Chapter 19 - Annoyance.
Kabalik ko sa room ay agad akong umupo sa pwesto ko.
"Oh anong nangyare sayo girl?"
"Haynako mukhang kilala na namin ang nagpabadtrip sayo."
Tiningnan ko naman si Aria at Ace na nakaupo sa tabi ko.
"Nakakainis kasi siya eh.." Reklamo ko.
"Di ka namin nakasabay na maglunch dahil kasama mo si Gab." Busangot ni Ace.
"E-eh. Sorry, kailangan kasi eh. Alam niyo naman na may atraso ako sa masungit na yun."
"Ih..Hanggang kelan ba yan?"
"One month."
"ONE MONTH? TAGAL NON GURL!"
"Keri yan. Ako pa." No. Hindi ko na talaga kaya..
Narinig ko naman ang tilian ng mga babae sa classroom. Alam na, the devil is here. Hay, here we go again..
"Ayan na siya.." Bulong ni Aria. Napairap naman ako sa isip ko, parang gusto kong manuntok sa tuwing naaalala ko yung letcheng masungit na yon.
Umayos naman ako sa pagkakaupo nang lapitan ako ni Gab, sumunod naman sakanya si Kurt, buti nalang talaga di namin kaklase yung iba niyang barkada, kundi mamamatay na ko sa hiya. Si Aria at Ace naman ay tahimik akong pinagmamasdan na para bang nagaalala sila sakin.
"Here's my payment." Abot sakin ni Gab. Inangat ko naman ang tingin ko, bakit 500 pesos ang binibigay niya? Wala ba siyang barya dyan?
"Uh..wala ka bang barya?"
"Just get it. Keep the change." Aniya at iniwan sa palad ko ang pera. Bumalik naman ito sa pwesto niya at nagcellphone. Ibang klase talaga!
Inikot ko naman ang tingin ko sa classroom, nagtataka ang mga estudyante sa nakita nila, ang iba naman ay nagbubulong-bulungan. At si Kaylene at Haydee naman ay masama ang tingin sakin. Fudge, pwede naman kasing mamaya niya nalang ibigay 'to kapag kami nalang dalawa. Yan tuloy magkakaruon nanaman ng issue about dito.
"Gurl, para san yan?" Tanong ni Ace.
"Bayad niya sa lunch.."
"Oh? Takaw naman niya at ang laking halaga ng binili niya."
"Hindi. Nasa 70 lang naman utang niya sakin."
"Wow. Tapos 500 ang binigay? Galante naman that boy."
Inilagay ko na sa pitaka ko ang pera, mamaya ko nalang bibigay sakanya yung sobra, ipapabarya ko nalang sa malapit na tindahan dito. Di ko kayang tumanggap ng ganoong kalaking halaga, di ako despereda sa pera at lalong lalo na di ako gold digger. Sa asta ng mokong na yun parang pinamumukha niya talaga na mahirap ako at siya ay mayaman. May pa "keep the change" pa siyang nalalaman. Psh.
"Goodafternoon Class." Bati ni Ms. Kaverino — ang math teacher namin. Nakasuot ito ng kulay asul na uniporme at nakaipit ang buhok niya ng pusod. Mabait siya at napaka-friendly, siguro sa lahat ng teacher siya yung madaling iapproach. Kahapon nga nung na-late ako dahil sa bwisit na masungit na yon—pinalinis ba naman ang locker niya sakin nung lunchtime, ay kinausap niya lamang ako na wag ko ng uulitin. Di tulad ng ibang teacher na papagalitan ka pa sa harap ng classmates mo, yung tipong hilig nilang namamahiya pero sila mismo ayaw nilang napapahiya.
"Good Afternoon po Ms. Kaverino.."
"Nagawa niyo na ba yung homework niyo?"
May homework kasi kami sa Math. About sequences, mga arithmetic, geometric and others... 10 questions lang naman kaya easy lang. Kaninang umaga ko na nga lang sinagutan yung sakin eh.
Nagaalinlangan na sumagot ang ibang estudyante kaya naman napailing nalang si Mam.
"Okay, I'll give you 15 minutes to answer that. Babalikan ko kayo after 15 minutes. Class officers take in charge." Sabi nito bago umalis ng room. At kung gaano man siya kabait ganun naman niya kahilig na umaalis sa classroom, di ko alam kung anong ginagawa niya at kung saan siya pumupunta. Minsan makikita mo nalang na may pinost na siya sa facebook sa ganitong oras. Selfies or quotes..and yes free wifi dito sa school namin, yung mga classmates ko nga nagcecellphone lang minsan eh, ay di lang pala minsan, LAGI. Di naman kasi gaanong strict ang school na 'to.
"Hey, do my homework." Bulong ni Gab na nasa tabi ko na. How did he...waaahhhh iniwan ako ni Aria at Ace...nasa isang sulok sila kasama ang ibang girls, pati sila Kaylene at Haydee ay nandoon, nangongopya ata ng sagot kay Reychel.
"Wala kang homework?" Jusko, obvious naman.
"Uh.." Napakamot siya sa ulo at umiling. Tiningnan ko naman ang notebook niya, WALANG LAMAN! WALANG LECTURE! Anak ng..!! Maling notebook ata binigay niya.
"Sure ka na Math notebook mo 'to?"
"Yeah."
"Nasan yung mga tanong?" I frowned.
"I didn't copy it. Ikaw na magsulat, kumpleto naman yung sayo diba?" Holy neptune. He's so annoying! Ni isang activity or lecture walang nakasulat sa notebook niya. PANGALAN NIYA LANG, napakasipag niya talaga eh! Wag tutularan!
"Ugh..fine, yung homework lang isusulat at sasagutin ko baka ipass 'to eh." Swelo naman niya kung yung lecture simula first day isusulat ko. Tsk.
"Okay, then my notebook is in good hands, right? Kaw ng bahala Ms. Corpus." He winked at iniwan ako sa pwesto ko. Letcheng masungit. Tinatamad akong magsulat eh tapos siya pa-chill life lang sa tabi.
Kinopya ko na sa notebook ko ang mga tanong at nilagay sa notebook niya tsaka ko ito sinagutan. Halata kayang nagpagawa siya ng homework sakin? Nagcursive writing kasi ako sa notebook niya para di halata. Teka, di kaya magtataka si Mam na ang galing magcursive ni Gab? Hay, bahala na.
Nang matapos kong gawin ang homework ni Gab ay binalik ko na sakanya ang notebook niya.
"Oh." Abot ko sakanya. Ngumiti naman ito ng malapad at ginulo ang buhok ko. What the heck.
"Thanks Camille."
Tinanguan ko lang siya at bumalik na ko sa pwesto ko. 20 minutes na pero wala parin si Mam. Nilibot na ata niya ang buong school. Pansin ko naman na di pa tapos ang mga girls na mangopya sa notebook ni Reychel.
"Yes natapos din!" Sabi ni Ace at huminga ng malalim. Umupo ito sa tabi ko, yung itsura niya parang nakipag-gyera. Haggard na.
"Dapat sakin ka nalang nangopya para naman di ka na nakipagbakbakan doon."
"Shutek, oo nga no! Bat di ko naisip?"
Pinapahirapan pa nila sarili nila. Haynako.
"Teka tawagin ko si Aria." Paalam niya at nilapitan si Aria. Binulungan niya ito at sabay silang bumalik sa tabi ko.
"Oh, feel free to copy." Bulong ko sakanya at binigay ang notebook ko. Di naman ako maramot sa mga ganitong bagay, tsaka minsan lang naman ako magpakopya. I know that this is wrong but oh well, ganito talaga ang buhay estudyante.
"Thank you.." Aniya at kinuha ang notebook. Ngumiti naman ako.
"Dalian mo nalang, baka bumalik na si Mam."
"No worries. Number 7 na rin naman ako."
"Ay ganun ba. Sige." I laughed.
***
Nauna ng umuwi ang dalawa kaya naman naiwan ako dito sa tabi ng school. Nakaupo ako sa isang bench, hinihintay ko si masungit, di pa kasi siya lumalabas. At kakagaling ko lang sa tindahan sa tabi, pinabarya ko na ang 500. Ibabalik ko na kay masungit ang sobra para naman makauwi nako.
Bumungad naman sa gate si Kaylene at Haydee. Napunta sakin ang tingin nila kaya inirapan nila ako. Kala mo naman bagay sakanila yung pagirap-irap nila.
Di ko nalang sila pinansin. Sumunod naman lumabas yung mga kasama ni Gab kanina sa lunch. Yung sinabihan akong yaya. Hmph!
"I think she's waiting for Gab." Sabi nito sa tatlong kasama niya. Nilapitan nila ako dito at nginitian. Wow ano 'to? Pinapainggit ba nila ako sa mga ipin nila?
"Hi." Bati nito, kumaway naman sa tabi niya ang mga kasama niya. Oh no, mga monster.
"A-ah hello?"
"Ako nga pala si Ryan." Pagpapakilala niya, siya yung nakaeyeglasses at kulay blonde ang buhok.
"Luke." Tipid na sinabi nung kulay green na mata.
"Alex.." Kinindatan ako ni Alex na kulay light brown at medyo kulot na buhok.
"Richard.." Ngiti naman ng isa. Singkit ito at kulay ash gray ang buhok. Akalain mo color coding pa ata ang mga buhok ng mga nilalang na 'to. Lupet!
"H-hello sainyo, ako naman si Camille." Ngiti ko naman. Kahit pilit lang..
"Hinihintay mo ba si Gab?" Tanong ni Ryan.
"Ah. Oo, nakita niyo ba siya?"
"Nahh." Umupo naman siya sa tabi ko.
"Uy, bro. Mauna na kami." Paalam nung tatlo.
"Sige, sa susunod nalang ako sasama."
"Wala ng susunod gago."
"Edi wala. Oh, alis na!"
"Geh." Umalis na ang tatlo at naiwan kaming dalawa dito. Oh Lord please help me. Medyo kinakabahan ako di ko naman kasi siya kilala at kaclose and knowing na barkada niya si Gab. Jusko..it's dangerous!
"Kailan pa?" Tanong niya at sumandal sa bench. Kumunot naman ang noo ko.
"Kailan yung alin?"
"Kailan mo pa siya pinagsisilbihan?"
Panandalian akong natahimik. Alam na niya? Nakwento na ba ni Gab? Ay, oo nga pala na-witness niya pala yung sa kanina. Huhu.
"Last week pa."
"Ahh.. What did you do?"
What did I do? Yung kasalanan ko?
"Y-yung about kay Kaylene. Yung tinulak ko daw siya.."
"Ah..yun ba?" Tumawa naman siya. What's funny?
"Oo.."
"You know di ka dapat nagpa-uto dyan kay Gab eh. Wala naman talagang pake yung gago na yan kay Kaylene."
Huh?
"Diba girlfriend niya yon?"
"Hindi. Uh pano ba 'to, yung babae feeling niya boyfriend niya si Gab kasi matagal ng may gusto si Kaylene sakanya pero di type ng gagong yon si Kaylene." Ay saklap naman ng lovelife ni Kaylene.
"Eh bakit kung ipagtanggol niya yon parang jowa niya..?" Baka naman may gusto si Gab sakanya na di niya lang sinasabi. Alam niyo na, torpe.
He sighed. "Basta. Kami kami nalang ang nakakaalam kung bakit kailangan niyang maging ganun kay Kaylene."
Di ko siya ma-gets. Bahala na nga buhay naman ni Gab yon. Wala nakong pake. Tsaka wala na rin naman akong magagawa, napirmahan ko na yung agreement.
"Ah. Tsaka pinagbantaan kasi ako ni Gab na patatalsikin niya ko sa school kung di niya ko magiging slave."
Tumawa nanaman ito.
"Gago talaga yun."
"I know.."
"Hanggang kailan daw ba?"
"1 month." Ano ba yan andami ng natanong nito ha.
"Oh, so 3 weeks to go pa."
"Yupp."
"Buti one month lang sayo."
"Huh?" Anong buti one month? Eh sa pagiging masungit at mautusin ni Gab parang hell na yung buhay ko at one week palang ang nakakalipas.
"You know di lang ikaw yung naging slave niya. Every year may slave ata yung gagong yan. Basta may atraso sakanya ganun. Most of them 3 months, yung iba naman half a year siyang pinagsisilbihan."
What the freaking hell. HALF A YEAR? IBANG KLASE. Tsaka bakit di nalang siya mag-hire ng Yaya niya, bakit kailangan kapwa estudyante niya? Ang bad boy talaga!
"Seryoso?"
"Seryoso."
"Grabe naman yang kaibigan niyo."
"Ganyan talaga yun eh. Pero mabait naman siya." Mabait? San banda?
"Mabait daw..."
"Maniwala ka man o h---" Naputol ang sinasabi nito.
"Camille!" Napalingon naman ako. Speaking of the mighty bad boy..
He's here.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro