Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Four

#TBHAChapterFour
#TheJeepneyRide

Isla

TAMA ba na pumayag ako magtrabaho sa weirdong lalaki na iyon?

Hanggang sa mga oras na ito ay iniisip ko pa rin ang nagawa kong desisyon. Bakit kasi ang laki ng inaalok niyang sahod? Hindi ko pa iyon kinita sa pamamasada kahit gawin kong araw ang gabi.

Pero ano ba ang gagawin ko sa lalaking iyon?

Pumayag ako sa alok niya pero hindi ko naman talaga alam kung ano'ng trabaho ang ipagagawa niya sa akin. At kahit umayaw na ako noong una ay namimilit pa rin siya na maka-trabaho ako.

Ano kaya nakita niyang potensiyal sa akin?

Hindi kaya. . .

Kiniling ko ang aking ulo nang may maisip na masama kay Tyler. Alam ko na maling isipan ng masama ang kapwa mo lalo na kung kasing gwapo iyon ni Tyler.

Pinuri ko ba siya? Hindi ba ako nagkakamali? Hindi ko dapat iniisip ang mga gano'ng bagay lalo na iyong lalaki na 'yon. Hindi ako makapaniwala na pinuri ko siya. Para bang gusto ko mag-antanda ng krus ngunit may boses na pumigil sa akin.

"Isla, may naghahanap sa 'yo!"

Ayan na naman iyong maling pagbigkas ng pangalan ko. Itong mga kapwa ko jeepney driver ay is-la kung banggitin ang aking pangalan. Ngunit sa iba lalo na sa mga pinuntahan ko na job interview, ay-la ang bigkas nila na siyang tama.

Pero ano ba ang aasahan ko sa mga kabaro ko. Masyado na mahirap ang buhay namin bilang tsuper para turuan pa sila kung ano ang tamang bigkas sa aking pangalan.

"Sino?" tanong ko nang lingunin ko ang tumawag sa akin.

"Ingliserong lalaki eh. Hindi ko nga maintindihan ang sinasabi," reklamo nito at kakamot-kamot pa sa ulo.

Bumuntong-hininga ako at nilapitan na ang kabaro kong drayber. Itinuro niya agad iyong lalaking naghahanap sa akin at gayon na lamang gulat ko nang makilala kung sino 'yon.

It is Tyler.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Alam ba niya na disoras na ng gabi ngayon? Dapat tulog na ito o 'di kaya naman ay nasa ibang lugar. Hindi dito sa terminal ng jeep kung saan ako naka-tambay.

"Up for a ride?"

Huh? Baliw na ba ang isang ito? Saan naman kami sasakay?

"Wala ako panahon sa 'yo. Umuwi ka na," iyon na lamang ang sinabi ko saka tinalikuran siya.

"Empleyado na kita kaya hindi mo na ako puwedeng tanggihan."

"Pumayag pa lang ako pero wala pa naman ako pinipirmahan na kontrata."

"I have with the contract that will seal our deal. Mayroon na rin akong ballpen dito kaya puwede na tayo mag-contract signing dito." Baliw na nga talaga ang isang ito. Sa ospital nga yata siya dapat dalhin dahil baka makapanakit pa. "So, let's sign the contract now?"

"Ayoko."

Tuloy-tuloy siya lumakad ngunit nahinto nang  pigilan siya nito.

"Are you always like this, Isla?"

"Gaya ng ano?"

"Independent." Hindi ko siya sinagot at basta na lamang tinalikuran ulit. "You're so interesting, Isla."

"Whatever! Umuwi ka na nga!"

"No. I'll go with you. I'm up for a ride using that vehicle of yours."

~•~•~

SUMAKAY kami ni Tyler sa jeepney ko at ngayong gabi na ang huling biyahe ko sakay nito. Maaaring naka-jeep ako pero ako na ang pasareho at hindi drayber. Matagal ko rin naging katuwang ang jeepney na ito kaya naman hindi ko maiwasang malungkot. Pero wala ako oras para gawin iyon dahil may utang pa ako na kailangan bayaran sa may-ari nitong jeepney.

At ang may kasalanan ay narito, kasama ko.

"Bakit ka ba kasi sumama dito sa akin?" tanong ko kay Tyler.

"I told you, I'm up for a ride." At hindi ka natutulog talaga? Gusto ko itanong iyon ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Ayoko naman na maging feeling close sa kanya bigla lalo't siya ang aking magiging bagong amo. "Aren't you curious what kind of job you'll be doing for me?"

"Basta matinong trabaho iyan at hindi kung ano-ano dahil sasamain ka talaga sa akin."

Noong nag-apply ako sa kanya, alam ko na virtual assistant ang kailangan niya. Iyong puwede rin na maging personal assistant lalo't hindi naman na gano'n kahigpit kahit mayroon pa ring COVID-19. Bihira na nga ang nakikita ko na may suot na facemask at kabilang ako sa mga iyon.

Hindi ako maarteng babae kaya nga pinili ko na maging jeepney driver kasi may gusto akong patunayan sa mga lalaking nangmaliit sa akin.

"Why being a jeepney driver?"

Nakakainis na ang pag-i-english nitong si Tyler. Saka ang dami naman niyang tanong. This is not a normal job interview or orientation.

Bakit?

Una, hindi ko alam bakit siya narito ngayon at ginugulo ako. Pangalawa, parang ang dami niyang gustong malaman tungkol sa akin.

Ngayon lang ako naka-engkwentro ng lalaking sobrang curious sa akin at aamin ako na medyo kinakabahan ako. Paano pala kung bigla ako ibugaw nito tapos wala na ako choice?

Lagi na lamang walang choice kahit na ano'ng aking gawin. Hindi ko choice na mapunta sa ganitong buhau. Hindi ko napili ang magiging magulang kaya't heto na ako ngayon, binubuhay ang aking sarili.

"Wala lang akong choice sa buhay," simple kong sagot at sana matapos na itong interrogation niya sa akin. Hindi na kasi ako komportable kaya't mabuti na lamang ay sunod-sunod na ang sumakay sa jeepney ko. Wala na naging pagkakataon si Tyler na magtanong hanggang sa mapag-desisyunan niyang bumaba na lamang.

"I'll see you tomorrow, Isla," he said, smiling mischievously.

Hindi ako kumibo at basta na lamang pinasibat ang aking jeepney paalis. Laman ng isip ko habang nagmamaneho iyong kaisipan na sobrang weird nitong magiging amo ko.

Sobrang weird niya talaga.

~•~•~

"GOOD MORNING! Ako po si Isla -"

"Come in."

Iyon ang malamig na putol sa aking dapat na sasabihin pagpasok ko sa babay-opisina ni Tyler. Ito ang tinext na address ng weirdong mokong na iyon sa akin kaninang alas kwatro at sinabi niya na bandang tanghali na ako pumunta. Pabor naman sa akin ang bagay na iyon lalo't galing pa ako sa pamamasada mula ala sais kagabi hanggang alas kwatro kanina.

"Ahm, nasaan po si Tyler?" tanong ko at matalim naman ako tinitigan ng lalaking kausap ko.

"VT is currently in a meeting with Sir Raf." Napatango ako. "Call him Sir Tyler or just simply VT here. Kahit bahay-opisina ito, kailangan pa rin maging propesyunal."

Kung usapan propesyunal lang din naman, bagsak na itong kausap ko. Mayabang na nga magsalita, halata pa na inuuri ako base sa kanyang mga titig.

"I-ikaw? Ano ka dito?"

"Assistant ako ni Sir Raf at sa akin kanila binilin." Inabutan niya ang isang maykakapalan na sa portfolio at nang buksan ko iyon ay tumambad sa akin ang tila na slambook ni Tyler. "Nandyan na lahat ang kailangan mo malaman tungkol kay VT. Dahil hindi natutulog si VT, importante na kumpleto ang kailangan niya sa umaga. Nariyan din ang mga iyon, sauluhin mo."

"Hindi natutulog?"

"Huwag ka na magtanong, sumunod ka na lang. VT has different moodswings but most of the time he's untouchable so avoid making mistake especially when he's around." Ang dami naman nitong sinasabi. Saka kailangan ko ba talaga sauluhin ito. "That table is yours and the papers on top of it are your work. Magsimula ka na at goodluck kung matatapos ka ngayong araw."

While I appreciate what she introduce to me, I still hate her unprofessionalism. Baka triggered ito na tanghali na ako pumasok pero iyon naman ang desisyon ni Tyler. And why can't I called him by his first name? Illegal na ba agad sa batas iyon gayong sa ibang kumpanya naman ay first name basis kahit malayo ang edad or posisyon sa isa't-isa.

Alam ko dahil nagawa ko naman mag-intern noon. Kaso dahil sa mga gaya nitong kausap ko na bakas na bakas ang inggit sa bawat kilos pati na pagsasalita ay hindi ako na-absorb ng kumpanya. But it's all in the past now. Kailangan ko na magtuon sa ngayon at marami pa itong babasahin ko.

Tama pa ba na pumayag ako sa trabaho na ito?

Bumuntong-hininga na lamang ako at tiningnan na ang mga papel na nakapatong sa aking lamesa.

~•~•~

ISANG malakas na bahing ko na naman ang pumailanglang sa kinaroroonan ko na opisina at hindi ko na alam pang-ilang beses ko na ba iyon nagawa.

Lintek na mga papel ito na makapal pa sa alikabok sa labas ang mayroon. Hindi ako makapaniwala na napapasukan pa ng alilabok ang ganitong kalaking bahay. Selyado naman ang bintana dahil fully airconditioned ang kabuuan nitong bahay ngunit may ganito pa rin.

Kailangan ko ba ito gawin? Kailan ba darating ang weirdong mokong na iyon?

"Isla? Ano'ng ginagawa mo diyan?" tanong na pumukaw sa aking momonologue.

"Sir Tyler," sabi ko.

"What the hell?" He said, checking all the paper I am currently sorting. "This isn't mine. Come up there and clean yourself." Literal akong napatanga at kung hindi pa ako tinawag uli ay hindi ako susunod. Mabilis ako nag-ayos ng aking sarili. Mabuti na lamang at may baon ako na damit kaya agad rin ako nakapagpalit. "Hestia didn't gave you my shortlist?"

Umiling ako bago nagsalita. "Iyong portfolio mo lang ang binigay saka iyong mga papel."

"Forget it and also the portfolio. We've already dropped all the formalities so don't call me sir. Just Tyler is fine." Kita mo na! Bwisit na Hestia iyon, pinagtrip-an lang ako. "Isa lang ang gusto ko na tandaan mo, Isla."

"Ano iyon?"

"I don't properly functioned as a human around any kinds of rope and cable ties. When you see one, get rid of it immediately."

"Bakit?" Ay shit, bawal nga pala magtanong.

"Just because, Isla." May nilabas si Tyler na papel at inusod iyon palapit sa akin. "Read and signed it first. Nandyan na lahat, iyong sahod mo, benefits at pati na job description. And to to summarize it, you will be just like me, speak for me and act like me always. . ."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro