Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15. Stay


Gaige's POV

Stay


Kinakabahan ako sa sarili at hindi ko maintindihan ito. I also felt numb and acted upon his request. I could not say 'no' at him, and I just want to follow him in whatever he wants me to do. Nakakabaliw minsan ang damdamin ko, dahil kusa niya akong napapaamo.

When we went inside at this massive building I could no longer counts on how long in minutes it was. Nobody was around, si Manong Noy lang din ang nakasunod sa amin. Pero hanggang sa elevator lang siya at hinayaan na kami ni Art sa loob. Naging tahimik kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa unit niya.


I feel tense when he shut the door behind me. And here I am, looking at his private place in an awe. Parang pinukpok ang ulo ko at kusang nagising ang isip ko ngayon.

Ba't ba ako sumama sa kanya? Nabaliw ka na yata, Gaige! Sigaw ng isip ko.


"Any particular drink you like, Gaige?" baritonong boses niya. Humakbang siya sa kanang bahagi ko, sa bahagi ng malinis at malaking kusina rito.

"W-water will do me, Sir. Thank you."

Kabado, pero kaya ko pa naman na magmatigas at magkunwari. Magaling ako sa parteng ito.

"Sit down, darling." Turo ng mga mata niya sa malaking upuan na nasa harapan ko.

I took a step towards the lavish sofa and sat down. Kama na yata ito sa paningin ko dahil pwede ka ng matulog rito. Sandali ko itong tinitigan at sa hindi inaasahan ay maingat ko itong hinaplos.

The feeling that I feel right now is my security. . . Ito ang nararamdaman ko. Pinikit ko ang mga mata at ang munting boses ang naririnig ko mula sa ilalim ng isip ko.


Gaige. . . Darling. . . I love it. . . It's like a dream-like someone is caressing and touching me. It feels so warm, and I love it.


"Here, darling."

Naimulat ko ang mga mata nang marinig ko ang boses ni Atticus mula sa likod. Maingat niyang nilapag ang tubig sa mesa na yari sa mamahaling bato. Pwede ka na nga na manalamin nito.

"T-thank you." Nanginig ang kamay ko at kinuha ito. I drink it, and it tastes good. The mixing of lemon and water. . .My kind of taste.

"P-paano mo?" titig ko sa kanya at lunok sa sarili. Hindi na tuloy ako makapagsalita. 

I asked for water and not with lemon in it. Pero ang ganitong uri na tubig ang binigay niya. Naupo lang din siya sa harapan na bahagi at magkatapat na kami ngayon. Seryoso ang titig niya sa akin.

"How did I know that you like that?" Simpling ngiti niya habang iniinom ang inomin niya.

"You learnt that from me, Gaige," kurap ng mga mata niya, at napaawang lang din ang labi ko.

I might be insane, but I feel my heart at its fullest, driving me crazy.

"T-talaga?" Napayuko na ako at ngumiti na lang din. Pilit na pinapakalma ang sarili.

I hate this feeling. I hate that I feel this with Atticus. . . Hindi ko siya kilala, at wala akong maalala na naging magkakilala kami noon. Bakit ba niya pinipilit na kilala ko siya, at may kaugnayan kaming dalawa? E, wala naman.

Kung hindi lang sa sweldo ko ay hindi na sana ako sumama rito. Pero kasi kailangan ko ito kaya heto ako sa harapan niya, at nakaupo sa malambot na sofa na ito at nag-iisip ng kung ano-ano.

"Uuwi na ako, Sir," sabay tayo ko. Tumayo rin agad siya at nagbago ang kulay ng mga mata niya.

"Ayaw mo ba na kunin ang pera mo? I believe you need it, right? You have a sick mother that needed medication, Gaige," igting ng panga niya.

Napakurap ako. Tama nga naman siya. Kakainin ko na lang ang pride ko.

"I did a few reviews, and I apologise for the behaviour of my employees, Gaige."

Umikot siya sa likuran na bahagi at humakbang patungo sa mini-library area. May lamesa sa bahaging ito at purong libro ang nasa likod. Kaya inisip ko na ang mini-library niya ito. May bar-tend din na katabi lang. Mukhang mahilig si Art maglasing ano?

Binuksan niya ang drawer at kinuha ang brown envelop na nandito. Inilapag ito sa mesa niya, at tumitig na siya sa akin.

"Take it," senyas niya sa akin.

"P-po?" Titig ko nito sa ibabaw ng mesa niya.

"Take it, darling. But before that, could you spend an hour with me," pilyong ngiti niya. "I've added more than enough for an hour pay tonight, Gaige," sabay inom niya sa inomin na hawak.

Binaba na niya ito sa mesa at humakbang siya palapit sa akin. Mahina ang hakbang at titig na titig siya sa akin. Nagwala na naman ang puso ko, at nanginig lang din ang tuhod ko sa sandaling ito.

I swallowed hard and I want to utter a word, but I could not bring myself to talk back at him. Gusto ko sanang mainis dahil iba ang naiisip ko sa isang oras na dinagdag niya. Pero nanigas lang ako sa sarili at napaku ang mata ko sa paa at sa sahig na kong saan ako nakatayo. 

"Gaige. . ." 

Malalim at naghahamon ang titig ni Art sa akin nang mapalapit siya. He's now a foot from me, and when I looked at him in the eye my heart melted. Tingala ang pagtitig ko at sa labi niya ako napatitig nang husto.

"I-I don't want an hour with you," sabay pikit-mata ko habang sinasabi ito.

But the funny part? I tilted like I wanted a kiss from him and waited for him to kiss me while my eyes were shut.

Ramdam ko agad ang init nang hininga niya sa bahaging gilid ng tainga ko at ramdam ko ang presenya ng katawan niya sa katawan ko.

My goodness me, Gaige! Sigaw ng isip ko.

Kailan pa ako nagnasa ng ganito sa kanya? May nilagay ba siya sa inomin ko kanina?

And just like that, I slowly feel the touch of his hand against my waist, and then he hugs me.

"I miss you so much, Gaige. . . I miss you, darling," sa higpit na yakap niya at nakapikit pa din ang mga mata ko.

I didn't protest on the way he hug me. I let him, I let him cuddle me. Hinayaan ko siya at hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

"Tell me what you want me to do, darling. Tell me. I am willing to do everything for you," bulong na pakiusap niya.

Naimulat ko ang mga mata at kumurap ako sa sarili. Sandaling nalunod ang puso ko at sa hindi ko maintindihan ay namuo lang din ang luha sa mga mata ko. At katulad nang nangyayari ngayon, nagwawala ang tibok ng puso ko.

"A-Atticus. . ." 

Halos bulong itong lumabas sa bibig ko. Pumikit ulit ako, at naging pamilyar sa akin ang bango niya, ang yakap niya at ang damdamin na ganito sa kanya.

Every time I shut my eyes while listening to my heartbeat, it's a confusing feeling. It's the type of feeling that is like a home, a feeling that somehow where I belong.

"Gaige, darling, please don't do this to me. . . Forgive me, darl," sa mas mahigpit na yakap niya.

Naimulat ko agad ang mga mata dahil sa salitang binitawan niya. . . 'Forgive me, darl?'

Bahagya kong inalis ang sarili ko mula sa higpit na pagkakayakap niya. Hindi siya pumalag. Bagkos, tumitig lang din siya sa akin nang husto.

"I-I'm sorry," sabay yuko ko. Humakbang ako patalikod at napatiim-bagang siya sa sarili.

Halata ang pamumula sa mga mata niya, at pigil ang hininga na katulad ko. Tumalikod ako. Gusto kong humakbang patungo sa pinto pero hindi kaya ng paa ko. Ang bigat nito ihakbang. Kaya napaupo na ako pabalik sa sofa rito. Sandaling natahimik kami ng iilang segundo at humakbang na siya pabalik sa mini-library niya.

Tumayo ulit ako. Hindi yata tama na sumama ako sa kanya rito. Parang mali ito, maling mali sa aming dalawa.

"U-uuwi na ako, S-Sir," lunok ko sa sarili. Umiwas agad ako sa titig niya. Sinadya ko ito dahil alam kong bibigay lang ang puso ko.

"No, just stay here. Sleep here. Ako ang aalis at hindi ikaw."

Mabilis ang ginawa niyang pagtalikod at tulala akong tinitigan siya.

"P-Pero, A-Atticus?" sa wakas, nabangit ko rin nang maayos at buo ang pangalan niya. For some reason, tonight, it's so hard for me to utter his name.

"Stay here, darling. I will not disturb you. Just stay here for tonight, please," saad niya habang nakatalikod sa akin. Hindi na ako nakapagsalita at lumabas na siya, at naiwan akong tulala.

What just happened? Did he just leave me like this? At ano ang gagawin ko rito? Pinikit ko na ang mga mata ko at napaupo ako pabalik sa sofa. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro