Chapter 1 - Kuya Kyle.
"Camille, pwede mo bang paki hatid 'tong books sa library?" Tanong ni Mam Cherryl saken.
"Sige po Mam."
"Hay..salamat iha. Magpatulong ka nalang sa mga kaklase mo kapag nabibigatan ka." Sabi nito at inabot ang mga libro.
"Opo Mam." Sagot ko at kinuha ang mga libro. Kaya ko naman siguro 'to? Nasa lima lang naman ang bilang ng mga libro..medyo makakapal nga lang. Pero kering keri ko 'to..wala narin yung mga kaklase ko, kanina pa umalis.
Umalis na ko ng room habang dala-dala ang mga libro na pinapahatid sakin ni Mam Cherryl.
4:45 PM na, kanina pa lumabas yung mga estudyante at pati mga kaklase ko. Naiwan ako dahil may inayos pa ko. Sakto naman nung kalabas ko ng room namin, nakasalubong ko si Mam Cherryl, ayan tuloy..ako 'tong nautusan niya.
Nakarating na ko sa library. Sa wakas. Nilapag ko na sa isang lamesa ang mga libro. Sila ng bahala dito, pinahatid lang naman sakin. Tsaka kailangan ko ng umuwi.
Palabas na ko ng library ng---
"Camille!!"
Lumingon ako, di nga ako nagkamali. Siya nga yung tumawag sakin.
"Kuya Kyle!" Tawag ko sakanya habang papalapit siya sakin.
"Wag mo nga akong tawaging kuya. Tss." Sabi niya ng makaharap niya ko. Arte naman nito. Siya na nga 'tong ginagalang..
"Arte mo!"
"Di ako maarte! Feel ko ang tanda tanda ko na kapag tinatawag akong kuya."
"Eh sa matanda ka naman talaga." Pangaasar ko sakanya. Totoo naman eh.
"Ewan ko ba sayo, kamusta na pala? At bakit di ka pa uwuuwi?"
"Eto, okay lang. Tahimik parin naman ang buhay ko..Ah, kasi may inayos pa ko, sakto naman na nakasalubong ko si Mam Cherryl..inutusan akong ihatid yung mga libro dito sa library."
Natawa siya. Abnormal talaga 'to.
"Si Mam Cherryl talaga..tamad. Utos ng utos." Sabi niya.
"Haynako, Kyle, sanay na ko sakanya."
"Mukha nga..eh yung sa feature writing mo? Kamusta? Sasali ka ba sa competition?"
Hays, kailangan ko pa palang magpractice magsulat ng lathalain para sa competition next next week.
"Ah, okay lang din. Syempre sino pa bang ilalaban ni Mam Edilyn dyan? Ako. Pinapagawa na nga ako ni Mam eh."
"Hahaha, kaya mo yan. Ikaw pa! Basta kapag kailangan mo ko, puntahan mo lang ako sa room namin. Tuturuan o bibigyan kita ng tips dyan."
"Oo na, at asahan mong magpapaturo ako sayo..di pwedeng hindi. Dahil kilala mo naman si Mam Edilyn, sayo niya ako ipapatrain."
Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Hahaha, di pa ko nasanay eh. Di ka pa uuwi?"
Ay oo nga pala. Tiningnan ko yung orasan sa lobby. Oh no..5:10 pm na. Marami pa kong gagawin.
"Uuwi na ko. Dapat kanina pa eh. Tch, istorbo ka talaga! Bye Kuya Kyle!" Sabi ko at umalis na.
"Ilang beses ko bang sasabihin na wag mo kong tawaging kuya? Tss. Bye Camille!"
Nilingon ko siya at nginitian. Naka-tambay lang siya sa tabi ng library. May hinihintay siguro siya. Aish, nakalimutan kong itanong kung ano nga bang ginagawa niya doon. Tsaka di ba siya sasali sa journalism? Ang galing niya kaya, marunong siyang magsulat sa sports writing at lathalain (feature writing). Sana naman sumali siya.
Si Kuya Kyle Xian Monta ay isang Grade 12 student. At ako naman si Camille Lianica Corpus ay isang Grade 9 student. Nakilala ko siya last last year, nung Grade 8 siya at Grade 6 naman ako.
Di ko naman talaga intensyon na sumali sa "journalism" eh. Kinailangan lang nila ng substitute, at ako ang napili nila. Wala akong kaalam-alam sa lathalain o feature writing na yan, nagback out kasi si Jeremiah — kaklase ko, siya dapat talaga yung makikipag-compete, pero di niya siguro kinaya kaya nagbackout; 2 days before the main competition. At wala narin naman akong choice kundi sumali at palitan ang pwesto niya. Tinanong ko sarili ko: 2 days before the competition? Kaya ko kaya 'to?
Sinabi naman sakin ni Mam Edilyn — adviser at nagttrain sakin sa lathalain, na kaya ko daw. Tiwala lang at practice. Pero para sakin, di sapat yung 2 days lang lalo na't baguhan ako.
Hanggang sa dumating yung araw nung mismong competition, marami akong nakalaban from other schools, at mukhang magagaling sila. Manalo, matalo, basta gagawin ko yung best ko. Sabi ko sa sarili ko, bago magstart yung time ng pagsulat namin. Binigyan kami ng topic at may 2 oras kaming magsulat.
Nung sinabi ang mga nanalo, di man ako nakapasok sa top 5 pero ayos lang. Atlis ako yung nagrepresent ng school namin.
Hanggang sa Grade 8, ako na ang pinipiling makipagcompete sa lathalain, nagdadalawang isip pa ko noon dahil di naman ako nanalo nung Grade 6 pero di naman masama na sumali ulit, kailangan ko lang ng practice.
Hanggang sa dumating yung araw na, sinwerte ako, 2nd Placer ako sa "malikhaing pagsulat ng lathalain" di ko akalain na makakasali ako sa top 5 at second pa.
Tuwang tuwa sakin si Mam Edilyn kaya sabi niya pagbutihan ko pa kapag Grade 9 na ko, at dun ko nakilala si Kuya Kyle, kilala siya bilang "journalist of the year" sa school namin, kaya naman sakanya ako pinatrain ni Mam Edilyn.
Magaling siyang magturo, at mabait siya, di ko na maipagkakaila na may itsura siya, madali siyang maka-close kaya ayun, close na kami. Di mo akalain na may pagka-abno ang isang tulad niya. Mukha kasi siyang matino eh.
Masaya siya nung nanalo ako ng 2nd Place ulit sa competition nung Grade 8, nilaban na rin ako sa Division Level at siya ang nagttrain sakin. Nanalo ulit ako ng 2nd Place sa Division..ewan ko ba lagi nalang akong second. Pagdating ng Regional, 11th Placer ako over 40 schools. Akalain mo, umabot pa ko. Mahirap rin yun ha.
Proud saken si Kuya Kyle, pero di ko siya nakakasama sa competition dahil nga ibang Grade level siya, pero alam ko naman na mananalo yun kahit 3rd, 2nd or 1st kering keri niya yan. Kaya hanggang ngayon di lang siya yung trainer ko, di lang niya ko tinuturuan, kundi magkaibigan na kame. 2 years na kameng magkaibigan. Kaya di na kame nahihiya sa isa't isa. Walang hiya na nga kami eh..dahil komportable na kami sa isa't isa.
Marami ngang mga estudyante na napagaakalang magjowa kami ni Kuya Kyle, as if naman na magugustuhan ako ni Kyle, sa itsura 'kong 'to? Ni makipagkaibigan nga sa mga kaklase ko wala eh.
Manang kasi ako, nakasalamin, di naman nakabrace pero mahaba yung palda ko, malaki rin ang blouse ko, palagi akong nagbabasa ng libro sa school..
Nakakapagtaka lang, dahil lang ba sa itsura kaya di nila ako gusto? Bakit di muna nila kilalanin yung pagkatao ko bago sila manghusga? Diba nga 'don't judge the book by it's cover'..hays.
Wala rin naman akong balak na baguhin ang sarili ko, ayoko naman gawin yun para lang magustuhan ako ng iba, dapat lang na tanggapin nila kung ano ako at kung sino ako.
Pero okay rin pala yung walang kaibigan sa room, kung may kaibigan man ako si Kuya Kyle lang yon. Eh kaso ibang grade level nga siya. Maliban sakanya, nandyan rin naman si Avrey pero lumipat na siya ng school.
Tahimik lang ang buhay ko sa klase, parang inivisible lang ako, dahil di ako napapansin, i'm just a nobody. Nasanay na rin akong nilalait, kesa naman sa puriin ka na puno naman ng ka-plastikan..na kinaibigan ka dahil lang sa ganda mo. Di yun pagkakaibigan, PAKIKIPAGPLASTIKAN yun.
Never rin pumasok sa utak ko na lumipat, dahil unang una dito ko ginusto, at wala silang pake kung dito ako magaaral dahil di naman sila ang may hawak ng desisyon ko. Kung mangengealam sila, pakealaman nila sarili nila..WAG AKO.
Hays. Maka-uwi na nga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro