Chapter One
Chapter One
"Tristan, si Troy inaaway na naman ako!" pagsusumbong ko.
Nag-angat ng tingin sa amin si Tristan mula sa binabasa niyang libro.
"Stop it, Troy." saway galing sa boses ng dumating.
Nanlaki ang mga mata ko at agad hinanap ang pinanggalingan ng boses. Inangat nito ang dalang malaking box ng doughnuts.
"Kuya Kenneth!" malaki ang ngiting sinalubong ko siya.
Tuluyan itong nakalapit at nakangising bahagyang ginulo ang buhok ko.
"Tss," bumulung bulong si Troy sa aming gilid.
Bumaling ako sa kanya at umirap. Humalukikip habang pinagsasabihan siya ng kapatid. Matalim ang tingin ni Troy na wala namang epekto sa akin. Naglabas pa ako ng dila sa kanya.
Magkasing edad lang si Tristan, kuya Kenneth at ang kambal nitong si Troy. Habang mas bata naman ako sa kanila ng ilang taon. Si kuya Kenneth ang pinakagusto ko sa tatlo dahil mabait ito sa akin. At hindi man kasing lambing ni kuya si Tristan ay maayos din naman ang pakikitungo nito. Samantalang si Troy ay walang ibang alam gawin kung 'di asarin at awayin ako.
Nagtawag si Tristan ng katulong para madalhan kami ng juice. Naupo kami doon at nagsimulang kainin 'yong dala ni kuya Kenneth.
Nasa kamay ko na 'yong panghuling doughnut nang agawin pa ni Troy. Saglit akong natigilan sa ginawa niya. Babawiin ko pa sana ngunit agad na niyang kinagatan at arogante pa akong nginisihan.
"Troy," mariing tawag sa kanya ni kuya Kenneth.
Ngunit kunwaring inosente lang itong bumaling sa kapatid. "What?"
Napabuntong-hininga nalang si kuya sa inasal ng kapatid. Kambal sila ngunit bukod sa ugali ay hindi din totally magkamukha. Malaki ang pagkakahawig ngunit madaling matukoy kung sino ang isa.
Napababa ako ng tingin sa nakalahad na kamay ni Tristan. Nagkatinginan kami. Binibigay niya sa 'kin yung parte niya sa doughnuts.
Matamis akong ngumiti kay Tristan at tinanggap ang doughnut. "Thank you."
"Tss,"
Napabaling ako sa nagmamalditong si Troy. Nag-iwas lamang ito ng tingin at nagpatuloy sa pag-ubos ng inagaw niyang doughnut.
Pinangunutan ko siya ng noo.
Madalas kami kanila Tristan lalo na 'pag may occasion. Magkaibigang matalik ang Tatay at si Ninong Lorenzo, Daddy ni Tristan. At first cousins naman ang Mommy ni Tristan at Mommy nila kuya Kenneth.
"What's that?" ang pakielamerong si Troy na tinutukoy ang regalo kong nakabalot sa isang birthday wrapper.
Saglit na bumaba ang tingin ko sa hawak at napahigpit ang kapit sa pag-iisip na bigla nalang 'tong hahablutin ni Troy. "Malamang ay regalo ko para kay Tristan." halos irapan ko siya.
Nanliit ang mga mata niya at unti unting ngumisi. "Ano naman kaya ang laman..."
Kinabahan ako lalo nang makita ang curiosity sa mga mata niya. Napasinghap ako nang bigla niyang hinablot mula sa 'kin ang nakabalot na regalo!
"Troy!" pilit kong inabot ang regalong tinataas niya upang hindi ko maabot.
Nagsimula siyang pisil pisilin ito. Nangunot ang noo.
Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi sa inis. "Akin na sabi!"
"Is this... a pillow?" kunot-noo niya hanggang sa napangisi.
Binaba na niya kaya mabilis ko itong binawi at halos yakapin.
"Seriously?" natawa siya. "What will Tristan do with that stupid thing?" pangmamaliit niya sa regalo ko.
Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Unti unti siyang tumigil at umawang ang labi habang tinitingnan ako.
"Ano naman kung unan lang t-to!" nanginig ang boses ko sa nagbabadyang luha. "Special naman 'to dahil ako mismo ang tumahi ng pillowcase nito!"
Saglit siyang natulala sa akin, bago nag-iwas ng tingin. "Tss," aniya lang.
"Troy?" kunot-noong lumapit sa amin si kuya Kenneth.
Bumaling kami kay kuya. Nagpapalit ang tingin nito sa aming dalawa bago natigil kay Troy. "Inaaway mo na naman ba si Hannah?" kuya Kenneth accused his twin brother.
"What?" Troy hissed. Pagkatapos ay nag-walkout nalang.
Buntong-hiningang sinundan ng tingin ni kuya Kenneth ang kapatid. Binalik nito ang tingin sa akin at inaya na akong humalo sa mga bisita doon.
Nagsimula ang birthday party ni Tristan. Naupo ako sa mesa namin nila Nanay at Tatay kasama ang mga kuya ko.
Isa-isang pinupuntahan nila Tristan ang mga mesa at magalang nitong binabati ang mga bisita. Halos hindi mangiti. Tahimik kasing tao si Tristan at parang laging seryoso. Hindi tulad ni kuya Kenneth na friendly at approachable talaga.
Bumaling ako sa mesa nila Troy kasama ang parents nila ni kuya Kenneth. Sopistikada si Maris Lacsamana sa kanyang long dress na hapit sa magandang hubog ng katawan nito. May kausap namang marahil napadaang kakilala si Attorney Lacsamana. Tumigil ang tingin ko sa tahimik na si Troy. Pinaglalaruan niya lang ang bibig ng baso sa kanyang harapan.
Kumunot ang noo ko sa kanya.
"Good evening po, Tito, Tita."
Nahinto lang ako sa panonood kay Troy nang marinig ang magalang na pagbati ni Tristan sa mga magulang ko. Nag-angat ako ng tingin sa maamo niyang mukha. Nakasuot siya ng itim na coat and tie. Malinis ang pagkakagupit sa itim na itim na buhok. Ang fresh niyang tingnan at lalong gumuwapo nang ngumiti, kahit tipid.
"Magandang gabi rin, hijo." natutuwang bati pabalik sa kanya ni Tatay.
Sumunod sa kanya si Ninong Lorenzo at nagsimulang magkuwentuhan ang mga matatanda.
"Naalala ko noong nasa training tayo..." si Ninong.
Sa training sa army nagkakilala sila Tatay at Ninong Lorenzo. Ang alam ko kahit pa labis ang pag-ayaw ng pamilya ay tumuloy si Ninong sa training. Kaso inatake noon ang Lolo ni Tristan kaya napilitan si Ninong na huminto at bumalik sa pag-aaral ng medisina, na gusto ng ama nito.
"Wala sa mga anak ko ang may balak mag-sundalo," ani Tatay na bahagyang tumawa. "ngunit mukhang magpupulis naman."
"Itong mga anak ko, malamang, ay magme-medisina rin kagaya namin ng Mommy nila." ani Ninong.
Nagpatuloy ang usapan na nauuwi sa tawanan. Maging si Tita Liza ay napunta na rin sa aming mesa at tumabi sa Daddy ni Tristan.
Unti-unti akong nagpaalam at iniwan muna sila doon. Kanina pa nakaalis si Tristan. Agad ko siyang hinanap at nakitang may kausap pang mga kaklase niya siguro na naimbitahan rin. Hinintay ko munang mapag-isa siya bago lapitan.
"Tristan," marahan kong tawag nang makalapit dahil iniwan na rin niya ang mga kausap kanina.
"Hannah," tipid niya akong nginitian.
Inangat ko ang regalo ko sa kanyang harapan. "Happy birthday!" masigla kong bati.
Ang seryoso niyang ekspresyon ay bahagyang lumambot at tinanggap ang regalong bigay ko. "Thanks, Hannah." aniya.
Sabay kaming bumaling ni Tristan sa bigla nalang naroon at nang-iistorbong si Troy. Masungit ko siyang binalingan.
"Your Nanay's looking for you." aniya sa akin.
Napatango ako at bumaling muli kay Tristan para makapagpaalam muna. "Sige, Tristan, babalik muna ako sa mesa namin. Mukhang hinahanap ako ng Nanay."
Tumango si Tristan. Huling ngiti ay halos pataluntalon akong pabalik sa mesa namin.
Ngunit hinarang ako ni Troy. Napahinto ako at agad siyang kinunutan ng noo. "Ano?"
Hindi ko namalayang sumunod pala siya sa akin.
"Uh," kung saan saan siya tumingin bago tuluyang nadiretso sa akin ang mga mata niya.
Lalo ko siyang pinangunutan ng noo. Pagkatapos ay nagbuntong hininga siya na parang hirap sa sasabihin.
"My... birthday's near," aniya.
Kita ko ang bahagya niyang pagnguso. Kung hindi ko lang naalala ang palagi niyang pang-aasar sa akin ay tuluyan talaga akong ma-c-cute-an sa pag-pout niyang 'yan.
"Ano naman ngayon?" kunot-noo at mataray kong turan.
Nakita kong umiigting ang panga niya. Ilang sandali kaming nakatingin lang sa isa't isa bago siya muling nagpakawala ng isa pang buntong hininga.
"I want you to sew me a pillowcase, too." aniya na parang inuutusan pa ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro