Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24 - Zeus.

Nagising ako sa sikat ng araw na nagmumula sa bintana.

"What the..anong oras na?"

Tiningnan ko naman ang orasan sa tabi ng kama ko. It's 9:15 AM! Omg, ang late na pala. Bumangon naman ako at pumunta ng banyo para makapag-ayos. Hay, late na kasi akong umuwi kagabi, buti nalang di ako pinagalitan ni Mama dahil hinatid ako ni Ace at siya ng nang-hingi ng pasensya.

I did enjoyed last night, syempre first time, first time na pumunta sa magarbong birthday, na handaan. Tho nananahimik lang ako sa isang tabi nung disco, nagenjoy naman akong panuorin sila Ace, sila Gab, and speaking of masungit, kagabi sinasapian talaga siya ng anghel, tinanong ba naman ako kung pwede niya akong ihatid. Like wow, Gab is being a gentleman! I can't believe, sa sungit niyang yon, hay.

Pero syempre I refused, feel ko kasi may iuutos yon eh kaya gusto niya magkaruon kami ng 'time' na magkasama. Feel ko sasamantalahin niya yung time na meron kami para tanungin kung ano yung pinagusapan namin ni Chester. Kasi after niyang makaharap yung Chester kagabi nag-iba talaga aura niya eh. Hay ewan ko ba, abnormal talaga yung masungit na yon. Dinaig niya pa mood swings ng nagreregla.

Katapos kong maghilamos at almusal ay napagisipan kong pumunta sa park. Ewan ko ba, nakasanayan ko ng pumapasyal don, para magpahangin, pampalipas oras ganun. Tsaka umalis rin si Mama eh, namalengke.

Karating ko naman sa park agad kong nakita si Kuya—yung naga-ice cream, suki na niya ata ako, palagi kasi akong bumibili ng ice cream kapag naabutan ko siya dito sa park.

"Kuya~"

"Ija, ikaw pala." Sabi nito at itinigil ang bike niya.

"Hehe opo. May new flavor po ba?"

"Sa ngayon wala. Pero mabenta 'tong strawberry crumble ko."

"Strawberry! Isa nga po kuya."

"Sige." Ngiti naman nito at inabot sakin ang naka-cone na ice cream. Huhu, craving satisfied. Tagal ko naring nagke-crave ng ice cream.

"Ito po yung bayad, Kuya." Inabot ko naman ang bente.

"Thank you, ija." Sabi naman nito. "Sa susunod ulit." Aniya at umalis na.

Umupo naman ako sa isang bench at kinain ito habang pinagmamasdan ang paligid. Aish, nakalimutan kong magdala ng earphones. Bet na bet ko kasi yung atmosphere dito eh, best time para mag-senti. Para isipin yung mga problema, isipin yung mga malulungkot na bagay...gusto ko lang magdrama.

"Hey Zeus!" Sigaw naman ng pamilyar na boses. Anak ng.. boses ni masungit yun ha. ANO BA YAN BAKIT HANGGANG DITO--

Napatingin naman ako sa kanan ko. Si Gab hinahabol yung aso niya. Omg ang cuteeee NUNG ASO!

Malapit naman sa kinauupuan ko yung aso kaya naman nilapitan ko 'to. Huhu, tagal ko ng gustong hawakan 'to.

"What the heck! Camille?" Sabi naman ni masungit na hinihingal. Ano ba kasing ginagawa niya at parati siyang tinatakasan ng aso niya? Kasungitan niya siguro ayaw na siyang maging amo ng puppy na 'to. Tsk.

"Oh ano? Sabihin mong ninanakaw ko nanaman yung aso mo. Psh." Binuhat ko naman yung puppy at umupo sa bench. Waaaahhh ang cute talaga!

"Hey why did you--"

"Bakit? Ang cute cute niya kasi."

"He just.." anong pinagsasabi ni Gab, epekto ba ng pagod yon? But anyways ang cute niya talagaaa (nung aso), mukha siyang stuff toy.

"Cute cute mong puppy ka. Uwi na kaya kita?" Hinimas ko naman ang ulo nito.

"Uh...Camille he just---"

Buti di siya wild, yung ibang aso kasi kapag di ka kilala tatahulan ka, kakagatin ganon, pero syempre alam ko naman na normal yon sa aso pero itong aso ni Gab abnormal, mukhang mas gusto pa ko kesa sakanya eh, hmm..ako nalang kaya mag-alaga sakanya? Tutal lagi naman niyang tinatakasan si---

"He just...pooped."

He just pooped? Anong pinagsasa--

"HAAAA?! Kakatae niya palang?" Hala! Yung pwet niya panaman nakaupo sa legs ko. Waaahhhh not so cute puppy! Pero gusto ko parin siyang alagaan!

Binaba ko naman 'to agad at nilapitan niya si Gab.

"Woof! Woof!" At ngayon tinatahulan niya na ko! WHY PUPPY HUHU

"HAY! Bakit di mo agad sinabi, waahhh kadiri!"

"Tch. Di ka maganda wag kang maginarte dyan." He laughed. Ba nagtagalog ang FF (feeling foreigner) na 'to. WAAHHH! Ang kapal niya talaga! Gusto kong ilublob pagmumukha niya sa kanal.

"Di ako maarte, ikaw kayang upuan ng asong kakatae lang ha?!"

"It's not my fault that you took him on your legs and woah, now you're talking back. Do you want me to punish you? Then you should wash, Zeus." Buset na punishment. Buset na contract! Alam na alam ko trip ng mokong na 'to eh. Basta may gusto siya ipagawa sakin, ipapagawa niya, iuutos niya! Kahit na sobrang babaw lang ng ginawa ko, he will still punish me. Grrr. Ako na nga 'tong inupuan ng aso niya na KAKATAE palang, ako pa yung naging mali. Huhu..Ay teka sinong Zeus? Kapatid niya ba yon? Baby brother?

"Zeus?"

"Yeah. My dog's name is Zeus." Ah, yung aso..wow. Ang bongga naman ng pangalan ng aso niya—Zeus. At ano daw? Punishment is papaliguan ko aso niya? Hm. I'm fine with that, cute naman siya (YUNG ASO) eh.

"If you don't want, you can just wash my clothes, you know you should do the laundry because I don't have anything to wear tomorrow and---"

"Si Zeus nalang, papaliguan ko. Bahala ka maglaba, di ko na problema kung wala kang susuotin bukas." Psh, pumasok siya sa school na walang saplot..IW. Pero yung ibang kababaihan gustong gusto naman. Kakilabot.

"Psh. Okay."

Kita mo? Nagbigay ng choices tapos kapag pumili ka ng isa, magrereklamo. SUNGIT DI BA? Hayyy paano ba naging kaibigan ni Kurt 'to? Napaka opposite nila.

"Ay teka. Di ako pwede ngayon, Sunday! Day off." I smiled. Baka magalit na si mama, umalis na nga ko kahapon tapos aalis nanaman ako ngayon dahil kay masungit.

"No, Ms. Corpus. I told you before that you should be ready all the time." He grinned. Sarap hampasin nito, ayan nanaman yung last name basis niya.

"Okay whatever. Pag nagalit mama ko ikaw susumbong ko, letse ka."

"What?"

O M G. Di ko napigilan bunganga ko. Aish, patay ako ngayon.

"What did you just say? Letse ako?" He looked at me intensely. Nakakatakot si Gab, nagiging dragon nanaman huhu.

"Ha? A-ano...di ko naman sinasadya hehe.."

"Woof woof."

"D-diba Zeus. Nagjojoke lang ako. Tanungin mo man sila Ace, nileletse ko rin sila.." I lied, letse naman kasi talaga siya. Asdfghjkl, for sure dagdag punishment nanaman 'to.

"Really?" He smirked. Ayan nanamn yung ngisi niya. Bugbugin ko kaya bibig niya at ng mabura? Kaloka!

Tumango naman ako.

"Really Ms. Corpus?"

Tumango naman ulit ako. Ano ba yan paulit-ulit. Ms. Corpus, Ms Corpus..isupalpal ko 'tong bench sa mukha niya eh. Huhu dami ko ng gustong gawin kay Gab..lahat na ata ng pwedeng gawing pang-to-torture gagawin ko. Pigilan niyo ko.

"I don't think so. And I know you hate me." Magtaka siya kung di ko siya hate. Psh.

"Woof woof!" Kaloka 'tong aso niya. Sino ba kinakampihan mo puppy? Kanina sumangayon ka sakin, tapos ngayon pati sakanya? What is the meaning of this?

"See? Even Zeus knows it." Tsk, mga benteng beses ko na siya pinatay sa isip ko. Pinipigilan ko nalang nga yung mata ko eh, baka mairapan ko siya, yung tipong lumabas na mata ko sobrang inis sakanya.

"Why are you being quiet, Camille?" Siraulo talaga, kanina nung sumagot ako nagalit, tas ngayong nagtataka kung bakit ako nananahimik.. and what the hell now he's calling me with my first name? ATSAKA TEKA NAHAHAWA NA KO SA ENGLISH VIBES NG MOKONG NA 'TO HA. WAAAHHH.

"Speechless." Sagot ko naman. No, not really, andaming kong gustong sabihin at ibara sakanya kaso baka lumaki lang yung gulo. And I know in the end he will still win the argument.

"Well, that's better. It's better that you keep your mouth shut because when I hear you swore at me again I'll give you a hard time, Ms. Corpus."

"Yes po." Binibig deal niya yon? What the heck, I wanna kill him right now, seriously. Napapaenglish na rin ako dahil sakanya, baka mamaya magevolve nako dito. Camille 0.2

"Yes what?"

"Yes Sir."

Nagaalab na ko, grr. Tsaka di naman mura yung letse eh---or is it? Waahhh arte at sungit at bad at evil talaga ng Gab na 'to..ng mokong na 'to.

"Okay, let's go." Aniya at naglakad na habang hawak hawak yung tali ni Zeus. Kawawang Zeus, sinusungitan rin siguro siya ni Gab kapag bad mood yung amo niya.

Sumunod naman ako kay Gab patungo sa kotse niya.

"You can just seat at the back. Zeus will be sitting next to me." Buti pa sa aso mabait siya. Kawawa naman ako..

"Okay." Pumasok naman na ko sa backseat. Actually mas okay na ko dito sa likod, ayoko siyang katabi, tsk.

Sinindi niya naman ang radyo at nag start na siyang magmaneho. Aish, di ko alam kung anong idadahilan ko kay Mama niyan. Basta tatapusin ko na agad yung buhay ni Gab---ay este tatapusin ko agad yung utos niya, para makauwi ako ng maaga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro