Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13 - The Deal.

"Tara fishball tayo!" Yaya ni Ace. Kakadismiss lang namin.

"Sure. Libre mo ha.." Sagot naman ni Aria.

"Hm. Sige, at dahil may new friend tayo na si Camille, itetreat ko siya."

"Siya lang?"

"Oo."

"Paano ako?"

"May pera ka naman.."

"Ih..unfair yon!"

"Last week pa kita nililibre wag mo ngang abusuhin."

Nandito kami ngayon sa harap ng school, nagkukulitan ang dalawang magbestfriend habang ako ay di mapakali dahil sa iniisip ko na 'kakausapin' ako ni Gab. Usapang masinsinan ba 'yon? Tsaka kailan kani maguusap? Bukas? Ngayon? Mamaya? Sa makalawa?

"Camille, tara?"

"Okay."

Sumama na ko kila Ace at Aria. Baka nagbibiro lang si Gab, o baka nakalimutan niya na.

Pumunta kami sa isang corner kung saan mayroong fishball vendor. Malapit lang 'to sa school. Kaya marami ring estudyante ang kumakain rito.

"Anong gusto mo?" Tanong ni Ace saakin. Waaahh ililibre niya ko.

"Ako di mo ko tatanungin?"

"Che! Manahimik ka nga Aria. May pera ka..so ano Camille? Fishball? Kikiam? Hotdog? Squid ball? Chickenball? Sauce?"

"Sauce? Psh. Korni mo Ace."

"Di ikaw ang kinakausap ko Aria."

"Uh---Kikiam at hotdog nalang." Sagot ko.

"Okay, ilan ang kaya mong kainin?"

"Siguro 6 na kikiam at 4 na hotdog."

"Okay sige."

"ACEEEE! Ako rin ilibre mo ko."

"Ugh, sige na nga! Utang mo yan ha."

"Eh? Hm, K!"

***

Nakaupo kami ngayon dito sa bench at kumakain ng fishball at kung ano ano pang nabili namin dyan sa tabi. 

"So nasaan na siya ngayon?"

"Nasa Korea na siya. Magiistay daw siya don for 2 years."

Nakwento ko kasi sakanila si Kuya Kyle. Nakwento ko yung about sa friendship namin.

"Ay sayang naman. Mukhang mabait siyang kaibigan ha."

"Sobraaa. Pero napakakulit non."

Ngumiti naman sila.

"Hey Camille!"

Oh no...

Lumingon naman ako sa likod at nakita si Gab na nakatayo sa may puno, may parang garden kasi dito sa tabi. Hinihintay niya akong lapitan siya. He's really damn serious about this.

"Fudge."

"Nako girl, kakausapin ka talaga.."

"Goodluck nalang Camille."

"Gosh, o-osige bye na ha. Salamat dito Ace. Bukas nalang mukhang papatayin ako nitong si Gab eh. Just pray for me."

"Osige. Hahanda nalang namin burol mo incase na di ka na makabalik ng buhay."

"Hahaha oo nga. Oh puntahan mo na.."

Tumayo naman ako sa pagkakaupo at nilapitan siya sa pwesto niya. Nakatayo siya sa tabi ng isang puno at nakasandal siya dito. Fudge anong balak niya sakin? Nakakatakot ang itsura at aura niya. Parang mula sa pagiging maliwanag ng buhay ko ay bigla itong nabalot ng kadiliman ng dahil sakanya. Huhu.

"A-ah, hello?" Sambit ko ng makaharap siya.

"Follow me." Sabi nito at nagsimula ng maglakad. Oh Lord please help me. Ano bang gagawin sakin ng lalaking 'to?

Sinundan ko naman siya hanggang sa makarating kami sa parking lot ng school. Teka? Baka ikikidnap ako nito?

Tumigil naman kami sa harap ng isang kotse na kulay black. Kotse niya ba 'to?

"Teka anong gaga--"

"Go in." Sabi niya at binuksan ang pinto sa passenger's seat.

"Why?"

"Just get inside."

Pumasok na ko baka ano pang gawin sakin kapag di ako sumunod eh. Sumunod naman ito at umupo sa driver's seat. Aalis ba kami?

"Saan tayo pup---"

"Di tayo aalis. Maguusap lang tayo."

Ano ba yan. Maguusap lang tapos kailangan pa sa loob ng kotse? Anong kalokohan 'to?

"O-okay."

"About what happened earlier..did you really pushed her?"

"Hindi. Di ko talaga siya nakita, nagulat nga ako dahil nakaupo na siya sa sahig pero sa pagkakaalam ko mahina lang naman ang banggaan namin.."

"But she said she can't walk?"

"E-ewan ko ba don."

Ipinikit niya ang mata niya at muli akong tiningnan. Stress ba siya dahil sa nangyare? Ganun ba 'yun kagrabe? OA naman. Psh.

"Fine. Ayoko lang na may mangyareng masama sakanya, okay? Sa ngayon palalagpasan ko 'to."

Teka, bat parang ako parin ang lumilitaw na mali dito?

"Wait...palalagpasan? So ako talaga ang mali dito ganun?"

"Ofcourse. She was hurt because of you."

"She was hurt? Look Gab. Sabihan mo nga yang girlfriend mo. She's acting! Di lang naman siya ang nasaktan ha? Ako rin naman, sirang sira na at duming dumi na ang pangalan ko sa eskwelahan na 'to dahil sakanya. She's overreacting!"

"How dare you to talk back. Di naman magrereact si Kaylene ng ganun kung di siya nasaktan."

"Alam mo kung siya rin palang papakinggan mo sana di mo na ko kinausap, sana di mo na hiningi ang side ko! Tatanggapin ko naman ang pagkakamali ko eh, siguro oo kasalanan ko na natumba siya pero inuulit ko iba ang sinadya at hindi sinasadya. Kung sisihin mo kasi ako parang tinulak ko talaga siya eh. Mali 'yon Gab."

"I don't fucking care! And stop talking like you're the smart one here. Baguhan ka lang dito, you don't know what I can do to you. You shouldn't talk back to me at di mo dapat ako sinasagot-sagot ng ganyan. Kase pwede kitang patalsikin sa eskwelahan na 'to." Mariin niya kong tiningnan. Wow?! Walangya 'to ha. So powerful siya?! Hinahamon ba ko ng mokong na 'to?

"Wow? Nagbibiro ka ba? Sige. Hinahamon mo ko? Fine! Di porket babae ako ay di ko na kayang maging matapang."

"I'm not kidding Camille.. I'm fucking serious about this."

"At papaano mo naman ako mapapatalsik sa school? Ha? Bakit? Kaya mo na? Sige nga!"

"My Dad owns the school."

HUWAAAAAT?! Wow ha!

"Weh? Alam mo pwede namang mangarap eh wag lang yung sobra."

"Damn it. Bakit ayaw mong maniwala? Can't you notice it? Baka nakakalimutan mo na nagaaral ka sa Montecillo High.."

"Oh tapos?"

"God! Camille use your brain."

Bakit ba? Eh ano ngayon kung nagaaral ako sa Monte--

Montecillo High....

OH HELL NO.

"Tae..." HALA ANONG GAGAWIN KO? Kinakalaban ko ang anak ng may ari ng school. Madidisappoint si Mama pag nalaman niya 'to.

Napalunok ako, ramdam ko ang pamumula ng mukha ko...THIS IS SO EMBARASSING! Ibababa ko ba ang pride ko for the sake of my education? Magsosorry ba ko kahit na alam kong tama ako? Ilulunok ko nalang ba lahat ng sinabi ko? Lahat ng pinaglaban ko? Waaahhh!

"So what now Camille?"

"Sorry.. Di ko naman kasi alam na--"

"Sssshhh. I don't accept apologies."

"Eh..." Ang arte naman nito.

"But we can make a deal."

DEAL?! Anong deal? Hala baka ibebenta niya ko sa mga---WAAAHHHH NOOOOOO.

"Ano naman yon?" Nanginginig na ang tuhod ko. Sobra kasing nakakatakot ang itsura ni Gab. Parang gustong kumain ng tao!

"You will be my submissive for 30 days."

"Submissive?"

"Submissive..uhm in other words, you will be my slave."

"Psh. Ayoko nga!"

"It's your decision."

"Papaano kung ayoko nga? Papaano kung lalabag ako sa gusto mo? Papaano kung--"

"Well, maggu-good bye ka na sa Montecillo High, simple as that. So what? Deal or no deal?"

DEAL OR NO DEAL?!

"I'm waiting for your answer.."

Wow on a rush? Maghintay ka nga, pwe! Hirap kayang magdecide..Kasi naman bakit..ughhhh.. Kasalanan ko 'to eh.

Wala nakong choice. Mas pipiliin ko na yung isacrifice ko ang sarili ko kesa sa pagaaral ko. Ayokong isayang ang binayad ni Mama para dito.

"Ugh...gosh, Okay, deal."

"Good. Wala ng bawian. Starting tomorrow you will be my submissive, you will work for me, you will listen to me and you will follow my commands. Understand?"

"Okay okay. Daming alam.."

"Tomorrow I'll need you to sign the contract, at sasabihin ko sayo ang mga rules ko."

"Rules? What rules?"

"Do's and don't's.."

"Kailangan may ganun?"

"Yes. Pero wag kang magalala. 30 days lang naman. Hindi naman ganoon kahirap ang rules at commands ko. Just always be a good slave. Be obedient..and always be alert."

Nakaka-nervous naman 'to. Halimaw ba ang lalaking 'to?

"Jusko naman, okay sige."

"Alright..yun lang. Di ka naman pala mahirap kausapin."

Napairap naman ako sa isip ko. Bwisit 'to ha.

"So pwede ka ng lumabas. May pupuntahan pa ko. Goodluck Camille. And thank you.." Sabi nito at nagsmirk. THANK YOU NIYA MUKHA NIYA!

Lumabas na ko sa kotse, nang makalabas ako agad naman siyang umalis. Bastos..

Padabog akong pumasok sa kotse ko. Leche naman kasi anong klaseng deal ang alam niya. Ako na nga 'tong nagsorry kahit alam kong wala akong ginawang masama. Ugh! Mukhang mahirap 'to ha. Parang aso ako na magiging sunod-sunuran sa amo. Hays, ano ba 'tong napasukan kong gulo!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro