Chapter 20 - Punishment.
"Hey Ryan. What the fuck are you doing here?" Tanong niya ng mahagip ng kanyang mata si Ryan.
"None of your business, Gab. May tinanong lang ako." Sagot naman nito at tumayo.
"Osya, Camille sa susunod nalang. See you when I see you." Kumindat ito at nilapitan si Gab.
"Mauna na ko bro." Sabi niya at tinapik si Gab, umalis na ito kaya naman naiwan kaming dalawa ni Gab. Di niya ba kasama si Kurt?
"Are you waiting for someone?" Tanong niya habang nakatayo sa harap ko. Nasa magkabilang bulsa niya ang mga kamay niya.
"Hinihintay kita. Yung sobrang pera bibigay ko na." Sabi ko at kinuha ang pitaka ko sa bulsa ngunit pinigilan niya ko.
"No, no camille. It's yours."
"Pero di ko kayang tumanggap ng ganito."
"Masanay ka na. Parang sweldo mo na yan sakin."
"No Gab. Di mo naman kailangan gawin 'to."
"Tch. Just shut up Camille. I will give you what I want and just be thankful on what I give. Do you want me to command you to accept it? If that's the case then I---"
"Oh tama na. Sige. Mukhang wala naman nakong magagawa."
"Good."
"T-thanks."
Jusko, ang hirap kalabanin ni Gab. Basta sinabi niya, sinabi niya. Di ko naman kasi kailangan ng pera eh. Pero dahil sa makulit siya, sige kukunin ko na. Desisyon niya yon eh. Iipunin ko nalang 'to. Siguro in the future magagamit ko 'to.
"My pleasure."
Ngumiti naman ako dahilan para magsmirk siya.
"You rarely smile at me." At totoo yon. Sino bang ngingiti lagi kung yung amo niya ay masungit at panay utos. Actually di naman ganun kagrabe mag-utos si Gab, sa una inakala ko na gagawin niyang mas miserable ang buhay ko at akala ko na baka mahirap ang mga ipapagawa niya sakin ngunit hindi. Sabihin mo ng parang normal na amo siya but in a masungit way.
Di ko na alam ang isasagot ko sakanya kaya naman nagkaruon ng katahimikan sa paligid.
"Uh..di ka pa uuwi?" Pambasag ko sa katahimikan.
"Why? Pinapauwi mo na ba ko?"
Iba talaga takbo ng utak nito. Ang ayos ayos ko siyang tinatanong tapos ang nega ng sagot niya. Kaya masungit eh!
"Di ko naman sinabi na umuwi ka na. Tinatanong ko lang. Psh." Inirapan ko naman siya. Akala niya ha!
Bigla naman siyang ngumiti at tiningnan ako ng mariin. Ano nanaman ang trip niya?
"Did you just rolled your eyes on me, Ms. Corpus?" He grinned.
Fudge. HOLY FUDGE! Aish, bakit ko ba nakalimutan na isa sa mga rules niya ang 'Bawal siyang irapan.'
"H-ha? Di, ano napuling lang ako no. Psh, kaw naman." I uneasily answered. Bakit ba siya ganitooo..huhu.
"Don't lie, Ms. Corpus. I saw you rolled your eyes on me." Aniya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Bes, anong kalokohan ang ginagawa niya? Gusto niya ba ng labanan sa titigan? WAAHH!
"And because of that I'll punsih you." Bulong niya at inilayo na ang mukha niya sakin. I sighed with relief pero ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko. For the past few days na pagiging alalay ko sakanya ay di ko pa alam kung anong klaseng parusa ang maaari niyang gawin once na lumabag ako sa rules niya.
"Come.." He said at sinenyasan ako na sundan siya. San niya ko dadalhin? Sa prisinto? Sa sementeryo? Waaahhhh SAAN!?! Mag a-alas quatro na oh, ano bang parusa 'to.
Tumayo naman ako sa pagkakaupo ko. Napalunok ako dahil sa sobrang kaba at sinundan siya. Napadpad kami dito sa parking lot. Gosh, not again. Sesermonan niya ba ko sa loob ng kotse niya? Sesermonan nanaman niya ba ko?
Nang makapunta kami sa kotse niya ay agad siyang pumasok rito. Sumunod naman ako na umupo sa passenger's seat. Sinindi niya naman ito at pinaandar. What the, san kami pupunta?
"H-huy, san tayo pupunta?"
"At my house." Cool na sinabi niya.
WHAT! Sa bahay niya? Anong gagawin namin don? Teka..tama ba 'tong tumatakbo sa isip ko? Ano nga bang maaari naming gawin dun? Shocks, no way!
"A-anong g-gawin natin?"
"It's a secret, Ms. Corpus. Malalaman mo rin pag nandun na tayo." Sabi niya habang diretso parin ang tingin nito sa kalsada.
Nagdasal ako sa isip ko. Pinagdadasal ko na mali sana 'tong iniisip ko. Di pa ko handa.. Di ko pa kaya..ayoko pa!
Nang makarating kami sa bahay niya..or mansion ay ipinark niya ito sa tabi. Bumaba naman siya kaya naman bumaba na rin ako. Inabot niya sa isang lalaki ang susi ng kotse niya at dumiretso siya sa loob ng bahay niya, sumunod naman ako sakanya.
"Good Afternoon Sir." Bati ng isang maid sa pinto. Ano ba yan may maid naman pala siya dito. Grr.. Tiningnan naman ako nung maid at tinanguan ko lamang ito.
"Is my dad here?" Tanong niya rito.
"No, sir. May meeting daw po siya."
"Oh okay, great." Naglakad na ulit ito.
"Anong bang gagawin natin?" Tanong ko ulit habang sinusundan siya na paakyat sa hagdan.
"Just wait."
Just WAIT?!! Bakit ba napakakalmado ng mokong na 'to habang ako kinakabahan na ng todo-todo?!
Tumigil kami sa isang pinto. Binuksan niya ito gamit ng susi niya.
"G-gab a-ano---"
"Come in, Ms. Corpus. Welcome to my room." Aniya ng mauna itong pumasok rito. Sheez, his room. What the fudge are we going to do in his room?!
Nagdadalawang isip ako kung papasok ako o hindi dahil sa kaba na baka tama ang hinala ko sa balak niya sakin ngunit hinila niya ako dahilan upang makapasok na rin ako.
"What taking you so long?" Tanong niya at sinarado ang pinto.
"A-alam mo Gab. Mali 'to eh."
"What are you talking about? What's wrong?" Tanong niya. Nanlaki naman ang mata ko sa susunod na ginawa niya, he started to unbutton his polo infront of me. MOTHER DEER, THIS IS BAD!
"Hoy Gab ano ba!" Sigaw ko at tinakpan ang mata ko gamit ang aking mga kamay.
"What?"
"B-bakit ka naghuhubad!"
"Di ako naghuhubad Camille. I'm just removing my polo. Don't worry may t-shirt ako sa loob. See?" Aniya pero nakatakip parin ang mata ko. Ih, di na nakakatuwa 'to.
"Hey.." Tinanggal niya ang kamay ko sa mukha ko pero nakapikit parin ako. No, my eyes are still virgin!
"GAB NAMAN EH!"
"Camille.." He chuckled.
Di ko parin binubuksan ang mata ko.
"What the fuck, Camille. Open your god damn eyes!"
Hala galit na ang dragon.
Unti-unti ko naman minulat ang mata ko. Nakita ko siya na umiiling na para bang nagpipigil ng tawa. And he's right, naka-tshirt nga siya. Eh kasi naman kung maghubad ng polo kala mo kung ano na eh..
"See." He said at napailing ulit.
"O-oo na." Ramdam ko naman ang pamumula ng pisngi ko, feel ko mukha na kong kamatis sa kinatatayuan ko. Nakakahiya.
"Baba mo muna bag mo." Utos niya. Ginawa ko naman ang sinabi niya at iniligay ito sa isang tabi.
"Ano nga ba kasing gagawin mo sakin?" Tanong ko sakanya.
"You will clean my room."
Waaahhh~ Thanks God!
Nakahinga na ako ng maluwag. Yun naman pala, clean lang. Maglilinis. Hay, Camille napaka-greenminded mo kaya kung ano-anong iniisip eh. Nilibot ko naman ang tingin ko. Tae, kwarto niya 'to? Bat ang luwang naman. Bahay na namin 'to ha.
"So ito ang punishment mo?"
"Yeah. Why? What are you expecting?" He smirked. Ayan, ayan nanaman. Pwede bang tanggalin ko labi niya para tigilan niya ang kakangisi niya sakin?!
"Psh, wala."
"Alright. Iiwan muna kita dito. The cleaning tools are inside that door." Sabi nito at itinuro ang isang pinto.
"And make sure when I get back my room is already clean."
"Yes po Sir." I answered in my saracastic tone.
"Good. You may now start cleaning my room." Lumabas na ito at naiwan na ko sa kwarto niya. Puro "good" 'tong dragon na 'to, kalbuhin ko siya eh! Geez, ang gulo naman dito. Kinabog pa ang haggardness ng budega namin sa bahay.
Sinimulan ko namang pulutin ang mga kalat-kalat na basura sa sahig. Tulad ng bote, pinagkainan ng junkfoods, mga plastik— hala, si bes nandito..at teka may kalat kalat rin na damit at...
At ohmygod.
May boxer!
Harujusko. Baka may brief din akong makita? Waaahhhh Camille your dirty mind!
Inilagay ko naman sa lalagyan ng maruruming damit ni Gab ang mga ito. Maliban sa mga basura.
Inayos ko na rin ang nightstand niya, ang kama niya, cabinet at drawer. Nang matapos ko gawin ang mga ito ay kinuha ko na ang walis mula doon sa isang pinto or parang cabinet na tinuro niya at sinimulan ang pagwalis. Inipon ko ito sa isang lugar at idinust-pan.
Nang matapos akong maglinis ay umupo ako sa kama niya at nagpahinga. Parang nilinis ko ang bahay namin, sa lawak at laki ba naman ng kwarto niya, mygash..halos inabot ako ng isa't kalahating oras.
Tiningnan ko naman ang picture frame na nasa lamesa sa tabi ng kama niya. Family picture ata.
May dalawang babae, mama at kapatid niya siguro, si Gab at ang papa niya. Buti pa sila buo. Napaisip nanaman ako tungkol kay Papa.
Ibinalik ko na ang picture sa lamesa nung makarinig ako ng lakad na papunta dito. Si Gab na siguro yon.
Bumukas naman ang pinto at bumungad sakin si Satan. Hehe joke, si masungit.
"You're done?" Tanong niya.
"Yes..."
Tiningnan niya naman ang paligid at inikot ang kwarto niya.
"Well done Ms. Corpus." Puri niya at humiga sa kama. Bastos nito naka-upo ako tapos biglang hihiga dito. Bigla ko naman naalala yung aso niya. Nandito kaya yun?
"Wala yung aso mo?"
"Woah, you still remember him.." He smiled.
"Syempre naman. Inaway mo ko nun eh." Nawala naman ang ngiti nito sa labi. Oh ano, ngingiti-ngiti ka pa? Pwe.
"Tch. He's not here. She's with my sister.."
"Ahh.."
Naalala ko naman na late na. Si Mama siguro andaming baon na ratatat sakin.
"Pwede na ba kong umuwi?" Tanong ko at tiningnan ang wrist watch ko. Letche, 6:40pm na.
"Yeah, I guess you can go now." Sagot nito ng mapansin niya na parang kinakailangan ko na talagang umuwi.
Huminga ako ng malalim at tumayo, kinuha ko na ang bag ko.
"Sige mauna na ko."
"Wait." Tumayo siya at nilapitan ako.
Ano nanaman baaaa?!
"What?"
"Ipapahatid na kita kay Paul."
"Sinong Paul?"
"My driver." Aba may driver pala siya. Ibang klase talaga pag mayaman eh no? Pero minsan niya lang ata utusan yung driver niya. Di ko naman kasi nakikita na hinahatid o sinusundo siya kasi may sarili siyang kotse. Hm.
"Okay." Sumangayon na ko. Nagmamadali na rin kasi ako baka nagaalala na si Mama. Tsaka di ko alam kung may masasakyan pang jeep sa ganitong oras. Di ko panaman din kabisado ang daan dito kila Gab.
---
Gabriel ^_^ ⬇️
••• Author's Note:
Magiging mabagal nanaman yung update ko niyan kasi pasukan na huhuhu. 3rd grading na mga bes! ^_^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro