Excerpt
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, some places, and incidents are just products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, persons, living or dead, is entirely coincidental.
All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form and in any means without the permission of the author.
This is an old story written way back when I was just starting my writing journey. Please excuse my errors in this story. I will edit them next time. Thank you!
Before reading please note that these are preview chapters only. You can read the complete chapters of this story on Dreame just search for Jenn Martin. That's my other pen name that I use in Dreame app. Thank you so much for your love and support for me and my stories!
Excerpt
Hannah
Nagising ako sa pagbabaliktad ng sikmura. Tinakbo ko ang distansya ng aking kama at banyo. Mabilis kong hinarap ang toilet bowl at doon dumuwal.
Maluhaluha ako sa pagsusuka. Napasandal ako sa dingding ng banyo habang kinakalma ang sarili. Umiling ako. Pilit winawaksi ang nakakatakot na namumuong kongklusyon sa isipan ko.
"Tita Hannah!" bati sa akin ni Twinkle nang makalabas palang ako sa aking kwarto.
Hinagkan ko ang anim na taong gulang pamangkin. Anak ito ni kuya Cris, panganay sa aming magkakapatid.
Hinawakan ng bata ang kamay ko at iginiya na sa hapag. Kumpleto na ang lahat sa lamesa at mukhang ako nalang ang hinihintay.
"Hannah, maupo ka na at nang makakain ng almusal." si Nanay na halos kagagaling lang din sa kusina dala 'yong isang bandehado ng sinangag.
Naupo ako sa usual kong upuan sa aming hapag. Humiwalay narin si Twinkle at tumabi sa hipag kong si ate Emily.
"Namumutla ka yata, bunso." puna sa akin ni kuya Ron, ang sumunod kay kuya Cris bago ako.
"Nakulangan lang po ng tulog, kuya." ngumiti ako sa aking kapatid.
"Masyado ka kasing nagpupuyat sa paggawa niyang mga class records mo." si Tatay naman.
"Aba'y ganoon talaga, Rigor. Kahit ako noo'y napupuyat din sa paggawa ng mga iyan."
Isang retired public school teacher si Nanay kaya naiintindihan nito ang trabaho ko na isa rin guro.
"Pumayat ka rin," kumunot ang noo ni kuya Cris habang pinagmamasdan ako.
"Paano ba naman eh panay diet gayong halos buto't balat—"
"Mahal!" maagap na saway ni ate Janice sa kaniyang asawa.
Natawa lamang si kuya Ron. Hanggang sa nasundan din ng tawa ni kuya Cris. Ngumuso na lamang ako.
"Nako, tigilan n'yo nga 'yan. Ang aga aga inaasar n'yo na ang kapatid ninyo!" saway sa kanila ni Nanay.
Nilabas ko ang dila para sa mapang-asar na mga kapatid at napangisi. Gawain ko na mula pagkabata kapag sinasaway sila ni Nanay o Tatay sa pambubully sa akin.
Kahit nakakaramdam ng konting hilo ay pinili ko parin pumasok sa trabaho. Siguro mamaya ay mawawala din 'to.
"Good morning, Ma'am."
Nginitian at tinatanguan ko ang bawat estudyanteng bumabati sa akin habang naglalakad sa pasilyo patungo sa classroom ko.
Habang papalapit doon ay lalo kong naririnig ang ingay ng mga bata. Natahimik lamang nang tuluyan na akong nakapasok. Palihim akong napangiti habang atubili ang mga ito sa pagbalik sa kanilang mga upuan. Naiiling na lamang ako at binati na sila ng magandang umaga.
Natural sa mga bata ang mag-ingay at maging makulit lalo kapag walang guro o nakatatanda. Ang mahalaga ay alam nila kung kailan titigil.
Nilapag ko ang dalang bag at iilang libro sa harapang desk at kumuha na ng chalk para makapagsimula sa lecture.
Hinarap ko ang pisara ngunit bigla rin napasapo sa aking ulo. Inatake ako ng matinding pagkahilo. Sunod kong narinig ang halos magkakasabay na sigawan ng mga mag-aaral ko...
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na silid. Ang kapwa ko guro at kaibigang si Rhea ang unang bumungad sa akin.
"Gising na po si Hannah." narinig kong anunsyo niya.
"Hannah, anak..." si Nanay na agad dumalo.
Ginala ko ang paningin at nakitang naroon din si Tatay. Bumukas ang pinto at pumasok si Tristan kasama ang isang babaeng doktor.
Pinilit kong bumangon kaya inalalayan ako nila Nanay at Rhea at napasandal sa headboard ng aking hospital bed.
Lumapit sa akin si Tristan. May pag-aalala sa kanyang maamong mukha.
"Are you okay?" marahan nitong tanong habang dinadampian ako ng halik sa ulo. Pagtango lamang ang naisagot ko.
Lumapit sa amin ang doktor upang kamustahin ang pakiramdam ko. Ngumiti ito at bumaling kay Tristan sa aking tabi. Labis na lamang ang kaba ko habang hinihintay ang sunod na sasabihin ng Doctora.
"Lumabas na ang resulta ng mga tests na ginawa namin sa kaniya. At ayon doon ay walang dapat na ipag-alala, Dr. Lopez." lumapad lalo ang ngiti nito at saglit na nagpalipat ang tingin sa aming dalawa ni Tristan. "Congratulations! She's pregnant."
May kung anong bumagsak sa puso at pagkatao ko. Nanghihina ako't halos matulala sa narinig.
Nag-angat ako ng tingin kay Tristan at naabutang nasa akin din ang mga mata niya. Nakaawang ang labi. Namuo ang luha sa sulok ng mga mata ko.
Malakas na bumukas ang pinto at halos lahat kami ay bumaling sa dumating. Hinihingal pa ito na mukhang galing sa pagtakbo. Nag-angat ito ng tingin at nanlaki ang mga mata ko.
"Troy?" takang puna ng aking fiancé sa presensya ng pinsan niya.
Ngunit sa akin lang nakadirekta ang atensyon nito. Malakas ang pintig ng puso ko at pakiramdam ko'y hihimatayin akong muli.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro