Epilogue
Gaige's POV
For two weeks with Atticus and Arthur, my life seems complete. Never in my wildest dream would the three of us be together like this, where God made it all perfect.
Nakangiti kong pinagmasdan si Mama na pinapakain si Arthur. Katabi niya si Papa at nakangiti itong nakatitig sa mga mata ng anak ko.
Malaki na ang pinagbago ng bahay namin. May extension sa bahaging likod at may tatlong kwarto na nadagdag. Yari pa rin sa kahoy, pero matibay na ito. Malaki na rin ang kusina dahil may bagong mesa na gawa ni Papa at matibay ang pagkakagawa niya.
The last time I saw my parents was when I wanted to apply for a job at Monde Fashion Corporation. Clerk sa Casino ang puwedeng mapasukan, dahil iyon lang din ang hiring sa araw na iyon. Matagal ko ng minamanmanan ang Monde, dahil narinig ko mula kay Samantha na isang Atticus Mondragon ang nag mamay-ari nito.
Naging baliw at bulag ako sa lahat, at noong nabigyan ako nang pagkakataon sa sarili ay pilit na hinahanap ko si Atticus sa lahat ng sulok ng Maynila. Pero wala, hindi ko siya makita. Hanggang sa pumasok ako sa Casino at napagtanto ko na tama pala. . . Isa siyang makapangyarihan at galing sa angkan ng mga mayayaman.
Naalala ko pa ang unang beses na nagtagpo ang mga mata namin dalawa. Gusto kong matunaw at mawala sa harap niya. Pero nilakasan ko ang loob at nagkunwari na hindi ko siya maalala.
That was hard. It was painful because it brings back memories of us in Japan. Pero pinagpatuloy ko pa rin, dahil alam ko sa sarili na hanggang doon na lang kami at sa oras na babalik na si Philip at ang anak namin ay wala na. Haharapin ko na ang mundo ko at tuluyan na siyang kalimutan.
But when you play what fates offer, you can't stop yourself from falling in love again with the same person who owns your heart.
Pilit kong nilaban iyon. Pero hindi ko rin nakayanan at kusang bumabalik ang puso, isip, at katawan ko sa kanya. I lied a lot in front of him. I pretend, but some of my pretend were real. Because some memories of him vanished inside my brain.
May mga alaalang kusang bumabalik na akala ko ay produkto lang ng imahinasyon ko at panaginip. Doon ko napagtanto sa sarili na totoo siya. Totoo ang mga alaalang iyon sa kanya.
"Talagang nagmana ang mukha ng batang ito sa ama niya." Ngiti ni Papa kay Arthur at pinahiran ang gili ng labi nito.
"Ang gwapo talaga ng apo natin ano?" si Mama kay Papa.
"Aba, syempre! Nagmana sa akin ang mukha nito. Oh, kita mo." Proud na tugon ni Papa kay Mama at napailing si Mama.
I smile in silence while looking at the three of them. Hindi nila ako nakikita dahil nasa gilid na bahagi ako ng pinto. Gusto ko sanang magtanong kay Mama tungkol sa palayan. Pero nang makita ko sila ni Papa na nagpapakain kay Arthur ay natunaw ang puso ko.
I thought they would get mad and couldn't accept that I got pregnant and hid Arthur from them. But I was wrong because the opposite that I expected happened.
"Darl?" Pabulong na tugon ni Atticus sa likod ko at hawak sa kamay ko ngayon. Yumakap na siya sa katawan ko at pareho namin tinitigan silang tatlo ng lihim mula rito.
"Gusto mo ba ng kape?" Humarapa na ako sa kanya at tinitigan siya. Ngumit siya at mabilis na hinalikan ang labi ko. Inangat ko na ang kamay sa leeg niya at pinaglapit niya lang din ang katawan namin dalawa.
"Nakatulog ka ba? Hindi ba masakit ang kahoy na kama?"
Alam ko na hindi siya sanay sa buhay na ganito. Kung nakahiga siya sa malambot na kama ay kabaliktaran naman ang mundo ko. Kahoy at banig lang ang meron sa bahay na ito. At alam kong nahirapan siya kagabi dahil makailang ulit ang pabago-bago niyang posisyon. Wala ring aircon, pero hindi naman mainit.
"To be honest? I did not. But when I saw you beside me and Arthur I'm happy. I couldn't ask for more, Gaige. Marami namang paraan at mabibili ko naman ang mga bagay na gusto ko para sa pamilyang ito. Huwag lang kayong mawala ni Arthur sa akin." Halik niya sa ibabaw ng ilong ko at sa noo.
"Malayo ang bayan. Wala tayong sasakyan," nguso ko. Kantyaw ang ginawa kong pagtitig sa kanya. Gusto ko kasi na asarin siya.
"There's nothing impossible for an Atticus, Gaige," pilyong ngiti niya.
"Walang Deizel. Walang Ranger, Xavion at wala kang alalay o driver. Kaya mo?" Hamon na titig ko sa kanya.
"Don't underestimate me, darling. I haven't forgetten what you did to me back then." He smirked while hugging me.
Naalala ko lang din ang ginawa kong parusa sa kanya noon sa Japan. The first time I met him I thought he was the new hired cleaner of the hotel. Nakasunod kasi siya palagi at napapansin ko siya sa likod ko.
I admit it, I was hesitant at first. Iba naman kasi ang tindig niya at pati ang kulay ng balat. Hindi kasi bakas sa mukha niya na laki siya sa hirap.
Pero marami na akong kilalang lalaki na maganda ang mukha at hindi mayaman. Kaya napagtanto ko noong panahon na iyon ay isa siya sa mga lalaging ganoon, at inakala na siya ang bagong hired na cleaner.
I made him do a lot of work and he did not complain. Naalala ko pa ang manager ko noon, at panay ang senyas nang mga mata niya sa akin habang inuutusan ko si Atticus. Hindi ko alam na iba na pala ang kahulugan noon. Hindi ko agad nakuha ang mensahi niya.
"Did you happen to collaborate with them? I mean, the team and the management?" Nguso ko at bahagya siyang napailing.
I was waiting for his response, but the only cheeky smile I got from him was enough for my answer.
Ang daya niya talaga.
"Let's go outside. Hayaan mo na natin ang mga magulang mo kay Arthur." Hila niya sa kamay ko. Sumunod na ako at nakangiti habang nakatitig ako sa likod niya.
Sa bakuran kami nagtungo, sa may dalawang malaking puno ng manga. Hindi season ngayon kaya wala itong bunga. Mula rito sa kinatatayuan namin ay tanaw ang lawak ng palayan sa unahan. Ito ang sinasakahan ni Papa, at sa bandang gilid naman ay ang malawak na niyugan na pagmamay-ari ng mga Santa Clara. Hindi amin ang lupang ito at pansamantalang nakatira kami rito. Pagmamay ari ng mga Delavega ito.
"Gusto mo ba rito?" tanong niya habang nakahawak sa kamay ko.
Simpli ang ginawa kong pag-ngiti at inulit ko nang tingin ang boung paligid.
"Okay lang. Sanay na ako," sagot kong nakatitig sa dalawang kalabaw ni Papa.
Ito ang nabili ng pera ko noong nasa Japan pa ako. Ang iba ay pinuhunan namin sa sakahan, sa lupang hindi amin at nagbibigay lang kami ng parte sa totoong may-ari nito tuwing harvest season. May plano pa sana ako noon. Gusto ko sanang bilhin ang lupang ito. Pero hindi na nangyari.
"Are you going to be happy here?" He asked again and stared at me thoughtfully.
"I will. . . I am happy," I smiled. Looking at his face and seeing my little boy, I'm contented.
"Ikaw? Masaya ka ba? Taliwas ito sa mundo mo, Atticus."
Ngumiti ulit siya at mahinang tumango. "More than complete, Gaige. My happiness is yours. It could not be measure."
"Ganoon ba? E, 'di dito na lang muna tayo tumira," pagbibiro ko.
"Sure. I agree." He looked away and hugged me. Sandali kaming natahimik at holding hands na naglakad. Isa-isang tiningnan ang lahat sa paligid. Hanggang sa nahinto siya sa may bakanteng lupa na hindi kalayuan sa bahay namin.
"This area is good enough. What do you think?"
Bumitaw siya sa kamay ko at pumwesto sa gitnang bahagi rito. Malaki at malapad ang bahagi ito at ka-lebel ang lupa gaya ng sa bahay namin. Nasa pinakatuktol ang bahay namin at nakikita mo ang lahat. Sagana naman sa tubig dahil may maliit na sapa na kung saan kumukuha kami ng tubig. Dito rin galing ang tubig para sa sakahan.
"Okay. Bakit anong balak mo? Palayan?" ngiti ko. Naalala ko na sinabi ko ito kay Papa noon. Kapag marami na akong pera ay bibilhin ko ang lupang ito at ang bahaging ito ay gawing sakahan. Pero matigas daw ang lupa ng bahaging ito. Hindi akma na maging palayan.
"Let's build a life here," ngiti niya. Humakbang na siya palapit sa akin at nangunot lang ang noo ko sa kanya.
I know he could easily do what he wants, but I don't want to assume.
"Ano?" Napailing na ako at humalukipkip na.
"Let's build our house here, Gaige. We can live here if you like."
"Atticus - "
"I bought the whole place three months ago." Putol niya sa pagsasalita ko at napaawang ang labi ko. Ilang ulit ang pag kurap ng mga mata ko sa kanya.
"Are you kidding me?"
"I'm not."
Namaywang na siya at bakas ang saya sa mukha. I want to smile, but I hold myself. I feel excited knowing we could build our house here close to my p.
"Matagal kitang hinanap, Gaige, at noong nakita ulit kita ay naging praning ako at hinalungkat ko ang buong pagkatao mo. I found your parents here. I met them when you are busy running away from me. . . Inisip ko, kung makukuha ko ang loob ng mga magulang mo ay tiyak babalik at babalik ang puso mo sa akin, Gaige," tiim-bagang niya.
"I'm sorry, darling. I was hopeless and didn't know how to get you back. Masyado ka kasing mailap."
I pressed my lips together while we stare. Maraming beses akong lumayo at nagtago dahil masasaktan ko lang siya. Pero hindi ko inakala na gagawin niya ito.
"I'm sorry, Art. . ." Napayuko ako. Ayaw kong maiyak dahil maaga pa at mahahalata lang nila Papa at Mama.
"What for? Nothing to be sorry, darling." Tugon niya at mariin na inangat ang mukha ko para matitigan ko ulit siya nang husto.
I know we are good now, but there are many things that Atticus didn't know what happened to me back then. It's unfair, and I guess he needs to know everything.
"Philip. . . Philip saved me when Sabine tried to killed me and our baby." Panimula ko, atarent pumatak na ang luha sa mga mata ko.
"Kailanman ay hindi ako tumakbo at lumayo, Atticus. I was ready to go to our sacred marriage place when suddenly, I got hit by a car."
Pumikit ako at ramdam ko ang kamay ni Atticus sa mukha ko. Pinahiran niya ang bawat butil ng luha ko rito, at nakikinig lang din siya sa akin ngayon.
"Nagising ako, tatlong araw lagpas na. . . I heard her talking to Philip. She wants me dead. She ordered Philip to kill me and my unborn. Alam nilang buntis ako, Atticus. Natakot ako. Kaya nagkunwari ako na wala akong maalala. . . I have to tell a lie. . . Ayaw kong saktan niya ang anak natin."
Bumaha ng luha sa mga mata ko at bumalik lang ang lahat ng sakit na pinagdaanan ko noon.
Atticus hugged me tight and whispered.
"Shush, I know, darling. . . I know. . ." Haplos niya sa likod ko. Gusto ko pa sanang magsalita pero hindi ko na kaya.
Sa loob ng dalawang linggo na magkasama kami sa isla ay hindi siya nagtanong. Wala siyang tinanong. I waited for him to ask me, but it did not happen. Alam kong magkapatid sila ni Philip sa ina at alam kong ayaw na ayaw ng Mama niya sa akin. Hindi ako handa na harapin sila at makita ang ina niya. Okay na ako sa ganito. Okay na akong magtago pansamantala.
"I'm sorry I wasn't there to defend you, Gaige. I know how hard it was, and I'm sorry that I could not protect you, darling. . . But this time, I will protect what's mine. So please, trust me."
Tumitig na siya sa mga mata ko at pinatuyo ang luha ko. Mahina akong tumango at yumakap ulit ako sa kanya.
"Hindi ka ba mag sasawa? Paano kapag isang araw ay ayaw mo na? Maiintindihan ko, Atticus, kung mas pipiliin mo ang ina mo. She's your mother and I respect that. I will understand."
Ramdam ko ang pagbuntonghininga niya at ang mahigpit na yakap at haplos sa likod ko.
"My mother is always my mother, Gaige, and I love her. But I have a life too, and I choose you. . . I choose my family. I choose the mother of my son. And that's you."
"So please, stop worrying too much, and think about our son. Think about yourself. Think about us."
I nodded and he smiled. Mabilis ko lang din na pinunasan ang luha ko nang makita sina Papa at Mama na lumabas ng bahay. Karga ni Papa si Arthur sa bisig niya.
"Mommy!" Tawag ni Arthur sa akin, at sabay kaming napatingin sa kanila.
"Yes, baby!" Kaway ko, at humakbang na si Papa palapit sa amin. Iilang metro ang layo nila mula rito.
Natahimik kami ni Atticus at nakaakbay na siya sa akin ngayon.
"Kailan mo ako ipapakilala sa anak natin bilang totoong ama niya?"
Bahagyang nawala ang ngiti sa labi ko at agad na tinitigan siya. He is smiling looking at our son. Dapat pala sinabi ko na kaagad noong sa isla pa lang. Pero naging abala kaming tatlo at napuno ng saya ang bawat araw namin na magkasama. Hindi ko na naisip ito, dahil daddy rin naman ang tawag ni Arthur sa kanya.
"Come here, little bud."
Kinuha na ni Atticus is Arthur kay Papa. Dahil magsisimula na siya sa palayan.
"Kumain na kayo. Busog na ang apo ko. Salamat nga pala, Atticus." Simpli ang ginawang pag-ngiti ni Papa sa kanya at bakas sa kilos at mukha nito ang pagpapakumbaba at pasasalamat.
I know my father. Even though he was not my biological one, he's the best father for me. I have lost my interest in meeting my real father. Tinanong na ko ni Mama nito noon pa. Gusto raw akong makilala ng totoong ama ko. Pero ayaw ko.
"Walang anoman, Papa. Ano? Handa na ka na ba sa magiging plano ko?"
Nagtitigan silang dalawa ni Papa na nakangiti at tumango si Papa sa kanya. Alam ko na agad kung ano ito dahil mukhang matagal na nila itong pinalano.
"Basta, kung saan masaya ang anak ko, ay okay na ako. Lalo na ngayon na may apo na ako." Siglang saad ni Papa at titig sa akin. Bahagya ang ginawa kong pagtawa at napailing na. Napalingon ako sa banda ni Mama at kumaway na siya. Tinatawag na kami para kumain.
"Kumain na kayo at magsisimula na ako," si Papa sa amin.
I nodded and hugged my father. Hindi man siya ang tunay na ama ko ay higit pa sa pagmamahal ng tunay na ama ang pinakita at pinaramdam niya. Ginapang niya ang lahat ng pag-aaral ko at bumabawi lang ako ngayon sa isang kapatid na nasa Baguio.
I saved a little bit of money and that was enough for Anton's education. Pangarap kasi niya ang maging isang cadet sa PMA, at ngayon ay unti-unti na niyang natutupad ito. I haven't seen him for half a year because of his training, at mukhang matatagalan pa yata ito.
"Alam na pala nila Mama at Papa ng plano mo?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami sa mesa. Nasa kandungan niya si Arthur at ang gatas na ang iniinom ito. Tahimik siya at nakatitig lang din sa akin.
"Uhm, I hope it's okay with you."
Nagkamay siya kagaya ko, pero nakakatawa ang hitsura ng kamay niya.
"Ako na nga." Sabay subo ko sa kanya.
"That's yum. Ang sarap pala ng kamay mo," pilyong titig niya.
"Daddy, are we going swimming today?" si Arthur sa kanya.
"Yes, bud. I will build one for you."
"Yes! Thank you!"
"At paano mo naman gagawin iyon? E, walang swimming pool dito, at malayo tayo sa bayan."
"Just trust me." Kindat niya at napailing na ako.
Sandali akong natahimik at tinitigan kong muli si Arthur na masaya sa piling niya. This little boy is only two years old but I believe he understand what's happening around him.
"Daddy, are we going to stay here for good?" seryosong titig niya sa ama. Nawala ang ngiti sa mukha ni Atticus at napatitig ito sa akin. Napakurap ako. Hindi ko ito inaasahan sa anak namin. Kinakabahan ako dahil baka hinahanap niya si Philip.
"Yes, bud, we will stay here for a while. And after that, maybe, somewhere far away from everyone where it's only you, me and your mom. Are you okay with that?" lambing na sagot ni Atticus sa kanya.
"I'm okay with that." Tango at ngiti niya sa ama.
Nawala ang kaba sa dibdib ko dahil sa tingin ko walang hinahanap si Arthur maliban sa amin dalawa na nandito.
"Good morning!"
Sabay kaming tatlo na napatingin sa pinto at ang mukha gaad ni Diezel ang namataan namin. He looks stress, sweaty with dirt all over his shirt. But the way he smiles to Arthur gives the little boys face a lit. Binaba niya ang mga pinamil at mukhang marami ito.
"Uncle, Dez!" excited na boses ni Arthur at kumalas agad siya sa bisig ng ama. Patakbo niyang sinalubong si Diezel mula sa pinto.
"How are you, little dinosaur? I bought the inflatable pool."
"Really? Thank you!"
Napailing na ako. Ang akala ko si Atticus lang ang mag-isa rito. Mali ako, dahil may isang gorilla na magiging alipin niya.
"Do you want to see it?" saad niya kay Athur.
"I took the off road with me, bro, together with the trailer. It's loaded with everything you need." Kindat ni Diezel kay Atticus, at lumabas na siya na karga si Arthur sa bisig niya. Mukhang ipapakita niya yata ang lahat ng pinamili niya sa bata.
I wonder what else Diezel bought here for Atticus and Arthur's convenience?
"I'm waiting, darling," pilyong ngiti niya sa akin habang naghihintay na subuan ko siya ng pagkain. Napailing na ako at sinubuan na siya gamit ang kamay ko.
"I love you. More please." Lambing niya at bahagya na akong natawa.
Masaya na ako. Komplete na ang buhay ko.
.
C.M. LOUDEN
Thank you for reading :)
All special chapters (6) is now back for free. Basahin niyo na 😆❤️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro