Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Two

Chapter Two

Gusto ko nalang umirap nang makita ang sasakyan nila na nakapark sa labas ng school namin. Kalalabas ko lang noon sa gate. Ang mga babaeng schoolmates ay naghahagikhikan at nagtutulakan sa gilid.

Inis kong nilapitan si Troy na naka-aviators, nakahalukipkip, at bahagyang nakasandal sa sasakyan. Agad lang umayos ng tayo nang makita ako.

"Anong ginagawa mo rito?" sita ko sa kanya.

Madrama niyang tinanggal ang suot na aviators bago nagsalita. "Sinusundo ka." cool niyang sagot.

Kumunot ang noo ko. "Si Tristan ang susundo sa 'kin." pagtatama ko.

"He's busy." tamad niyang sagot.

Ilang sandali akong nakipagtitigan sa kanya bago nagpakawala ng buntong hininga. Siguro ay busy na naman si Tristan sa pag-aaral niya.

Tumango ako at pumasok na sa sasakyan. Sumunod si Troy sa tabi ko. Pareho kaming naupo sa likod. Pagkatapos ay umandar na ito paalis.

Kakatuntong ko pa lang sa high school ay seniors na sila Tristan, kuya Kenneth, at Troy.

Nakahalukipkip akong nanatili ang mga mata sa labas ng bintana habang nasa biyahe pauwi.

"Want some snacks?" Troy offered.

Umiling lang ako at hindi na siya binalingan. "Gagawa pa akong homework,"

Wala na muling nagsalita sa amin hanggang makarating sa bahay.

Bumagal ang takbo ng sasakyan at tumigil sa harap ng aming gate. Naunang bumaba si Troy kasunod ako. Naabutan naming nagwawalis si Nanay sa may bakuran. Hapon at ang daming mga tuyong dahong nalalaglag mula sa mga puno namin. Huminto si Nanay sa ginagawa para salubungin kami.

"Nay," nagmano ako.

"Good afternoon po, Nanay." nagmano rin si Troy na kasunod ko.

Mga bata palang kami ay Nanay na rin ang tawag niya kay Nanay. Kuya niya rin ang mga kuya ko. Nga lang kay Tatay ay Tito. Sa Tatay ko lang hindi umuubra ang charms niya.

Ngumiti si Nanay at giniya na kami sa loob.

Medyo maaga pa kaya wala pa sa bahay ang mga nakatatanda kong kapatid. Si Tatay naman ay pinadala sa isang misyon. Habang si Nanay ay maagang nagretiro sa pagiging public school teacher para mas mapagtuunan kaming magkakapatid.

"Kumakain ka ba ng pritong saging, Troy?" naglapag si Nanay ng mainit pang meryenda sa maliit na mesa ng aming sala.

Pareho kami ni Troy na naupo sa sofa. Kinuha ko ang remote at binuhay ang television.

"Oo naman po!" masiglang sagot naman ni Troy na kinangiti ng Nanay.

Nanliit ang mga mata ko sa kanya kahit hindi siya nakatingin sa akin. Nang bumaling siya sa akin ay inirapan ko na at pinagpatuloy ang paglilipat ng channel.

"Hindi ba sumasakit 'yang mga mata mo kakairap?" nakangisi niyang bulong sa akin nang tumalikod si Nanay para bumalik sa kusina at ikuha naman kami ng maiinom. 

Sinimangutan ko lang siya.

Nagsimula akong kumuha ng mainit na saging at hinipan muna bago sumubo. Kumuha rin si Troy at kumain na kami. Bumalik si Nanay dala ang isang pitcher ng juice.

"Kumusta ang pag-aaral, hijo?" si Nanay na ang atensyon ay na kay Troy.

Ako naman ay nakatuon lang sa TV.

"Ayos naman po, 'Nay," sagot ni Troy. "hindi ko nga lang yata nasagot ng maayos ang isang quiz namin kanina dahil medyo masakit ang ulo ko."

"Nako, may sakit ka ba?" agad na pag-aalala ng Nanay.

Umirap ako sa TV namin. Ang sabihin niya kaya sumasakit 'yang ulo niya dahil sa dami ng mga babae niya, playboy!

Uminom nalang ako ng malamig na juice para kalmahin ang sarili at manatiling tahimik.

"Medyo naulanan po kasi, but I feel fine now." aniya kay Nanay.

"Siguro ay ipahinga mo muna 'yan. Siya, pagkatapos mo sa pagkain ay mabuti pa doon ka muna sa kwarto ni Hannah. Dito ka na sa amin maghapunan."

Mabilis akong bumaling kay Nanay para umapila. Agad din niyang nakita ang pagkalukot ng mukha ko.

"Hannah, nakakahiya naman kung sa kwarto ng mga kuya mo. Alam mo namang makalat doon." si Nanay.

Sa huli ay wala rin akong nagawa kung 'di igiya siya sa kwarto ko. Nahuli ko pa ang pagngisi niya habang papunta kami doon. Alam kong inaasar na naman niya ako. Padabog kong binuksan ang pintuan at nilahad sa kanya ang loob ng kwarto ko.

"This is too girly." pauna niya nang makapasok at nakita ang pinaghalong pink at purple na pintura ng kwarto ko, at mga pang-babae talagang dekorasyon doon.

Agad niyang tinungo ang kama ko at pabagsak na nahiga doon. Nangyakap ng unan ko. Umiling nalang ako at tinungo ang maliit kong study table na naroon para makapagsimula na munang gumawa ng homework habang naghihintay kami sa dinner.

Naging tahimik naman ang silid. Nang lingunin ko si Troy ay pikit na ang mga mata niya sa kama ko. Yakap ang kulay pink kong stuffed toy na siya rin ang nagbigay sa isa sa mga birthdays ko. Nakatulog na siya agad.

Isang oras yata ang ginugol ko sa paggawa ng assignment. Tumayo ako at gigisingin na si Troy. Mamaya lang ay tapos na rin si Nanay sa pagluluto. Napapasarap na ang tulog ng isang 'to. Ang kanilang driver ay naiwan doon sa sasakyan nila. Sinabihan kaya iyon ni Troy na magtatagal pa siya dito?

Naririnig ko na rin ang ingay ng mga kapatid ko sa labas. Dumating na sila.

"Troy," tinapik ko siya sa braso.

Naupo ako sa gilid ng kama ko habang ginigising siya.

Bahagya lang siyang gumalaw ngunit hindi naman nagising, sumuksok lalo sa comforter ko.

Nanatili ang mga mata ko sa kanya at nahinto sa panggigising.

Inangat ko ang kamay at marahang dinampi sa noo at leeg niya. Medyo mainit nga siya. Totoo palang masama ang pakiramdam niya.

Marahan kong binawi ang kamay at hindi sinasadyang napagmasdan siya. Nag-focus ako sa kanyang mukha. Makakapal ang mga kilay niya na bumagay sa may kalalimang pares ng mga mata. Mahahabang pilikmata, matangos na ilong at... bumaba ang tingin ko sa mga labi niya.

Mukha siyang anghel 'pag natutulog. Maamo din naman pala ang mukha. Pero kapag gising ay parang laging ang tigas at ang tapang ng mukha. Wala sa sariling hinaplos ko ang pisngi niya. Nang unti-unting magmulat ang mga mata niya at naabutan ang lapit ng mga mukha namin!

Pinanlakihan ako ng mga mata habang nagtatama ang tingin namin. Nataranta ako at agad napatayo paalis sa kama.

"Uh," agad akong naghanap ng mga salita. "bumangon kana dyan at baka hinahanap ka na sa inyo!" nakagat ko ang pang-ibabang labi. "Tapos narin yata magluto si Nanay ng dinner..."

Marahang bumangon si Troy. Umupo muna siya sa kama ko at tumingin pa sa akin.

Tinungo ko na ang pinto. "Una na ako sa labas!" mabilis kong paalam at nagmamadaling makaalis sa harapan niya.

Ramdam ko ang bumilis na pintig ng puso ko. Sumandal ako sa kasasarang pinto at napahawak sa dibdib.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro