Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Eight

#TBHAChapterEight
#ARealiableAssistant

Isla

MAAGA ako pumasok kinaumagahan para rin ma-kondisyon ko ang lahat kasama na si Tyler bago humiling ng pabor. Masyado 'man maaga para humiling ng pabor ay wala rin naman akong ibang choice. Tingin ko naman ay napatunayan ko na nang maigi ang sarili ko kay Tyler na kaya ko ang anumang ibibigay niya na trabaho.

Wala rin naman akong ibang choice kung 'di kayanin iyon. Hindi naman sa ayaw ko balikan ang dati kong trabaho. Nagpapasalamat ako sa dating trabaho at minulat ako sa mga bagay-bagay kaya heto't lumalaban ako ngayon.

"There you are," anang tinig na gumulantang sa akin. "I need you to convince Tyler to attend his mother's birthday party."

Iyon ang dire-diretso na utos sa akin ni Sir Rafael. Hindi pa 'man ako nakakabawi sa pagmo-monologue ay heto na siya't inuutusan ako. Wala pa ngang good morning, Isla na nasabi at basta na lang na inutusan ako.

"Hindi ko siya makukumbinsi, sir. Saka may meeting siya sa isang Japanese investor ngayon at mas importante iyon."

Umiling si Sir Rafael bago nagsalita. "No. Mas importante ang pagdalo sa birthday party na 'to, Miss Rojas. The investment will come back or change, but not the relationship he has with his mother."

Kumurap-kurap ako.

Bilang wala akong experience sa pakikisalamuha sa mga magulang, hindi ko maintindihan ang pinupunto nitong kaibigan ni Tyler.

"B-bakit ako ang pipilit sa kanya?" tanong na dapat ay nasa isipan ko lang ngunit nagawa ko isatinig agad.

"Because he listen to you and somehow favored you the most even if your background still questionable for me." Dapat hindi na ako nagtanong pa sa kanya kung bakit ako ang gagawa imbis na siya. Siya kaya iyong matalik na kaibigan at housemate pa silang dalawa. "You're his reliable assistant, Miss Rojas. So, please help me?"

Alam na alam talaga kung paano bibilugin ang aking ulo. Pareho lang silang magkaibigan talaga. Magaling magsalita kaya maraming napipikot na babae. Sa ilang araw ko rito, marami na ako nasaksihan na pagwawala ng mga humahabol sa kanila. Ang isa nga'y nakasabunutan pa ni Hestia kaya tingin ko nag-lie low muna ang isang iyon.

"Fine. Gagawin ko muna trabaho ko."

"Here, don't forget this. Kukunin ko na iyong customize niyang damit."

Tumango na lang ako at kinuha na ang invitation kay Sir Rafael saka lumakad papunta sa kusina.

Gaya ng sabi ko, ginawa ko muna ang trabaho ko at iyon ay paghahanda ng almusal ni Tyler pati na ng kanyang panligo, damit at ilang dokumento na pipirmahan. Pinatong ko sa pinaka-ibabaw iyong imbitasyon para iyon ang una niyang makita mamaya.

Saka taimtim ako nagdasal na huwag nawa masira ang mood niya para makahingi ako ng pabor. Mas importante iyong kailangan ko dahil may parte sa aking dibdib na kinakabahan na. Hindi biro iyong ma-ospital ako dahil sinaktan ako ng kasama ni Papa. Tapos dalawang beses pa ako kinausap ng mga pulis ukol sa nangyari sa akin.

Hindi ako madasalin ngunit napadasal ako noong nasa loob ako ng interrogation room. Naidalangin ko na huwag nawa ako madamay sa kabulastugan ni Papa at ng grupong kinabibilangan niya.

Hindi ako gaya nila kahit pa nanalaytay sa akin ang dugo ni Papa. Kung maaaring itanggi ay akin na gagawin agad-agad.

Huminga ako ng malalim saka naglagay ng ngiti sa aking labi.

"Good morning!" Bati ko kay Tyler nang lumabas siya sa kanyang walk in closet.

"Someone is in good mood today." Sa halip batiin ako'y iyon ang kanyang tinugon. "What's this?"

"Birthday invitation?" Tyler cleared his throat loudly. Galit ba siya? Baka ito ang dahilan kaya ako ang pinilit ni Sir Rafael na magbigay noong imbitasyon sa kanya. "Sabi ni Sir Rafael pumunta ka raw diyan. Birthday ng mama mo ngayon."

"Just ignored it. She didn't want to invite me."

"Huh? Eh, may imbitasyon nga ikaw."

Malalim na huminga si Tyler bago uli nagsalita. "It's a last minute invitation, Isla." Kumurap-kurap ako. "Basta, balewalain mo na lang iyan. Nasaan na iyong shortlist ko at presentation para kay Mr. Yamato?"

"Ito," tugon ko saka inabot na sa kanya ang tablet. "Sigurado ka na hindi ka pupunta?"

"My meeting with Mr. Yamato is more important, Isla."

"Ayan nga sinabi ko kanina. . ."

"What?"

Tumingin ako kay Tyler. "Ano. . . Kasi -"

"Did Rafael ask you to convince me?" Dahan-dahan ako na tumango. "Well, tell him you can't force me to attend that party and clink glasses to my mother's bridal prospects. End of discussion."

"Eh, birthday iyon ng nanay mo. Wala ka nga regalo tapos hindi ka pa dadalo."

"She's used to it, Isla." Hindi ko na napigilan mapa-roll eyes. "My relationship with her is always like this. You cannot change it. No one can and dared to do it."

"Bilihan ko na lang regalo ang mama mo, puwede? Pero hindi kasi sapat na regalo. Gusto niya rin naman na makita ang anak niya kahit once every blue moon."

"Bahala ka na kung ano gusto mo gawin." Agad ako naglahad ng kamay sa kanyang harapan. "What?" he asked.

"Kailangan ko ng pera saka ano ba ang gusto ng mama mo?"

Tyler breathed heavily as he took out his wallet and got one of his card cards. "Something sparkling. She likes it."

"Sparkling. . ."

"Can I regain back my peace now?"

"Sure. Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako sa labas."

"Peace of mind, that's what I need, Isla."

"Iyon din ang kailangan ko ngayon, Tyler."

"Why? Are the police still bothering you?"

"Hindi naman pero iyong mga ispekulasyon nila oo nakakaba." Isisingit ko na ba iyong sa bahay? Bahala na nga! "Kaya rin naghahanap na ako ng bahay na malilipatan ngayon."

"Do not go too far. Just used the villa two blocks away from here."

Nagliwanag na ng literal ang mga mata ko matapos marinig ang alok ni Tyler sa akin. Sigurado ako na maiinggit na naman si Hestia sa akin nito. Sobra-sobra kasing pribiliheyo ang nakukuha ko rito kay Tyler pero hindi ko naman aabusuhin syempre. Hindi lang talaga ako makapaniwala sa ngayon.

"Sigurado ka ba?"

"Does it sound like a joke to you?"

"Hindi. . . Hindi naman pero 'di pa ako natagal sa 'yo at hindi mo 'man lang ba ku-kwestyunin ang background ko?"

"I have no time for that. As long as you won't kill me, it's fine. Now, go and buy my mom that sparkling thing."

"Okay, sir!" Agad akong tumalikod ngunit wala pa dalawang segundo ay hinarap ko siya uli. "Thank you pala. Super duper mega -"

"Go now, Isla."

"Oo nga heto na at aalis na ako." Ang sungit pero mabait naman kahit paano. Basta super thankful ako sa mokong na ito kahit puro disaster ang pinaranas sa akin noong una. Ganito yata kapag reliable gaya ng sabi ni Rafael.

Pero reliable nga ba talaga ako kung may tinatago ako na tungkol sa aking identity? Iyong identity na kahit ako 'di ko rin kakilala. Hay hirap naman. Bahala na nga lang ulit!

~•~•~

HINDI KO MAGAWANG pumili sa mga singsing na nasa aking harapan. Wala kasi ako ideya kung ano nga ba ang gugustuhin ng nanay ni Tyler sa mga ito. Habang nasa biyahe ako, tiningnan ko na kung sino nga ba si Constance Santiago-Ty sa lipunan. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga nalaman dahil hindi lang pala mismo si Tyler ang mayaman kung 'di ang buong pamilya niya.

At habang ginagawa iyon, sumagi sa isip ko ang kaisipan na para bang nakita ko kung saan si Constance. Hindi ko lamang malaman kung saan at kailan iyon nangyari. Sa bandang huli'y binalewala ko na lamang ang kaisipan na iyon at dito na nagtuon sa mga singsing.

"May napili ka na po ba, ma'am?" tanong ng staff na nakabantay lamang sa akin mula pa kanina.

Inangat ko ang aking kamay kung saan nakasuot iyong limang singsing na aking pinagpipilian. "Ang hirap naman pumili. Pakibalot na lang lahat at dito mo i-charge."

Isa-isa ko inalis ang mga singsing saka inabot ang black card na bigay ni Tyler sa akin. Alam ko na wala iyong limit at tatawagan na lamang si Tyler para kumpirmahin itong mga binili ko. Sana lang hindi siya magalit dahil nahirapan talaga pumili mula sa mga alahas na ipinakita sa akin.

"Isla?" Lumingon ako sa tumawag sa aking pangalan. Iyong mukha agad ni Hestia ang sumalubong sa akin. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Bumibili ng regalo para sa mama ni Sir Tyler."

"Kaya ba siya narito rin?"

"Huh?" Itinuro na lamang sa akin ni Hestia si Tyler na naglalakad palapit sa jewelry store na aming kinaroroonan. "Tyler," sabi ko saka agad siya nilapitan.

"Did you buy the gifts?" tanong niya sa akin.

"Oo pero hindi ako makapili kaya binili ko na lahat." Malalim na huminga si Tyler at hinanda ko na sarili ko na mapagalitan pero hindi iyon nangyari.

"It's fine. Let's go now. You need clothes to wear." Tumingin siya sa akin at gano'n na rin kay Hestia. "Both of you."

Nagkatinginan kami ni Hestia at hindi na nagawa pa magsalita bagkus ay sumunod lang kami kay Tyler palabas matapos makuha ang mga binili ko. Mga bagay na pinahawak ko muna kay Hestia tapos ay mabilis na sinundan si Tyler.

"Para saan iyong damit?" tanong ko.

"We will attend my mother's party. You need to look presentable there."

"Pupunta ka?"

"Sabi mo hindi sapat na regalo lang ang ibibigay ko."

"Sabi mo sabihin ko kay Sir Rafael na hindi ko kaya na pilitin ka?"

"Can we not argue about my decision? Nakakapagod makipagtalo sayo, Isla. Let's attend, and I'll regain my peace afterwards."

Panalo ako sa pagkakataon na ito dahil sumuko na siya agad. I-claim ko muna itong araw na 'to at nanamnamin habang aminado pa si Tyler na natalo ko siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro