Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24. Busy




Like a whirlwind, where it leaves a traumatic remains my heart is traumatize at this moment. Buong araw akong hindi nagsalita hanggang sa bumalik na kami sa resort at hanggang sa maihatid niya ako sa boarding house.

I could have asked him to drop me a few meters away from the main gate of the boarding house but I was so lost and couldn't pick myself together.

I know that he feels the confusion I had with him, and he choose to leave me at peace.

Makaka-stress lang daw sa akin kapag iisipin kung maiga ang nakaraan dahil nagsimula na kasing sumakit ang ulo ko.

"Gaige? Are you okay? H-heto inomin mo na."

Ibinigay niya ang gamot at tubig. Sandali siyang nawala kanina dahil pinapabili ko siya ng gamot sa labas. Masyadong masakit kasi ang ulo ko at pakiramdam ko magkakasakit ako sa sandaling ito.

"Salamat." I drank it together with the bottle of mineral water. Napansin ko rin ang dalawang supot na puno ng pagkain at iilang mga de-late at tinapay.

"Siyanga nga pala. S-sino ba ang lalaking naghatid sa 'yo kanina? Eh, mukhang mayaman ah, at ang gara ng sasakyan niya. Hindi basta-basta."

Mabilis niyang nilabas ang tinapay at dalawang container na pagkain. Noodles at sabaw na baka ang laman nito. Nilapag niya ito sa mesa at kumuha siya ng dalawang plato para sa amin dalawa. Nagsandok din siya ng kanin at unang nilagyan ang plato ko.

"Hindi ka ba sasagot? Well, ipunin mo na lang ang sagot dahil pagkalabas ko kanina at nang tumapat ako sa tindahan ni Manang Nora ay lumapit siya sa akin. Akala ko nga umalis na. Iyon pala, naka-park lang ang sasakyan niya sa unahan. Kinamusta ka? Ang sabi ko, masakit ang ulo mo at nautusan akong bumuli ng gamot. Eh, sinabi ba naman sa akin na sakay raw ako sa sasakyan niya dahil sa convenience store raw kami bibili."

Napaawang ang labi ko at napatitig ako sa lahat nang nasa mesa.

"S-siya ba ang bumili ng lahat ng 'to?"

"Oo. Eh, sinabi ko sa kanya na baka hindi ka kumain kaya sumakit ang ulo mo. E, wala naman talagang pagkain dito dahil hindi ka naman bumibili."

Mabilis ang subo at nguya niya. Nakapatong na ang isang paa ni Monica sa upuan habang kumakain ito.
Bumagsak na ang balikat ko. Ang akala ko ay makakawala na ako kay Atticus pero parang mahihirapan ako.

"At heto. T-teka lang." Tumayo siya at may dinukot sa bulsa.

"Magkano ba ang utang sa 'yo ng lalaking iyon? Hindi mo naman siguro binibenta ang laman mo ano?" Pagdududa sa titig niya nang mailapag ang pera sa gilid ng plato ko. Napatitig ako nito at tulala sa sarili.

Earlier, he offered this money and I didn't accept it. Tama na sa akin ang munting bakasyon na nangyari sa amin. Tama na sa akin ang dalawang gabi na iyon dahil hindi na ako mapakali sa sarili.

I am confused, but the same time sure that it was him. Ang dami kong nadiskubre sa dalawang araw na magkasama kami. Ang daming konesyon niya sa buhay ko at hindi ko kayang ipaliwanag ito sa sarili, dahil wala akong maalala sa kanya.

I am trying to get my memories back, but I'm having a hard time.

"H-hindi. . . Hindi ko binibenta ang sarili ko, Monica." Tulalang tugon ko habang nakatitig sa pera. Naupo siya pabalik at kumain na.

"Okay. I believe you. Pero kunin mo na ang pera, Gaige. Sayang din. E, tumawag ang Mama mo sa akin at nangungumusta. Nagtanong ako kung kailangan ba nila ng pera? Hindi raw dahil okay naman sila. Talagang okay lang ba sila, Gaige?"

Napakurap ako at pinikit ang mga mata. Mabilis kong kinuha ang pera sa mesa at nilagay ito sa bulsa ko. Ibibigay ko na lang ito pabalik kay Atticus sa susunod na magkikita kami.

Nilagyan ng maraming ulam ni Monica ang plato ko at kulang na lang ay subuan niya ako ngayon.

"Kain ka na para mawala ang sakit sa ulo mo. Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa dalawang araw na wala ka rito. Masaya ba'ng kasama ang mga ka-trabaho mo? Hindi ka ba nila inalipin? Kasi ganyan na ganyan ang mga alam mo na, ang mga ahead sa 'yo. E, baguhan ka. Kaya huwag kang papatalo, okay? Kakalbuhin ako ni Samantha kapag nalaman niyang inaalila ka," ngiwi niya. Si Samantha lang naman ang nag-iisang pinsan niya, at matalik na kaibigan ko.

Tahimik ako sa sarili at mahina ang ginawa kong pagsubo ng pagkain. Habang ni Monica? Mukhang mabibilaukan na yata siya.

"Gaige? Magsabi ka nga ng totoo? Hindi mo kasama ang mga katrabaho mo ano?"

Ngayon, nahinto na talaga siya at seryosong nakatitig sa akin. Ngumiti rin agad siya.

"Nagkita kami ni Lolit. Of course, nadulas ang bibig ko at nagtanong ako sa outing ninyo. Eh, wala namang outing, Gaige. . . Kaya nagtataka ako sa 'yo kung bakit nagsisinungaling ka? Pero syempre, nagkunwari na lang din ako kay Lolit," balik na ngiti niya. "I have save you from her. Kaya may utang ka sa akin, okay? Pero bayad na din dahil sa dami ng pagkain natin." Ngisi niya at nagpatuloy na siya sa pagkain ngayon.

My heart already pounded harder before and there's no point talking a lie at her. Kilala ko si Monica at malalam niya lang din ang lahat. Kaya mas mabuting malaman na niya ito mula sa akin.

"A-ano kasi, Monica - "

"It's alright, Gaige. I support you, friend. Kung mahal mo naman ay walang problema. Honestly, nakakaingit ka nga dahil ang lalaki ang naghahabol sa' yo at hindi ikaw. Naku! Bihira lang ang ganyan 'te! E, ako nga kung sino-sinong lalaki na lang para magkapera. Hay naku, ang buhay nga naman ano? May boyfriend nga ako, pero walang silbe. Dahil nagbebenta pa rin naman ako ng katawan ko!" Nguso niya at kumain na.

Napalunok ako at nalilito ako sa pinagsasabi ni Monica ngayon.

"What did Atticus tell you? M-may sinabi ba siya tungkol sa amin?"

Ngumiti siya habang kumakain. "Nothing much. But I asked. Syempre kaibigan mo ako, at best friend mo ang nag-iisang babaeng pinsan ko. Sabi ni Art boyfriend mo raw siya. Ang gwapo niya gurl at amoy mayaman pa."

"Hiningi niya pala ang numero ko. Huwag kang magseselog kapag tatawag siya sa akin, okay?" senyas ng kilay niya.

I nod, a little bit and just eat my food. If I were to ask more, then Monica will suspect more. Mas mabuting hindi na ako magtanong para wala na rin tanong si Monica sa akin.

THE FOLLOWING DAY I WAS BACK AT WORK. Lunes, at masyadong abala ang lunch time sa resto. Mas nagpapaabala sa amin ito dahil on emergency leave ang dalawang kasama namin, kaya ang hectic talaga. Ako na nasa kaha ay naging taga-serve na rin.

"Gaige, may isa pa, table fifteen," si Chef sa akin.

Kinuha ko ang order at mabilis na binigay ito sa table fifteen. Nilinis ko rin nang mabilisan ang katabing mesa, dahil may panibagong customer na naghihintay na. Pinunasan ko ang pawis. Aircon ang loob, pero ang init ng pakiramdam ko dahil walang humpay ang lakad at linis ko.

"Excuse me, Miss. Pakilinis din ito," tugon ng babae.

Naghihintay siya at ang kasama niya. Tumango ako at mas binilisan ko na ang kilos ko. Nilinis ko ito nang mabilis at bahagyang natawa ang kasama niyang lalaki sa likod ko. Napatingin ako sa mukha ng babae at inirapan niya lang ako.

"May dumi pa, Miss," arteng tugon niya, at tinuro ang isang patak ng pawis galing sa mukha ko.

"Eww, it's gross. Lumipat kaya tayo ng ibang mesa?" tugon ng kasama niya.

Natahimik sila at mabilis ko lang pinunasan at malinis na ito sa paningin ko.

"Malinis na po. Pasensya na." Sabay pahid ko sa mukha gamit ang tissue.

"Sino ba ang manager ninyo? Wala ba kayong health etiquettes? And look at you? Hindi ba masyadong maiksi ang palda mo?" Siniko niya agad ang lalaking katabi niya, ang boyfriend niya yata ito.

"Stop looking at her legs!" she said to him in silence.

I ignored them and just walk away. Sa kusina ako dumiretso at abalang-abala si chef sa lahat. Tambak ang hugasin ni Margen at mabilis ang kilos niya para sa dishwasher. Wala si Maam Lolit, dahil may emergency siya. In short si chef lang din ang tumatayong manager namin ngayon.

"Two orders, Gaige. Table twenty and sixteen."

"Okay, chef!"

Mabilis ang bawat kilos ko, at pabalik-balik ang routine na ito sa loob ng dalawang oras. Hanggang sa tinawag ulit ako ng babae kanina para sa bill nila.

I slowly placed it on top of their table and waited for a little. I have changed my top into a more comfortable one. It's loose, provided with an apron on top.

Napansin ko ang humpay na titig ng boyfriend niya kanina pa sa legs ko. Pero hindi ko pinansin ito. Nilapag ang pera at two thousand pesos ito.

"Keep the change, Miss," ngiting tugon ng boyfriend niya sa akin.

"Thank you, Sir, Maam." Yuko ko at tumalikod na. Pero nahinto lang din ako dahil sa binitawan niyang salita.

"Huh, ang cheap talaga."

It hits my ego the way how she say it. Okay na sana, palalampasin ko na. Pero kanina pa kasi siya at mukhang sobra niya.

I took my step to my counter and tender the money in the register. I grab the one hundred pesos change and return it.

"Sukli niyo po, Sir." Balik ko nito.

"Keep the change na nga, Miss," ngisi niya. Nakatayo na siya at nakatalikod ang girlfriend niya. May kausap sa cell phone.

He give me a wink and in an instant touch my legs. Parang pinadulas lang niya ang kamay sa bahagin hita ko at ngumisi pa siya.

My forehead wrinkled and without thinking, I lift my hand ready to slap him. Tatama na sana ang palad ko sa mukha niya pero may huwak nito.

"Not your hand, darling." Hawak niya sa palapulsuhan ko at nabigla ko sa presensya niya. Galit ang mga mata niya, pero nakuha pa rin niyang kumalma at ibinaba ang kamay ko nang maayos.

Ang akala ko ay bibitaw na siya pero hindi, dahil nakahawak pa din ang kamay niya sa akin at pumwesto agad siya sa harapan ko. Pumagitna siya sa amin ng lalaking ito.

"How dare you touch her legs with your fucking dirty hands."

Mahinahon ang boses ni Atticus pero matigas ito at ramdam ko agad ang tensyon sa paligid.

"A-Atticus," mahinang pagkakasabi ko at hinawakan ko na ang braso niya. Nasa harapan ko siya, at pilit na tinatago ang mukha mo sa lalaking bumastos sa akin kanina.

"Opps, pasensya na, dude." Taas kamay ng lalaki pero ngumisi siya at halata ang insulto sa titig niya.

"She displays herself on purpose like she wanted to be touched. So, is that even a - "

"Atticus!" Takip bibig ko nang masaksihan ang suntok na ginawa niya sa lalaking. Yumakap agad ako sa katawan niya dahil mukhang susuntukin pa niya ito.

"Oh my. What the hell are you doing!?" tugon ng girlfriend ng lalaki kay Atticus. Galit ang mga mata nito habang nakatitig sa akin. Tumayo siya at mukhang ako ang gusto niya sabunutan. Pero mabilis ang ginawang pag-harang ni Atticus at lumapit agad ang tatlong gwardiya niya.

"Sir!" tugon ng isa sa mga gwardiya at mabilis na itinayo ang lalaking bumastos sa akin kanina. Hinawakan nila ito at parang nakagapos na.

"Sino ba ang manager dito! Magbabayad ka'ng babe ka!" Turo ng kamay niya sa akin. Pero mabilis din na hinawakan ang kamay niya ng isa sa mga gwardiya.

"Are you looking for the manager? Well, it's too bad because you are talking to the owner," tugon ni Atticus sa kanya.

"Dammit!" Malutong na mura niya at hinawakan na ang kamay ko. Napatingin ako sa paligid at nakuha ang atensyon nang lahat nang nandito.

"Take them to the police station. Brix?" si Atticus.

"Yes, Sir."

"Take a copy of the CCTV, and wait for my lawyer. Make sure that this bastard will rot in hell."

Sandaling napaawang ang labi ko at tulala ako sa sarili. I couldn't even bring myself to look at the people around. Nanginig lang din ang tuhod ko at mas humigpit ang hawak ni Atticus sa akin.

"Come on, darling," lambing na tugon niya, at hinila na ako palabas.

.

C.M. LOUDEN

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro