Chapter 2
Ang Bad Boy at ang Beking Teacher
Part 2
Lulan ng isang Pajero ay binabagtas na ni Jeremy ang daan patungong Quezon.
Bukod sa driver na nasa manibela ay may kasama pa siyang dalawang asungot.
Baka raw kasi tumakas siya ang sabi ni Jeremias.
Jeremias lang ang tawag niya sa ama.
First name basis silang dalawa.
Mula nang mamatay ang ina, nawalan na siya ng respeto dito.
"Huwag ninyong hahayaang matakasan kayo ng batang iyan! Bantayan ninyong mabuti." Mahigpit na bilin ng Chief Justice sa mga kinuha nitong body guards para maihatid siya ng maayos sa Quezon. Sa Hope Academy.
Wala nang epekto sa kanya ang anumang gawin ng ama.
Lahat ng uri ng pananakit. Emotional man o physical ay naranasan na niya mula rito. Ito na lamang din ang sumuko sa pambubugbog sa kanya.
Manhid na siya. Wala nang kinikilalang sakit ang katawan at damdamin niya. He has reached the limit.
Pinutol at kinancel ni Jeremias ang lahat ng kanyang credit at ATM cards. Para namang magagamit niya ang iyon sa pupuntahang lugar. Wala na rin siyang matatanggap na weekly allowance mula rito.
Pero wala siyang pakialam.
Kahit ang cellphone niya ay binawi na rin ng ama. Wala siyang bitbit na kahit ano patungong Quezon.
Literal na itinapon na siya ni Jeremias.
Samakatwid, katawan lang niya ang bitbit sa pagpunta sa God-forsaken place na iyon.
Sumandal siya sa upuan ng sasakyan at ipinikit ang mga mata.
Bumalik sa kanyang gunita ang naging pag-uusap nila ng ama kagabi.
"You have to choose Jeremy. This will be the last time na kakausapin kita nang maayos. Papupuntahin kita sa Amerika kasama ng lolo at lola mo o dadalhin kita sa Hope Academy?" Singhal nito sa kanya.
"Bakit mo ko papipiliin? Ikaw naman ang nasusunod di ba?? Maangas na sagot niya sa ama.
Nagtiim-bagang ang Chief Justice sa anak.
"Bahala ka Jeremias sa kung ano ang gusto mo. Pero kahit saan mo ko dalhin, gagawin ko pa rin ang gusto ko." Sagot niya sa ama. Walang respeto.
Nagkuyom ng palad ang ama. Pinigilan ang sariling masaktan na naman sya.
Noon, kapag ganun ang sagot niya, suntok agad ang ibinabalik ng ama sa kanya.
Hindi na niya mabilang kung ilang beses pinaputok ng ama ang kanyang bibig. Ang mga peklat sa kanyang mukha ay kagagawan nitong lahat. He hated his father more than anyone else.
Pero tila nagsawa na ito. Sa bahaging iyon ay nagapi niya ang ama. Napasuko na niya ito sa pananakit sa kanya.
"Alam ko namang sinasadya mo ang lahat ng ito Jeremy, kung nabubuhay lamang ang iyong ina...."
"Tumigil ka!" Sigaw niya. Nag-aapoy ang galit sa kanyang mga mata.
Natigagal si Jeremias sa nakitang galit sa mukha ng anak. Tila isa itong mabangis na tigre na anumang oras ay papatay ng kapwa hayop.
"Huwag mong idamay si Mama. Huwag na huwag mo siyang idadamay." Kuyom ang palad na banta niya sa ama.
Nakadama ng takot si Jeremias sa hitsura ng anak.
"Bukas na bukas ipahahatid kita sa Quezon." Kapagdaka ay sagot nito. Umiwas ng tingin sa kanya.
"Gawin mo ang gusto mo." Tugon niya sa ama bago ito tinalikuran. May sumilip na luha sa gilid ng mga mata ni Jeremy.
Mas nanaisin na niyang sa Quezon mapunta kesa sa Amerika. Kung makakasama niya ang lolo at lola niya, madadamay lang ang mga ito sa kalokohang gagawin niya. Nirerespeto pa rin niya ang mga magulang ng ama.
Ang tanging layunin niya ay kaladkarin ang pangalan ng ama sa kahihiyan. At pagsisihan na naging anak siya nito.
Sa Quezon naman siya maghahasik ng lagim. Hindi siya titigil hanggang sa tuluyan nang sumuko ang ama sa kanya. His father was unforgivable. Nangako siya sa sariling sisirain niya ito. Kung paanong sinira nito ang buhay niya at ang buhay ng kanyang ina.
He wanted Jeremias Araneta Sy to suffer. At magagawa niya iyon sa pamamagitan ng paggawa ng mga kalokohan. Gusto niyang ipahiya ang ama. Para masabi ng mga tao na nabigo ito sa pagiging mabuting ama sa kanya. Na mali ito ng naging pagpapalaki sa kanya. Ang pinangangalagaan nitong pangalan at estado sa lipunan ay dudungisan niya hanggang sa malugmok ang ama sa kahihiyan. Jeremias didn't like failure. At isinusumpa niyang siya na nag-iisang anak nito, ang magiging best failure ng buhay ng tinitingalang Chief Justice ng bansa.
"Boss kain ka muna. Mga tatlong oras pa ang biyahe baka magutom ka." Alok ng isang body guard sa kanya.
Nagdirty finger siya sa nag-alok.
"Gisingin mo na lang ako pag malapit na. Tulog muna ako. Wala kayong kwenta." Sagot niya sa lalaki.
Hindi na kumibo ang body guard. Kilala nito ang kabastusan ng anak ng Chief Justice.
-----------
Ipinatawag ni Mr. Johnson si Jeric sa office nito.
"The Chief Justice called up and he was asking for my bank account. Doon niya ipadadala ang allowance ng anak. According to him, weekly siya magbibigay ng sustento para sa mga pangangailangan ni Jeremy. Pero since ikaw na ang kanyang guardian, yung account number mo ang ibibigay ko sa kanya. I hope you don't mind."' Sabi ng punong-guro ng Hope Academy.
Isinulat niya sa kapirasong papel ang kanyang account. Iniabot ito kay Mr. Johnson.
"Thank you, Lee. Ipatatawag na lang kita kapag dumating na ang bata." Sabi nito.
"Okay sir. I'll be back" paalam nya rito bago lumabas ng opisina.
-----------
Nagising buhat sa pag-idlip si Jeremy. Malubak na ang daang tinatahak ng Pajero.
"Ano mga kupal? Lapit na ba tayo sa impyerno?" Tanong nito sa mga kasamang body guard. Nakangisi.
"Pagliko po sa kanto, nasa dulo po yung Academy." Sagot ng isang body guard.
Pinagmasdan ni Jeremy ang daang tinatahak.
Bukod sa maalikabok ang dinadaan ng sasakyan, wala siyang ibang natatanaw kundi ang asul na dagat sa kanan at mangilan-ngilang kabahayan sa kaliwa.
Ang kalye ay natatamnan ng maraming puno ng niyog.
Mula sa harapan ay natanawan niya ang arko na yari sa bakal.
Nakasulat doon ang mga katagang Hope Academy.
Natawa siya sa isip niya.
Hopeless case na siya. This school has nothing to teach him. Mabibigo lang ito sa kanya.
Habang papalapit sa gate ng paaralan isinumpa niya sa sariling pagsisisihan ng paaralang ito ang pagtanggap sa kanya. At pagsisisihan din ng ama na doon siya dinala.
-------------
Pumarada ang sasakyan nila sa harap ng isang lumang building.!
Gabaldon ang mga gusali sa paligid.
Bumaba ang mga body guards niya. Sumunod siya.
Pinagmasdan niya ang kapaligiran.
Malawak ang vicinity ng paaralan.
Maaliwalas dahil maraming puno. Ang mga gusali ay yari sa pinaghalong kahoy at bato.
Mga sinauna ang istilo ng mga gusali na sintanda na yata ng panahon.
Papasa ang paaralang iyon sa mga horror films.
Mukhang haunted school.
Sinalubong sila ng isang mataba at matangkad na lalaki. Kalbo ito.
"Ikaw marahil si Jeremy Sy. I am Mr. Johnson, the founder and the principal of this Academy. Please follow me at my office." Anyaya nito.
Nakita ni Jeremy ang kaba at pag-aalangan sa boses ng punong-guro.
Marahil ay alam na nito ang pagiging notorious niya.
Nakatingin sa kanya ang mga estudyanteng nagpapalipas ng sandali sa mga benches na nasa ilalim ng mga puno.
Saglit ding nahinto ang pagbabasketball ng isang grupo ng mga lalaking mag-aaral.
May natanaw din siyang mga taong nakasilip mula sa itaas.
So, hindi pa man siya dumarating sa lugar na iyon ay kilala na siya ng karamihan.
Napangisi siya. That demonic smile crossed his lips once again. Trade mark niya ang ganung ngiti. Ngiti na tila walang mabuting gagawin.
Nilingon niya ang mga body guards.
"O, mga kupal, naihatid nyo na ko. Pwede na kayong sumibat. Sabihin nyo sa amo nyo, nandito na ko sa impyerno." Singhal niya sa mga kasamang alipores.
Mabilis na tumalima ang mga ito. Sumakay ng sasakyan at pinasibad paalis.
Inilagay niya ang mga kamay sa bulsa ng suot na pantalon at tila tinatamad na naglakad.
Sinundan niya si Mr. Johnson sa opisinang pinasukan nito.
-------------
"I would like you to meet , Mr. Jeric Lee. He will be your class adviser and guardian as well." Pagpapakilala nito sa kanya sa kaharap na guro.
"Nice meeting you, Jeric. Welcome to Hope Academy." Nakangiting bati ng gwapong guro sa kanya.
Hindi siya sumagot. Hindi rin siya ngumiti. Inilibot ang tingin sa opisina. Bagot na bagot.
Napatikhim si Mr. Johnson. Nanatili namang nakangiti sa kanya ang teacher. Walang bakas ng pagkainis sa mukha nito sa kabila ng kagaspangan ng pag-uugaling ipinakita niya.
"Anything na kailangan mo, sabihin mo lang kay Sir Jeric. Siya ang bahala sa iyo simula ngayong araw. For the mean time, bibigyan ka niya ng forms na kailangan mong fill-up-an." Sambit ng principal.
Inilapag ni Sir Jeric ang mga forms sa ibabaw ng table.
Tinatamad na dinampot ni Jeremy ang ballpen at nagsimulang magfill-up ng form.
"Ikaw na muna ang bahala sa kanya Lee. I'll be just doing ocular and observation of classes." Paalam nito.
"Take your time Jeremy." Sabi nito sa binatilyo.
Agad na itong lumabas. Tila init na init sa presensya ng batang bagong dating.
Ni hindi man lang nag-angat ng ulo si Jeremy.
Nagkaroon ng pagkakataon si Jeric na pagmasdan ang nagsusulat na binatilyo.
At his age, matangkad si Jeremy sa normal na 16 years old. Medyo payat. Humpak ang pisngi. Halatang may bisyo. Malalim ang mga mata at nangingitim ang paligid nito. May mga bakas ng peklat sa mukha. Sa itaas ng kaliwang kilay at sa kanang pisngi. May manipis na itong bigote. Nagbibinata na kasi. Matangos ang ilong. Sexy ang mga labi. Bagamat nawala na ang natural na kulay nito dahil siguro sa paninigarilyo. Mahaba ang buhok nito. Mukhang matigas ang hibla. Hindi sinusuklay. Lagpas balikat. May hikaw sa tenga.
Sa unang tingin, mukhang untidy at mabaho si Jeremy. Nagsusumigaw sa pagkatao nito ang pagiging loser. Mukhang adik at walang direksyon sa buhay.
Hindi tuloy mababakas ang natural na kagwapuhan nito dahil tila pinabayaan ang sariling maging miserable.
Kanina, nang magtama ang kanilang mga mata, nabasa niya ang malalim na kalungkutan sa mga mata nito. Dama niya ang pagrerebelede nito at ang malalim na sugat sa pagkatao ng binatilyo.
Hindi takot o pangamba ang nararamdaman niya kundi awa. He made a promise na gagawin ang lahat para matulungan si Jeremy.
(Abangan ang Part 3)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro