Chapter 26. Forbidden
Gaige's POV
Pagod na akong tumakbo at magtago. Pakiramdam ko hindi ako ito. I want to know the truth behind those three years of my life. And if Atticus is the only key then, I am willing to try it with him. Ayaw ko nang magpangap na okay ako. . . ayaw ko ng lukuhin ang sarili ko dahil sa pinaniniwalaan ko sa kanya.
I don't care what people will say to me starting today. I know I am guilty, and I'm paying for it. But I don't think believing in him was the best solution to all my worries.
May pakiramdam ako, at iba ang sinasabi ng puso ko. Taliwas ito sa sinasabi ng utak ko.
"Gaige, okay na ba sa' yo ito, anak?" si Yaya Maling.
I turn around and look at him. Pamilyar nga naman ang mga mata niya at parang nakita ko na ito noon. Inilapag niya ang pagkain sa maliit na mesa rito at mahina akong tumango.
"O-okay na po, Yaya. Kahit na ako. Mabubuhay naman po ako."
"Ganyan ka nga noon. Kahit na ano ay mabubuhay naman ako. Na hala, kumain ka na muna," ngiti ni Yaya.
"Salamat, Yaya. Si Atticus po?"
"Nasa baba, may kausap sa kabilang linya. Pagpasensyahan mo na ang alaga ko, Gaige. Mabait naman talaga si Atticus at mapagmahal sa lahat. At simula nang makilala ka niya noon pa man sa Japan ay hindi ka na niya tinigilan." Inayos na niya ang plato ko.
"Ako na po, Yaya. Salamat."
Ako na mismo ang nagsandok ng ulam at kanin. Naupo lang din siya sa bakanteng upuan dito.
"Hindi po ba kayo kakain?"
"Ay, tapos na ako, anak. Kumain ka lang. Sasamahan kita saglit," ngiti niya.
Gutom na ako. Hindi kasi ako kumain at konti lang din ang kinain ko sa binili ni Atticus kanina. Parang hindi ako makakain ng tama kapag katabi ko siya.
Naging tahimik kaming dalawa ni Yaya Maling at panay lang ang titig niya sa akin. Nakangiti siya at mukhang excited na nagkita ulit kami.
I might not remember her but deep inside she seems familiar to me. Magaan ang loob ko kay Yaya at gusto ko siya.
"Yaya, noon ba sa Japan? Paano po kita nakilala?"
Nagtanong na ako. Handa na akong harapin ang bangungot sa buhay ko. Kung iniiwasan ko ito noon dahil ito ang utos ni Philip sa akin ay ayaw ko na ngayon.
He told me if I go against my treatment it will harm me mentally. Pero ano pa ba ang pinagkaiba nito sa sitwasyon ko ngayon? Wala na 'di ba?
I am left hanging, trying to survive and fight my fear, and I don't want to do that anymore. I want you to solve these feelings with me.
"Naalala mo ba na nagtatrabaho ka sa Skye suites hotel roon?" lambing na boses ni Nanay.
"Opo. Pero limitado lang po ang naalala ko. Iyong ibang mga kasama ko naalala ko pa rin ang mga mukha nila. Pero maliban roon wala na. Naalala ko rin ang promotions ko. . . Iyon lang din. Hanggang doon lang," lunok ko sa sarili.
"Tama nga pala ang sinabi ni Art kanina sa akin. Nakalimutan mo na nga ang lahat. Pero okay lang iyan, anak. Huwag mo subukan na ibalik dahil magkakasakit ka lang. It will come agai. Babalik din ang alaala mo, at maalala mo rin ako at ang alaga ako."
"Sana nga po, Yaya. . . Sana nga po."
"Kumain ka na muna at magpahinga ka. Ito ang kwarto mo at sa kabila lang din ang kay Art. Ayaw niya kasi na mahiwalay sa' yo."
Tumayo na si Yaya at kinuha ang mango juice na can sa gilid.
"Alam mo ba kung gaano kabaliw ang alaga ko noon sa' yo?" Sabay lapag niya nito sa gilid ng plato ko.
"Ayaw na ayaw mo sa kanya dahil sa tingin mo anak mayaman siya. Pero hindi sumuko ang alaga ko, hanggang sa napaamo niya ang puso mo."
Nahinto siya at nakangiting tinitigan ako. Imbes na tapusin ang pagkain ko ay nakaawang ang labi kong pinagmamasdan siya ngayon.
I will not deny it, because my heart is beating to the fullest at this moment. Nakakabaliw ang tibok ng puso ko ngayon at hindi ko ito maintindihan.
"M-mahal ko ba siya, Yaya?" Wala sa sariling tanong ko. Gusto ko lang na malaman ito.
"Oo, sobra, Gaige. . ."
I pause and stop chewing my food. . . and that was enough for me. I looked away and swallowed hard. Parang namuo lang din ang luha sa gilid ng mga mata ko at mabilis kong ininom ang tubig. Tumayo na si Yaya. Napansin niya siguro ang pag-iba ng kilos ko at ang pag-iwas ko ng titig sa kanya.
"Gaige, anak. Huwag mo'ng pilitin ang sarili mo. Darating din iyan sa alaala mo." Sabay talikod niya. Tulala ako sa sariling pinagmasdan siya.
"Paano po kapag hindi na?"
Nahinto siya at dahan-dahan na humarap sa akin. Hindi ko na makuhang ngumiti dahil taliwas ang lahat sa nararamdaman ko ngayon.
Gutom ako, pero masakit ang puso ko. Uhaw ako sa memorya ng nakaraan ko, pero sabik ko sa bawat bugso ng damdamin ko kay Atticus.
I told myself I would let it slide because I didn't deserve this. I don't deserve his love.
Pero sa tuwing may masamang nangyayari sa akin at sinasaktan ako ng mga lalaki ay siya agad ang dumadating na parang tagapagtangol ko.
I wouldn't say I don't like it because I know I will commit a sin to Philip if I commit myself to him.
I wouldn't say I like it because I can sense that I once owned and dedicated my heart to him only.
Sa panaginip siya dumadaan at pilit na binubuksan ang lahat sa akin. Pero nakakalito ito dahil may isang Arthur na ngayon sa buhay ko.
"Kapag hindi ay gumawa ka ng bagong alaala sa kanya, anak. Hindi man kita lubusan na nakilala noon sa Japan, Gaige, ay alam kong iba ka sa lahat ng mga babaeng nakarelasyon ng alaga ko. . . Hindi basta-basta ibibigay ni Art Atticus ang buong puso niya at kakalabanin niya ang sariling ina kung hindi ka espesyal sa kanya."
"P-Po?" kurap ng mga mata ko.
Did he go against his mother for me? How?
Sumikip na tuloy ang dibdib ko at napayuko ako sa sarili. Gumuhit ang kakaibang kirot sa ilalim ng puso ko at masakit ito kahit sa paghinga ko.
I tried to control it a little bit, hindi masyadong masakit pero kakaiba ito.
"Okay ka lang, anak?"
"O-okay lang po." Lihim na tango ko at ininom ko na ang tubig.
"Gaige. . ." Hakbang niya pabalik sa puwesto. Hindi na siya umupo dahil mas lumapit lang din siya sa akin nang husto. Mariin na niyang hinaplos ang ulong bahagi ko at pinakiramdaman ang noo ko.
"Hayaan mo ang puso mo'ng magmahal para mahanap mo ang sagot na hinahanap mo, Gaige."
Bahagya ang pagtingala ko sa kanya at nakangiti lang din siya.
"Alam kong hindi mo na maalala ang sinabi ko noon sa' yo sa Japan, anak, dahil sa sitwasyon mo ngayon. Pero naniniwala ako sa kakayahan ng puso mo, dahil kaya nitong baguhin ang lahat ng sa' yo, anak. Mahal na mahal ka ni Atticus. At hindi kailanman sumuko siya sa' yo. Kaya sana, bigyan mo siya ng pagkakataon, anak. . . Bigyan mo siya ng pagkakataon na pumasok muli sa puso mo," ngiti niya.
Yumakap siyang saglit sa akin bago tuluyang umalis dito at iniwan na ako.
I look at the food and I lost my appetite. Si Atticus na ang iniisip ko ngayon at mabilis kong inayos ang sarili ko.
Tumayo ako para hanapin siya. Para magsabay kaming kumain dalawa.
Maraming nangyari sa isla at ang panaginip na iyon ang nagpapatunay para sa akin, na siya ang naging una ko. . . na siya ang taong minahal ko bago si Phillip.
Kakalimutan ko muna ang lahat nang tungkol kay Phillip, dahil gusto ko munang harapan si Atticus ngayon.
He came into my life and gave me this new memory that seemed like I had for a long time.
.
"Sure, Mama. I will, I promise. Okay, bye."
Nahinto ako at tinitigan lang din ang likod niya. Ibinaba na niya ang cellphone at napabuntonghininga siya sa sarili habang nakatingala sa kawalan. Magandang titigan ang likod niya at nakakaakit ito. Pero mas nakakakit pala ang harap na hitsura niya, dahil pinapabilis niya ang tibok ng puso ko.
"Gaige? Kanina ka pa ba diyaan?" He smiles and walks toward me. I could no longer smile and could not even blink an eye.
Buong puso ko siyang tinitigan at walang halong pag-aalala at pangangamba. Ngayon ko lang yata ginawa ito. . . Ngayon ko lang yata ginawa ang matitigan siya nang husto na walang iniisip sa isip ko.
"Are you okay?" titig niya sa akin. Nasa harapan ko na siya at isang dangkal lang ang agwat namin ngayon. Mariin niyang hinaplos ang noo ko at pinakiramdam ito.
"Kumain ka na ba?" Lambing na tanong niya at hindi pa rin ako kumibo.
I look at him in the eye, trying to find something. And I was not wrong because, at this moment, I have found myself with him again while looking at him.
"H-Handa na ako, Atticus," sabay lunok ko.
Sa unang pagkakataon, sa loob nang lagpas tatlong taon ay ngayon lang ako gagawa nang pagkakamali sa sarili. Wala na akong pakialam kay Phillip. Ayaw ko munang isipin sila.
Sumeryoso ang titig niya at nagtagpo bahagya ang kilay niya.
"Make me remember you, Atticus. Make me yours again." Sabay yakap ko sa kanya.
Pinikit ko na ang mga mata at ang tanging malakas na pintig ng puso ko ngayon ang nakabibingi sa pandinig ko.
Alam kong may karugtong ito, dahil dapat sana ay ganito. . . 'Make me yours again even if I am forbidden'.
.
C.M. LOUDEN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro