Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47. Longing


Gaige's POV


I came out of the shower wearing only the bathrobe of the hotel. Wala akong ibang damit na dala at wala rin akong nabili kanina dahil sa pagmamadali ko. Maayos ko lang na tinupi ang damit sa gilid para maisuot ko ito bukas at sinampay ko na ang kaisa-isang underwear ko sa mismong harapan ng aircon. Short lang ang suot ko ngayon. Ito lang ang nagsisilbing panty ko. Mabuti na lang at nakasuot ako nito bago ang stretchable leggings ko.

Nakaandar ang TV at puro balita ang laman. Sinuklay ko ang basang buhok at bumalik lang ulit ako sa banyo para sa blower.

I stood up for more than five minutes, drying my hair until I finished. I look at myself in the mirror while doing my toothbrush while thinking about how to get my son back from Philip's mother.

Nakakatakot ang mga ina nila at naalala ko lang ang ina ni Atticus noon. Lahat sila, ayaw ako.

Kape lang din ang tinimpla ko dahil wala akong ganang kumain. Pero nang makita ko ang menu sa ibabaw ng maliit na mesa rito ay nagutom ako. Gusto ko sanang kumain sa labas, pero naisip ko baka magpahanggang ngayon ay hinahanap pa ako ni Deizel. Kaya mas mabuting dito na lang muna ako.

Tinawagan ko na ang numero at nag-order na ako. At habang hinihintay ang room food service ay napahiga muna ako sa kama habang pinapanood ang palabas ng TV pero iba ang iniisip ko, dahil si Arthur lang din ito. Napatayo lang din ako nang marinig ang katok mula sa pinto.

Inayos kong mabilisan ang sarili bago ko binuksan ito.

"Room food service, Ma'am," ngiti niya. Kaya pinapasok ko na.

Sinunod ko siya nang tingin at naiwan na nakabukas ang pinto. Inilapag niya sa maliit na mesa ang order ko at saka binigay ko ang bayad sa kanya. Binigyan ko rin siya ng tip.

"Salamat, Ma'am."

Tipid lang akong ngumit at umayos na siya para makalabas na. Pero bago paman siya makalabas ng pinto ay isang pamilyar na mukha ang nakatayo na rito dahilan nang pagtigil ng tibok ng puso ko.

"Hi, darling. Have you ordered enough foods?" baritonong boses niya habang nakatitig sa staff na papalabas na.

"Good evening, Sir."

"Good evening too."

I could no longer open my mouth as it came partly open. He shut the door after, and then he looked at me intently.

Makailang beses ang pagkurap na ginawa at naninigurado ang mga mata ko na hindi panaginip ito. . . si Atticus kasi ngayon ang nakikita ko.

Humakbang siya, mahina, dala ang tipid na pag-ngiti at buntonghininga. Nilibot din ng mga mata niya ang kwartong ito at napako lang din pabalik ang mga mata niya sa mga mata ko.

"Atticus. . ." Finally, my voice came out from me.

"Do you really like to play hide and seek, Gaige? Akala mo ba na hahayaan kita?"

"H-ha? A-Akala ko - " tulalang tugon ko at hindi na ako makapagsalita. Isang dangkal na lang ang lapit namin sa isa't-isa at pumikit na ang mga mata ko, dahil sa matinding tibok ng puso ko at nagpapahina ito sa sistema ko.

I didn't expect this. I did not expect him to show unexpectedly like this. . . Iniwan ko na siya nang gabing iyon at wala na akong narinig mula sa kanya. Alam kong masakit at kasalanan ko ulit. Pero sa mga araw na iyon ay walang oras na hindi ko siya inisip.

I wish I did stay for him, for us, for our son. . . I wish I did the same as how he fought and never gave up on me. I am weak, and I admit that. And I wish I was stronger.

"I miss you, darling." Agad na yakap niya. Namuo agad ang luha sa mga mata ko at mabilis na pumatak ito.

Sa sandaling akala ko ay nag-iisa na ako sa haharapin na problema kung paano ko makukuha si Arthur kay Philip, ay hindi ko inaasahan na may isang Atticus pa pala na sasalo sa akin ng ganito.

I don't know what good deeds I did in my past life because GOD has blessed me with a faithful and loving man like him.

"I never stop, Gaige. . . Hihinto ka man at susuko ay hindi ako susuko sa' yo. Sabihin mo man na hindi mo ako maalala ay wala na akong pakialam sa nakaraan na iyon, Gaige. . . All I want is you and our family. I don't care about your past and I understand all your worries. I am here, darling. I will never let you go." Sa mas mahigpit pa na yakap niya.

Pumatak ng lalo ang luha ko at mahina ang ginawa kong pagtugon sa yakap niya. Ang akala ko ay magagalit siya at isusumbat niya sa akin ang lahat ng ginawa ko. Pero mali ako. . . Dahil heto siya ngayon, nakayakap sa akin at pilit na pinapanatag ang lahat sa buhay ko.

Pagod na akong magkunwari at ayaw ko na. Tama na. Ayaw ko ng maging sakim sa sarili para sa anak ko, at gagawin ko na ang tama para sa amin dalawa.

"I'm sorry, Atticus. . . I'm sorry, darling." Hagulgol na saad ko. 

Hinayaan niya lang ako sa bisig niya at panay ang paghaplos niya sa likod ko. Parang hinihintay lang niya ang lahat sa akin at hindi na siya nagsalita.

"Naalala kita at walang araw at gabi na hindi kita inisip. . . I was torn between saving the little one and choosing you. I'm sorry. . . I lied, Atticus."

"Shush, it's alright, darling. You don't have to explain yourself. I understand. . . " Titig niya sa mga mata ko, at pinunasan niya lang ang luha ko. Gusto ko pa sanang magsalita at magpaliwanag pero hindi ko na magawa dahil tanging iyak at hagulgol na lang ang maririnig sa akin.

Probably, it took me fifteen minutes to stopped myself from crying. Naipon yata ang lahat sa akin at naisang buhos ko lahat sa pag-iyak.

The longing for a mother and father's love has been kept inside me for years. Mahal naman ako ni Mama at ni Papa, pero dahil alam kong iba ang tunay na ama ko ay parang hindi pa rin buo ang pagkatao ko.

I just realised the importance of having a father in my life, and I don't want our little Arthur to be in the same spot, like am I now.

-

"Are you hungry. Let's eat." Ngiti niya na parang walang nangyari sa amin. Nakatitig ako sa mukha niya at kahit na halata ang pagod sa mga mata niya ay masaya ito. Naging tahimik ulit kami at tipid ang ginawa niyang paglagay ng pagkain sa plato ko.

"I escaped from my capturer." I stated while he's filling up a glass of water. Naalala ko lang na hindi ko pa pala sinabi sa kanya na tumakas ako mula sa isang isla na hindi kalayuan dito.

"Uhm, and - " He nodded, looking calm without looking at me.

Nalito akong saglit at napaisip ako kung paano niya nalaman na nandito ako sa maliit na hotel na ito.

"Paano mo pala nalaman na nandito ako?"

Nahinto na siya at ngumiting bahagya. Imbes na sa bibig niya dapat mapunta ang kutsara na puno ng kanin ay sa bibig ko ito napunta.

"Eat up, darling. You could no longer escape, anyway," pilyong ngiti niya.

"H-ha?" awang ng labi ko at napalunok ako nang maramdaman ang pagkain sa bibig ko.

I looked at him, confused, but in the end, I realised that it was him who was behind to what was happening.

"Ikaw? Ikaw ang may gawa?" Sabay lunok ko. Ininom ko pa ang tubig.

"Ba't mo naman ako pinakidnap kay Diezel, Atticus? May gagawin pa ako at kailanga kong makuha si - "

"Si Arthur?" Putol niya sa pagsasalita ko.

Namilog ang mga mata ko at makailang ulit na napakurap ako sa sarili. Hindi ako makapaniwala na maririnig ko ang pangalan ng anak namin sa kanya. Wala pa akong sinabi, at sasabihin ko pa lang sana ngayon. Pero, mukhang alam na niya.

"Arthur was with me, Gaige. Kinuha ko kay Mama. Philip is my half brother," saad niyang hindi nakatitig sa akin, dahil sa pagkain niya napako ang mga mata niya.

I was struck with lightning when I heard him.

No way! That's unbelievable. . .

Nahinto ang kamay niya sa pagsandok ng kanin sa plato at tinitigan ako. I wasn't looking at his eyes, because I was looking at his hands.

Nakabibingi man ang tibok ng puso ko ay parang lumiit ako sa sarili sa mga sandaling ito at hindi ko siya makuhang titigan.

"I'm sorry if I did not tell you who I am to begin with. Naunahan ako ng takot, Gaige, at ayaw kong mawala ka sa akin. I know my mother will not allow our relationship, and marriage was the last resort in my mind at that time."

Nag-angat na ako nang tingin sa kanya at hindi ko na makuhang mailunok ang pagkain sa bibig ko. Parang sinadya niya na mag-uusap kami habang nasa mesa, dahil alam niyang hindi ako aalis at tatayo kapag nasa kapag kainan kami.

No other person knows me that well except him.

"Arthur is mine. I am his father, and please don't make it too hard for me, Gaige."

Napayuko ulit ako at napakagat sa pang-ibabang labi ko. I have no intention of hiding it. I was just waiting for the right time to tell this to him. Pero iba nga naman ang isang Atticus Mondragon. Wala na yata akong lihim na hindi niya alam.

"I'm sorry. . ." I said without looking at him. Ramdam ko ang pagtayo niya at napaluhod siya sa gilid ko. Pinaharap niya ang upuan ko sa kanya at maingat na hinaplos ang mukha ko. Napatitig na ako sa kanya ngayon na puno ng pagsisisi at panghihinayang.

"I'm sorry, Atticus. . . S-Sana sinabi ko sa' yo noon pa. P-Pero natakot ako at - " Tumulo na ang luha ko at nang maramdaman ko ang hintuturong daliri niya sa labi ko ay hindi na ako makapagsalita.

We stared, and my eyes swelled, ready to cry again. He smiles a little bit and gently caresses the side of my face.

"You are forgiven, darling." Tiim-bagang niya at ngumisi pa ito.

"One kiss from you and yes, you are forgiven." Naghahamon na titig niya at pilyo ang ginawang pag-ngisi.

I twisted my mouth as I was ready to cry, but this man in front of me was making me crazy by giving me all his love and understanding.

Sino ba ako para ayawan siya?

Alam kong magkaiba ang mundo namin at hindi siya ang lalaking pinangarap ko sa simula. He pretends and faked his identity in order to get me. At ako naman itong si marupok at tanga, ay na in love lang din ng tudo sa kanya.

Ang baliw nga ng tadhana. Pero kahit papaano ay nagpapasalamat ako na may isang Atticus na dumating sa buhay ko.

"I'm sorry." Pinalupot ko na ang kamay ko sa leeg niya at ako na mismo ang kusang humalik sa labi niya.

It was not a kiss as my lips only touched his mouth, and I was waiting for him to kiss me first. But, instead, a smile crept into his smooth lips, and we kissed like that.

Ito na yata ang pinakamasakit at masarap na halik na galing sa kanya. Simula nang mangyari ulit ang sa isla ay hindi ko na makuhang hawakan man lang si Philip sa kamay o mahalikan sa pisngi.

I could not force myself to like Philip, and it was killing me everything I see my son's eyes. Hawig niya kasi ang lahat kay Atticus, kaya sa bawat araw na nakikita ko ang anak ko ay si Atticus lang ang naiisip ko.

"I love you, Gaige." He said between our kisses, and I smiled.

"I love you too, Atticus," pikit-mata ko. At nang maghiwalay ang labi namin ay si Arthur agad ang unang naisip ko.

"Si Arthur?" Nag-aalalang titig ko at ngumiti na siya.

"Hang on." Umayos siya at tumayo na. Napatayo na rin ako habang may dinukot siya sa bulsa, ang cellphone niya ito.

He dialled something and hugged me while we waited for the line to be picked.

"Hello, Dez? Si Arthur?" tugon ni Atticus sa kabilang linya.

"Ano? Nahuli mo na ba ang Rapunzel mo?"

Pinagtagpo ko ang labi nang marinig ko ang boses ni Diezel sa kabilang linya. Nahihiya ako, pero hindi nila ako masisi. Hindi ko rin naman alam na si Atticus pala ang may pakana. Kasalanan niya rin ito.

"She wants to talk to the little one. Is he still awake?"

"Bloody still awake, alright. Ubos na enerhiya ko at bumalik na siya kay Ranger. Teka ka lang kukunin ko muna ang maliit na dragon mo," tugon ni Diezel sa kabilang linya at napangiti na ako.

.

C.M. LOUDEN

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro