Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8 - Stage.

Nakauwi na kami ni Ate Yestine. At ngayon gusto na nilang ipa-try sakin yung mga pinamili namin ni Ate kanina.

"Wag na. Bukas nalang.."

"Ay hindi. Ngayon na!"

"Camille? Ayaw mo ba yung mga pinamili ko?" Sabi ni Ate at nagsadface.

"E-eto na oh. Papasok na sa kwarto." I said at pumasok na sa room ko. Aish. Ano ba una kong itatry?

Kinalkal ko ang paper bags. Inilabas ko lahat ng laman nun. Nakita ko naman agad yung V-neck shirt at ang maong na shorts na ipinakita sakin ni Ate Yestine kanina. Agad ko yung sinuot. Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin.

Bagay ko ba?

Pero bakit ganun, parang nahihiya ako.

"Camille!! Okay na?"

"Ah--eh..d-di ko alam kung bagay sakin Ate."

"Sus! Bagay sayo yan! Labas ka na dali!"

"Eto na po."

Lumabas naman ako sa kwarto.

"Bagay mo siya anak! Simple pero astig!"

San naman nalaman ni mama yung word na 'astig'? Enebeyen. Nilamon na ng sistema si mama.

"Sabi ko na nga ba eh. Nako, galing kong mamili."

"Tanggalin mo nga sa pagkatali 'yang buhok mo nak." Naka-hairbun kasi ako.

"Ma, bakit naman? Ang init init eh."

"Dali na.."

Tinanggal ko sa pagkatali ang buhok.

"Jusko anak. Mukha mo nalang kailangang ayusin.." Wow ha. Talagang pinamukha sakin na ang panget ko, ano ako hipon?

"Oh dali, yung iba namang damit na pinili ko. Ita-try mo lahat!"

"Sige po.."

***

Lunes nanaman, last week nalang namin ngayon sa school at bakasyon na. Isinuot ko na ang uniform ko at lumabas na ng kwarto.

"Goodmorning!" Bati ni Mama.

"Goodmorning din po.." Sabi ko at umupo sa harap ng lamesa.

"Kain ka na. Nagluto ako ng fried rice tsaka sunny side up."

"Opo.." Kumuha ako ng plato at nagsandok na ng kanin, kumuha ako ng isang sunny side up at iniligay sa plato ko. Nagtimpla naman si Mama ng kape para sakin..

"Ma nasan si Ate?" Tanong ko habang kumakain. Di ko pa kasi siya nakitang lumabas ng kwarto.

"Tulog pa yun.."

"Ahh.."

Nang matapos akong kumain, kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam na kay Mama.

"Ma, papasok na po ako!"

"Sige anak! Ingat.."

Lumabas na ko ng bahay at pumunta sa parking lot ng subdivision. Napagisipan ko na mag-kotse nalang muna kesa sa magjeep.

Nang makarating ako ng school, pinark ko na ang kotse ko sa likod. Sakto naman nung bumaba ako ng kotse nakita ko naman si Kristoffer na kababa lang rin sa kotse niya. Oh-my..

Dahil sa sobrang hiya ko, dumiretso nalang akong pumasok sa school..nahihiya kasi akong kausapin siya at di ako sanay na unang uma-approach sa mga taong di ko close. Hay, bigla ko tuloy namiss si Kuya Kyle.

Habang naglalakad ako sa hallway, di nanaman maiwasan ng mga ibang students na tingnan ako ng masama, nako judgemental people. Hinayaan ko nalang sila, daily routine na nila yan..sanay na ko.

As usual, kapasok ko ng room para lang akong invisible, di nila binibigyan ng pansin ang pagka-exist ko. Umupo nako sa chair ko, wala yung katabi ko ngayon..si Haydee, hilig nun na lait-laitin ako eh di naman din siya kagandahan.

"Goodmorning Class.." Bati ni Ma'm Edilyn.

"Goodmorning po.."

"Ngayon wala kayong klase sa first and second subject niyo.."

"Bakit po?"

"May program mamaya, gaganapin siya sa gym."

Program? Anong meron?

"Wooohhhh!"

"Yes! Walang MATH!"

"Buti nalang, kundi patay ako kay Sir Gil..wala akong homework!"

Nanahimik nalang ako. Aish, ako lang ata yung estudyante na ayaw na may program or events dito eh. Palibhasa naa-out of place ako. Dahil unang una, syempre iba yung pakikitungo nila sakin, pangalawa, I'm just a nobody.

Yung tipong pag may event nakikisaya ka kasama nila pero deep inside alam mong nakikipagplastikan ka lang at pati sila dahil di ka naman nila pinapansin at wala silang pake sayo. Buti pa siguro kung nandito si kuya Kyle, masasamahan niya pa ko..

Tumunog na ang bell.

"Okay Class, bababa na tayo. Please form your line."

Pumila na kami. Panglima ako sa linya.

"Ugh, kahit na araw araw ko 'tong kaharap sa linya di ko parin maiwasang mandiri." Rinig kong bulong ni Stacey kay Isabela.

KAPAL NIYA HA. Ang sarap isubsob ng mukha niya sa kumukulong mantika! Para naman maluto ang mga pimples niya sa mukha. Psh.

Nung makababa na kami, agad kaming pumunta sa gym ng school. Malaki laki 'tong school namin. May gymnasium for sports and etc, may basketball court at may rooftop rin dito kaso every friday lang siya available saming mga estudyante, unless na meron kaming permission na pumunta ng rooftop.

Umupo na kami sa bleachers. May kanya-kanya kasing bleachers kada section.

Ano kayang meron? Tapos na ang nutrition month, buwan ng wika, christmas party and other events pero bakit may pahabol ata?

"Goodmorning students." Banggit nung host. Oo, host..ang taray di ba.

"Marahil nagtataka kayo ngayon dahil mayroong program ngayong umaga, ngunit di na ko magpapaligoy-ligoy pa dahil ang programang ito ay para sa mga journalists na nanalo!"

Ah, yun lang pala.

"So may I call on Camille Lianica Corpus! The first place or champion on Lathalain!"

Tiningnan ako ng mga kaklase ko at iba pang estudyante. Shocking right? Pati ako nagulat eh. Kaloka!

Tumayo ako sa inuupuan ko, umakyat ako sa stage at hinarap ang principal ng school namin. Kinakabahan ako, ayaw na ayaw kong umaakyat dito sa stage.

"Congratulations.." Sabi nito at iniabot sakin ang isang certificate at sinabitan ako ng medalya.

"Thank you po."

Kasunod namang tinawag ang iba pang winners sa iba't ibang category sa journalism.

Nakatayo lang ako sa stage, nakatinginlang ako sa sahig. Once kasi na humarap ako sa mga estudyante, magiging laser mga mata nila.

"Di niya deserve manalo." Rinig kong bulong ng kaharap ko. Dami kong naririnig na bulong, jusko. Inggit lang siya. Palibhasa 4th placer lang siya sa Photojournal. Wow, yabang ko ha.

"Let's all congratuale the winners!"

Matapos nun bumaba na kami. Habang pa-upo ako sa bleachers, randam na randam ko na ang tingin ng mga judgemental classmates ko. Sila lang ata yung classmates ko na di ako sinusupportahan. Asa pa ko.

"Matalino nga, di naman maganda."

"Gusto kong maging proud dahil kaklase kita pero di ko kaya."

"At talagang umakyat pa sa stage.. Anong mukha ang maihaharap niyan?"

Di ko nalang sila pinapansin. Sabihin nila gusto nila atleast ako nakatulong ako sa school namin. Puro panghuhusga alam nila pero wala namang nangyayare, nagsasayang lang sila ng laway.

---

Short Update! Hehehe.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro