Chapter Nine
#TBHAChapterNine
#ADamselInDistress
Isla
PUNONG-PUNO ang lugar na kinaroroonan ko ng mga elitistang walang ibang ginawa kung 'di ang magplastikan. Nag-e-enjoy sila na gawin iyon mula pa kanina at kahit narito palang kaming dalawa ni Tyler sa labas, dinig ko na agad ang mga tawa nilang denumero.
"Bakit hindi pa tayo pumasok?" Mahinang tanong ko kay Tyler pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.
Tiningnan ko siya maigi at nakita ko na tagaktak na ang pawis sa kanyang noo. Napansin ko na niluluwagan niya ang suot na necktie na para bang nasasakal siya roon. Napagtanto ko na hindi siya maayos kaya naman agad ko siya hinila palayo sa mga taong kasama namin sa labas. Dire-diretso kami lumakad hanggang sa makalabas kami sa hotel kung saan ginaganap ang birthday party ng nanay ni Tyler.
"Maupo ka diyan at hinatayin mo ako. Kukuha lang ako ng tubig," sabi ko at bahagyang nililis pataas ang suot ko na gown.
Isang dahilan para makita iyong mga binti ko na kahit wala namang buhok ay winax pa rin noong nag-ayos sa amin ni Hestia. Inililis ko ng bahagya ang gown ko hindi dahil gusto ko ipakita kay Tyler ang mga binti kung para hubarin na ang suot ko na sapatos.
Kasumpa-sumpa ang araw na ito para sa akin na lalo pa pinalala nitong mataas na sapatos. Mukhang gano'n din yata kay Tyler kasi hindi naman talaga gusto na magpunta. Ewan ko ba at biglang pumayag gayong nagkasundo na kami na bibilhan ko na lang ng regalo ang nanay niya.
Sala sa lamig at init talaga kahit na kailan. Umiling na lamang ako't saka nagpatuloy sa paglalakad papasok.
"Huy, nasaan kayo? Hinahanap kayo ni Sir Rafael." Si Hestia iyon na siyang nakasalubong ko pero wala akong oras makipag-tsismisan.
"M-may emergency lang. Sandali ha," tugon ko at hinawi ko na siya. Wala pag-aatubili akong pumasok sa loob at dumiretso sa bar na kaunti lamang ang mga tao. Tinawag ko ang atensyon ng isa sa mga bartender sa pamamagitan ng pagkaway. "Kailangan ko ng bote ng tubig na malamig saka towel."
Agad naman tumalima iyong bartender at saglit lang ay nabigay na niya ang hinihingi ko.
"Which family are you from?" tanong na pumukaw sa akin na nagmula sa lalaking humarang sa daan ko. Sinubukan ko na lagpasan siya ngunit hindi niya hinayaan at nakakainis iyon. "Where are you going?"
"Ano bang pakialam mo? Hindi mo ba nakikita na nagmamadali ako? Puwede bang tumabi ka muna?" Mataray kong salita na nagpataas sa kamay niya at nagpatabi kaya nakadaan na ako. Gaano ba ka-importante iyong pagsagot ko sa tanong niya? Paano kung sabihin ko na anak ako ng isang kriminal? Haharang pa kaya siya?
Muli akong umiling at nagpatuloy na mabilis na paglakad pabalik kung saan ko iniwan si Tyler. Nakasalubong ko uli si Hestia at sinabi ko na sa kanya na maya-maya kami papasok. Iyon lang at bumalik ako uli sa mabilis na pagtakbo papunta kay Tyler.
"Sorry, may epal kasi sa loob. Ayos ka na ba?" sabi ko saka binukas ko ang isang bote ng tubig na inabot sa kanya. Tinanggap naman iyon ni Tyler at ininom ng isang lagukan lamang. "Hindi ka komportable sa ganitong event. Gaya doon sa launch noong nakaraan at mas malala itong ngayon."
"What's epal?" tanong niya sa akin nang makabawi na.
Iyon lang talaga ang nakuha niya sa dami ng sinabi ko? At paano ko naman iyon ipapaliwanag sa kanya? "Ano. . . bida-bida. Parang si Jollibee gano'n," tugon ko pero parang wala rin siyang naintindihan. "Ayos ka na ba? Gusto mo ba na umuwi na tayo?" Sunod-sunod ko na tanong bago pa siya makasalita.
"I'm fine now, Isla, but yeah, let's just go home," he answered.
"Tara pero hintayin mo na ako sa sasakyan. Iaabot ko lang itong mga regalo mo sa nanay mo."
"Do that tomorrow. It can wait." Tumango ako at inalalayan na siya makatayo. "It's a shame you must see me like this."
"Sus, ilang beses mo na rin ako nakita sa gitna ng kahiya-hiyang sitwasyon."
"When?"
"Noong nasa ospital ako at sa loob ng interrogation room ng mga pulis."
"It's not embarrassing. It is an emergency for me, saving a damsel in distress like you." Pinaikot ko lang ang mga mata ko at hindi na siya sinagot. Win pala niya kung ituring ang pagsagip sa akin. "Sa villa tayo dumiretso," aniya pagsakay namin pareho sa sasakyan. Siya sa back seat, ako naman sa driver's seat.
Sandali lang ako nag-isip kung bakit niya doon naisip na tumuloy dahil naisip ko na wala naman akong dapat na pakialam. Bahay niya pa rin iyon na titirhan ko dahil iyon ang sinabi niya sa akin kanina. May kontrol siya sa lahat ng bagay pati na yata sa buhay ko?
Kasi ako iyong damsel in distress na ilang ulit niya na niligtas.
MASARAP ang naging tulog ko ang nagdaang gabi kaso pag gising ko naman at nasira agad dahil kay Sir Rafael. Sinumbatan niya ako dahil hindi natuloy si Tyler kagabi sa party. Ang masama raw ay tumakas pa kaming dalawa ng walang paalam. Pero naisip ko na sinabi naman ni Tyler na umuwi na kami at siya ang boss ko kaya siya ang masusunod.
Ngayon, narito ako sa labas ng opisina ni Mrs. Santiago-Ty kasama nitong mga regalo na binili para sa kanya. Higit trenta minutos na ako dito pero wala pa ring nanay ni Tyler nag nalabas kahit sabi ng staff kanina ay palabas na siya.
Iyong totoo? Lalabas ba siya o hindi na?
Mukhang naiintindihan ko na si Tyler ngayon dahil dito pa lang ay red flag na agad ang kanyang nanay. At sa gaya ni Tyler, mahalaga ang bawat oras na namana ko na yata dahil sa dami ng aking ginagawa.
Bago ako nagpunta dito, inayos ko muna ang almusal, panligo at damit ni Tyler. Iyong sinend ko kagabi na shortlist niya na parang hindi na shortlist ay pinirint ko rin. Tapos syempre pinalitan ko ang dyaryo na nasa istante kahit madalang naman niya basahin ang mga iyon. Madalas doon lang sa section kung nasaan ang crossword siya nabisita at iyon ang nakikita ko na ginagawa niya bago humarap sa computer.
"Miss Prei," bati ng staff na kasama ko sa labas. Siya nagta-trabaho habang ako heto at naghihintay. Ngunit napatayo ako nang tumayo rin siya nang may lumabas na babaeng na parang mas bata pa tingnan sa akin.
"Ano'ng oras ang schedule ko na susunod?" tanong noong Miss Prei.
"You have a lunch meeting with Mr Vance in the conference room. We prepared your lunch already."
"That chicken risotto with lemon zest?" Nagsalit-salit sa kanila ang tingin ko at hindi ko mawari kung ano ba ang pinag-uusapan nila. Nawala ako sa usapan nila tungkol sa lunch. "Who is she?" tanong ni Miss Prei nang bumaling ang tingin sa akin.
"Uhm, just a no-"
"Ako po ang personal assistant ni Vaughn Tyler Ty. And here with me are his gifts for his mom."
"For me?" Siya iyong nanay ni Tyler? No way! "Nag-re-regalo na ngayon ang anak ko. That's shocking but I appreciate these. Where is he?" Kumurap-kurap ako. "Come on, na-train ka ba niya na huwag magsalita tungkol sa mga ginagawa niya sa kanyang buhay?"
"Prei, I need you in the conference room," anang naman ng tinig na mula sa lalaking kasing laki ng katawan ni Tyler at kahawig niya rin. "What's the commotion here?"
"Your son sent his assistant to deliver gifts for me,"
"Ah. . . so he's still alive?"
"Buhay na buhay naman ho siya," hindi na niya napigilan na sumabat. "Nagkaroon lang po ng emergency kagabi kaya hindi siya nakapunta sa party niyo. But yes, he's very much alive and cold and monster."
Tumawa pareho iyong lalaki na sumabat at si Miss Prei pagkarinig sa sinabi ko. Napaisip ako kung may nakakatawa ba sa sinabi ko na pawang katotohanan lamang. Cold kasi kanina pag gising niya, wala 'man lang good morning, Isla at puro utos agad ang ginawa. Monster dahil pagkatapos niya mag-almusal, may binugahan na siya ng apoy at kung sino 'man iyon na kausap niya sa cell phone, ipinagdasal ko na ang kaluluwa niya kahit hindi naman ako madasalin na tao.
"I like her, Vance," Miss Prei said. "Bring these gifts to my office. And you, Miss. . ."
"Isla Reign Rojas po."
"Miss Isla. What a beautiful name it is, right?" Baling niya sa babaeng kasing attitude ni Hestia na nakalimutan ko na hingin ang pangalan. Hindi naman siya importante. Tingnan mo nga't nakalimutan pala niya sabihin na nasa labas ako at naghihintay. "Visit us often, Miss Isla. And if you can bring my son home, much better and I'll give you a huge bonus."
Huge bonus?
"Sige po!" Magiliw kong salita saka pinanood na umalis si Miss Prei at iyong lalaki na tinatawag niyang Vance. Nang makalabas na ang mga ito, napapiksi ako ng maramdaman na nagba-vibrate ang aking cell phone. Nang tingnan ko ang screen, rumehistro doon ang pangalan ni Tyler. "Natawag ang monster. . ." Pagkanta ko saka inirapan iyong babaeng assistant marahil ni Miss Prei. "Hello -"
"Where are you?" Pa-asik na tanong niya sa akin. Hindi 'man lang nag-hello muna. Kanina pa ang isang ito ha. "Comeback here now, Isla. I need you to do something."
Natapos na ang tawag bago pa ako makasagot. "Monster ngang tunay," I said, changing Tyler's name into Monster Incorporated.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro