Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter One

#MMTChapterOne
#MisterCEOMeetsMissRakitera

Isla

“ISLA, may ipapa-ayos ako sa 'yo,” anang tinig na dahilan ng palabas ko mula sa ilalim ng jeep na kasalukuyan kong inaayos.

Jeepney ito ni Mang Teryo na sirain naman na dahil sa kalumaan kaso nahihirapan ako tanggihan siya. Lalo't pinatitira ako ng matandang iyon ng libre sa isa sa mga paupahan nila. Sa panahon ngayon at sa hirap ng buhay, bihira na ang tulad ni Mang Teryo.

Iyon nga lang may kamanyakang taglay ang matandang iyon kaya rin puro plywood ang tinutuluyan kong bahay. Makaipon lang ako, aalis ako sa lugar na 'to. Kaya doble-doble ang pagkayod ko ngayon at lahat ng klase ng raket ay handa ko pasukin.

“Ano ho ang aayusin Aling Rosal?” tanong ko naman sa matandang may-ari ng karinderya sa terminal kung nasaan itong jeep ni Mang Teryo.

“Iyong lababo namin kasi barado na naman. Puwede mo ba isingit sa raket mo ngayon?”

Tumango ako. “Tapusin ko lang ho ito tapos punta na ako sa inyo,”

“Salamat, Isla!”

“Wala hong anuman!” Bumalik na ako sa ilalim ng jeep at tinapos na ang nasimulan ko kanina.

Ako si Isla Reign Rojas. May iba't-ibang raket na pinapasok araw-araw. Hindi kasi ako pinanganak na mayaman at iyong mga dapat na nag-aalaga sa akin, malaking utang lang ang iniwan. Edad trese noong huli ko makita si Papa at simula noon, nabuhay na akong mag-isa.

Nag-trabaho ako para makapag-aral at makatapos ng dalawang taon sa kolehiyo. Kaya hindi rin ako basta-bastang rakitera lang. Matatas ako sa salitang ingles at magaling din ako makihalubilo sa mga may kumpletong pinag-aralan.

“Bakit kasi hindi ka na lang mag-apply sa mga kumpanya, Isla? May natapos ka naman kahit paano, hindi ba?”

Napangiti ako matapos marinig ang sinabi na iyon ni Aling Rosal. Gaya ng sabi ko, pagkatapos makumpuni ang jeepney ni Mang Teryo, dumiretso ako sa karinderya niya. Natapos ko rin naman agad ang pinagawa ni Aling Rosal at heto nga't may libre pang pagkain bukod sa bayad niyang limang daang piso.

“Wala naman natanggap ng undergraduate sa ngayon. Kaya kung ano ang nasa paligid ko, iyon na ta-trabaho-in ko muna.” Sumubo ako ng kanin at sinunod ang ulam na gulay na paborito ko. “Si Rossette ba ay tapos na?”

“Hindi pa pero nagta-trabaho na iyon habang nag-a-aral. Ano nga tawag sa ginagawa niya? Teka at nasa dulo ng dila ko. . .”

“Nay, alis muna -” Napatingin ako sa nagsalita na nahinto. “Nandito ka pala, Ate Isla.”

“Kumusta pag-aaral mo?” tanong ko.

“Ayos naman. Malapit na ako matapos.”

“Ayun, anak! Halika muna dito. I-rekomenda mo nga itong si Isla sa kliyente mo. Hindi ba't kailangan niyo pa?” untag ni Aling Rosal na pumutol sa pag-uusap namin ni Rossette.

Hindi na ako maka-kontra lalo't on the spot itong si Aling Rosal lagi. Siya iyong sobra ang bilib sa akin dahil naturuan ko ng diskarte itong anak niya.

“May kaibigan iyong kliyente ko nangangailangan ng assistant - virtual at physical. Sabihan kita kapag kailangan pa, Ate Isla.” Tumango ako bilang tugon sa sinabi ni Rossette. “Alis muna ako,” paalam pa niya.

“Mga gano'n ang mga trabaho na bagay sa 'yo. Iwanan mo na ang pamamasada!”

Umiling ako. “Habang wala pa hong kapalit, papasada pa rin ako, Aling Rosal.”

“Hay, buti at 'di ka nagmana sa mga magulang mo. Masipag ka kaya malayo mararating mong bata ka,” aniya pa bago ako iniwan.

Naiiling naman ako na nagpatuloy na sa pagkain at nang matapos ay namasada na.

“Ayoko rin naman maging katulad nila. . .”
Hindi puwede magpatumpik-tumpik, kung 'di titirik mga mata ko sa gutom. Kayod lang ng kayod hanggang sa umalwan ang buhay.

Hanggang sa maayos na ang lahat.

“Dapat lang dahil wala mangyayari sa 'yo na maganda kung tutulad ka sa kanila,”

May ayos na wala akong mga magulang. Mas maayos talaga kaysa noong kasama ko pa silang dalawa. . .

~•~•~

MADALANG ang mga pasahero ngayon gabi na pangkaraniwan naman na sa lugar namin. Kaya naman naisipan ko na itabi muna itong jeepney na pinapasada ko at bumili ng maiinom sa isang convinience store. Ayoko muna gumarahe kasi alam ko na maya-maya lang dadami na ulit ang pasahero. Baka hindi pa lang naglalabasan iyong mga empleyado na mahilig mag-overtime.

Papasok na sana ako sa loob ng store ngunit nahinto ng makanig ako ng malakas na pagbangga ng kung ano sa jeeney ko na nakaparada.

“Tangina naman!” sigaw ko saka mabilis na binalikan ang pinapasada ko na jeep.

Iyong dulo ang tinamaan at nalaglag iyong tungtungan na pinulot ko. May yupi rin na halatang-halata kaya lalong lumalala ang inis ko. Hindi pa nagalaw iyong sasakyang bumangga sa jeep ko kaya nilapitan ko agad at kinatok ang salamin ng pinto sa driver's seat.

“Hoy! Tingnan mo ginawa mo sa jeeo ko! Hoy, bumaba ka diyan!” sigaw ko pa uli pero parang walang narinig ang nakita kong lalaki sa loob ng sasakyan. May malay naman siya at iyong sumunod niyang ginawa ang hindi ko inasahan.

Bigla kasi minaneobra ng lalaki ang sasakyan paalis kaya napatalon ako palayo dahilan upang madapa ako. Sa sama ng pagkakatalon ko, napilay pa yata ang aking paa. Isang dahilan pa kaya wala na akong nagawa kung 'di ang maubo dahil sa usok na binuga ng tambutso ng sasakyang bumangga sa jeep ko. Hindi ko na rin nahabol dahil kumpirmado na na-sprain nga ang paa ko pero nakuha ko ang plaka niya.

Humanda sa akin ang talipandas na iyon. Gagawa ako ng report pero ito munang bangga na tinamo ng jeep ang uunahin ko. Lagot ako nito sa may-ari. Tiyak na sisigaw na naman iyon lalo't mahina ang kita ngayon sa pamamasada.

Buhay nga naman, hindi talaga patas sa lahat lalo na sa katulad ko na nagsusumikap para maka-ahon sa hirap.

Tangina ng lalaking iyon! Huwag na huwag lang mag-krus landas namin ulit talaga. Hay naku!!

Nagpapadyak ako dahil sa inis at matamang pinagmasdan ang jeepney na aking pinapasada. Paano na ako nito ngayon?

Hindi ko maiwasang mainis lalo dahil sa nangyari at wala 'man akong nagawa maliban sa pagsigaw doon sa bumangga sa akin. Puno talaga ang kalsada ng mga hindi marunong magneho. Ang masama, kaming mga nasa tama ang laging napupuruhan.

“Nakakainis talaga!” sigaw ko pa saka naupo na ako sa konkretong kalsada saka matamang pinagmasdan ulit ang jeep na aking pinapasada.

Ano na ang gagawin ko?!

~•~•~

GAYA ng inasshan ko, nagalit nga ang may-ari ng jeepney na pinapasada ko. Kaya naging tampulan ako ng usap-usapan ng mga kapwa ko drayber sa garahe. Siyempre kaltas sa akin ang pagpapa-ayos ng nabangga na jeepney kahit 'di ko naman kasalanan. Ibig sabihin bawas sa naipon ko iyon na pera.

“Isla, dapat kasi hindi ka na namamasada. Doon sa bar ka na lang magtrabaho!” Kasunod noon ang malakas na tawa nila na hindi ko masyadong pinansin. Tuloy-tuloy ako sa paglakad paalis dahil 'di ako pinayagan na mamasada ngayon.

Nahinto lang ako sa paglakad nang maramdaman na nagba-vibrate ang aking cell phone. Nang makita na iyong police station kung saan ako nagreport kaninang umaga ang natawag ay agad ko sinagot.

“Chief, may balita na ba?” tanong ko.

“Magpunta ka rito. May sumuko dito at tugma sa istorya mo ang sinabi niya. Baka siya na itong nirereklamo mo.” Iyon ang mahabang sambit ng pulis na agad ko naman sinunod.

Halos takbuhin ko ang istasyon para lang makita iyong lalaki na sumuko dahil sa pagbangga sa aking jeepney. Nang makarating ako, agad ako dumiretso sa puwesto ng pulis na tumawag sa akin. Nakita ko agad na may isang lalaki na prenteng nakaupo at naka-itim pa na shades sa harap niya. Sa tabi nito ay isang lalaki pa na medyo matanda na.

“Siya iyong sinasabi ko sa 'yo, Miss Rojas,” untag ng pulis sa akin.

Humalukipkip ako sa harap ng lalaking prenteng nakaupo sa harap ko. Seryoso ba na sumuko talaga ang isang ito o nagbibiro lang?

Malabo ang deskripsyon ko sa lalaking nakita ko. Pero sabi ng pulis, tugma sa sinabi ko na plaka ang gamit niyang sasakyan ngayon na nasa impounding na.

“Miss Rojas, ako ang abogado ni Mr. Ty. Handa kami bayaran iyong nabangga na jeep at ipagamot iyang paa mo.” Iyon ang sabi ng lalaki sa tabi ng lalaking naka-salamin.

Late ko na naramdaman na iyong ng paa ko na na-sprain dahil mas masakit iyong naging kaltas sa akin. Malaking bagay na iyon lalo't ayaw pa ako paniwalaan ng may-ari noong jeepney na pinapasada ko.

“Hindi ako makikipag-areglo kung iyon ang gusto niyo.” Matigas ko na sambit. Mukhang doon ang punta nito at bilang ako iyong nasa laylayan na walang kasamang abogado madali na nila maisasara ang reklamo ko.

“Pera na iyong alok namin, ayaw mo pa?” Salita ng lalaking nakasalamin sa akin na nagpapantig sa aking tainga.

“Adik ka ba? Kung ako sa 'yo ititigil mo na ang pag gamit ng bawal na gamot. Masama iyan sa kalusugan mo.”

“Ano'ng sabi mo? Ako, adik?”

“Oo. Adik ka nga talaga at kung akala mo makikipag-areglo ako sa 'yo, puwes mangarap ka ng gising!”

Tinalikuran ko siya at aktong aalis na. Ngunit natigil ng may matatag na kamay na humila sa braso ko bigla. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro