Chapter 10. Weak
Gaige's POV
"Ang tagal ha."
I feel so excited and I can't wait for his surprise. Hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko at parang nakalutang ang lahat sa akin ngayon.
Dahan-dahan niyang hinubad ang piring sa mata ko at nawala ang ngiti ko sa labi nang mamasdan ang nasa kamay ko ngayon.
"Marry me, Gaige. . . Let's get married."
Nakatitig ako ng husto sa singsing at dahan-dahan niya itong sinuot sa daliri. Aminin ko ang saya ng nararamdaman ko ngayon, at namuo agad ang luha sa gilid ng mga mata ko. I can't be bothered looking at his face because my eyes darted to the most sparkling diamond ring that I have seen in my entire life. I twisted my lips and pouted a bit, and I gently nodded.
Mabilis ang pagkarga niya sa akin at mahigpit ang yakap nito. Mahal ko siya, mahal na mahal. . .
"I love you, darling. . ." bulong niya sa tainga ko at mahigpit ang yakap ko sa leeg niya. Tinitigan ko pang muli ang singsing at naghalo ang lahat ng kaba at pagmamahal sa puso ko.
****
NAPAMULAT AKO AT NARAMDAMAN KO AGAD ANG LUHA SA GILID NG MGA MATA KO. Maliwanag na ang buong paligid at makailang ulit ang pagkurap ko sa sarili. Pumikit ulit ako, pakiramdam ko kasi ay nananaginip ako ngayon. Hanggang sa maalala ko ang nangyari kaninang madaling araw.
"Sir Art!" agad na mulat ko at bahagya na akong naupo.
Dios ko po, alas utso na pala!
Mabilis akong tumayo at inayos ang buhok ko. Lutang ang isip ko at ang sakit ng katawan ko. Gusto ko pang matulog pero kailangan ko ng umuwi. Hinanap ko agad ang sapatos at wala ito sa paanan ko.
Wear me.
Kumunot ang noo ko nang mabasa ang maliit na mensahi sa ibabaw ng nakatuping damit sa sofa. Damit ito at malinis. Napatingin ako sa sarili at ang uniporme ko pa sa Casino ang suot ko ngayon. Magpapalit siguro ako, pero nakakahiya naman, kaya huwag na lang. Nasa paanan lang din ang sapatos ko pero nakabalot na ito at ang flat shoes na ballerina style ang nakahanda rito.
Mariin ko itong kinuha at napangiti ako sa sarili. Perhaps, Art knew that I hated heel shoes? Masakit kasi sa paa kaya mas pabor ako sa flat type ballerina. Ito na lang siguro ang susuotin ko at okay na ako sa uniporme, tutal uuwi na naman ako. Pero bago paman ito masuot ay napatingin ako sa kaliwang daliri at pinagmasdan ang daliri ko. . .
Wala akong singsing na suot, walang engagement ring. Pero ang panaginip na iyon ay pabalik-balik sa akin at pati na ang hitsura ng singsing. Kakaibang panaginip iyon na parang totoo. Pakiramdam ko kasi parte ito ng nakaraan ko at parang totoo ang lahat.
Heto na naman tayo, Gaige. Mag-iisip na naman ba tayo at sasakit lang ang ulo mo? Tama na nga!
Tahimik na ang bawat hakbang nang makalabas sa kwarto. Mas naaninag ko na ang lahat sa paligid ko ngayon. Malapalasyo nga naman ang bahay ng nag-iisang may ari ng Monde Fashion.
"G-Good morning, Manong," hiyang bati ko sa kanya. Nakatalikod siya kanina at ngayon ay nakaharap na. Ngumiti na rin siya.
"M-Manong uuwi na po ako. Pasensya na po. Hindi ako nagising nang maaga. Nakakahiya tuloy kay Sir Art," hakbang ko palapit sa kanya.
Nasa labas na kami ng entrada ng bahay ni Art. Hindi na ako lumingon sa likod ko. Ayaw ko ng pagmasdan ang mansyon niya. Sapat na sa akin ang bawat alaala nito kagabi.
"Ihatid na kita, Miss Gaige," pormal na tugon ni Manong. Nanibago na tuloy ako sa pormal na pakikitungo niya.
"Naku, huwag na po. I'm sure may tricycle naman siguro sa subdivision na ito."
"Walang tricycle rito, hija," boses ni Manang sa likod ko at napalingon na ako sa banda niya.
"Hindi ka man lang ba kakain?" Nangunot ang noo ni Manang habang papalapit sa akin.
"Naku, huwag na po. Nakakahiya na po masyado. Pasensya na po kayo at naabala ko pa po kayo," sabay yuko ko at ngiti na rin sa kanya.
"Magpahatid ka na. Ihatid mo, Julius," tugon niya kay Manong.
Napatitig na si Manang sa paa ko at napansin niya agad na flat shoes na ang suot ko ngayon. Napalunok tuloy ako.
"Uh. . . H-Heto po. P-pasensya na," sabay hubad ko nito.
"Isinuot ko po kasi maingay po ang takong ng heels ko. Nakakahiya pong ihakbang ang sapatos na ito sa loob ng bahay ni Sir Art. Pasensya na po."
Mabilis ang pagpalit ko nito at isinuot ko agad ang lumang sapatos ko. Nilagay ko sa plastic na pinaglagyan ng sapatos ko kanina at inilahad ito pabalik kay Manang. Namula ang pisngi ko at nabalot ako ng hiya sa sarili.
I have no intention of taking it away from here. But I forgot myself earlier and got attracted with the pair. Maganda kasi ito at nang masuot ko at ang gaan ng pakiramdam ko. Pero nakakahiya nga naman dahil alam kong alam ni Manang na hindi para sa akin ito.
"S-Salamat po, Manang," hiyang tugon ko sabay bigay nito pabalik sa kanya. Tinangap naman niya ito.
"Mag-ingat ka, hija."
"Opo. . . P-pasensya na."
Binuksan na ni Manong ang sasakyan at tahimik akong naupo rito. Makailang ulit ang pagbuntonghininga ko at nabalot ako ng hiya sa sarili.
NANG makarating sa tamang kanto ay pinahinto ko na kay Manong ang sasakyan. Kalahating kilometro pa ang layo ng boarding house ko rito at ayaw kong ihinto ni Manong ang sasakyan sa mismong tapat dahil pag chi-chismisan lang ako ng mga kasamahan ko, lalo na si Criselda.
"Salamat, Manong. . . At pasensya na po sa abala," ngiti ko.
Pinagmasdan ko lang ang pag-alis ng sasakyan hanggang sa makalayo na ito. Tuwid akong napatayo sa sarili kasabay ang pagbuntonghininga pa. Nagsimula na ang hakbang ko at nakatingin pa ang iilang tao sa bawat kanto. Magulo kasi ang parte na ito, maraming tambay.
Amoy ko rin ang bawat putahi sa niluluto ng bawat karenderya na nadadaanan ko. Gutom na ako at konti lang ang pera na meron sa akin ngayon. Nahinto ako sa tindahan na malapit sa boarding house at bumili ako ng pakete ng gatas. Ito ang umagahan ko at inihahalo ko sa kanin, may asukal pa naman akong natira.
"Ngayon ka lang?" si Monica.
Tumango ako at nagtimpla na ng gatas ko.
"Ako ngayon lang din eh, dapat sana kanina pa ako. Pero ang hayop na customer ko kagabi hindi binigay ang additional tip ko. E gustong magpasama hanggang umaga! Tangina talaga! Kung hindi lang ako nangangailangan ng pera ngayon ay wala akong pakialam ano! Pero kasi tuition fee na ni Pipo kaya tiniis ko na," mura niya habang ginagawa ang kape.
Naupo na siya sa tabi ko at napatingin siya sa gatas na ginawa ko.
"Ganyan lang ba ang kinakain mo, Gaige?" ngiwi niya. May dinukot siya sa bulsa at pera ito. Inilapag niya sa gilid ng tasa ko.
"Pagkasyahin mo na muna. Alam kong wala ka pang sweldo. Malayo pa ang katapusan at kasisimula mo lang," sabay kindat niya.
"Monica. . ." hiyang tugon ko at titig sa mga mata niya. Hindi ko tuloy alam kong tatangapin ko ba o hindi muna. Pero tama nga naman siya matagal pa ang katapusan at hindi na magkakasya ang pera ko kahit sa pamasahe patungong trabaho.
"Ikaw naman, huwag ka mahiya. Ang dami mo kayang naitulong sa pamilya ko noon. Kulang pa yan sa lahat ng kabutihan na ginawa mo at sa pagtulong mo noon sa operasyon ni Nanay, Gaige."
Siya na mismo ang naglagay nito sa bulsa ko at napangiti na ako.
"Oh siya, gogora pa ako. Matulog ka na at night shift ka pa," sabay tayo niya.
"H-Hindi ka ba magpapahinga man lang? Night shift ka rin naman 'di ba?"
Bahagya na siyang natawa sa sinabi ko.
"Oo, pero kakaibang night shift naman ako, Gaige at nakakatulog ako." Napailing siyang ngumiti at tumalikod na.
Bumalik na ako sa kwarto pagkatapos. Gusto ko sanang maligo pero mamaya na. Alam kong abala ang lahat ngayon at magulo pa sila. Nilapag ko ang foam sa sahig at napahiga na ako rito. Wala akong gana sa sarili at hindi pa nga ako nakapagpalit ng damit. Napatingin ulit ako sa daliri ko.
Ano ba 'to. Ano ba ang nangyayari sa akin ngayon? Ba't pilit na tinititigan ng mga mata ko ang daliri ko. Nabaliw na siguro ako at naninibago ang sarili ko sa lahat.
Atticus. . . Isip ko, at kahit sa pagpikit ay ang mga mata niya ang nakikita ko ngayon. Pilit na bumabalik ang eksena kagabi at hindi ko maalis ito sa isip at puso ko. Hindi na yata ako makakatulog nito dahil nakababaliw na. Hanggang sa nag vibrate ang cellphone ko at kinapa ko ito sa bulsa.
Unknown number ito at kunot-noo akong napabangon at kinabahan sa sarili.
"H-Hello?" sabay lunok ko.
"Miss Gaige Leebody where are you?" boses ni Ms Vilma.
"P-Po?" lutong tugon ko sa sarili.
"I need you here now in thirty minutes!" agad na pinatay niya ang tawag. Napaawang na ang labi ko at bumagsak ang balikat ko.
Pinagluluko ba nila ako? Oo, shift ko kagabi at nagkagulo. Alam na siguro nila ang nangyari. Napaupo akong bahagya at binuksan ang maleta ko. Uuwi na lang siguro ako ng Probinsya at hihinto na sa trabaho. Mababaliw yata ako ngayon sa mga nangyayari sa paligid ko.
I feel so weak and its draining. Iyong pakiramdam na gusto mong umahon pero ang hirap at lahat sila ay pilit na hinihila ka pababa.
.
.
C.M. LOUDEN/Vbomshell
Pleas vote :) thank you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro