Chapter 14. Healing
Gaige's POV
I could no longer concentrate thinking that Art is just in front of me. Sinadya yata niya na maupo sila ni Sir Xavion sa harapan na mesa, at nakaharap ito rito sa cashier area.
Glass ang wall, kaya mula rito ay kitang-kita ang mukha ko at ganoon din naman sila. Nakikita ko rin ang mukha nila.
Their food was served and I pretended that I was busy. Pero ang totoo, walang customer maliban lang sa kanilang dalawa dahil tapos na ang peak hours.
"Madali lang naman 'di ba?" si Ma'am Lolit sa akin.
"Y-yes, Ma'am," ngiti ko.
"Bukas ilalagay kita sa umaga hanggang alas kwatro. That will be your schedule for two weeks. Eight hours shift tayo at fifteen minutes lang ang break. Sa kusina ka kumain, and the food is free. May pagkain tayo na para lang sa atin. After two weeks, you will be in another shift. At depende na sa management, okay? Minsan kumukuha si Raquel ng tao rito para sa night shift sa Resto Bar. Mas malaki ang sweldo sa gabi dahil mas abala. Pero huwag mo munang isipin ito dahil bago ka pa naman."
"Okay, Ma'am."
"Tahimik ngayon dahil wala tayong promo sa araw na ito. Pero bukas at sa mga susunod na araw ay abala na," pagpatuloy niya.
"Okay po, Ma'am," tango ko.
She did talked a lot and I was just listening while eyeing the two big person that is around. Sandaling napalingon ako sa banda ni Art at mala-dragon ang titig niya sa akin. Mabilis ang pag-iwas ko at kinabahan akong masyado.
Tumayo si Mr. Xavion at lumapit sa counter ko. Hinanap agad nang mga mata ko si Ma'am Lolit, pero wala siya sa paligid ko.
"Could you check the counter list, please," pormal na tugon ni Sir Xavion sa akin.
Kinuha ko sa drawer ang listahan na notebook ni Ma'am Lolit. Alam ko na meron nito sa computer, pero dahil baguhan ako ay ang pagsusulat muna ang unang initinuro niya sa akin.
Madalas daw hinihingi ito ni Sir Xavion kapag pumarito siya. Updated ito at wala akong naintindihan dahil purong numero.
"Heto, Sir," bigay ko sa kanya sa blue notebook. Makapal at mabigat nga naman ito.
Tahimik siya at mabilis lang ang ginawang pagtingin. Ibinalik ulit ito sa akin, at tinangap ko na.
"Your name again?" tikhim niya. Seryoso ang mukha.
"G-Gaige Leebody, Sir."
He nodded and then looked at the person behind me. Napalingon na rin ako, at ang isa sa mga chef ito rito. Hindi ko pa kilala ang mga chef nila pero mukhang may sadya siya.
"Tag two, Gaige. Kay Ma'am Kara po, Sir," tugon niya kay Sir Xavion at sa akin.
Tumango si Sir Xavion sa kanya at naghihintay ang chef ng kung ano na galing sa akin. Nagtitigan tuloy kami at nalito na ako.
"Hang on for a sec," si Sir Xavion sa akin.
Humakbang siya at umikot sa counter para makapasok sa pwesto ko. Umatras na ako, para mabigyang daan siya.
"This is what you do if an order from Miss Kara or any from our VIPs," turo ni Sir Xavion sa akin.
May pinindot siya sa desktop, at mula sa screen ay nakikita ko ang operation para sa tamang gawin. Medyo nakakalito, pero nakuha ko rin at nag-printa ito ng maliit na recibo mula sa printer.
"You have to print four copies of this, Gaige. One for the customer, one for the accounting, one for Lolit, and one for me," pormal na tugon niya at mahina akong tumango.
"Here, Jack," bigay ni Sir Xavion kay chef jack sa kopya. "Sinong maghahatid?" pagpatuloy niya.
"Ako sana, Sir. Pero bababa na lang daw siya mula sa kabila, dahil nakita yata kayo ni Mr. Atticus," si Chef Jack sa kanya.
"Oh, I see. . ." tango ni Sir Xavion at lumabas na siya sa counter area. Bumalik na din si Chef Jack sa kusina at naiwan na naman ako sa counter.
Tatlong kopya pa ang ginawa ko, at inilapag lang ito sa counter. Hinihintay ko si Ma'am Lolit, e mukhang nasa itaas yata siya.
Tumayo sina Sir Art at Xavion at naunang humakbang si Art sa kanya.
"You should wait, bro. I believe she wants to see you," si Sir Xavion kay Sir Art.
Ngumisi si Art at tinitigan agad ako. Umiwas ako. Masyado yatang halata ang nakaw na titig ko sa kanya kanina.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil papalapit siya sa counter ko. Ayaw ko naman na hindi tumitig dahil nakatitig ang ibang staff sa kanila. E, ako ang nasa harap, at hindi lang sila basta customer sa ngayon.
"T-thank you for coming, Sir," pekeng ngiti ko. Lalabas na yata ang puso ko sa mga sandaling ito.
Ang akala ko ay magpapatuloy siya sa hakbang patungo sa labas ay hindi nangyari dahil huminto siya sa harapan ko.
"What time is your break, Gaige?"
Halos lamunin na ako sa uri ng titig niya sa akin. Walang ngiti at seryoso ito.
"I-I don't know, Sir. T-tinuturuan pa ako ni Ma'am Lolit," senyas ng kamay ko.
Nakatayo rin si Sir Xavion sa likod ni Art at hinihintay siya.
"Just let go, bro. Just go before she catches you," si Xavion sa kanya.
Bahagyang kumunot ang noo ni Art at umiwas agad siya at humakbang na. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ang paglabas niya mula rito, at ang pag-andar ng sasakyan nila.
"Gaige, umalis na ba sila?" si Ma'am Lolit sa akin. Kababalik lang din niya.
"Y-yes, Ma'am." Napatingin ulit ako sa labas at wala ang ang sasakyan nila dalawa ni Art.
"Oh? From, Miss Kara?" kunot-noo ni Ma'am Lolit. Nabasa na niya ang ginawa ko.
"Oo, Ma'am. Si Sir Xavion ang nagturo sa akin."
Tumango siya at nag-paalam ako pansamantala para sa banyo.
Nagtagal siguro ako ng kinse minutos. Sinama na ni Ma'am Lolit ang konting breaktime ko. Si Cheh Jack ang nagbigay sa akin ng burger at juice pagkalabas ko ng counter kanina patungo'ng banyo.
Nasa likurang bahagi ako ng building, sa bahaging exit ng kusina. Tahimik, at puro kwadrado lang ang makikita mo sa paligid. Halata na ang pwestong ito ay para sa mga staff tuwing breaktime nila. May iilang mesa, upuan, at duyan. May dalawang puno pero maliit pa. Mataas ang bakod na yari sa semento at makapal ang gate. At katulad ng sa loob ay coding sensor din ang pagpasok at paglabas mo ng gate.
Wala pa akong access card kaya sa tuwing pumapasok ako ay ang security guard ang nagpapapasok sa akin. At sa bahaging dito naman ay pwede ko raw kulitin ang sinuman na makasabay ko kung gusto kong lumabas.
NATAPOS ang trabaho at mabilis ang lahat. Bukas, sa kaparehong oras pa din ako. Binigyan ako ni Ma'am Lolit ng extrang puting damit na may logo ng resto. Ito na ang susuotin ko simula bukas.
Panay ang tingin ko sa lahat at mababa na ang araw sa paligid. Nauna lang ako ng isang oras sa kanila lumabas dahil ganito naman talaga. Pero bukas sa kaparehong oras na ako sa kanila.
Naglakas ako habang naghintay ng masasakyan, nang may biglang tumigil na itim na sasakyan sa harapan ko. Napaatras akong bahagya at ibinaba ng driver ang binta sa side niya. Si Manong Noy ito, ang personal driver ni Art Atticus.
"Miss Gaige," ngiting pormal niya.
"Manong Noy."
Ngingiti sana ako nang pagkalawak-lawak pero nawala lang din nang bumaba ang bintana sa bandang passenger seat. And just like that, like a flick in my heart, Atticus smile made my heart melted.
Binuksan niya ang side niya at lumabas siya. Pormal, maayos ang tindig at mabango. Dahilan para mas bumilis ang tibok ng puso ko.
"Get in. I will drop you."
"H-hindi na, Sir. M-may dadaanan pa kasi ako."
Naghahanap ako ng madaling dahilan. Nakakailang sa sarili kung sasakay ako sa sasakyan niya. Bahagya akong napalingon sa paligid, at mabuti na lang, malayo na ako sa gusali ng resto. Walang makakakita sa amin, sa akin.
"Get in, Miss Leeboy. I will discuss the remaining payment of your work. Please," igting ng panga niya at nakahawak na ang kamay niya sa pinto at nasa likurang bahagi ko na siya.
"O-okay, Sir."
Pumasok na ako. Kung ang sweldong kong natira ang pag-uusapan ay kukunin ko. Tahimik kami sa loob at hindi ko makuhang makahinga ng maayos.
In the back of my mind, I'm having a hard time to divert this moment with him. Kahit pa paghinga ko ngayon ay pigil dahil sa kanya.
"In the penthouse, Manong," utos niya kay Manong Noy.
Napatingin ako sa kanya at seryoso ang mukha niya. Kinabahan na naman ako. Penthouse? Gaano ba kalayo ito?
I shut my eyes and swallowed hard, slowly, trying to breath in and out freely. Hanggang sa naisip ko ang sugat sa kamao niya at napatingin ako sa kamay niya. Mukhang okay na ito at ang marka ng piklat na lang ang makikita mo.
Still, it looks fresh, but it's healing. He noticed my stare at his hands and lifted them more for me.
"It's healing. But not here," turo niya sa dibdib.
My eyes riveted at his chest, where he pointed. My heart hammered. Sandaling nagwala na naman ang puso ko sa sinabi niya at nakakalito ito. Kailan pa ba nagsimula ang ganitong puso ko sa kanya?
I looked away, and stared at my own hands, clasping it. Mariin ang ginawa kong pagpisil-pisil sa sariling kamay habang niyayakap ko ang maliit na bag ko.
Wala akong masabi, at ayaw kong tumitig sa kanya. Kaya bahala na muna siya. Napasandal siya sa upuan at rinig ko ang binitawan niyang paghinga.
Naging tahimik kami ng iilang minuto hanggang sa magsalita siya at naging dahilan ulit ito nang mas mabilis na tibok ng puso ko.
"Are you pretending, Gaige? Pretending not to know me? Is this your way of punishing me?"
I twinkled my eyes while we stared, and my heart pounded for more. He looked at me, and it reminded me of something. Those deep dark brown eyes are compelling and drowning. Kahit ako sa sarili ay nalilito sa ganitong damdamin ko sa kanya.
"W-what do you mean, S-Sir?" I swallowed hard. Kung pwede lang dukutin ang nakaraan ko, ang alaala sa utak ko ay ginawa ko na. Pero wala, wala talaga akong maalala na nakilala ko si Art noon pa.
"I-I don't know what are you talking about, Sir," yuko ko sa sarili. Umiwas na ako sa titig niya dahil nalulunod ang puso ko at mukhang maiiyak lang ako.
Napabuntonghininga siya at napasandal ulit.
"Dammit."
Matigas ang pagkakasabi niya pero mahina ito na parang bulong lang, at kagaya niya ay napasandal na ako at pinikit ko na ang mga mata. Nanlamig ang kamay ko at panay ang pisil ko nito.
Kung habulan lang ng hininga ang pag-uusapan ay makikipaghabulan ako sa kanya. Pero dahil magkatabi kami at isang upuan lang ang pagitan sa gitna ay hindi ko magawa ang huminga ng maayos. At Pakiramdam ko mawawalan na ako ng malay sa sandaling ito.
.
C.M. LOUDEN
Thank you for patiently waiting for my UD, guys. Have a great day ahead. I also have an on-going on my Dreame account, 'Love's Delight, Tuesday' baka gusto niyong mabasa free sila at walang bayad. Just search the title, and it will pop up. Salamat :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro