Chapter 19. Us
Gaige's POV
"Hindi ka uuwi at bukas na? Okay. Sino ang kasama mo?" si Monica sa kabilang linya.
"Um, m-mga kasamahan ko. Ayaw ko sana, p-pero wala naman sigurong masama kung makikisama ako sa kanila," pikit mata na pagsisinungaling ko.
I don't know what is happening to me now. . . I don't know why I agreed to this. Baliw na yata ako.
"Maganda nga 'yan, Gaige. You should get out and hang-out with your workmates. Makakatulong iyan sa'yo. Siya nga pala. Tumawag ang Mama mo. Nagpapasalamat siya sa taong tumulong sa gamutan at doktor niya. Tinanong pa nga ako kung kilala ko ba? E, hindi ko alam at wala nga akong alam."
Sandali akong natahimik at tahimik na tumango.
"Galing kanino ba? Si Philip ba ang tumulong?" tanong niya.
"Hmm, hindi, iba. S-sige na. Magkita na lang tayo bukas," putol ko sa maaring itanong niya.
Kilala ko si Monica at alam ko na magtatanong siya sa akin. Pero sa ngayon ay ayaw ko muna na pag-usapan namin ito sa cell phone.
"Okay. Mag-ingat ka, Gaige," sabay patay niya sa tawag.
Napabuntonghininga ako sa sarili at tinitigan lang ang cell phone sa kamay ko. Hindi akin ang cell phone na ito. Hiniram ko lang sa isa sa mga staff ng resort na ito dahil gusto kong matawagan si Monica.
Alam ko na gabi na at siguro ay naghihintay siya sa akin na makauwi. Kaya mas mabuting malaman niya na hindi ako uuwi ngayon at sa Linggo pa. Ibinalik ko agad ito sa reception desk at nagpasalamat ako. Nagbayad ako ng singkwenta pesos dahil sa pag gamit ko nito.
Hahakbang na sana ako pabalik sa bahay kubo na kinuha ni Art dahil alam ko na naghihintay na siya roon. Pero nahinto ako sa sarili nang mamataan siya sa unahang bahagi. Nakatayo at naghihintay sa akin.
Hindi kasi ako nagpaalam dahil wala naman siya nang lumabas ako sa kwarto ko. Magkatabi lang ang kwarto namin dalawa. Pribado ito at wala kaming katabing villa.
Humakbang siya palapit sa akin at hinintay ko na lang siya na makalapit sa akin.
Tipid ang ngiti niya at kalmado ang dating. Ako yata ang kinakabahan at hindi ko alam ang tamang sasabihin.
"Um, t-tinawagan ko lang si Monica. Kasama ko sa boarding house. Naghihintay kasi iyon sa akin, at wala akong cell phone. Kaya nakihiram na lang ako sa reception," turo ng kamay ko sa likod na bahagi ko.
Tumango siya at namulsa na.
"I've order our food. Sa labas ng balkonahe ko pinapahanda. Mas magandang kumain na nakaharap sa magandang tanawin na ilaw ng dagat."
"Ahh, okay. . . Sige."
Sabay kaming humakbang at tahimik pareho. This is awkward for me. Well, we were quiet the whole time when he drove all the way here. Hindi naman kalayuan ito sa syudad. Siguro mahigit dalawang oras ang biyahe namin kanina. Hindi ko napansin dahil nakaidlip ako ng tulog habang nagmamaneho siya.
Alam ko na kabaliwan ang ganitong ugali ko sa kanya at mahirap itong ipaliwanag sa side ko. Sa dinami-dami kasi ng mga pangyayari ay parang karugtong si Art sa sinasabing niyang parte ako ng nakaraan niya at parte siya ng nakaraan ko.
Wala naman sigurong masama kung susubukan ko. Gusto ko rin na masagot ang iilang katanungan sa isip ko noon pa.
"What do you think?" He asked and pulled the chair backward for me.
I sat down and nodded a little bit. "Thank you."
I look at the set up of the table in front of me and its honestly beautiful. Iba nga naman ang taste niya pagdating sa mga bagay na ganito.
Napangiti akong nakatitig sa mga bulaklak na nandito. Hanggang sa dumating na ang pagkain namin.
Tahimik ko lang na pinagmasdan ang waiter sa paglalagay sa mga ito sa lamesa. Masarap ang pagkain, at agad nanubig ang bibig ko. Hindi na ako makakapaghintay na matikman ang mga pagkain.
Umalis na ang waiter at tumikhim si Atticus.
"Let's eat," pormal na tugon niya.
Ngumiti akong saglit at ipinikit ang mga mata. Nagdasal ako nang tahimik. At nang imulat ko ang mga mata ko ay hindi sinasadya na sa mukha ni Art ako napatitig.
Sandaling tumigil ang mundo ko at nawala ang ngiti sa labi ko nang masilayan ang tamis na ngiti niya. Nag ragedon ang puso ko sa kakaibang kaba na pilit umagaw sa ikot ng mundo ko.
Parang pamilyar kasi sa akin ang ganitong ngiti at parang nasilayan ko na ito noon. Hindi ko lang alam kung saan at kung kailan.
"Here, try these. You used to like this."
Nilagyan niya ang plato ko ng ulam at kanin at napatingin ako rito. . . Stir fry beef vegetables and chicken fried rice.
"Black bean noodles are an addition to their menu. Try it out," in his formal voice.
"The soup is still warm, darl. Have it first."
He scoops a decent amount in the small bowl for me. I looked at him silently while he was putting food on my plate.
Sandaling tinitigan ko si Atticus ng lihim. Walang mali sa kanya at kahit ako sa sarili ko ay nahihiwagahan sa paiba-ibang damdamin ko. Simula kasi nang makilala ko Atticus at nag-trabaho ako sa Monde Fashion noon ay nagkagulo-gulo na ang memorya ng utak ko.
I kept dreaming of a person who's the same voice as him. I kept dreaming of specific memories of someone, and it seemed like I was the woman.
Somehow, those dreams dragged me back to where I used to be. Somehow, those dreams were for real.
Hindi ko na tuloy alam kung alin ang totoo at kung alin ang panaginip at likha ng memorya ko.
Napakurap ako at bumalik ang isip ko ngayon. Naghihintay si Atticus na titikman ko ito, kaya ginawa ko na.
"Hmm, masarap," sabay tikim ko sa karneng gulay.
"Good. Eat up, okay," siglang tugon niya at nagsimula na kaming kumain dalawa.
We were quiet the whole time until were finished. The dessert was serve after thirty minutes of the meal course. I was full and happy at the same time. Ito lang yata ang unang pagkakataon na hindi ko inisip ang ibang bagay sa buhay ko at sarili ko lang ang iniisi ko.
I was hesistant at first when I laid my eyes at him for the first time. Pakiramdam ko kasi nalulunod ako sa tuwing nasisilayan ko ang maamo niyang mukha. I tried to fight it back, and ignored him. Ayaw ko kasi sa ganitong pakiramdam. Ang hirap kasi, at hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko parang nasa ilalim ako nang dagat at nahihirapan akong umahon ibabaw.
Pero nagbago ito nang makita ko ang kakaibang Art Atticus sa kanya. Iba nga naman siya.
"Tell me if you are not comfortable with this, Gaige. I will listen," panimula niya.
Pareho kami ngayong nakatitig sa madilim na dagat at ang tanging ilaw sa unahan na kumikidlat ay tinitigan namin. Tapos na kaming kumain at tapos na ang dessert namin. Nagpasya kaming maglakad muna at magpahangin bago bumalik sa kwarto para matulog.
"Hindi ko alam," titig ko sa kanya.
Bahagya siyang tumango at ngimiti.
"It's confusing and it's hard to believe. . ." pungay ng mga mata niya habang nakatitig sa akin.
"But it's unbelievable that you are here, in front of me like this. . . it's like a dream," tiim-bagang niya.
Bahagya akong ngumiti at hinawi ang buhok ko na nakatabon sa mga mata ko ngayon. Ang hangin ang may dahilan nito. Hindi naman malakas, pero sapat napara matakpan ang mga mata ko.
"Mabait ako ngayon, Atticus. Pakiramdam ko may utang ako sa'yo dahil sa ginawa mo sa Mama ko."
Umiwas ako sa titig at ibinaling ang tingin sa dagat. Kung hindi lang niya binayaran ang gamutan ni Mama ay tiyak magmamatigas ako.
"You left me with no choice, Gaige. I'm sorry. . . "
Segundong nanahimik kaming pareho at tumitig na ako pabalik sa mukha niya. Nakatitig siyang seryoso sa akin. Hindi nga kumurap ang mga mata niya.
"Maraming magagalit," pilyang ngiti ko. Gusto ko lang ibahin ang takbo ng usapan namin. Pakiramdam ko kasi ang bigat ng susunod na sasabihin niya at mukhang hindi pa ako handa na pakingan siya.
"Hayaan mo na sila. It's not about them anymore, Gaige, because it's all about us."
"Talaga? Tayong dalawa?" ngiti ko. Umiwas ulit ako sa titig niya na nakakatunaw. Natutunaw nga naman ako at nanikip lang din ang dibdib ko.
"M-marami ka pang mga bagay na hindi alam sa akin Atticus. Sigurado ka ba na parte ako nang nakaraan mo?" balik na titig ko sa kanya.
Hindi na muna siya nagsalita at tanging titig lang ang namagitan sa amin. Sumama ako ngayon sa kanya dahil gusto kong buksan ang tatlong taon na iyon sa buhay ko. Marami akong tanong at gusto kong malaman ang lahat ng ito.
Philip doesn't want me to go deeper into my memories as it will only harm me.
Ayaw niya, dahil makakasama lang daw sa kalusugan ko noon. Kaya imbes na pilitin ang sarili noon ay minabuti kong kalimutan ito at alisin sa memorya ko. Gumawa ako ng bagong alaala na kasama si Phili sa buhay ko.
"Three years ago in Japan? Wala ka bang naaala sa mga sandaling iyon?" kalmadong tanong niya.
Three years ago?
Yes, the accident three years ago made me who I am now.
Wala, wala akong maalala.
"Wala, pasensya na," kurap ng mga mata ko at hindi ko inalis ang titig ko sa kanya.
Bahagya siyang tumango at napayuko sa sarili. Sa buhangin na siya nakatitig ngayon at napabuntonghininga siya.
Sandali kong pinikit ang mga mata at magaan ang pakiramdam ko ngayon. Masarap ito sa puso ko at nagugustuhan ko. Ito pa yata ang unang beses na nakaramdam ako ng ganito. . . Iyong tipong magaan ang lahat na parang kasama ko ang tamang tao sa tabi ko.
"Three years ago. . . Three years ago, we were supposed to get married, Gaige, but you didn't show up."
My eyes widen, and my heart stops pounding. It was the most crucial split of seconds of my life when I heard him.
.
C.M. LOUDEN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro