Kabanata 6
Crush.
"Umikot ka pa!" Sigaw sa akin ni Rona, ang cheerleader namin. Hirap na hirap akong kunin ang steps dahil hindi ko alam kung marunong ba akong sumayaw. Noong bata pa ako, naalala kong nagba-ballet ako, mas madali yon para sa akin dahil mahinahon ang pag-galaw. Hindi kagaya nito na halos baliin na ang aking buto.
Umikot ako ng gaya ng sinasabi. Nakahalukipkip si Rona. Sila ang sumita sa akin kanina sa locker room, siya ang may gusto kay Gaelan at pakana nya kung bakit ako nandito.
Para pahirapan ako.
Umikot ako ng isa pang beses, tumango ang mga nasa likod ni Rona na higher year habang pinapanood ako.
"She's surprisingly--" Ngumisi si Sunshine at siniko si Rona, umismid si Rona at tumingin sa malayo.
Surprisingly? Surprisingly ano?
"Montebello! Late ka na naman!" Napatingin ako doon sa direksyon na tiningnan ni Rona. Nakangiti si Selene na lumalapit sa amin, nakasuot sya ng malaking tshirt at jogging pants na ang isa ay naka-angat hanggang tuhod.
"Late dismissal, leader!" Sagot ni Selene. Dumako ang mga mata nya sa akin at agad na nanlaki iyon.
"Oh my! Ria! You are here!" Halos mapatalon pa si Selene pagkakita sa akin. Alanganin akong ngumiti dahil pinagtitinginan kami ng mga kasamahan namin.
"Enough! Kanina lang ay magkasama kayo ah? Bakit parang sumobra naman kayo sa saya? Ikaw!" Tinuro ako ni Rona, "Turuan mo yang kaibigan mo! The rest, you may take a break." Lumakad si Rona papalayo sa amin. Naiwan kaming dalawa ni Selene sa dance studio. Napakamot ako ng aking ulo. Nahihirapan na nga ako, magtuturo pa.
"Sumali ka pala!" Kumapit si Selene sa braso ko na parang tuwang tuwa.
"Oo.. I mean, hindi. Sinama lang nila ako sa listahan kasi galit sila sa akin."
Nagbago ang mukha ni Selene, napalitan ngpag-aalala "Galit? Bakit?"
"Dahil doon sa amin ni Gaelan... Gusto nila akong pahirapan..."
"Ganoon ba? Sinabi mo na ba kay Sir Advincula? Halika, sasamahan kita magsumbong." Agad na hinila ni Selene ang kamay ko pero hindi ako kumilos. Kapag ginawa ko yon, tiyak na hahanap pa sila ng paraan para mabalingan ako ng inis.
"Hindi na.. Okay lang din kasi nandito ka." Nakangiting sabi ko.
"Naku, hindi rin! Tamad ako magpractice. Nakakainis kasi yang mga kasama ko dito. Sumali lang naman ako kasi na-pressure ako kay Mommy. Si Zeus kasi kasali sa basketball. So I have to be part of the Elite Circle too."
"Anong kinalaman ni Zeus sa pagsali mo sa squad?" Kung tutuusin, ang mga tipo ni Selene ang nababagay dito, she's very pretty and petite, hindi kagaya kong malapad ang pangangatawan.
"Basta! Masyado kasi syang pabida sa parents ko kaya naiinis ako sa kanya. Minsan nga, tingin ko mas paborito pa sya kaysa sa akin." Hinawi ni Selene ang kanyang buhok at halatang naiinis. Nabanggit ni Selene na parang anak ang turing ng kanyang mga magulang kay Zeus dahil wala daw itong Daddy at ang Mommy naman nya ay abala sa pagtatrabaho. Nagkataon pang wala ding kapatid na lalaki si Selene kaya tinatangi ng parents nya si Zeus.
Tingin ko naman hindi kinulang si Selene sa pagmamahal, but maybe sometimes, your measuring tool is different to others, may mga tao namang ayaw ng atensyon, kagaya ko.
Ngumiti ako kay Selene at inaya syang simulan na ang ensayo.
Tinuro ko ang basic steps, agad nakuha ni Selene dahil graceful naman sya. Bagay sa kanya ang pagsasayaw kung tutuusin.
"Ria, magaling ka magturo!" Papuri sa akin ni Selene.
"Hindi ah.. Mabilis kang matuto.."
Umiling si Selene at lumapit doon sa stereo, sinimulang patugtugin ang ineensayo namin na kanina pa. Nakaharap kami sa salamin kaya kitang kita ko ang bawat pagkilos ko.
And another one bites the dust
Oh why can I not conquer love?
And I might have thought that we were one
Wanted to fight this war without weapons
Nagsimula akong sumabay kay Selene. Nahihiya pa ako at awkward ang pagsasayaw para sa akin pero kahit papaano, naiaangat ko naman ang katawan ko.
"Ganyan nga Ria.. Wag kang mahihiyang kumilos." Pangungumbinse pa sa akin ni Selene habang buong bigay ang pagsasayaw.
Well, I've got thick skin and an elastic heart,
But your blade—it might be too sharp
I'm like a rubber band until you pull too hard,
Yeah, I may snap and I move fast
But you won't see me fall apart
'Cause I've got an elastic heart
Natapos kami ni Selene sa inensayo namin pero hindi pa bumabalik sina Rona. Pinagpawisan ako ng sobra. Kinuha ko ang aking tubig na nakapatong sa bleachers at umupo doon, tumabi sa akin si Selene pero humiga sya at ginawang unan ang bag.
"Galingan mo, Ria. Madami sa school na to ang nag-iintay na mapahiya ka pero wag mo silang bibigyan ng kalayaan na pagtawanan ka." Sambit ni Selene habang nakapikit. Tumango ako. Kapag nagkamali ako, alam kong ibubully nila ako, kung magagawan ko naman ng paraan na maging maayos para maging katanggap tanggap sa kanila, willing naman akong gawin yon.
People that are being abused are not just plain victims, they are abused because they let it. Iniisip ko tuloy na kung nagpapaabuso ako ngayon kay Gaelan, ibig sabihin, sariling kagustuhan ko yon kaya hindi ako dapat magalit sa kanya.
Sabagay, hindi naman tama na magalit ako sa kanya at husgahan ang pagkatao nya, magagalit sa akin si Papa God. Tingin ko may pinagdadaanan lang si Gaelan at sa akin nya ibinubuhos ang frustrations nya.
Ang cheering squad na ang halos naging buhay ko sa Keio simula sumali ako. Araw araw mayroong ensayo dahil kailangang pulido na pagdating ng Intramurals. Seryoso ang lahat dahil sa pressure sa grupo namin. Dalawampu lang kasi ang miyembro kaya kailangan magagaling ang lahat. Nakalimutan na nga ata ni Rona ang pagpaphirap sa akin dahil mas inuuna nya ang kapakanan ng squad, kapag mayroon akong tama na ginagawa, pinapapurihan ako, kapag may mali, saka sya magagalit.
"Ria, talaga bang ayos lang sayo ang laging magensayo sa cheering na yan? Ang laki ng ibinawas sa timbang mo ah. Kumakain ka ba pa?" Nag-aalalang tanong ni Mama habang sinusuklayan ang buhok ko. Kakatapos ko lang magshower, inabot na kasi kami ng gabi sa school.
Ngumiti ako at tumango.
Maluluwag na halos ang lahat ng damit ko pero hindi ko pinapalitan dahil ayokong manghingi kila Mama. Madalas naman naka-PE Uniform ako dahil sa practice ng cheering squad kaya hindi ako namumrublema.
Naglalakad ako patungo sa lumang building para bantayan muli si Gaelan at Miss Farrah, napansin kong wala doon ang upuan na madalas kong upuan kaya naman tumayo lang ako sa tapat ng pinto. Tuwing nakakarating kasi ako dito, madalas nandoon na sila sa loob at tuwing mag-aalarm na ang bell, umaalis na din ako agad dahil naging sobrang demanding nung schedule ng cheering squad practice namin. Halos hindi na ako makapag-aral.
"Tatayo ka talaga dyan ng isang oras?" Napalingon ako kay Gaelan. Nakasuot sya ng itim na tshirt at pants, naglalakad papalapit sa akin. Hindi ako sumagot sa kanyang sinabi at inantay syang makalapit.
"May sakit si Farrah, pass muna kami." Aniya. Tumango ako at ngumiti.
"Okay." Pumihit na ako patalikod, sa wakas makakapunta ako sa chapel at makakapagreflect. Namiss ko kasi ang quality time with Papa God. Napangiti ako habang naglalakad. Napa-hum pa ako ng paborito kong kanta.
'Hmmm—Hmmm—Hmmm'
"Saan ka pupunta?" Natigilan ako at napalingon kay Gaelan, nakasunod pala sya sa akin ngayon.
"May pupuntahan lang ako.."
"Sama." Hinigit nya ang braso ko at nagpatiuna maglakad.
"T-teka, wag ka na sumama, maiinip ka lang doon. Saka lunchbreak na, hindi ka ba kakain?"
Sinamaan ako ng tingin ni Gaelan kaya hindi na ako umimik pa. Ako ang humakbang para maungusan ko sya, dumaan kami sa gitna ng quadrangle kaya nakarinig ako ng pagreklamo mula sa kanya.
"Ano ba yan! Ang init naman dito, Tabs!"
Eh sya kaya ang may gustong sumama. Ilang paghakbang pa narating na namin ang sadya ko. Nakahinga ako ng maluwag at mapayapa.
Kapayapaan!
"Papasok ka dyan?" Reklamo ni Gaelan ng humakbang ako sa unang baitang paayat ng chapel.
"Oo, kung gusto mo dyan ka na lang.." Nakangusong sabi ko. Tinaasan ako ng kilay ni Gaelan.
"Sinabi ko bang gusto kong nandito lang ako? Syempre aircon dyan, mas gusto ko sa loob."
"Hindi naman tambayan ang loob ng chapel eh."
"May sinasabi ka?!" Siniringan na naman ako ni Gaelan ng nakakatakot kaya nanahimik na lang ako.
Walang tao sa loob ng chapel kundi kaming dalawa ni Gaelan. Maraming fresh flowers sa loob at mga upuan, may kurtina na kulay violet, puti at gold na siyang humaharang sa mainit na sinag ng araw na nanggagaling sa labas, sa harapan naman ay isang malaking cross.
Ang solemn!
'Ting-Ting! Blag! Boom! Bag! Ting! Eeeekkkk!'
Napalingon ako sa nasa likuran ko dahil sa ingay na um-echo pa sa buong chapel, nakaupo na si Gaelan sa isa sa mga upuan at doon nagsisimulang maglaro mula sa kanyang cellphone. Napanganga ako sa kanyang ginawa. Grabe sya!
"Gaelan! Magagalit sayo si Lord! Banal na lugar ang bahay dalanginan kaya kailangan manahimik ka at hindi maglaro." Hindi ko na napigilan ang aking sarili na pagalitan sya.
"Anong gagawin ko dito?" Angil nya sa akin.
"Eh di magdadasal din! Kung hindi ka rin lang magdadasal, lumabas ka na lang." Suhestyon ko. Pinandilatan nya ako ng mata pero sinalubong ko lang iyon. Para sa religious beliefs ko, hindi ako tataob kay Gaelan!
"Pinapalabas mo ako?" Gulat na tanong nya.
"Hindi kita pinapalabas, pinapapili kita, magdadasal ka dito sa loob o mag-lalaro ka doon sa labas?" Tanong ko sa kanya. Hinawi nya ang kanyang buhok na bahagyang humaba na kaysa sa dati. Kinagat nya ang pang-ibaba nyang labi at mukhang gusto pa akong awayin.
"Bibili ka nga ng pagkain ko eh! Anong akala mo, libre ka na porket wala si Farrah?" Bigkas ni Gaelan ng buong gaspang.
"Bibilhan kita ng pagkain, antayin mo na lang ako sa labas at magdadasal muna ako."
"Gusto ko dito!" Pagpupumilit nya.
"Pero hindi ka pupwedeng maglaro.. Pag nandito ka, magdadasal ka lang." Baling ko sa kanya. Kitang kita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao.
"Hindi nga ako marunong magdasal!" Sigaw nya sa akin.
Nagulat naman ako. Ilang ulit akong kumurap kurap at hindi makapaniwala, aba kahit anong relihiyon marunong magdasal at manampalataya, pero itong si Gaelan hindi.
"Wag mo nga ako tingnan ng ganyan. Hindi ako satanista okay? I am just not comfortable talking to someone who isn't there." Nagpamulsa si Gaelan at umiwas ng tingin.
"Alam mo, hindi mo naman kailangang makita ang Diyos eh, dapat alam mo na nag-eexist sya. Dahil kung hindi, paano mo ipapaliwanag ang buhay mo."
"Of course, God exists! Hindi lang ako sanay makipag-usap. Ang awkward lang."
"Hindi ka tinuruan ng Mommy mo?" Tanong ko.
"Tinuruan. Kasama ang mga Ate ko, pero hanggang doon lang yon noong sabay sabay pa kaming magdasal saka hindi ako yung leader, si Brooke madalas o di kaya si Brandy." Kwento nya pa. Tsk tsk, kawawa naman pala si Gaelan, kanino sya tumatawag tuwing nasa panganib sya?
"Sige, dahil ayaw mong umalis dito at hindi ka marunong magdasal, tuturuan na lang kitang mag-pray. Pagkatapos, pupwede mo itong gawin bago ka matulog."
"Tsk corny!" Kontra nya sa akin.
"Labas ka na lang talaga kung hindi ka makikinig." Wika ko.
Napakamot ng kanyang ulo si Gaelan pagkatapos ay umupo doon sa upuan. Lumapit ako sa kanya at lumuhod ako sa kneeler, tinapik ko sya sa tuhod kaya gumaya din sya sa akin sa pagluhod.
"Gawin mo to okay? Pagdikitin mo ang mga palad mo saka ka pumikit... Magpe-pray na ako kaya wag kang maingay. Pakinggan mo kung paano." Tumango naman si Gaelan.
Huminga muna ako ng malalim bago magsimulang mag-pray.
"In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. I and Gaelan praise You Lord God for All the beautiful things You have created. Thank you for blessing us with good health, shelter, food and more than anything else that we could ask for. Thank you for giving us a beautiful family and friends to watch our back every time, they are our angels here on earth..."
Mahaba haba ang sinabi ko, bahagya kong sinilip si Gaelan at nakita kong nakatitig lang sya sa akin kaya bahagya ko syang siniko. Para naman syang natauhan kaya pumikit sya kagaya ko.
"Please take care of me and Gaelan everyday. Protect us from harm physically and emotionally. These we ask, in Jesus Name, Amen!" Pagtatapos ko.
"Ganoon lang!" Masaya kong sabi kay Gaelan. "Di ba ang gaan sa pakiramdam makipag-usap sa kanya? Ayan, may baon ka ng prayer today, hindi ka na dapat matakot na masaktan."
"Hah! Sinong natatakot?!" Pagmamayabang ni Gaelan. Ngumiti lang ako. Kahit papaano alam kong gumaan ang pakiramdam nya. Sino ba naman hindi? Para kayang bestfriend si Papa God.
Lumabas kami ni Gaelan sa chapel, sa baba ng stairs nakita namin doon ang mga kaibigan nyang F7, ang miyembro ng Yukan'na. May kani-kaniyang hawak na softdrinks in can at chips, mukhang seryosong nagkukwentuhan.
Unang nagtama ang mga mata namin ni Ice. Lumipat ang mata nya kay Gaelan, "Whoah! Dude! Sa loob ka galing?" Nagtatakang tanong ni Ice, umismid lang si Gaelan bilang sagot.
Nagkatinginan kami ni Yuki, may sarkastikong ngiti sa kanyang mga labi at napapailing pero wala syang sinabing salita.
"Lunch muna kami." Pagpapaalam ni Gaelan na nilagpasan ang kanyang mga kaibigan.
"Naghahamon ang Romans." Sambit ni Rye ng dumaan sa kanyang harapan si Gaelan. Natigilan si Gaelan.
"We are not a cheap fraternity, Rye. We don't do shits." Seryosong sabi ni Gaelan.
"Baka gustong magpasikat." Singit naman ni Zeus.
"At ano? Papasikatin nyo? Umuwi kayo ng maaga." Yun lang ang sinabi ni Gaelan at hinila nya ako muli patungo sa direksyon ng Food Alley.
Hindi ko naman naiintindihan ang pinag-uusapan nila. Naghahamon? Ang Romans? Yun yung taga-kabilang school yun ah.
"Teka, ano yung naghahamon?" Hindi ko napigilan ang aking sarili na magtanong.
"Naghahamon ng away." Nagkibit balikat si Gaelan na parang normal lang ito. Nagpatiuna syang maglakad papasok kaya naman sumunod ako agad.
"Makikipag-away ka? Kaka-pray lang natin!" Pagpapaalala ko sa kanya.
"Tss, sinabi ko bang makikipag-away ako? Sabi ko nga umuwi na sila di ba? I choose my battles, Maria. I don't fight with cheapskates. The only time my fist lands on worthless people is when it is for worthy people." Seryosong sambit ni Gaelan. Hindi ko mapigilan ang paghanga sa paraan ng pagkakasabi nya non. Ang cool!
"Ano? Bilib ka no?" Diretsahang tanong sa akin ni Gaelan. Nag-iwas ako ng tingin, pakiramdam ko namula pa ang aking pisngi. Gaelan almost half-smiled, umigting ang kanyang panga pero normal lang nya iyon. Bagay pa nga sa kanya.
"A-anong gusto mong kainin?" Pag-iiba ko ng topic.
"You are free to choose." Kalmadong sagot nya.
"Talaga? Kahit gulay?"
"Susubuan mo ulit ako?" Tanong nya na may kasamang pagkindat at matamis na ngiti. Sa pagkakataong iyon, namula na talaga ng husto ang pisngi ko! Ano ba ang ginagawa ni Gaelan?!
Tumawa sya, hindi, humalakhak sya. Parang tuwang tuwa pa sya sa naging reaksyon ko. Lumabi ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin.
"Wag mo na ulit gagawin yon." Banta ko sa kanya.
"At bakit?" Natatawa pa ding tanong nya pero mas mahinahon na sya ngayon.
"H-hindi ko alam, namumula ang pisngi ko. Ayoko ng ganoong pakiramdam!" Paliit ng paliit ang boses ko samantalang tutok naman ang mga mata ni Gaelan sa akin, para syang namamangha dahil nakangiti ang kanyang mga mata.
Hindi ko kasi madepina ang pakiramdam ko. Yung nag-iinit ang pisngi kasi may nakita kang nagustuhan mo, parang ngayon.
"Tabs, alam ko kung ano yan.." Nagulat ako nang akbayan ako ni Gaelan. Hindi agad ako nakakilos dahil masyado syang malapit sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko ng mabagal nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko at pasimpleng dinikit ang kanyang labi sa buhok ko.
Dub-dub-dub-dub!
Lalabas na ata ang puso ko!
"Crush mo ako." Bulong nya nang sobrang lapit sa aking tenga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro