Chapter Five
Habang nasa loob ng isang grocery si Nanay ay inutusan niya akong bumili ng vitamins ni Tatay sa pharmacy na nasa loob lang din ng mall. Mahaba kasi iyong pila at ayaw magsayang ni Nanay ng oras dahil magluluto pa siya ng hapunan namin.
Pagkatapos sa Pharmacy ay pabalik na sana ako kay Nanay nang makita ko si Troy. Nakatayo siya sa labas ng isang boutique. Mukhang bored at may kung sinong hinihintay. Walang pagdadalawang isip ko siyang nilapitan. Tumuwid siya sa pagkakatayo nang makita ako.
"Ba't bigla kang nawala noong birthday ko?!" sumbat ko agad sa kanya nang makalapit.
Sa katunayan ay ngayon ko lang ulit siya nakita pagkatapos noong gabi nang kaarawan ko.
Ngunit wala akong nakita sa kanya kung 'di purong pag-iignora lang. Kumunot ang noo ko at nakaramdam ng pagkapahiya. Bahagya akong tumikhim at taas noong dinagdagan ang sinasabi ko.
"Hinanap ka kaya nila Nanay... Kahit ni kuya Kenneth ay iniwan mo siya!"
"Tss," ang tangi niya lang naging tugon.
Umawang ang labi ko at muli pa sanang magsasalita nang isang kamay ang pumulupot sa braso niya. Nag-angat ako ng tingin sa babaeng dumating. Galing ito sa loob ng boutique. Agad kong napuna ang magandang hubog ng katawan nito. Matangkad na parang isang modelo at maganda. Nakita ko rin ang mga shopping bags na bitbit niya. Ang nakaayos niyang kilay ay umarko sa akin.
"Who's—" magsasalita palang sana ang babae nang pinutol na siya Troy.
"Let's go." at hinila na niya ito palayo. Mataray pa akong nilingon ng babae bago sila tuluyang nakalayo.
Umawang ang labi ko hanggang sa napabuntong hininga nalang. Pinagpatuloy ko na ang pagbalik kay Nanay at baka natatagalan na nga ako.
"Hannah," lumapit sa akin ang isa sa mga kaklase kong lalake. "mamaya?" ngumiti siya.
Tumango ako. Tinutukoy niya 'yong groupwork na gagawin namin after class kasama ng iba pang kagrupo.
"Anong meron mamaya?" mariin at pamilyar na boses ang nagpalingon sa akin sa direksyon nito.
Agad siyang tumabi sa akin at hinarap 'yong classmate ko. Samantalang halos hindi pa ako makabawi sa presensya niya ngayon sa aking harapan! Pagkatapos ng ilang linggong pang-iignora at halos hindi niya pagpapakita sa akin ay narito siya ngayon sa harapan ko. May kung anong nag-iinit sa puso ko sa pagkakakita sa kanya.
"Sige, Hannah, mamaya..."
Nabalik ang atensyon ko sa kaklaseng may tonong pang-aasar nang sabihin 'yon. Kumunot ang noo ko sa kanya.
Bago pa man ako makapagsalita ay dumapo na ang kamao ni Troy sa mukha nito! Napasigaw ako at natutop ang mga labi sa bilis ng pangyayari. Agad namin nakuha ang atensyon ng mga estudyanteng naroon sa pasilyo.
Mariing sinandal ni Troy ang kaklase ko sa sementadong dinding ng aming college building at kinwelyuhan. Walang kalaban laban niya itong pinagsusuntok hanggang sa makakita na ako ng dugo!
"Troy! Tama na!" nanlalaki ang mga matang inawat ko siya.
Nang bitawan niya ang kaklase ko ay agad itong bumagsak at napaubo. Dumura narin ng dugo. Nanlalaki ang mga mata ko sa nakikita.
"Troy!" muli akong napasigaw nang tadyakan niya pa ito sa sikmura.
Lalapitan ko pa sana ang halos humandusay ng kaklase nang marahas akong hinila ni Troy paalis doon. Diretso kami sa parking lot kung saan naghihintay ang kanyang sasakyan. Nasasaktan ako sa mariin niyang hawak sa braso ko. Padarag pa niya akong pinasok sa loob ng kotse.
"Bakit mo ginawa 'yon?!" ako nang makapasok siya sa driver's seat.
Ano ba sa tingin niya ang ginawa niya?! Bigla, bigla nalang siyang magpapakita at mambubugbog. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan palabas at paalis sa aming campus.
"Ano na kaya ng nangyari doon," puno ng pag-aalala kong sabi. Naawa ako sa kaklase ko pero mas natatakot ako para kay Troy. Paano kung napuruhan niya 'yon at makasuhan siya? Makulong?! Bumaling ako sa kanya na nasa daan lang ang mga mata. "Bakit mo ginawa 'yon?!" ulit ko. "Paano kung—" siya talaga ang totoong inaalala ko sa lahat!
"Ang yabang eh." rason niya lang.
Napasinghap ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. "A-Ano?" umiling ako. "Dahil lang nayayabangan ka ay mambubugbog kana?!"
Hininto niya ang sasakyan sa tabi ng daan. Agad kong napuna ang katahimikan ng lugar at wala halos dumadaang sasakyan doon. Ang magkabilang tabi ng daan ay puro puno lang at matataas na damo. Hindi ko alam kung nasaan kami.
"Bakit ka huminto? Nasaan tayo? Iuwi mo na nga lang ako!" baling sa kanya nang makita ang nasa labas.
"Ano 'yong naabutan ko kaninang sinasabi ng gagong 'yon na mamaya?" igting ang panga niya akong hinarap.
"Ano?" naguluhan ako.
Ngunit bago ko pa man mapagtanto ang tinutukoy niya ay mabilis na niya akong inatake ng halik sa labi! Nanlaki ang mga mata ko.
"Hmm—" nagpumiglas ako at tinutulak siya sa dibdib. Pilit siyang pinapalayo sa akin. "T-Troy!"
Kumawala lang ang boses ko saglit nang tumigil siya para kunin ang mga kamay ko at ginapos lamang ng isa niyang kamay. Pinirmi niya ang mga ito sa aking hita at muling inangkin ang mga labi ko.
"If you'll just cheat on Tristan," mariin niyang singhal na lumipat ang mga labi sa pisngi ko pababa. "bakit hindi nalang sa akin, huh."
Tuluyang bumuhos ang luhang namuo na kanina pa sa mga mata ko. Bumaba pa ang mga halik niya sa panga at leeg ko. Hindi ko napigilang kumawala ang hikbi sa aking mga labi.
Tumigil siya sa mga paghalik. Lumuwag din ang pagkakagapos niya sa mga kamay ko at nag-angat ng tingin sa mukha kong paniguradong hilam na sa luha. Nanlaki ang mga mata niya at parang natauhan. Agad ko siyang nakitaan ng guilt.
Nang makabawi ay mabilis ko siyang sinampal. Sa galit na naramdaman ay pinaghahampas ko siya sa mukha at dibdib. Halos makalmot ko na siya kung hindi niya lang muling hinuli ang mga kamay ko.
"H-Hannah,"
Pilit akong nagpumiglas sa hawak niya. "Hindi ko magagawa kay Tristan 'yang binibintang mo!" marahas akong umiling. "Hindi ako gan'ong klaseng babae!" napahagugol na ako.
Dinala niya ako sa kanyang mga bisig at niyakap. "I-I'm sorry, Hannah," dinig ko ang labis na pagsisisi sa kanya. "shh... tahan na..."
Hindi ko na alam kung gaano katagal na kami sa ganoong ayos. Ako na umiiyak at siya na tinatahan ako.
Nang kumalma ay maingat niya akong pinakawalan. Naramdaman ko ang halik niya sa noo ko. Paulit-ulit rin siyang humingi ng tawad. Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang daliri.
Ilang sandali pa kaming nanatili doon hanggang sa tuluyan akong kumalma. Inayos ni Troy ang pagkakaupo ko at muling kinabit ang nakalas kong seatbelt. Umayos na rin siya ng upo at nagsimulang buhayin ang makina ng sasakyan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro