Chapter 33. Swing of fate
- Continuation -
Gaige's POV
"Marry me, my darling. . . Let's live together and create a family. I couldn't imagine my life without you, Gaige. . . Marry me."
My mouth twisted as I hold back my tears. Dapat sana ay komprontahin ko na siya ngayon dahil sa ginawa ng ina niya sa akin kahapon.
I was ready to listen to him. To all his excuses about why he has to lie to me about who he is.
Siguro, kung kilala ko siya noon ay hindi ko rin siya papansinin dahil ayaw na ayaw ko sa mga lalaking balot sa ginto. Pero iba kasi ang tingin ko kay Atticus at naniwala ako na mahirap siyang tao.
Yet, there were times that I suspected his honesty, but he showed me a lot of things about him. And that I began to love him.
Madaling nahulog ang loob ko sa kanya dahil kung hirap lang nang buhay ang pag-uusapan at trabaho ay wala siyang kaartehan.
There were times that I gave him the most dirty punishment, and that he ended up cleaning the entire male toilets. Kaya naniwala ako na laking hirap siya at hindi mayamang tao.
"Art. . ." Patak ng luha ko at nakatitig lang ako sa singsing na hawak niya ngayon. Tumayo na siya at isinuot ito sa kamay ko.
I have never seen a shinning sparkling huge diamond as this, and I am wearing it. Halata na hindi mumurahin ito at hindi pwet ng baso.
"I love you, Gaige." Mahigpit na yakap niya sa akin at halik sa labi ko.
I am crying while we're kissing. I fully wrapped my arms around him and embraced him. Wala na akong pakialam ngayon, at ipaglalaban ko ang pag-ibig na ito sa kanya. Dahil alam ko na sa kabila ng yaman niya ay hindi niya ako iiwan katulad ng ginawa ng totoo kong ama kay Mama.
Oo, kaya ako galit sa mga lalaking balot sa ginto dahil isa na ang totoong ama ko sa katauhan nila. Mahirap si Mama at wala siyang natapos. Mayaman ang totoong ama ko at naging katulong nila si Mama.
My mother love my father so much and trusted him, but when she got pregnant, Papa's family couldn't accept it. They will never accept my mother. Kaya imbes na ipaglaban sana siya ni Papa ay taliwas ito at inabandona kaming pareho.
I have high respect to my step father as he raised me and my mother. Napag-alaman ko kay Lola ito noon, sinabi niya sa akin bago siya namatay. Ipinagtapat niya sa akin ang totoong pagkatao ko.
I understand my mother as she still bears the pain my father inflicted on her for years, and I have no plans to search for the person who abandoned us.
"I love you, darling. I love you so much."
Bahagya ang ginawang pagbuhat niya sa katawan ko at napangiti ako.
"And I love you too. . ." Ngiti at halik ko sa kanya.
I know that Atticus will never leave us. He will never abandon us. . .
____
"Who is Gaige Leebody?"
Ang maarteng boses nang isang babae ang umagaw sa atensyon ko. Nakataas ang isang kilay niya at balot ang buong katawan sa mamahaling brand na damit. Maganda siya, mala modelo ang dating.
"Gaige?" si Manager Lee. Nakatingin na siya sa akin ngayon at tumayo na ako.
"Y-yes, Ma'am?" pormal na tugon ko. Napahawak ang kamay ko sa kapal na papelis na nasa ibabaw ng mesa ko.
She came out from nowhere not even a knock on our office door was heard as she appeared. Bigla na lang siyang sumulpot at hininahap ako. Halata sa mukha niya ang galit na titig sa akin.
"So, it's you?" Titig niya sa kabuuan ko, at inulit lang din ito.
"Cheap!"
Isang malakas na sampal ang ginawa niya at nabigla ako sa sarili. Napahawag tuloy ako sa pisngi ko ngayon at taimtim na tinitigan siya.
"How dare you! Ikaw? Huh." Bahagyang iling niya at nakangisi pa siya.
"Hindi ang isang tulad mo ang magpapawalang bisa sa napagkasunduan ng pamilya ko sa pamilya ni Atticus." Ulit na titig sa kabuuan ko.
"Magkano ka ba!? Hindi ka mabili ng pera? Bakit? Gusto mo talaga ang lahat ng kayaman niya? Ang kapal ng mukha mo! Mang-aagaw ka!" Sabay sabunot niya sa buhok ko.
Ilang beses pa niyang ginawa ang pag-sampal ulit sa pisngi ko, at masakit ang ginawa niyang paghila sa buhok ko pababa at pabalik sa itaas. Gusto ko sanang lumaban, pero hindi ko ginawa.
"Anong klaseng kalandian ba ang ginawa mo sa kanya babae ka!? You are nothing but a cheap steak maid! Hindi ang isang tulad mo ang tatalo sa akin! Lumayo ka kay Atticus!" Lakas na tulak niya sa akin.
Tumama ang likod ko sa silyang bahagi at bumagsak ako sa sahig. Mabuti na lang napahawak ako sa paanan ng mesa at hindi malakas ang pagkakabagsak nang katawan ko.
I feel so numb and at the same time angry. Tapos na ako sa Mama ni Atticus at binalik ko ang pera sa kanya. Hindi man ito naging direkta ay kilala ko naman ang sekretarya niya. Hindi lang pera ang binigay ng Mama ni Atticus sa akin dahil may kasama itong dalawang check. Pero hindi ko ipagpapalit si Atticus sa ano man na alok nila. Dahil alam kong hindi ako pababayaan ni Atticus, at alam kong iba siya, at hindi niya gagawin sa akin ang ginawa ng totoong ama ko kay Mama.
I looked at her with hate and no fear. Yes, they have all the money in the world, and they look at a person like me who has nothing but a speck of dirt on their shoes. But I won't back out. . . I will never do that.
Ayaw kong maramdaman ng magiging anak namin ni Atticus ang naramdaman ko sa buhay ko. I want this child to have a complete family.
Humakbang siya palapit sa akin at nag-aapoy ang titig sa mga mata niya. I know she could easily slap, kick and punch me without someone helping me. Narinig na nila ang lahat, at alam na nila ngayon kung sino si Atticus at kung bakit galit ang babaeng ito sa akin.
She was ready to slap me again as her hand swung in full motion, and I shut my eyes, waiting for her hand to land again on my face. But it did not happen.
"That's enough, Kara!" tigas na boses ng isang lalaki.
Naimulat ko agad ang mga mata ko at ang likod niya lang ang nakikita ko ngayon.
"Let go, Philip! Ano ba!"
Mahigpit ang ginawang paghawak niya sa babae at halos binuhat na niya ito. Hanggang sa inilabas niya ito rito.
Makailang ulit ang pag-kurap ko sa sarili at blanko ang isip ko ngayon. Mahina ang ginawa kong pagtayo at ang tanging sakit lang na nararamdaman ko ay ang sa gilid sa paang bahagi. Maliban dito ay wala na. Okay lang ako.
"Are you okay, Gaige?" si Manager Lee.
Napatingin na ako sa kanila at mahina ang ginawa kong pagtango. Tinulungan ako ni Manager Lee at inayos ko lang din ang damit ko. Halos mapunit na kasi ito.
"What are you all doing? Bumalik na kayo sa trabaho ninyo! Tapos ang palabas!" Tigas na utos niya sa mga staff na nandito, at nagsibalikan na sila.
Nakatitig na siya sa akin ngayon at alam kong alam niya ang nangyayari dahil saksi siya sa ginawang alok ng Mama ni Atticus sa akin.
"I already told you, Gaige. Did I? Hindi basta-basta si Atticus. Kung hindi ko lang siya amo ay matagal ko nang sinabi ito sa' yo. Pero takot ako sa boss ko. Hindi naman ang Mama niya ang boss ko rito, Gaige at hindi rin ang babaeng iyon." Sabay ayos niya sa mini-skirt ko at napabuntonghininga na siya sa sarili habang pinagmamasdan ako.
"Ano? Kaya mo pa ba? May pinaglalaban ka ba, Gaige?" serysong titig niya. Namuo agad ang luha sa mga mata ko habang nagtitigan kami.
Hindi ko pa sinabi kay Atticus ito at wala pang nakakaalam n abuntis ako, at ito ang pinaglalaban ko.
___
AFTER that incident there was nothing for a few days but a preparation of my secret marriage to him. Sekreto lang ito at kami lang din ang nakakaalam. Hinayaan ko na siya dahil alam kong ito ang tanging solusyon para tigilan na nila ako.
I kept my ears shut from all the gossips around and I acted okay. Ayaw kong magpaaketo dahil may isang buhay sa loob ko at ito ang pinakamahalaga sa akin.
Yet, I have my worries, but I set them aside. I want his explanation, but I will listen to him after our wedding.
Okay lang, matatangap ko ang lahat ng paliwanag niya at sasabihin ko rin sa kanya na magiging ama na siya.
ANG pinakamasayang araw ng buhay ko ay ngayon, dahil magpapakasal na kami. It was Sunday and its my day off too. A simple white dress with a little embroidery below above my knee. Ang lily the valley and bulaklak ko at nakahanda ko itong kunin sa isang flower shop na nasa tabing harap na gilid lang ng gusaling ito.
Susunduin raw ako ni Tatay Tim, ang tatay-tatayan ni Atticus rito. Wala na si Yaya Maling, at hindi ko na siya nakita pagkatapos nang proposal na ginawa ni Atticus sa akin. Si Yaya Maling ang ina na pinakilala ni Atticus sa akin. Taliwas ito sa nagpapakilalang totoong ina niya.
Handa na ako sa magulong mundo na ito, at makikipaglaban ako para sa anak ko.
Wala pa si Tatay Tim, kaya imbes na siya dapat ang kukuha sana sa bulaklak ko ay napagdesesyonan kong ako na lang dahil mahaba pa naman ang oras.
Panay ang ngiti ko sa sarili at hindi ko maitago ang saya sa loob. May iilan na katao sa gilid, pero dahil linggo at walang trabaho ay tahimik ang buong eskinita na ito. Nagpatuloy akong naglakad hanggang sa marating ko ang huling bahaging gilid ng gusali.
I looked at the flower shop, and I smiled. It has a closed sign but the owner, Maria, told me five minutes ago that my flowers were ready and that I could pick them up. She gave me instructions earlier to push the shop's bell button so she could open it for me.
Walang sasakyan at tahimik kaya kampante ang ginawa kong pagtawid. Pero hindi ko inasahan na ang dapat sanang masayang araw na ito ay simula nang mas masakit na desesyon ko.
.
C.M. LOUDEN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro