Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12. New job


Gaige's POV


"At talagang nag resign ka?" nguya ni Monica at bahagya na siyang natawa.

"Bilib talaga ako sa lakas ng loob mo, Gaige. Kahit na wala ka ng pera laban Japan pa din!" tawa niya.

Naupo na ako sa tabi ni Monica at nagsandok ng kanin. Nilagay na rin niya ang isang tuyo at itlog na galing sa plato niya.

"Gusto mo ba sa resort mag trabaho? Ang kliyente ko kagabi si Mr Tan ang may-ari ng Chali Resort naghahanap sila ng staff. Medyo malayo nga lang ito rito, pero inalok niya ako kagabi," sabay kindat niya.

"Pero sinabi ko may kasama akong isa kung papayag sila dalawa tayo. Pumayag 'te!" laki ng mga mata niya.

Nahinto ako sa pagsubo at napakurap sa kanya. Madalas kasi nagbibiro si Monica at hindi mo alam kong alin ang totoo sa mga sinasabi niya.

"Nagbibiro ka lang yata ano?" sabay subo ko. Nakakamay na ako.

"No, I'm not! Matagal ko ng kliyente si Mr Tan. Mabait iyon," tugon niya.

"May mabait ba na pinagsasayaw ka ng hubad!" ngiwi ko sabay nguya.

Nabilaukan agad siya at mabilis na ininom ang tubig. Mapapahamak pa yata ako kung sasama ako sa kalukuhan ni Monica.

"Huwag na. Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho. Marami naman siguro rito kahit na tindera."

"Gamitin mo kaya ang natapos mo, Gaige. May naalala ka na ba sa mga pinag-aralan mo?" seryosong titig niya.

"Hindi ko naman nakakalimutan iyon."

"Iyon naman pala! Hiring ang isang sikat na bar ng kahera. Kaya mo naman 'di ba? Ikaw pa! Ano? Okay ka ba? Tatawagan ko si Lolit."

Mahina akong tumango at pilit na tinatapos ang pagkain ko. Ang totoo hindi ako mapakali sa sarili at nalulungkot ako. Iyong pakiramdam na ang bigat sa loob at hindi ko magawang ilabas ito. Naalala ko lang kasi si Sir Art at ang mga mata niya, at sa tuwing naalala ko ang bawat titig niya ay binabagabag ang loob ko at hindi ko maintindihan ito.

Tumayo na ako at niligpit ang plato. Pang-apat na araw ko ngayon na walang trabaho. Wala na akong narinig mula sa Monde Fashion Casino. Simula ng nag resign ako ay pinalitan ko na rin ang numero ko. Wala na akong pakialam sa sampung araw na sweldo ko roon. Hindi ko na kukunin. Sayang nga naman, pero ayaw ko na talagang tumuntong sa gusali na iyon.

Natapos na si Monica at sabay kaming nagbihis. Day off niya ngayon at isasama niya ako sa bar na kung saan ay hiring sila ng kahera. Okay na ako rito, kailangan ko lang kasi ng pera dahil malapit na ang katapusan. Mauubos na ang supply ng gamot ni Nanay at wala pa akong extra.


NAPAKO ang mga paa ko at hindi ako makahakbang nang mabasa ko ang malaking pangalan ng Monde Rock Bar. Kumunot ang noo kong nakatitig kay Monica, na ngayon ay panay ang nguya ng bubble gum sa bibig niya.

"Ano? Anong nangyari 'te? Ayaw mo na?" hawak niya sa kamay ko at titig sa paa ko.

"Masakit ba ang paa mo? Nakaapak ka ba ng dumi ng tao?" pilyang ngiti niya at bumuntonghininga na ako.

"Monica, sister-company ng Monde Casino ang Monde Rock Bar."

"Ows? Talaga? Magkapatid sila? Hindi ko alam iyan ha," taas kilay niya. Napailing na ako at pilit na binibitawan ang kamay niya.

"Huwag na. Maghahanap na lang ako ng iba," sabay talikod ko. Ramdam ko agad ang pagsunod niya.

"So what kung magkapatid sila? E, iba naman siguro ang may-ari nito, Gaige at hindi ang Atticus mo!"

Nahinto ako at dumagundong ang puso ko sa sinabi niya. Kaya mabilis akong napalingon sa kanya.

"Anong sinabi mo?"

Namilog ang mga mata niya pero ngumiti rin kalaunan.

"Ikaw naman 'di na mabiro," ngumuso na siya at humalukipkip na.

"Alam ko kaya kung ano ang nangyari sa'yo sa Casino. You were saved by your prince charming," ngiti niya.

"Sinabi sa akin ni Cristina oy! Isa sa mga elite hooker roon! Iyong rambol at suntok ni Mr Atticus sa nag-iisang anak ng Vice-Mayor. Grabe!" sabay iling niya at tawa.

Gumapang ang hiya sa pisngi ko. Akala ko kasi hindi niya alam. Wala naman talaga akong alam at hindi ko pa kilala ang mga tao roon. Malay ko ba na may kaibigan pa lang elite hooker si Monica roon.

"Siya ba ang dahilan kaya nag resign ka?"

"Okay lang iyan oy! Huwag mo masyado pansinin ang mga chismosa, Gaige. You have to act like how your are before. Matapang ka, Gaige at palaban. Kaya halika na, dahil may obligasyon ka pa sa Nanay mo sa katapusan at wala ka ng pera!" Sabay hila niya sa akin.

"And don't worry. Iba ang may ari nito. Pareho lang na may Monde pero ibang Monde ito, Mondelicious ang mga fafang dito!" baliw na tugon niya at nagpatianod na ako.


PANAY ang titig ko sa buong paligid. Ngayon ko lang napagtanto na dalawang operating hours pala ang Monde Rock Bar. Elite Bar Restaurant ito sa umaga at Rock Resto Bar ito sa gabi.

"Masyado kaming abala sa tanghali, Miss Leebody dahil sa dami ng private bookings at unlimited ang menu namin," tugon ni Lolit, ang Supervisor dito.

Napatitig na ako sa nakanguyang mukha ni Monica. Panay ang tingin niya sa mga lalaking staff sa gilid na abala sa pag-serve ng pagkain. Ang akala ko kasi ay sa gabi ang duty ko hindi naman pala. Dahil ang restuarant mismo ang nangangailangan ng kahera sa umaga at tanghali.

"Kaya ko po, Ma'am," ngiti ko sa kanya.

"Okay that's good. Wala na akong panahon na e-train ka so isasalang na kita mamaya kung okay lang sa'yo? Wala kasing kahera at ako lang din ang gumagawa," tugon ni Ma'am Lolit.

"Sige, Ma'am. Magsisimula na po ako."

"See? Sabi ko naman sa'yo, Lolit. Matalino 'to si, Gaige. Nagtrabaho ito noon sa Hongkong at Japan. Expert ito 'te!" kindat ni Monica kay Lolit at napangiti na siya.

Inayos na si Lolit ang mga papelis at may pinapapirma lang sa akin. Kontrata ito.

"Minimum salary tayo rito, Gaige. At lahat ng incentives ay hinahati sa lahat ng empleyado. May incentives box tayo," sabay turo niya sa gintong box sa gilid ng kahera. Malaki nga naman ito na parang treasure hunter at kulay ginto.

"Over time are with pay. Hindi ka puwedeng mag overtime kapag walang utos ng management okay."

Tumango na ako at pumirma na sa mga papel na binigay niya. Napatingin si Monica rito at tumaas pa ang kilay niya.

"Malaki naman pala ang sweldo ano? Hiring ba kayo ng dancer sa gabi, Lolit?" ngising titig ni Monica kay Lolit.

"Ikaw talaga, Monica palabiro ka. Hindi ito hooker bar ano! At iba ang management sa gabi. Alam mo iyan," si Lolit kay Monica.

"Oo, alam ko!" ngiwi niya. "Siyanga pala sino ba ang may-ari nito? Hindi naman siguro ang may ari ng Monde Fashion ano?"

Nahinto ako sa panghuling pirma at napatitig ang mga mata ko kay Maam Lolit. Ngumiti lang din siya.

"Hindi. Mag pinsan lang sila pero iba ang nagmamay-ari nito, si Mr Xavion Xavier Mondragon."

Napabuntonghininga ako at parang nabunutan ako ng tinik sa puso. Akala ko kasi maririnig ko ulit ang pangalan ni Art. Mabuting na lang at hindi siya ang may-ari.

"Ay magpinsan pala, hindi magkapatid," tugon ni Monica at bahagya na siyang natawa.

Nang matapos ay umalis na si Monica at iniwan na ako. On hands at direct on duty na ang kinahinatnan ko ngayon. Simpli at mabilis lang ang ginawang introduction sa akin ni Maam Lolit dahil nagsimula na ang dami ng tao. Naging abala na ang mga chef sa kusina at pati na rin ang mga staff sa dining table area.

Kahera ako at hindi ko puwedeng iwan ang puwesto ko. Isa lang kasi ang kahera nila rito. Ako lang din daw ang sumasagot sa lahat ng tawag kaya katabi ng kaha ko ang telepono. Pinasuot lang ni Maam Lolit sa akin ang apron na may logo ng Monde Rock Bar. Naging abala ako at katabi ko si Maam Lolit, nag-a-assist pa siya sa akin sa lahat.

Nabigla ako sa alertong paghinto niya at ng iilang staff sa dining area. Mariin ang pagsiko ni Maam Lolit sa tagiliran ko.

"Si Mr Xavion, ang may-ari paparating," lihim na tugon niya at umayos ako nang tayo.

Makikita mo kasi mula rito ang pribadong private car space sa labas, sa gilid ng bar resto, glass kasi ang lahat ng pader at sumenyas ang security guard kay Maam Lolit. Kinabahan ako at nakatitig lang din ako sa pinto, naghihintay sa pagpasok nila.

Mas dumadundong ang puso ko nang makita ang pagpasok niya, pero napaawang ang labi ko nang mamataan ko ang lalaking kasama niya. . . si Mr Art Artticus ito.

"Good morning, Sir," bati ni Maam Lolit at napayuko siya.

Napaawang ang labi ko at hindi ko makuhang ngumiti. Imbes na tumitig sa may ari na si Mr Xavion ay kay Art napaku ang mga mata ko. Kinabahan na akong lalo, at mas lalong nagwala ang tibok ng puso ko nang magtagpo ang mga mata namin dalawa. Umiwas agad ako at napayuko na.

"Good morning, Lolit," si Mr Xavion sa kanya.

"Is she new?"

"Yes, Sir. Ngayon lang din at tinuturan ko sa kaha," ngiti ni Maam Lolit.

Napalunok ako at walang boses na lumabas sa bibig ko. Tipid akong ngumiti kay Mr Xavion. Tumaas bahagya ang kilay niya na parang may tinititigan sa dibdib na bahagi ko.

"Um, wala pa siyang name plate, Sir. Gaige Leebody is her name, Sir," tugon ni Maam Lolit.

"Oh, I see?" tugon ni Mr Xavion at napalingon siya kay Art na katabi niya ngayon.

"Guess I have someone that belongs to someone else," bahagyang tawa niya at nauna nang naglakad.

Napakurap ako at tiim-bagang ang titig ni Art sa akin. Pakiramdam ko wala na akong ulo sa sandaling ito at parang binuhusan ng yelo ang buong katawan ko.


.

C.M. LOUDEN

Please vote. thank you.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro