Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4 - Mr. Masungit.

Saturday ngayon, walang pasok. Nakakapanibago lang dahil every weekends nandito si Kuya Kyle, kaso wala na siya, nasa Korea na. Hays.

Nakakainip tuloy dahil wala akong kaasaran.

Nga pala, wala rin akong kapatid dahil only child ako. Hiwalay naman si Mama at Papa.. Di ko na nga alam kung ano ng nangyayare sa papa ko eh..

Hm.

Ano kayang pwede kong gawin?

Punta nalang kaya ako ng park. Nakakainip na dito sa bahay eh.

Palabas na ko ng bahay ng marinig ko si Mama.

"Anak, saan ka pupunta?"

"Sa Korea Ma, susundan ko si Kuya Kyle." Pagbibiro ko.

Pokerface lang si Mama. Minsan talaga waley ako kay Mama eh.

"Joke lang Ma. Pupunta ako sa park. Hehe."

"Sige. Magingat ka.."

"Sige Ma, wag kang magalala wala namang mangrerape sakin. Pamatay 'tong mukha ko eh. Hahaha." Okay, ako lang tumawa, sariling joke, sariling tawa. SELF SUPPORT!

Again, pokerface si Mama. Favorite niya siguro yung kanta ni Lady Gaga.

"Alis na po ko.." Sabi ko at lumabas na sa bahay. Baka ma-waley nanaman ako.

Naglakad lang ako papunta sa park. Malapit lang naman samin 'to eh.

3:30 PM na kaya di na masyadong mainit.

Umupo muna ako sa bench.

Wooohh. Sarap ng hangin. Lasang hangin.

Ha ha ha. Oh di'ba waley talaga ako.

"Woof woof."

Ay may tuta. (magtaka ka kung kambing yan..)

OMGGGG.

Ang cute niya, kulay light brown siya na mabalbon. Mukha siyang bear..di ko alam kung may lahing chowchow 'to.

Lumapit ako sakanya at binuhat siya. Mukhang naliligaw 'to ha.

"Sinong kasama mo? Naliligaw ka ba? Cute cute mo panaman." Sabi ko sabay pisil ng mabalahibo niyang pisngi. Gusto ko ng iuwi 'to.

"Hey!"

Napalingon naman ako sa tumawag sakin. Isang lalaki. Tumakbo siya papalapit sakin.

"Bakit?" Tanong ko habang buhat buhat parin 'tong cute na puppy.

"That's my dog."

"Ay, sorry. Lumapit kasi dito eh."

"Tch. Mukha ka kasing aso.." Bulong niya pero narinig ko naman.

Binigay ko na sakanya yung aso at iniripan ko siya. Mukha palang aso ha, nakasalamin lang naman ako..nakakapangit ba 'yung magsuot ng salamin? And duh, may aso bang naka-salamin? Tss.

Bago ako matulog tinitingnan ko lagi sarili ko, na baka may nakatagong ganda 'tong mukha ko. Pero..parang WALA. Huhu. Hinayaan ko nalang yung sinabi niya.

Pero ang kapal niya ha, di man lang marunong magthank you. Tsk. Pasalamat siya di ko hinayaan o sinaktan yung aso niya.

"Di man lang marunong mag-thank you." Sabi ko at umalis na.

"Tch. Thank you? For what? Ikaw nga dapat magthank you.. because you touched my dog." Kapal ng mukha nito. Nahiya yung dictionary sakanya.

Hinayaan ko nalang siya, wala akong panahon para makipagsagutan sa mga walang kwentang tao. Pa english-english pa siya, kala mo kung sino. Edi sakanya na yung aso niya, saksak ko sa baga niya eh.

Naghanap nalang ako ng ibang bench, ayoko na dun..baka ma-stress ako sa lalaking yun. Ang sungit. Aanuhin niya yung kagwapuhan niya kung ugali niya pangit naman. O-ha!

Umikot ako sa park, daming couples, mga magbabarkada, mga bata, mga pamilya..meron ding mga taong mag-isa..na tulad ko.

Teka..

Bakit nga ba ako pumunta dito sa park? Wala naman akong gagawin dito. Hays. Dami ko kasing iniisip eh kaya san san na ko napupunta. Next next week na panaman yung competition baka bigla akong mablanko dun. Pero, may two weeks pa kong magpractice. Yun nga lang walang tutulong sakin dahil wala si Kuya Kyle.

*tenenen~ tenenen~ tenenen tenen ten ten ten~*

(Wag kayo, tunog yan ng nagtitinda ng selecta hahaha)

MAY ICE CREAM!!

Makabili nga. Buti may dala akong pera.

"Kuya~!"

Tumigil naman siya sa pagba-bike.

Nilapitan ko siya.

"Anong pinaka-mabenta dyan ngayon kuya?"

"Eto po." Sabi niya at tinuro yung picture ng ice cream.

Mukhang masarap nga. Strawberry and Chocolate yung flavor. 2in1. Lumelevel up na rin mga ice cream ngayon, baka paggising ko isang araw..may 5in1 flavor na.

"Hm. Sige isa po niyan." Sabi ko at inabot ang bente pesos.

"Eto po. Enjoy!" Sabi niya at umalis na. So ganon nalang yon? Katapos makuha ang gusto nila basta basta ka nalang iiwan sa ere? Char!

Binalatan ko na yung ice cream at umupo ulit sa isang bench. Sana naman wala ng istorbo ngayon.

"Hey, you!"

Kung kelan enjoy na enjoy akong kumakain eh..

Ano ba yan andaming istorbo dito. Kala ko panaman tahimik dito sa park..

Lumingon ako..

At siya nanaman. Si Mr. Masungit.

"Oh baket?" Sabi ko at patuloy paring kumakain ng ice cream. Pake ko ba sakanya, tsk.

"Did you stole my dog?"

"At bakit ko naman gagawin yon?" Omooo~ masarap niyan yung pinakadulo ng cone.

"Because you like him at hindi imposibleng nakawin mo siya." Natigilan ako sa pag-kain ko. Buwiset!

"Ang kapal ng mukha mo! Oo gusto ko yung aso mo pero hinding hindi ko nanakawin yun. Tss. Kita mo naman na wala dito yung aso mo.." Sabi ko.

Nasakanya lang yun 10 minutes ago ha? Argh. Tanga kasing magbantay...Nakaka-high blood 'to ah. Pagbintangan banaman ako.

"Then..where the heck is that dog?"

"Oh bat tinatanong mo saken yan? Tch. Di kasi marunong magbantay eh."

"What did you say?" Ay binge.

"Sabi ko ang tanga naman kasi ng nagbabantay!"  Oh yan. Napasigaw ako. Totoo naman. Di niya kasi bantayan ng maayos, tapos ngayon nagrereklamo kasi nawawala yung aso niya. Baliw ata 'to eh.

Umalis na ko. Walang kwentang kausap 'to eh. Nakakainis. Masungit na, tapos bobo pa. Argh. Imbis na lumamig ulo ko sa ice cream, uminit lalo dahil sa lalaking yun.

Umalis na ko ng park baka makita ko nanaman yung masungit na yon. Bahala siyang mamroblema sa aso niya. Wag niya kong idadamay. Tsk. Napapadalas na tuloy yung pag 'tsk' ko ngayon. Hayyyy.

"Woof woof!"

Tae!

Nandito yung aso ng masungit. Huhu. Aish, bahala siyang maghanap di ko ibabalik yan.

Patuloy lang ako sa paglakad. Pero pakiramdam ko talaga sinusundan ako nung aso.

Tumingin ako sa likod..

Kung mamalasin nga naman..sinusundan niya nga ako.

Wala akong planong ibalik 'tong asong 'to dahil makikita ko nanaman yung masungit na yun.

Pero kasi nakakaawa yung aso eh.

No choice.

"Hays. Sige na nga ibabalik na kita kay masungit."

Binuhat ko siya. Kung di lang talaga ako mabait di ko 'to ibabalik eh. At kundi lang talaga ako mahilig sa aso, hahayaan ko nalang 'to.

Halos inikot ko na yung buong park pero di ko parin makita yung masungit na yon. Buhat buhat ko parin yung aso niya. Mabigat-bigat rin siya, nakakangalay.

"Sabi ko na nga ba, ikaw nga yung kumuha ng aso ko."

Speaking of the devil.

Tiningnan ko muna siya, mukhang seryoso siya na ako talaga yung nagnakaw ng aso niya.

"Oh, eto na. At FYI di ako yung nagnakaw sakanya. Nakita ko siya kanina  malapit sa palabasan ng park, at sinusundan niya ko. Nagdadalawang isip nga ako kung ibabalik ko pa siya sayo eh. Pero pasalamat ka, eto ako binabalik yang mahal na mahal mong aso." Sabi ko at inabot na sakanya yung aso niya.

Nabigla naman siya sa sinabi ko. Yung mukha niya, yung mukhang napahiya. Oh ano ka ngayon?

"Sana sa susunod wag ka agad agad magbintang ha? Di kasi nakakatuwa." Dugtong ko at tinalikuran siya.

Daming kamalasan na nangyare sakin ngayon. At nakakainis talaga yung masungit na yon, kung makapagbintang kasi parang sure na sure siya. Di man lang siya nagthank you sakin kanina.. Di  naman rin ako umaasa na magpapasalamat pa yon. Sa ugali niyang yon? Mukha siyang ma-pride.

***

Kauwi ko ng bahay, naabutan ko si Mama na nagluluto para sa kakainin namin mamaya.

"Hi Ma..nandito nako."

"Oh anak, buti at umuwi ka na." Sabi niya habang nagluluto.

Hays. Kung nakikita lang ni Mama itsura ko ngayon, alam na alam niya na may nangyare saakin na di maganda.

Umakyat na ko sa kwarto ko. At karating ko inbinagsak ko ang sarili ko sa kama.

Hays. What a daaaaay!

Bigla ko namang naramdaman na nagv-vibrate phone ko.

May nagc-call. Unregistered Number. Sino kaya 'to?

Sinagot ko yung call..baka si Kuya Kyle 'to.

"Hello?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro