Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Ang Bad Boy at ang Beking Teacher

Part 1

Galit na galit ang Principal ng St. Andrew Catholic School dahil nasangkot na naman si Jeremy Sy sa isang gulo.

At hindi isang ordinaryong gulo. Dahil may involve na faculty member!

Binasag lang naman nito ang mukha ng isang Science Teacher!

Jeremy Sy was the only son of Chief Justice Jeremias Araneta  Sy.

Galing sa mayaman, maimpluwensya pero maeskandalong pamilya.

16 years old na si Jeremy pero nasa Grade 7 pa lamang ito.

Marami na siyang paaralang pinasukan at madalas, dahil sa kanyang pagiging basagulero, lagi siyang napatatalsik.

"You need to call your dad. We have given you so many chances Jeremy but you did not change a bit. Ilan pa bang estudyante at guro rito ang sasaktan mo?

Hindi siya sumagot sa tungayaw ng punungguro.

"My decision is final. You will no longer attend your class because starting today you are out of this school." Gigil na gigil ang matandang principal na kamukha ni Palito.

Dinukot niya ang phone sa bulsa. Idinial ang number ni Jeremias. Iniabot ang telepono sa nanggagalaiting punong-guro.

Base sa naririnig niya, galit na galit ang Chief Justice.

Napangiti siya.

Tagumpay na naman siya. Sa bawat pagkakataon na nagagalit sa kanya ang ama, tuwang-tuwa siya. Wala siyang ibang gagawin sa buhay niya kundi bigyan ng konsumisyon ang ama.

Wala siyang pakialam kahit bansagan siyang black sheep. Juvenile delinquent. Problem child. Psychotic. Gago. Basura. Sakit ng ulo. Salot. Demonyo. Kanser ng lipunan. Walang kwentang anak. Pabigat sa ama. Estupido. Tarantado. Walang hiya.

"You may now go. I already talked to your father. Better look for another school. Kung may tatanggap pa sa iyo!" Inabot ng principal ang telepono niya.

Parang inaantok na inabot niya ang phone. Ibinulsa. Tamad na tamad siyang tumayo.

Naghikab at nag-inat.

Dinampot niya ang bag at isinukbit sa likod.

Nilisan niya ang opisina ng principal.

Sa hallway ng main building ay nagbulungan ang mga estudyante at guro ng St. Andrew. Ngumisi lang siya habang naglalakad.

Wala siyang pakialam kahit na pinag-uusapan siya.

Sanay na siya.

Sino ba ang hindi nakakakilala sa kanya? Sa dami ng gulo at eskandalong kinasangkutan niya.

Tinungo niya ang kanyang motorsiklo.

Sumakay at pinasibad palabas ng paaralang iyon.

Bago lumabas ng gate, itinaas niya ang kanang kamay at nagdirty finger.

-------------------

Natagpuan niya ang sarili na nakaupo sa lapida ng kanyang ina.

Ito lamang marahil ang taong nagmamahal at nakauunawa sa kanya.

"Hi, ma. Musta ka? I miss you." Puno nang kalungkutang bigkas niya.

Inilatag niya sa tabi ng puntod ang kanyang bag.

Humiga siya sa pino at berdeng damo.

Malilim ang bahaging iyon ng sementeryo kung saan nakalagak ang labi ng nanay niya. Palibhasa ay nasa ilalim ito ng matanda at malaking puno ng acacia.

Inantok siya sa preskong hangin.

Hindi niya namalayan na nakatulog siya.

Gumuhit sa gilid ng kanyang pisngi ang mga luha na naglandas mula sa mga nakapikit na mata.

Hindi alam ng lahat na ang bad boy ng bayan ay umiiyak din sa pag-iisa.

-------------------

Masayang binati ng mga estudyante si Sir Jeric pagpasok pa lang sa hallway ng Annex Building kung saan siya nagtuturo bilang Values Education and Moral Reformation Teacher ng Hope Academy.

Ang Hope Academy ay isang tanyag na private school sa Quezon Province. Isa itong paaralan at rehabilitation center at the same time.

Mga estudyanteng may bad behavior ang kliyente nila. Isama mo na ang mga nalulong sa droga. Mga kabataang galing sa boystown at DSWD. Mga kabataang may kaso subalit di pa nasisintensyahan sapagkat mga menor de edad. Mga kick out sa iba't ibang paaralan. Mga kabataang rebelde sa mga magulang. Sakit ng ulo ng lipunan.

Karamihan sa mga nag-aaral dito ay anak ng mga mayayaman at maimpluwensyang tao sa lipunan.

Hope Academy was everyone's last hope.

Iyon ang Mission at Vision ng paaralang iyon. Ang tumulong sa mga kabataang naliligaw ng landas at makabalik sa wastong tahakin sa buhay.

Hindi mga ordinaryong estudyante ang tinuturuan nila rito kay hindi rin mga ordinaryong guro ang nagtuturo doon.

Isa na roon si Mr. Jeric Lee.

Discreet gay. Pero napakagwapo. Maraming babaeng guro at estudyante ang nagkakagusto rito.

He stands 5'10. Tisoy. Kissable ang lips. May killer smile. Perfect set ng mapuputing ngipin. May dimples sa magkabilang pisngi. Walang maipipintas sa mukha ng 28 years old na guro. Maganda ang mga mata. Matangos ang ilong.  At may magnetic personality.

Likas kay Jeric ang pagiging kalmado. Masuyo ito kung magsalita. Kaya kahit ang pinakamabangis na estudyante sa Hope Academy ay napapasunod nito.

Maraming patataubing artista at modelo ang lalaking guro subalit ang puso nito ay nasa pagtuturo ng mga batang sinukuan na yata ng mundo.

Asset si Jeric ng paaralang iyon. Highly commendable siya ng mga mag-aaral at kapwa guro.

Mabait. Very friendly at approachable.

Jeric was a wise man. A man of dignity. Nirerespeto at iginagalang ng buong komunidad ng Hope Academy.

"Good morning, guys." Bati ni Jeric sa  mga kasamahan.

Nasa loob na siya ng teacher' s lounge.

"Hindi maganda ang umaga, Lee." Sagot ni James. Health Education teacher ng Hope.

Umungol ng pagsang-ayon ang iba pang mga guro na naroon.

Kumunot ang noo niya.

"Bakit? May problema?" Tanong niya. Nakangiti. Likas yata siyang smiling face.

"Tumawag lang naman kanina ang Chief Justice kay Mr. Johnson para sabihin na ang kanyang anak ay dito na mag-aaral." Sagot ni Jiro ang Religion Teacher ng Hope.

"Then, good news. Magkakaroon na naman tayo ng bagong estudyante. Patunay na parami na nang parami ang nagtitiwala sa Hope." Nakangiti pa rin nyang sagot.

He is always positive.

"Jeremy Sy is a demon trapped in a human's body!" May pagkainis sa tinig ni Joseph. P.E. Teacher ng Hope.

He was stunned. Hindi pa niya naririnig ang pangalang iyon.

"Hindi mo ba siya kilala? We're doomed!"'sabat ni Jessa. ArtsTeacher ng Hope.

"Grabe naman kayo. Common guys, wala tayong batang sinusukuan di ba? At lahat ng batang narito ay napangangalagaan natin nang maayos. Lahat ng batang umalis ng Hope ay reformed individuals at bawat isa sa kanila ay saludo sa ating lahat."

Lumapit si Jeric sa bintana kung saan tanaw ang mga batang mag-aaral ng Hope. Nagtatakbuhan at naglalaro sa malawak na quadrangle ng paaralan na napalilibutan ng mga malalaking puno ng narra at acacia.

"Iba ang isang ito, Lee." anang tinig ng mataas na lalaking pumasok sa lounge.

"Good morning Mr. Johnson."  Sabay-sabay na bati ng mga guro sa Founder at Principal ng Hope Academy.

"This kid is a problem child worst of its kind" dugtong nito.

"Sinukuan na siya ng kanyang ama. The Chief Justice of this country for God's sake. To tell you honestly, gusto kong tanggihan ang batang iyon. I said puno na ang slot for this year. Pero on the way na raw dito ang bata kaya hindi na ako nakatanggi." Mahabang paliwanag ni Mr. Johnson.

"Sir, ang lahat ng silid sa dorm ay occupied na. Wala na pong available room para sa anak ng Chief Justice." Sabat ni Jun. Home Economics teacher ng Hope.

"I know."  Mabilis na sagot ni Mr. Johnson.

"Kaya nga ngayong narito na si Lee, bumalik ako to personally ask him to take good care of that boy." Sabay tingin kay Jeric.

"No problem sir. I think no one here is eager to accept the boy on their advising class. I accept the challenge."  Nakangiting sagot ni Lee.

Nakahinga ng maluwag ang lahat.

Natawa nang bahagya si Jeric sa reaksyon ng mga guro.

Ganun ba talaga kaworst ang batang iyon? Tanong niya sa sarili.

"Well, sorry na lang siya. Hindi siya susukuan ni Jeric Lee". Bulong niya sa kanyang isip.

Lumapit si Mr. Johnson at tinapik ang kanyang balikat.

"Thank you, Lee. Pero may isang bagay pa akong ipakikiusap sa iyo. Dahil wala nang bakante sa male dormitory, gusto ko sanang sa iyo muna tumira ang bata. Solo ka lang sa bahay mo di ba? You know, to personally supervise the kid. Malaki ang tiwala ko sa iyo. Gawin mo lahat para mapatino siya. I have so much trust in you." Sabi ni Mr.  Johnson.

"I understand sir." Sagot niya.

Napangiti si Mr. Johnson.

(Abangan ang Part  2)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro