ty. Inutusan niya ako na kuhain ang mga pina-dry clean niya rito."

Tiningnan ako ng ginang na nasa aking harapan mula ulo hanggang paa. "Personal assistant. . ."

"Yes, personal assistant." Muli ako tumingin sa labas muna. Nang makita ko na dumami na iyong mga lalaki sa labas, agad ko binalingan ang ginang na halatang minamata ako sa kanyang isipan. "Sandali lang at babalik ako." Dali-dali akong lumabas at nilapitan iyong mga lalaki. "May kailangan ba kayo sa 'kin?"

Nakita ko na nagtinginan ang mga lalaki pero hindi naman sila nagulat. Para ngang na-alerto sila pero wala naman akong armas ngayon na maaaring makasakit sa kanila.

"Miss Rojas," anang tinig na nagpalingon sa akin. "Puwede ka ba namin makausap?" It was Police Detective Ervin Moncada. Siya iyong police detective na kumausap sa akin noong nasa ospital pa ako.

"M-may trabaho pa ako na kailangan tapusin ngayon, Detective," tugon ko. "Tungkol ba saan? Saka bakit mga naka-sibilyan pa kayo?"

"Tungkol sa snatching case na konektadong sa mga presong pumuga noong nakaraan."

===

HINDI ko magawang mapakali habang mag-isa sa isang kwarto na pinagdalhan sa akin nina Detective Moncada. There's a one-way mirror there and I believe on the other was a group police watching every move I make. Sabi ko may trabaho pa ako na kailangan tapusin pero mapilit siya kaya heto't pakiramdam ko'y may mali akong nagawa.

Alam na kaya nila na anak ako ng isang kriminal? 

Siguro naman hindi. Sana hindi.

Before going with them downtown, I left a voice message to Tyler. Sinabi ko sa naturang voice message na sumama ako sa mga pulis na hiniling kong marinig niya agad. Siya lang ang makakatulong sa akin gaya ng ginawang pagtulong noong nasa ospital ako.

Biruin mo't kapapasok ko pa lang pero malaki na agad ang na-invest ni Tyler na pera sa akin. Hindi iyon ginagawa ng normal na amo kaya masasabi ko na iba si Tyler sa lahat. Dahil sa iba, malamang ay natanggal na ako pagkatapos ng mga kaganapan na ito. Given that the start I have Tyler wasn't that good either.

"Isla, let's go home now," anang tinig na nagpalingon sa akin. It was Tyler and he's immaculately handsome even if the day is almost done. "I'd appreciate it if you would contact my company's lawyer next time instead of detaining an employee of mine."

Iyon ang bilin ni Tyler kay Detective Moncada. Ngingiti lang ito at pinaraan na kaming dalawa ni Tyler. Naiwan kasama nito ang abogadong kasama ni Tyler nang dumating kanina. 

Tuloy-tuloy kaming lumakad at nang makalabas ay saka pa lang ako nakahinga ng maluwag. Mahirap kasi huminga sa loob kahit pa tadhana ko na yata laging maiwan sa interrogation room dahil anak ako ng isang kriminal. That's the uneasy feeling of a criminal's offspring which I have and will never rest until he's back in jail.

Kung kailan mahuhuli si Papa ay hindi ko pa alam.

Sana matunton na nila siya para wala na akong sakit ng ulo. Para hindi ko na rin kailangan pa magtago ng ganito kahit na kanino.

"T-thank you," salita ko nang makalabas na. 

Humarap sa akin si Tyler kaya napahinto ako sa pagsunod sa kanya at hindi malaman kung lalayo ba o lalapit pa sa kanya. 

"Can we have an agreement?" Tumango ako. "Next time, let's not meet in this place. We can meet anywhere but here."

"O-okay."

Huminga ng malalim si Tyler pagkarinig sa aking sagot. "I'm hungry. Can you drive?" Muli akong tumango bilang sagot at dali-dali na nagpunta sa kanyang sasakyan. Sumunod naman sa akin si Tyler kaya sandali lang kami nag-abang at umalis na rin. "I booked a space in a restaurant nearby. Doon na lang tayo pumunta."

Tyler keyed in the address and I used the app as my guide off the road.

"Hindi ka ba magtatanong bakit nila ako inimbitahan?" tanong ko habang nasa daan pa kami ni Tyler. He's acting like sleeping while sitting on the shot gun seat. Pero alam ko naman na hindi siya natutulog.

"It doesn't matter to me as long as you're doing your work right, Isla. And as long as you're working under me, no one can ever touch you."

Bakit parang nakakaba ang sinabi na iyon ni Tyler? Mas nakakaba pa sa biglaang pagsuplot ni Papa sa eksena kung kailan nagsisimula pa lamang ang lahat para sa akin. 

Malalim akong huminga saka tinuon na ang tingin sa daanfg tinatahak.

===

ISA na namang nakakapagod na araw para sa akin. Higit sa lahat ay nakaka-stress. Who would've thought that I'll be stuck inside the police's interrogation room for an hour? 

No one.

Sumama ako kina Detective Moncada kasi sabi niya may itatanong sila tungkol sa snatching case pero hindi naman iyon nangyari. Nilagay lang nila ako at hinayaan na kung ano-ano ang pumapasok sa akin isip. Nakakabaliw at wala naman akong ibang matakbuhan kung 'di si Tyler. Para na nga siyang knight in shining armor ko.

But the only difference was the armor because Tyler didn't have any. He's dashing yes and I shouldn't be complimenting him right now. 

Gusto na lang magpahinga ngunit hindi mauutusan ang aking isip ng gano'ng kadali.

"Kakauwi mo lang, Isla?" tanong ni Aling Rosal sa akin. Sa terminal ako ng jeep bumaba at nakita ko na bukas pa ang kanyang tindahan. "Kumain ka na ba?" tanong pa niya uli sa akin.

"Kakain ko lang po," tugon ko.

"Nakakapagod ba ang naging trabaho mo ngayon?" 

"Medyo po." Mas nakakapagod pa rin iyong maghintay ng matagal na oras loob ng interrogation room ng mga pulis. Ngumiti ako nang maglapag ng isang tasa ng tsaa sa aking harapan si Aling Rosal. "Kapag sumahod ako mababayaran ko na po ang mga utang ko sa inyo,"

"Huwag mo na isipin iyon. Ilaan mo na lang ang sasahurin mo sa paghahanap ng bagong matitirahan. Pagkatapos noong nangyari sa 'yo noong nakaraan, hindi na ligtas sa lugar na 'to."

Naisip ko rin naman iyon. "Kayo? Paano kayo?"

Si Aling Rosal naman ang ngumiti at kilala ko siya, kapag gano'n kaliwanag ang kanyang mukha, sigurado ako na may maganda siyang ibabalita sa akin. 

"May nakuha na kami at malayo rito. Lilipat na nga ako sa susunod na buwan kaya kailangan mo na umalis din."

"Maganda po iyan. Pero wala pa po ako alam na malilipatan,"

"Tanunging mo iyong amo mo. Mabait naman iyon at siya pa nga ang naglabas sa 'yo sa ospital."

Si Tyler naman? Marami na rin akong utang sa isa na iyon at may nililihim pa ako sa kanya na maaaring ikapahamak namin pareho. Pero wala pa namang nangyayari kaya hindi ko muna siguro po-problemahin iyon. Saka isa pa ayon din naman kay Tyler, wala siya pakialam kung ano pa 'man ang kailangan ng mga pulis sa akin. 

As long as I am with him, technically, I am safe.

"Sige ho at itatanong ko bukas." Ininom ko na ang laman ng baso saka nagpaalam na uuwi na. kailangan ko na matulog dahil bukas ay panibagong araw na naman ang aking haharapin. Sana lang ay wala na interapsyon o unexpected na pagbisita ng mga pulis dahil nahihirapan ako mag-focus sa trabaho. 

Kung bakit naman kasi naging anak pa ako ng isang kriminal na ngayon ay pugante na?

Sadya talagang hindi maaaring mamili ng mga magulang. Now, I am stuck in between of protecting myself and being an accessory to my father's escape plan. . . 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro