Chapter 6 - Miracle?¿
Lumipas na ang ilang araw..
Ganun parin walang pagbabago.
Medyo nasanay na ko na wala si kuya Kyle. Nalibang rin ako dahil sa pagpractice ng lathalain. Ngayong araw na rin gaganapin ang competition. Medyo kinakabahan ako syempre.
Nag-call nga saakin si Kuya Kyle kanina, goodluck daw saakin. At ganun din si Avrey, support na support saakin. At lalong lalo na si mama, konti nalang sumama siya dito at magpadala ng cheering squad para lang suportahan ako.
"Camille, ready ka na ba?" Tanong sakin ni Mam Edilyn.
Nagbibiyahe na kame papunta sa 'St. Catherine Academy' — kung saan gaganapin ang competition.
"Opo..medyo kinakabahan lang po."
"Wag kang kabahan. Basta, do your best ha?"
"Yes po Mam."
***
*after 5 hours*
"Camille!"
Kagulat naman 'tong si Mam, basta-basta nalang sumusulpot.
Kakalabas ko lang kase ng room kung saan kami nagsulat ng article. 2 hours kameng nagsusulat, at buti nalang about sa bagyo ang binigay na topic, di na ko nahirapan dahil last year ko pa na-practice yan. Favorite ni Kuya Kyle na pinapasulat saakin yung about sa ganyan na topic.
"Po?"
"Kamusta? Di ka naman nahirapan?" Concern si Mam saakin oh.
"Okay lang po Mam. Napractice ko po yung binigay na topic kaya medyo sisiw lang saakin hahaha." Parang pinagtripan ko nga lang eh.
"Ayba! Verygood. Oh ano gutom ka na ba? Tara treat kita.."
"Sige po Mam." Di ko kayang tanggihan ang grasya, sayang yung pagkain. Gutom na rin naman ako.
Like duhh, naubos ata energy ko physically and mentally sa kakasulat.
***
"1st place on Photo Journal.."
"Si Jenna na yan!"
"Louise!!"
"Abby!!"
"Joanne!"
"1st Place! Anjee Ann Enriquez of Cheeváliere University!"
"Wooooohhh"
Tagal naman iaannounce yung sa lathalain. Kanina pa kame nakaupo dito, sakit na ng pwet ko.
"And now, for the Feature Writing in Filipino or Lathalain.."
AYAN NA OMYGAD. Please sana makuha ako, ayokong madisappoint yung mga taong umaasa sakin.
"5th Place..."
Blahblahblahblahblahblah..
Nasa 2nd Place na pero di parin naaannounce name ko. Siguro di ako makukuha ngayon, pinagtripan ko kasi eh..hays better luck next time.
"From Ichihara National Highschool—Rhianne Heranandez, 2nd place!"
"Camille, di pa naa-announce name mo ha?" Tanong ni Mam sakin.
"Ewan ko nga po eh."
"Di ka ata second ngayon..pero okay lang yun. Di pa naman 'to ang huli. Wag kang malungkot dyan."
Nanghina tuloy loob ko, mukhang mabibigo ko sila Kuya Kyle at Avrey, pati na rin si Mam Edilyn at Mama.
"And last but not the least, our first place!..from Jungwon University!!"
"Camille Lianica Corpus!"
Ano daw? Di ko masyadong narinig, ang ingay kasi ng mga students, Johnson ata? Congrats sakanya.
"UY CAMILLE TARA NA!"
"Po?"
"Tara na!"
Ay uuwe na nga kame. Disappointed na niyan siya saakin.
Sumabay na ko kay Mam Edilyn..
Teka? Bat papuntang stage 'to?
"Mam--"
"Galing galing mo iha! First place ka na ngayon! Di talaga ako nagkamali na ikaw ang pinili ko. Nakikilala ang school naten ng dahil sayo."
WHAAAAAT?!
Ako? First place?
"T-thank you po Mam."
I can't believe this. For real? I mean once narin naman akong umasa na maging first place, pero sa panahon ngayon? Na halos pinagtripan ko lang sinulat ko kanina dahil sisiw lang sakin yun at paulit-ulit pang pina-topic sakin ni Kuya Kyle noon?! ay jusko, nagsawa ako.
Pero STILL PANO YUN NANGYARE? Eh yung mga topic na super duper mega-blockbuster efforts na pinush ko noon sa pagsulat ay di effective, tapos ngayon etong 'effortless article' ko pa ang nag pa-1st place saakin? It's a MIRACLE!
Umakyat na kame sa stage..nakipagshakehands na ko sa mga judges and kung sino pa man ang nasa stage.. at inabutan ako ng isang certificate at sobre.
For sure may pera nanaman ako. *evil grin*
Joke! Bibigay ko kay mama 'to. Aanuhin ko naman yung pera na yan. Wala naman akong hilig sa shopping and whatsoever churvakels.
Sinabitan naman ako ni Mam Edilyn ng medalya. Wooohh, kahit papano, naging gold na ang medal ko ngayon. Puro silver nalang kasi eh. Medyo nakakasawa ng tingnan. (Hala ang yabang oh..)
***
Hinatid na ako ni Mam Edilyn sa kanto ng subdivision namin.
"Salamat sa Diyos at naging 1st place ka iha! Magandang balita ang maihahatid ko sa prinicipal naten. Baka pagpasok mo isang araw may makita ka nalang tarpaulin mo sa harap ng school."
WHAT THE. TARPAULIN NG MUKHA KO SA HARAP NG SCHOOL?! HELL NO. Baka wala ng estudyante ang papasok nun. O jusko, wag naman sana.
Pero last year kase ganun eh. (-_-")
Halos sunugin na ng mga estudyante yung tarpaulin. Pinagbabato nga nila ng papel eh. Meron namang iba na pinagdrawingan mukha ko gamit ng marker.
"Thank you po Mam. Pero please po wag na po sanang tarpaulin, na-trauma na ko last year. Nakita niyo naman po ginawa nila dun. Hahaha."
"Haynako, hayaan mo yung nga yun. Inggit lang sila. May beauty nga sila wala namang brain d'ba?"
Ay so ganon? Talagang brain lang ang meron ako at walang beauty? D'bale tanggap ko na. Paulit-ulit. Pero bakit medyo nahuhurt ako? Ay onga pala, truth hurts.
"Hehe, oo nga po eh. Thank you rin po Mam ha."
"Wala yun. Oh mag-ingat ka ha? Sigurado ako excited ng malaman ng mama mo kung ano ng balita sayo. Kanina pa ko tinetext eh. Puro nalang 'Mrs. Corpus' ang laman ng inbox ko."
Mama talaga, di makapaghintay. Kakahiya tuloy kay Mam.
"Sige po. Bye po! Ingat po kayo.."
"Sige iha. Ikaw din. Magpahinga ka na." Pagkasabi niya nun ay sumakay na ulit siya sa kotse ng asawa niya. Tarush.
Kanina kase sinalubong siya ng asawa niya sa harap ng St. Catherine Academy. So sabi niya dun nalang kame sumakay para mas mabilis niya akong maihatid dito. Kaya ayun.
What if kung kasama namin ni mama si papa? Susunduin niya din kaya ako? Supportive daddy rin kaya siya tulad ng sa iba?
Teka--Bakit ko ba iniisip yun?
Naglakad na ko papunta sa bahay. Buti nalang malapit-lapit siya sa kanto. Di ko kakayaning maglakad kung hanggang dulo pa bahay namin. Baka wala pang kalahati eh matagpuan niyo nalang akong nakahiga sa gitna ng kalsada. Sobrang lawak rin kasi nitong subdivision kung saan kami nakatira.
Karating ko sa bahay, nagkunwari akong malungkot. Syempre, para akala ni mama na wala akong nakuhang place.
"Hi po Ma.." Pagkukunwari kong malungkot.
"H-hello anak. Anong balita at bakit ganyan itsura mo?"
"Wala po. Akyat na po ako sa taas." Sabi ko at umakyat na. Nagkulong ako sa kwarto.
Pero natatawa ako sa mukha ni mama. Para siyang binagsakan ng langit at lupa.
Di ko maiwasang mapangiti sa loob ng kwarto ko. Si mama kasi eh, ang cute pag nagaalala.
"Anak.." Katok niya sa pinto. As I expected.
Di ko siya sinasagot. Gusto ko munang magpabebe.
"Tita? Napano po si Camille?" Hala, mukhang dalawa ang bibiktimahin ko ngayon. Bwahaha!
"Camille? Okay ka lang?" Tanong ni Ate Yestine.
Di ako umiimik.
"Nako, tita..baka may menstruation period."
"Eh? Wala naman akong nakitang napkin sa banyo at ang alam ko tapos na siya."
ANAK NG TATLONG BIBE! Ano ba yan, pati period ko dinamay. Enebeyen!
Tumayo na ko at binuksan ang pinto. Baka ano pang lumabas sa bibig nila. Tama na sa pagpapabebe Camille!
Nakangiti akong humarap sakanilang dalawa.
"Oh anak, anong nginingiti mo diyan? Kanina malungkot ka tapos ngayon masaya? Aba bipolar na rin 'tong anak ko.."
Si mama talaga, at san lupalop niya nalaman ang bipolar? Nakikiuso ah.
"Wag mong sabihing may gusto ng manliligaw sayo? Ganyan rin ngiti ko noong first time kong magkaruon ng manliligaw!"
Grabe naman si Ate. Manliligaw nanaman ang nasa utak.
"TUMIGIL NGA KAYO. Di ba pwedeng first place ako sa lathalain?"
Nagkatinginan silang dalawa.
"FIRST PLACE?" React nilang dalawa. Sanay kasi silang puro second ang nakukuha ko.
"Yes."
"Ay ang galing naman ng anak ko! Lumelevel up ka na!! I'm so proud of you~ wait magbebake lang ako ng cupcakes! Kailangan nating magcelebrate!" Sabi ni mama at masayang umalis papuntang kusina. Mahal na mahal ko talaga yang nanay ko.
"Naman oh. Di ka na pangalawa ngayon."
"Mukhang may hugot yun Ate.."
"Meron nga. Hahahaha! Pano ba yan? Maglilibre ka?"
"Eh? San naman?"
"Sa mall! Shopping!"
"Ate..di ko hilig yan.."
"Sige na. Para naman maiba."
"Ano naman gagawin ko sa mall? At anong bibilhin ko dun? Tch."
Bigla namang ngumiti si Ate...ng kakaiba. Kinabahan tuloy ako sa binabalak niya. Aish, balak ko panamang ibigay kay mama yung pera, nako si Ate Yestine iba nanaman ang takbo ng utak!
"Ano yun ate?"
"Basta. Sa mall bukas ha? Wala ng magbabago ang isip!" Sabi niya at bumalik na sa kabilang kwarto.
Eh? Siya lang naman nagdecide. Di man lang nagtanong kung gusto ko o hindi. Hayst.
Ano kayang gagawin namin sa mall bukas?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro