Chapter 7 - Bonding.
"Camille, tara na!"
"Wait Ate eto na.."
Bumaba na ko galing kwarto. Kakatapos ko lang mag-ayos at mukha parin akong di maayos.
"Okay ka na? Ganyan ka na?"
Ano ba 'tong si Ate kung makapagtanong ng 'ganyan ka na?' Parang nakakainsulto.
"Oo. Ganito na ko..wala na akong maile-level up pa no."
"Ah eh sige. Tita Roxanne aalis muna po kami ni Camille, magbobonding lang po." Paalam ni Ate Yestine kay Mama na abala sa pagbabasa ng magazine. Nako, kinakabahan parin ako sa balak ni ate, parang may balak siyang kakaiba maliban sa magshopping eh.
"Osige Yestine. Maganda yan para naman maalis ang stress ng anak ko. Atsaka baka mabulok na yan sa kwarto niya, maganda ng dalhin mo sa mall." Nahiya naman ako kay Mama. Parang wala dito yung pinaguusapan nila.
"Opo Tita. Sige po aalis na po kami, tara na Camille."
"S-sige Ma, alis na kami. Bye!"
Nagwave naman si Mama at ngumiti.
Lumabas na kame ni Ate sa bahay at pumunta sa parking lot. May parking lot kasi sa subdivision namin na malapit sa gate.
"Saan yung kotse mo?" Tanong niya.
"Kotse namin, hindi sakin yan. Hahaha, yun yung kulay white na ford limited."
"Ay! Ang taray naman ng kotse niyo. Sinong bumili?"
"Si Mama syempre."
"Ganda talaga ng taste ng Mama mo. Type ko yung car niyo!"
Nung makarating kami kung nasaan ang kotse namin, agad kaming sumakay dun. Si Ate Yestine ang magda-drive.
"May music kayo?"
"Syempre naman Ate."
Sinindi ko yung car stereo namin.
Sakto namang pinatugtog yung Larawang Kupas ni MJ Cayabyab.
"A-ah, Camille..wala na bang iba dyan? Yung masaya, para naman ganahan akong mag-drive."
Choosy pa ni Ate.
Tinimid ko naman yung next, pinatugtog naman yung Out of the Woods ni Taylor Swift.
"Oh yan! Pwede na?" Tanong ko.
Tumango naman siya.
Ilang minuto rin kaming nagb-biyahe, medyo traffic kasi may road widening. At ilang minuto na rin kaming nagsasoundtrip sa loob ng kotse.
"Anong oras na?" Tanong niya.
"10:45 am"
"Hm. Siguro mga 11 am nandun na tayo.."
Nang makaraos kami sa traffic, nakarating na kami sa Mall.
Pinark ni Ate Yestine yung kotse, buti nalang at medyo malapit siya sa Gate ng mall.
Bumaba na kami at pumasok na sa Mall.
"Kain muna tayo ng lunch?"
Gutom na rin naman ako dahil sa biyahe.
"Sige."
Pumasok kami sa Mang Inasal.
Nagorder naman si Ate ng makakain namin.
Mga 30 minutes kaming nasa loob ng Mang Inasal dahil syempre kumain plus chikahan pa kami.
"San na next destination natin?"
Tanong ko.
Bigla naman siyang ngumiti ng nakakaloko. Okay, nababaliw na ba pinsan ko?
"Basta Camille. Sumunod ka lang sakin.."
Sumunod naman ako kay Ate Yestine.
Teka..anong gagawin namin sa salon?
"Ate? Tama ba 'tong pupuntahan natin?"
"Oo. Wag ka ng magreklamo, wala ng magba-back out!"
Mukhang alam ko na balak ni Ate sakin.
"Ate? Ayoko." sabi ko at tumigil sa paglakad.
"Wag ng pabebe Camille, It's your time to shine!"
"Ate..please, ayoko. Sa ngayon, I'm contented on how I look."
"Hays. Sayang! Kala ko mapipilit kita.." she sound disappointed.
"Sorry Ate. Wag kang magalala kapag nauntog ako at naisipang magpaganda, ikaw una kong tatawagan.."
Ngumiti naman siya..
"Promise mo yan ha?"
"Promise."
"Hm, sige. Bili nalang tayo ng damit? Kahit pananamit mo nalang ayusin natin..para naman di ka magmukhang manang."
Di ko alam kung maiinsulto ba ko kay Ate o ano..
"Sige na nga.."
"Okay so taraaaa.." She said at hinila ako papunta sa isang clothing store.
Kapasok namin, agad kaming pumunta sa girls section at ito naman si Ate agad naghanap ng mga magagandang damit.
"Ito Camille, mukhang bagay sayo.." Ihinarap niya saakin ang plain white V-neck shirt.
"Nako, Ate may ganyan na ko.."
"Meron nga pero oversized naman. Mas fit 'to sayo.."
"S-sige.." Komportable kasi ako sa mga oversized shirt tapos yung mga shorts ko lagpas tuhod.
Kumuha pa siya ng iba't bang shirts, dress, crop top at iba pang mga magagandang damit.
"Ate, baka naman magkulang pera ko dyan?"
"Camille, ako ang magbabayad nito, okay? Ginusto ko 'to. Wag ka ng magalala.."
"Nakakahiya naman sayo Ate..ako naman gagamit eh."
"Wag ka ng mahiya, early birthday gift ko nalang sayo 'to..kaya suotin mo ang mga 'to ha? Pag hindi, I will be sad.."
"Opo Ate, Thank you."
"Hm, tara sa shorts naman.." Hinila niya naman ako papunta sa shorts and pants section. Mukhang mapapasubo si Ate dito. Ang mamahal panaman ng mga damit or shorts, nasa mall eh. Yung mga damit nga na ginagamit ko galing lang sa tiangge, tig 100 or 50 lang.
"Anong size ng waist line mo Camille?"
"27 po.."
"Hmm... ito." Hinarap niya naman saakin ang isang maong na shorts.
"Ate ang iksi naman niyan.."
"Mainit Camille tsaka yan ang uso ngayon, maganda naman legs mo wala ngang ka-sugat-sugat eh..kaya bagay mo 'to."
"Eh? S-sige." Ayoko ng makipagdebate kay Ate.
Matapos ang ilang taon ay este--isang oras, ay nandito na kami sa cashier para magbayad.
Inilapag na ni Ate ang mga damit at shorts pati narin pants.
"8,999.50 po lahat Ma'm." Nanlaki ang mata ko..8,999.50? ANG MAHAL NAMAN! At may butal pa!
Inabot naman ni Ate ang credit card niya.
Ibinalik na nung cashier ang credit card at biinigay kay ate ang tatlong paper bags.
"ATE ANG MAHAL NAMAN! WAG NA TAYONG BABALIK DUN HA? YAN TULOY NAPA-GASTOS KA NG BONGGA." I said nung nakalabas na kami sa store.
Natawa naman siya. Hala? Abnormal na talaga pinsan ko, tinawanan niya lang yon?
"Camille, mahal talaga dito. Masanay ka na, atsaka ano ba, minsan lang 'to. And it's worth it naman, I know na bagay sayo 'tong mga pinamili ko."
Ang bait talaga ni Ate Yestine. Napaka-generous niyang tao. THANK GOD AT MAY ATE AKO NA TULAD NIYA, di siya tulad ng iba kong pinsan na ikinakahiya ako dahil sa itsura ko, kahit na maganda si Ate Yestine, never siyang nangdiri sakin, pero pranka nga lang siya.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan Camille?"
"Thankful lang ako na naging Ate kita.."
"Aysus..thankful rin ako na pinsan kita." Sabi niya at ginulo ang buhok ko.
"Ate maawa ka sa buhok ko.."
"Hahaha, sorry. Tara libot libot muna tayo?"
"Sige po."
Kahit papaano nakakapagbonding kami ni Ate dito sa Mall..
Nakakaenjoy rin palang lumabas paminsan-minsan. Kaso nga lang, may mga bagay na gusto mo na hanggang titig ka nalang...
teka? parang may hugot ata yun?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro