Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Five

#TBHAChapterFour
#FirstDayOnTheJob

Isla

BE like Tyler.

Speak for Tyler.

Act like Tyler.

Paano ko gagawin ang lahat ng iyon sa unang araw ko sa trabaho?

Hindi counted iyong kahapon as first day kasi half day na ako nag-report. Saka puro pagbabasa lang naman ng profile ni Tyler ang ginawa ko maghapon.

Hindi lang pala iyon.

May matinong empleyado pala ang nantrip sa akin kaya naman inatake ako ng aking allergy. Mabuti ay nakuha sa gamot ang lahat at hindi ko na nagawang lumiban ngayon. Nakakahiya naman kung absent ako agad sa unang araw ko pa lang.

Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at binuga iyon saka lumakad na punong-puno ng kumpyansa sa sarili. Ganito pala sa pavillon ni Tyler kapag maaga pa. Gusto ko sana i-appreciate ang nilalakaran ko ngunit saka na lang kapag may oras na.

Ngayon kasi kailangan ko na magmadali dahil gigising na si Tyler. Sabi sa calendar na binigay ni Hestia kahapon, kailangan naka-prepare na ang almusal ni Tyler bago ito magising. Ngunit sumagi sa isip ko iyong sinabi rin ni Hestia na 'di ito natutulog.

So, ano ba talaga ang totoo?

Siguro naman ay natutulog ang mokong na iyon kasi ang fresh niya tingnan. Is it just because of the organic eye cream he's using? Looking at the list of Tyler's morning regimen, I can say that he's a vain guy.

Anyway, I'll stop thinking about it, muna. I have a job to do, and today's my first day.

I need to prove that I can do this!

Maybe?

Ah basta, bahala na si Batman.

Tuloy-tuloy akong lumakad hanggang makarating ako sa loob ng bahay ni Tyler. Una ko ginawa ay binuksan ang ilaw at sunod na hinawi ang mga kurtina. Then I walk to the kitchen prepare Tyler's organic breakfast. Iniisip ko paano niya makakain ito at kung nabubusog ba talaga. Kasi sa akin, kulang pa ang pagkain na ito.

Malakas ako kumain ngunit hindi naman nadagdagan ang timbang ko. Kaya pagsumahod na ako, una ko gagawin ay magpa-check up dahil ayoko pa na mamatay ng maaga.

May plano na ako agad hindi ko pa nga alam kung tatagal ako dito. Kailangan ko tumagal ng isang para makita ko kung kaya ba na tumagal pa ng mas mahabang panahon.

"Isla, are you there?" tanong na pumukaw - gumulat sa akin kaya naibagsak ko ang hawak na panghalo ng vegetable salad ni Tyler. "I need a little help here," Tyler said again.

Mabilis ako pumilas ng paper towel at pinunas iyong pinagbagsakan ng panghalo bago dinaluhan si Tyler.

Pero saan ba naroroon ang mokong na iyon?

"In here." Sinundan ko ang pinanggalingan ng boses at dinala ako noon sa malaking kwarto. "Thank God, you found me."

"May problema ba?"

"I need a help on this," tugon ni Tyler saka humarap sa akin. Iyong bagay pa na hindi ko alam gawin ang hiningi niya ng tulong. "You know how to do this, right?" Hindi ako kumibo. "I'll guide you how."

Ano ba kasi nangyari sa kamay niya?

Hindi ko na nagawang sagutin ang tanong ko sa isip dahil nag-umpisa na magsalita si Tyler at sinundan ko ang tinuro niya.

"A-anong nangyari sa braso mo?" Hindi ko mapigilan magtanong.

"Stupidity, I guess," he answered. "I'm just kidding. Nag-enroll ako sa taekwondo class at na-stretch yata masyado."

"Hindi ka nag-stretching? Kailangan mo gawin iyon para hindi sumakit ang katawan mo. Saka sino ba ang nilabanan mo? Black belt?"

"I don't know who he is." Inayos ko ang kanyang necktie saka inalalayan na masuot ang coat sa braso niya. "You look. . ."

"Ano'ng itsura ko?"

Umiling siya pero hindi ko tinanggap iyon kaya sumuko rin siya bandang huli. "Different. Malayo sa Isla Rojas na nakilala ko weeks ago."

"Huwag mo ako landiin. Tinanggap ko itong trabaho para sa sahod."

"To use me?"

"Hindi ikaw, iyong pera mo. Kailangan ko ng sahod galing sayo para mabuhay."

"Too honest. . . and blunt." Nagkibit balikat lang ako at lumayo na sa kanya. Masyado na inaabuso ng amoy niya ang ilong ko. At bakit ba ganito ang tibok ng puso ko? Why did it became so erratic? "Breakfast?"

"Almost done."

"Shortlist?"

"Ito," inabot ko ang tablet sa kanya at hinayaan siya na basahin iyon. Lumabas na ako at binalikan ang almusal na hinahanda ko para sa kanya. "Ang weird naman nito. Kailangan ko mag-stick sa plano. Trabaho at pera lang ang kailangan ko."

Trabaho at pera. Iyon lang at wala ng iba pa.

===

HABANG wala si Tyler, napagpasyahan ko na i-praktis ang pagtatali ng necktie. Para naman sa susunod na kailanganin ni Tyler ang tulong ko, alam ko na gawin iyon.

So far, smooth naman ang lahat. Wala siyang komento sa breakfast at shorlist na gawa ko. Umalis din siya at hindi na ako sinama. Magsagot na lamang daw ako ng email na natapos ko na rin naman. Wala rin iyong boss ni Hestia kaya pangiti-ngiti lamang ito sa working area.

Ayoko na magtanong sa kanya dahil nakaka-trauma iyong kahapon. Sa ngayon, unti-unti na ako naipapakilala sa kung ano ba ang ginagawa ni Tyler talaga. He's into business and finance coaching. Meron din siyang ibang mga business na nakita ko na kanina online.

Big time talaga na maituturing si Tyler at sa edad niya ngayon, nakakamangha na malayo na ang kanyang naabot. Bukod pa iyon sa galing siya sa kilalang pamilya na kanina ko lamang din nalaman.

Kaya naman pala malaki ang pasahod niya.

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang cell phone ko na walang tigil sa pag-vibrate.

Isang mensahe iyon galing kay Aling Rosal. Sinabi ng ginang na nakatakas daw ang mga magulang niya't kasalukuyang pinaghahanap na.

Nako naman magkakaroon na naman ako ng bisita nito.

"Ano iyan?" Nagitla ako sa tanong na iyon na galing pala kay Hestia.

Mabilis ko tinago ang cell phone ko at hinarap siya. "Wala iyon. Diyan ka na ihahanda ko pa ang hapunan ni Tyler."

Umirap lamang si Hestia sa akin na hindi ko naman pinatulan. Pero iyong sinabi ko ay palusot lamang upang hindi mahalata na binabagabag ako ng pagtakas ng mga magulang ko sa kulungan.

Ano na naman kaya ang gusto nila palabasin ngayon?

Sana hindi na nila ako idamay. . .

===

MALALIM na ang gabi nang umuwi ako at humilata sa matigas ko na kama ang aking unang ginawa. Nakakapagod ang araw na ito dahil pagbalik ni Tyler mula sa mga meeting niya, marami siya pinagawa sa akin na natapos ko rin naman agad. Isang dahilan kaya ako ginabi ngayon ng uwi.

Ipinikit ko ang aking mga mata sandali ngunit agad din naman dumilat matapos ko makarinig ng mga kaluskos. Imposible na daga iyon dahil masyadong maingay ang galaw.

Dahan-dahan ako bumangon at inabot ko ang kutsilyo sa ilalim ng aking unan. Pang-proteksyon sa aking sarili kaya ako mayroon noon dahil nasa lugar ako na 'di ko pa gaano kabisado ang ugali ng mga tao.

Tumayo ako at dahan-dahan na naglakad hanggang sa marating ko iyong kusinang maliit. Doon isang bulto ang aking naabutan na agad ko nilapitan. Walang takot ko iyong sinakal at nilayo sa kinatatayuan nito saka sinalya sa pader. Akto ko na sasaksakin ngunit ito'y nagsalita.

"Isla, anak. Ako ito," sambit nito na pumigil sa akin.

"Papa?" Puno ng pagtataka ang aking tinig dahil hindi ko sukat akalain na siya ang magiging bisita ko. Tinapik niya para alisin ang nakaumang na kutsilyo ko sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Gusto kita makita. Hindi ko sukat akalain na mabilis ka ngayon kumilos. Nagpa-praktis ka pa rin?"

Bumuntong-hininga ako. "Alam mo na hindi tayo maaari magkaroon ng normal na mag-amang usapan. Tumakas ka at hinahanap na ng mga pulis, Papa."

"Hindi ka naman nila pupuntahan, Isla. Alam nila na patay ka na at gusto ko lang na makita ka bago ako umalis."

"Si Mama? Nasaan siya?" Hindi kumibo si Papa sandali. Nakita ko na dumaan ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Doon pa lang nabasa ko na agad kung ano ba ang nangyari kay Mama. "Pinatay mo siya?"

"Kailangan ko siya isakripisyo para makatakas kaya -"

"Umalis ka na bago pa ako tumawag ng mga pulis."

Ayokong marinig ang paliwanag niya. Sakto rin na may kumatok kaya sinabihan ko siya ulit na umalis na ngunit kinuha ni Papa ang aking kamay.

"Patawarin mo ako at babalikan kita. Para sa iyo ito, gamitin mo at umalis ka na sa lugar na ito."

Hindi na ako nakapagsalita dahil mas lumakas ang katok at tuluyan na rin tumakas si Papa. Nang bumukas ang pinto, sina Mang Teryo at Aling Rosal ang agad ko nakita.

"Ayos ka lang ba, Isla? Nang sabihin nitong si Teryo na may narinig siya kalabog dito ay -"

Hindi ko na pinatapos pa na magsalita si Aling Rosal bagkus ay niyakap ko na lamang siya kipkip ang pera na bigay ni Papa. Hindi ko kaya na magpaliwanag. Hindi sa ngayon dahil mas lalo ko na kinamuhian ang pinanggalingan ko na pamilya.

Bakit kailangan ko maranasan ang lahat ng ito? Bakit ako pa ang napili na parusahan dahil sa kasalanan ng mga magulang ko?

Bakit?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro