Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7


Thank you Ruffyeon for making my cool cover :)


Umalis Ka Na.


"Hala! Grabe ka naman na mapagbintang! Hindi pa nga ako nagkakacrush eh!" Mainit na mainit na aking pakiramdam. Parang puputok na ang pisngi ko sa sobrang init at magiging chicharon.


Totoo naman na hindi pa ako nagkaka-crush, lagi ko noong naririnig sa mga kaklase ko ang crush pati na din sa mga kasama ko sa cheering squad pero tumitili sila kapag nakikita nila ang crush nila eh. Kung crush ko si Gaelan, dapat tumitili din ako kapag nakikita ko sya, kaya lang kinakabahan ako at natatakot. Bumibilis ang tibok ng puso ko at hindi ako mapalagay, imposibleng crush yon! Baka sindak pa kamo.


"Pwes, ako ang una mong crush, tandaan mo yan." Buong pagmamayabang nyang sabi.


"Yabs ka talaga.." Bulong ko. Nagulat na lang ako ng kurutin ako ni Gaelan sa pisngi, yung napakadiin!


"Aray!" Reklamo ko. Nanliit ang mga mata nya sa akin bago bitawan ang aking pisngi.


"Ikaw naman, Tabs!" Pang-aasar nya pa.


'Ang sweet nila!'

'Relationship goals, OMY!'


Kinuha ko ang pera mula kay Gaelan pero imbes na ako lang ang mag-isang magtungo doon sa Filipino Selections, naglakad si Gaelan kasama ko.


"Bumili ka din ng pagkain mo ah para mas tumaba ka pa at bagay talaga sayo ang 'Tabs'" May panunuya sa boses ni Gaelan, pinili ko tuloy ang isda at ampalaya bilang pagkain ni Gaelan. Hindi naman umimik si Gaelan, palagay ko ay hindi nya alam ang lasa ng ampalaya!


Doon kami pumwesto sa lamesa ng Yukan'na. Kagaya ng sinabi ni Gaelan, ibinili din nya ako ng pagkain ko, pero katulad din ng sa kanya.


Pumikit muna ako para magdasal ng kaunti.


'Bless us oh Lord, and this thy gifts which we are about to receive, from thy bounty, through Christ our Lord, Amen..'


"Tara, kain na—"


Natigilan ako ng makitang nakatingin na naman sa akin si Gaelan nang nagtataka. Nakakunot ang kanyang noo na parang may ginawa akong kasalanan.


"Tsk, mauuntog ka na niyan sa langit! Kaka-pray lang natin kanina ah!"


"Iba pa yon, iba din ito. Dapat tuwing kakain ka, bubulong ka ng kaunting prayer para magpasalamat." Sabi ko sa kanya, napailing na lang sya at sumandal.


"Bago ka kumain, subuan mo ako." Utos nya. Pinanliitan ko sya ng mata.


"May kamay ka naman eh.."


"Pagkatapos talaga kitang ilibre ng lunch, susuway ka pa sa akin?" Nakataas ang kilay na tanong nya. Hindi ko naman sinabi na ilibre nya ako ng lunch. Napakamot na lang ako ng ulo at naglagay ng ampalaya at kanin sa kutsara. Sinubo ko iyon sa kanya at muntik na nyang ibuga ang pagkain sa kanyang plato pero tinakpan ko ang kanyang bibig.


"Bad magluwa ng pagkain. Nguyain mo yan.." Sabi ko sa kanya. Wala syang nagawa kundi nguyain ito ng mabilis at lunukin sabay inom ng tubig.


"Ano yan?!" Reklamo ni Gaelan ng pasigaw. Gusto kong matawa sa kanyang mukha na uusok na sa inis.


"Ampalaya. Medyo mapait---"


"Anong medyo? Sobrang pait! Ayoko—"


"Hep! Sabi mo kanina, kahit ano kakainin mo? Masasanay ka din dito. Wag mong iisipin na mapait sya."


"Hindi ko iniisip! Nalalasahan ko. Pwe!"


"Masarap ito! Saka iwas pa sa diabetes." Nakangiting paliwanag ko. Hindi din naman matigas ang pagtanggi ni Gaelan kasi kinain naman nya basta sinusubuan ko sya. Para talaga syang hari kung mag-utos sa akin. Nang matapos na sya sa kanyang pagkain, ako naman ang nagsimulang kumain, kaya lang nakakailang subo pa lang ako, biglang tumunog ang bell para sa afternoon class.


Tumayo agad ako pero hinawakan ni Gaelan ang kamay ko.


"Kumain ka lang."


"Hindi puwede, may klase pa ako.."


"Tsk, ako nga ang bahala."


Kumain nga ako kagaya ng sinabi ni Gaelan. Nasa gitna na ako ng pagkain ng dumating si Yuki, umupo sya ng nakaharap sa amin pagkatapos ay ngumiti sya sa akin. Yung labi nya lang ang nakangiti, yung mata hindi. Siguro kasi masyadong mawawala iyon kapag pati yung mata nya pinangiti nya pa kahit bagay sa kanya.


"Anong ginagawa mo dito?" Masungit na tanong ni Gaelan.


"Bakit? Tamabayan natin to ah. Hi Ria. Wala kang klase?" Baling sa akin ni Yuki, ngumiti ako saka umiling.


"Meron, kaso sabi ni Yab--- Ni Gaelan, sya daw ang bahala."


Tinitigan ako ng husto ni Yuki, pakiramdam ko nahihiya ako.


"Gaelan, tinuturuan mo syang mag-cutting?" Tanong ni Yuki pero nakatingin pa din sa akin. Napaisip ako, oo nga no, cutting of classes na ito, kung hindi man, late ako. Hindi din magandang tingnan. Kaya lang nakakatakot kasi talaga si Gaelan, baka patayin nya talaga ako lapag hindi ako sumunod.


"Tch. Hindi ko tinuturuan, pinapakain ko lang. Ikaw kaya mag-aral ng gutom."


"Hindi naman tayo nag-aaral kaya hindi natin alam ang pakiramdam." Sagot naman ni Yuki. Nagulat na naman ako. Hindi sila nag-aaral? Bakit nasa school sila? Saka sa klase ni Miss Farrah, nandoon sila. Tiningnan ako ni Yuki at napansin nya ata ang pagtataka ko.


"May mga modules lang kami na kailangang tapusin kada buwan. Business naman ang course namin at may kani-kaniyang negosyo ang mga parents namin na kailangan din namin bisitahin kaya may special pass kami sa Keio." Paliwanag ni Yuki.


"P-pero bakit umaattend kayo sa klase ni Miss Farrah?"


"Ewan ko dito kay Gaelan."


Ay, talaga naman ang Gaelan na to, masyado namang obvious sa pagkahumaling kay Miss Farrah!


Ngumuso si Gaelan at mukhang napatagal ang titig ko sa kanya dahil pinanlakihan nya ako ng mata.


"O bakit? Bawal? Mahina ako sa Math eh. Mabilis ko makalimutan." May kasama pang pag-ismid ang sinabi na iyon ni Gaelan.


Wala naman akong sinasabi.


Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Kahit naman maaari akong ma-late, ayoko din namang madami ang malagpasan ko sa klase. Si Gaelan at Yuki ang sumama sa akin patungo doon sa Arts and Letters building. Kasabay ko sa paglalakad si Gaelan samantalang si Yuki, medyo nagpapahuli ng kaunti sa paghakbang. Napansin ko na napakapino nya kung kumilos. Wala sa mukha nya ang pagiging mapanganib dahil sa hinahon ng kanyang pagsasalita.


Kay Gaelan, kita mo kasi agad yung angas nya. Yung pagiging basag ulo at walang gagawing maganda. Imbes na magiging ligtas ang pakiramdam mo, para ka nyang hostage kapag kasama mo sya. Hindi ka maaring gumalaw ng walang pahintulot nya.


"Miss Floresca! You are late, I am so disappointed of you!" Bungad sa akin ni Professor Bruno Listana hindi pa ako nakakapasok sa pinto. Matinis ang boses ng isa sa pinakamatinik na Propesor ng Keio, kahit may pusong babae sya, hindi naman sya nauubusan sa taray. Nagbulungan agad ang mga kaklase ko.


"Let her in." Tumabi sa akin si Gaelan at nakipagtitigan kay Professor Listana.


"Mr. Ancheta, Miss Floresca is my student, kung hindi ko pinapapasok ang mga kaklase nya na nale-late sa klase, bakit ko sya bibigyan ng special treatment?" Sagot sa kanya ni Professor Listana. Hinila ko ang laylayan ng tshirt ni Gaelan para umalis na pero nanatili syang nakatayo doon.


"If you will not let her in—" Nag-igting ang panga ni Gaelan, nakita ko naman na natigilan si Professor Listana.


"Let her in Professor. Kung gustong matuto ng isang estudyante, hindi nyo dapat ipagdamot. Isa pa, sa tingin ko, hindi naman sinasadya ni Ria na ma-late." Kalmadong paliwanag ni Yuki. Lumambot agad ang ekspresyon ni Professor Listana, lumipat ang tingin sa akin.


"Pasok, ayoko nang mauulit Miss Floresca." Sabi nya sa akin at nauna na sa pagpasok.


Alanganin akong humakbang papasok dahil nakatingin ang mga kaklase ko sa akin. Nakakahiya talaga! Kahit talaga patayin ako ni Gaelan sa susunod, hindi na talaga ako makikinig sa kanya kapag may kinalaman sa schedule ko sa klase!


Napalingon ako sa may pintuan. Nakita ko pang nakatyo doon sa may corridor si Gaelan, nakahalukipkip at nakasandal sa poste ng balcony. Tinaasan nya ako ng kilay ng mapatingin ako sa kanya kaya umiwas na lang din ako ng tingin. Ang sungit talaga nya.


Dalawang oras ang itinagal ng klase namin kay Professor Listana, dalawang oras din nandoon si Galean sa balcony. Nakaupo sya at mukhang may inaantay.


Sino kaya ang inaantay nya?


Lumabas na ako at nagpahuli sa mga kaklase ko ng matapos ang lecture, library time namin kaya magtutungo ako sa library para magsagot ng mga assignments ko para bukas. Nagkatinginan kami ni Gaelan ng tumapat ako sa balcony, umiwas ako ng tingin at naglakad ng mas mabilis kaysa normal.


"Tsk, bakit mo ako iniiwanan ha?" TInapik ako ni Gaelan sa balikat na nahabol pala ako agad.


"Aray..." Reklamo ko habang hinihilot ang tinapik nya. Medyo malakas kasi yon. Wala talagang puso ang isang ito.


"Hindi ko naman alam na ako pala ang iniintay mo eh."


"Malamang! Sino ba ang iintayin ko don?" Pasigaw nyang sabi sa akin. Lagi talaga syang nakasigaw.


"M-malay ko."


"Halika, meryenda tayo." Pag-aaya sa akin ni Gaelan habang bitbit ang likod ng t-shirt ko.


"H-hindi pupwede." Tanggi ko, natigilan si Gaelan sa paghakbang at pinanliitan ako ng mata. Napapikit na lang ako dahil sa takot.


"Anong hindi puwede? Nagutom ako sa pag-iintay sayo!" Angil  nya.


"Eh di sana kumain ka muna..."


"Hindi ako kakain mag-isa dahil ikaw ang taga-bili ng pagkain ko. Ano? Tumatanggi ka na?" Masungit na sabi nya sa akin. Napaka-bully nya talaga. Paano kaya sya pinalaki ng mga magulang nya?


"S-sige, bibilhan kita ng pagkain pero pagkatapos pupunta ako sa library kasi may mga assignments pa ako eh."


"Tsk! Sino pa ba ang nagpupunta sa library sa panahong ito?"


"Ako.." Halos bulong na sagot ko. Napailing si Gaelan at halatang nagtitimpi ng inis. Nagtitimpi pa talaga sya sa lagay na yan.


"Sige, library muna, titiisin ko muna ang gutom ko pero pagkatapos mo don, bibilhan mo ako ng pagkain." Hinila ako sa braso ni Gaelan patungo doon sa library. Malapit lang sa Arts and Letters building ang isa sa mga library ng Keio kaya doon ako dinala ni Gaelan.


Malamig na aircon ang bumungad sa amin pagkapasok. Tama si Gaelan, wala ngang tao dito. Siguro sa internet na sila naghahanap ng sagot. Ako kasi mas gusto ko na naamoy ang pahina ng libro, saka yung challenge ng paghahanap. Pag-internet kasi, direkta na doon sa hinahanap mo, pag naghahanap ka naman, may matututunan ka pang iba doon sa proseso ng paghahanap. Bonus na yon.


Umupo si Gaelan doon sa pinakasulok ng library. Binagsak nya ang bag nya kaya napalingon kami ng librarian doon si direksyon nya. Parang wala naman syang pakialam na nakipagtitigan din sa librarian na hindi man lang sya pinagsabihan. Napailing na lang ang librarian na nakilala ko bilang si Miss Cecile.


"Sige, feel free to browse the books. Kung mapapansin mo, ikaw lang ang tao dito.." Nakangiting sabi sa akin ni Miss Cecile.


Nagtungo agad ako doon sa shelves ng libro tungkol sa Science at kumuha ng Physiology books, uunahin ko muna ito dahil ito ang una kong klase bukas. Binagsak ko ang mabibigat na libro sa harap ni Gaelan na nakapikit. Napadilat sya pagkakita sa akin. Ni-ready ko ang notes ko at hinanap ang assignment ko sa Physiology.


Nasa kalagitnaan na ako ng pagsusulat ng humalakhak si Gaelan. Hawak niya ang isa sa mga librong kinuha ko.


"Fck, bakit nakahubad ang tao sa librong ito?" Natatawang tanong nya. Napakunot ang noo ko dahil sa kanyang pagmumura.


"Hindi sila nakahubad, pinapaliwanag dyan ang human anatomy." Sagot ko pero hindi pa din nawawala ang tawa nya.


"Talaga? E ano to?" Natatawang tanong nya sa akin sabay turo sa male organ ng lalaki. Huminga ako ng malalim. Ang pilyo talaga!


"Testicles, at ito naman vagina. Testicles produces sperm from epididymis where the sperm is stored. Vagina is a muscle, leading from external genitals to the cervix of the uterus, as the ovary releases egg to the vagina, and that egg meets with the sperm, together they create possible conception." Paliwanag ko ng seryoso.


"Kaya nga may mga proteksyon hindi ba? Guys can use condom, while girls can do—"


"Bad ang pre-marital sex." Nakayukong bulong ko. Hindi ko na alam kung ano ang naging reaksyon ni Gaelan, hindi na kasi sya nagsalita pagkatapos. Tiningnan ko sya ng halos papatapos na ako sa assignments ko, may suot na pala syang earphones at nakikinig ng music mula sa i-touch nya. Nakahalukipkip sya at nakatingin lang sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang kasi parang may nasabi ako na mali.


Ano kayang iniisip nya? Na-offend nya ba sya sa sinasabi ko? Totoo naman kasi eh. Kaya lang, paano pala kung anak sa labas si Gaelan? Eh di produkto pala sya ng pre-marital sex. Ay, grabe ka talaga Ria! Napaka-judgmental mo.


"T-tapos na ako." Nahihiya pa akong magsalita kasi masyadong seryoso ang mukha ni Gaelan. Tumango sya at tahimik na kinuha ang bag nya. Kumaway pa ako kay Miss Cecile bago ako tuluyang lumabas ng library, nauna na tuloy lumabas si Gaelan.


Uwian na din ng ilang mga estudyante, maririnig na kasi ang ingay na nagmumula sa iba't ibang bahagi ng building ng Keio. Kami lang ni Gaelan ang nasa bahagi ng library. Mataman syang nakatitig sa akin.


"Nagmahal ka na ba?" Tanong sa akin ni Gaelan kaya natigilan ako sa paghakbang papalapit sa kanya. Nanatili lang ako sa may pintuan ng library.


Ngumiti ako bahagya at tumango "Oo naman, mga magulang ko—"


"Bukod sa pamilya at kaibigan. Tsk. Bakit ko ba tinatanong, mukha namang hindi." Nadidismaya nyang sabi.


"Ikaw? Nagmahal ka na ba?" Balik tanong ko sa kanya, malungkot akong ngumiti. Alam ko na kasi kung ano ang pinaghuhugutan ng pagkawala nya sa mood at tiyak na magagalit sya sa susunod kong sasabihin.


"Bulag ka ba? Girlfriend ko si Farrah, and yes, we do sex. That's what couples do. When you are inlove, you give yourself, you give everything. Ang sa kanya ay akin, ang akin ay sa kanya."


Umiling ako at humakbang ng isa papalapit kay Gaelan.


"No. When you are inlove you don't give anything but love, not even your body or your soul not unless you both mean it. Wala kang utang sa kanya. When you are inlove, you respect. Irerespeto mo ang pagkatao nya mula ulo hanggang paa, alam mo ang limitasyon ng dapat mong ibigay sa hindi— You will know when is the right time to do it."


"Tsk, that's what Manangs would say. Masyado kang makaluma, Maria." Napapailing na sabi nya.


"Pagmamahal ba ang pagkuha ng pagkababae nya sa isang classroom na walang tao at palihim nyo yong ginagawa? Pagmamahal ba ang pagtatago ng isang relasyon?—"


"Are you saying—"


"When you love, you do alot of things Gaelan. You are happy, you are proud and you are kind. You do the right things not the wrong ones, you make everything else special. Ipagsisigawan mo sa buong mundo na nakita mo na ang taong mahal mo because that person deserves it. You do not just show it in passionate kisses or aggressive sex, because love is more than that." Seryoso ko syang tiningnan, naikuyom nya ang mga palad nya at tiningnan ako ng masama.


"Wala kang karapatang sabihin yan sa akin." Malamig na utas nya.


"Nagsasabi lang ako ng totoo. Love is not a baggage, it is freedom, kung itinatago mo yan, then it is not love."


"Tumigil ka na!" Sigaw sa akin ni Gaelan. Napaatras ako dahil kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Di ko napigilan ang pagpatak ng luha ko pero mabilis kong tinuyo yon. Nagalit ko na ng tuluyan si Gaelan. Nanginginig ang kamao nya at hinihingal habang nakatingin sa akin.


"Umalis ka na, Maria habang nasa katinuan pa ako." Matigas nyang sabi.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro