Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 55.3







I Love You.


Pakiramdam ko unti unti akong hinuhulog ng kung ano. Ang pamilyar na bango at ang pakiramdam na pagiging ligtas ang humehele sa akin para mas makatulog pa but it didn't stop me to feel that falling feeling. Maybe because of what I heard before I fell asleep. Guni guni ko lang naman din ata, bakit naman sya magsasabi ng ganoon? Eh galit pa sya sa akin.

Nakaramdam ako ng mainit na pagbalot sa akin, mas lalo akong sumisiksik at mas lalong humigpit ang kung ano man ang bumabalot sa akin na nagbibigay ng init. Mas lalo ko pang ipinikit ang aking mga mata pero nagising ang diwa ko ng makarinig ng sobrang hina na paghinga sa gilid ng tenga ko. Inakala kong si Rigo iyon pero wala ako sa kwarto ko, nandito ako sa condo ni—

"Gaelan?" I whispered. Ang kaliwang kamay nya ay malayang nakapatong sa bewang ko, yon ang syang pumipigil sa paglayo ko. Kumilos ako ng kaunti but his wrap went tighter pero hindi iyon nakakasakal, I love the comfort.

Inaantok din kaya sya? Napuyat sa pag-gawa ng trabaho na ipe-present sa akin? Kung ganon ay hahayaan ko syang matulog pa, hindi naman pala nya babae ang kasama kagabi. Kung ano ano naman kasi ang iniisip ko.

Pinagmasdan ko ang mapayapang mukha ni Gaelan, ngayon ko lang sya nakitang natutulog nang may liwanag saka mas malapit ito kaysa sa dati. Itinapat ko ang palad ko sa kanyang bibig ang dinama ko ang init ng paghinga mula doon, the warmth felt nice, dati rati ay nag-aalala ako ng husto sa kaligtasan nya, but him sleeping beside me says that he is very much alive, ginagawa ang dati nyang gawi na pagsusungit.

Napasinghap ako ng makitang nakadilat ang isang mata ni Gaelan at tila nagtatakang sinisilip ako, nagtaas baba pa ang kanyang kilay.

"What are you doing?" He asked. Umiling ako. Mas lalong nanliit ang mata nya.

"Alam kong gwapo ako 'pag tulog.." Panunukso nya. Hinampas ko sya sa dibdib at usmismid.

"Hindi ah, yabang mo."

"Pangit ka din pag tulog." Singhal nya sa akin dahil sa hindi ko pagsang-ayon.

"Are you watching me while Im asleep?" Medyo tumaas na ang boses ko. Grabe sya sa akin! Naconsicious tuloy ako. Baka nakanganga ako kanina, puyat na puyat pa naman ako.

"Syempre, maliwanag kaya nakita ko!" Mataas na boses ang isinagot ni Gaelan pero ang kamay nya ay nakapatong pa din sa bewang ko. His breathing is almost under my nose pero hindi ko iyon alintana.

"Wag kang mag-alala at ito na ang huling beses na makikita mo akong matutulog. You don't have to be bothered about it." Nagtatampo kong sabi, ngumiti si Gaelan at mas lalong hinigpitan ang pagyakap sa akin. He looks boyish when he does that.

"Imposible kaya yang sinasabi mo. Tingin ko ay kailangan kong tiisin ang kapangitan na yan sa araw-araw. Kahit na bigla na lang akong magugulat dahil aakalain kong katabi ko ang bida sa The Ring dahil sa gulo gulo mong buhok at sobrang puting kutis." Sambit nya sa gilid ng aking leeg dahil sa pagsusumiksik nya doon.

Nakadama ako ng sobrang pagkainis. Hindi ko alam kung dahil sinasabi nyang kamukha ko si Sadako o pinapaasa na naman nya ako sa isang bagay na hindi naman mangyayari. Paasa din ang Gaelan na ito eh. Lagi na lang.

"Kung kamukha ko si Sadako, ikaw naman kamukha mo si Incredible Hulk lalo na kapag natutulog ka at nakasalubong ang kilay. Ayoko naman atang makita yon sa araw araw.." Sagot ko.

Hinila ni Gaelan ang kaliwang kamay ko at sa isang iglap may naramdaman akong isang bagay sa isa sa mga daliri ko.

"Wala kang choice, Baby. Kailangan mong tiisin yon." Bulong ni Gaelan ng sobrang lambing. Masuyo nyang hinaplos ang kamay ko at iniangat iyon, ganoon na lang ang gulat ko ng makitang mayroong isang singsing doon. It is a platinum ring with a princess cut diamond and baguette side stones. Simple iyon kung sa simple pero napakaelegante.

Humapas ang puso ko sa aking dibdib at halos lumabas iyon. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak. Pakiramdam ko gusto ko na lang kainin ako ng kama dahil dito!

Napalabi ako at tiningnan ang singsing sa malapitan. It shines on its own. Ang ganda.

"Nagpo-propose ka ba?"

"No, I am telling you my plans of marrying you.."

"Tinanong mo ba ako kung gusto ko?" I asked. Natigilan si Gaelan at pinagmasdan akong mabuti.

"What if--- I mean, ilang buwan kang nawala. Hindi ka nagparamdam, how would you know if I met someone in the process. Or—or hindi pa ako handa dahil priority ko ang negosyo ng aming pamilya.." Nalilito ako sa gusto kong unahing salita. It slurred my speech actually. Lumungkot ang mga mata ni Gaelan at bumagsak ang tingin doon sa singsing.

"Sabi ni Neto wala ka naman daw kinikitang iba. Bahay at trabaho ka lang.. Kung ganoon.. Mayroong—mayroon kang nakilalang supplier mo ng kung ano at nagustuhan mo sya? Nililigawan ka nya tuwing mayroon kayong meeting, ganoon ba?" Ramdam ko ang sakit sa simpleng tanong ni Gaelan. Malamlam ang kanyang mga mata at halos hindi makumpleto ang gustong sabihin. Halos matibag ang gawa-gawa kong pagmamatigas. Ilang beses na ba akong nasaktan, gusto ko naman ngayon ay siguradong sigurado na sya.

"Pupwedeng ganon." I said, hindi na ako nagtaka if he gets his information from Agent Neto, Gaelan is known for his scheming skills since then. Humigpit muli ang yakap ni Gaelan sa akin at ipinahinga ang kanyang mukha sa aking leeg.

"Huli na pala ako.. Akala ko ako ang tinutukoy mo kagabi. Huli na pala ako."

"Kagabi?" I asked. Hindi naman na kami nag-usap kagabi.

"We were chatting last night. You said you're jealous, you were so mad last night..." Kuwento nya. Unti-unting bumangon ang konklusyon sa aking isip at halos matapik ko ang noo dahil doon.

Stupid, Ria!

"Ikaw si Gummy Bear?!" Halos umecho ang boses ko sa apat na sulok ng kwarto ni Gaelan. Hindi sya nag-angat ng mukha pero ramdam ko ang pagtango nya.

"Bakit mo ginawa yon? Niloloko mo pala ako!"

"Ang bagal mo kaya kumuha ng clue.." He mumbled. Tinapik ko ang kanyang balikat.

"Ang daya mo talaga! Hindi mo naman ina-accept ang friend request ko doon sa real account mo! Siguro madami ka doong babae! Siguro kung kani-kanino ka nakikipagdate kasi maharot ka!"

"Hey, excuse me!? I placed my profile in public for your freedom of stalking. Ang babaeng nakikita mo don ay anak ng Tito ko sa Germany. Walang kahit sino ang nandoon." Umangat na ang mukha nya para depensahan ang kanyang sarili.

Napalabi ako dahil sa paglilinaw nya pero hindi ko din maiwasan ang makaramdam ng tampo "But you left me, hindi mo man lang ako inantay na magsorry." Bulong ko. Huminga ng malalim si Gaelan at hinaplos ang pisngi ko.

"Mas mabilis akong aalis, mas mabilis akong makakabalik sayo. I said I will marry you after all that trouble. I have to train in Germany to understand the accounts so I had to leave. I need to earn because I resigned in Yukan'na so I have to take over our business. I need to earn because I want to provide for our future."

Wala na, natunaw na talaga ang lahat ng nararamdaman kong pangamba. Mangiyak ngiyak pa ako kagaya ng mga ordinaryong proposal na napapanood ko, but Gaelan isn't proposing!

"Pero galit ka.."

Umiling si Gaelan, "Naiintindihan ko ang reaksyon mo, Maria. But Im sorry, kahit hindi ito ang trabaho ko, I know that I will do that over and over again. I will kill people if they try to harm you. Kahit subok lang ay hindi ko papalagpasin." His jaw clenched at tila inaalala ang nangyari noong nakaraan.

"Nag-sisi din naman ako," I sniffed. "Pero nakakainis pa din kasi miss na miss na kita—I mean, namin ni Rigo."

Ngumiti si Gaelan. Nagkaroon ng pag-asa ang kanyang mga mata.

"Buti na lang . Gusto lang talaga kitang pasabikin." Pabiro nyang wika.  "Im sorry Baby, I want to surprise you with the change. Eto na ako o, nagbabago na ako para sayo."

"You were never Bad." I whispered. "You were never bad at all."

Humalakhak si Gaelan. "Wag mo na ako bolahin, papakasalan na nga kita." Sambit nya. Napasimangot na naman ako at naalala ang singsing na inilagay nya sa kamay ko. Sabi na nga ba't umiistyle na naman ang isang to para mapaamin ako sa nararamdaman ko.

"Magpaalam ka muna kay Daddy." Matigas kong sabi.

"Ganoon ba ang gusto mo?" Malambing nyang tanong. I nodded.

"Kahit alam ko naman na ang sagot nya, pero sige." Confident nyang sabi.

Ang yabang yabang nya talaga kahit kailan! We stayed cuddling for awhile. Sinubukan ni Gaelan na patulugin akong muli pero ayaw ko na dahil kakantyawan na naman nya ako! Nanatili na lang akong gising at nakapaharap sa dibdib nya. The silence itself is calming. I realized how bad I want this. Ito siguro ang hinahanap ko ng sobrang tagal na. Ito ang kulang sa buhay ko noon. Not only the simplicity of life but the simplicity of life with your heart in it.

Nakakatawa na si Gaelan lang pala ang hinahanap kong kapayapaan kahit noon pa man. Kapayapaan sa likod ng kanyang katauhan na masungit, matigas ang ulo at laging malamig makitungo. He has his own way of melting hearts. Hindi ko alam na may mas ilalambot pa pala ang puso ko pagdating sa kanya.

"Baby, ipagluto mo ako.." Bulong ni Gaelan. Naalala kong hindi pa pala kami kumakain at lagpas na ng tanghalian. Tumango ako at sabay kaming bumangon. Binuksan ko ang ref ni Gaelan at napakaraming laman non.

"Dito ka ba lagi nag-sstay?" Tanong ko habang pumipili ng karne na maaring lutuin. Gaelan shook his head.

"Kagabi lang, sabi mo kasi nagseselos ka eh." Kaswal na sagot nya, pumula ang aking pisngi. Grabe talaga si Gummy Bear! Kumukuha lang pala ng impormasyon!

"Eh bakit dito ka bumili ng condo?" Nilagay ko sa sink ang frozen na karne at sinilip muli ang Makati Skyline mula sa putting kurtina na hindi tinitigilan ng hangin. Nagustuhan tiyak ni Gaelan ang view dahil napakaganda dito. Nagsimula na syang kainin ang cookies na ginawa ko ang his face shows delight!

"Para malapit sayo. Dito na ako lagi uuwi kasi gusto ko ako ang maghahatid at susundo sayo mula sa opisina habang hindi pa tayo naikakasal. Magbabago yon kapag kasal na tayo."

Nag-baga na naman ang pisngi ko. Gaelan and his frankness!

I made a parsely and chicken pasta for the both of us at nag-roast ng chicken. Kumpleto sa gamit na pangkusina ang condo ni Gaelan, I am now wondering if he cooks as much. Walang ginawa si Gaelan kundi purihin ang luto ko. Hindi naman na kailangan pero laging ganoon.

Halos papalubog na ang araw ng mapagdesisyunan namin ni Gaelan na lisanin na ang kanyang condo. Pupunta na kami sa bahay para hingin ang aking kamay sa Daddy ko. Sabi naman nya ay alam na nya ang sagot ni Dad eh.

Naligo muna sya, nagbihis at nag-intay ako sa kanyang sitting room na matapos sya. Naamoy ko ang kanyang bango mula sa kwarto at umabot ito hanggang sa kinauupuan ko. Halos matawa ako ng makitang mas pormal pa sya kaysa kanina. He's wearing a three-piece suite now and his hair was neatly combed.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" I laughed. Sumimangot si Gaelan dahil sa reaksyon ko. Of course he looks dashing but why?

"Do I look like I can marry someone at this age? Mukha na ba akong kagalang-galang kahit 25 years old pa lang ako?" Kinakabahan nyang tanong. Tawa pa din ako ng tawa. Hindi ko mapigilan.

"Did you ever doubt that?" Tanong ko na pinipigilan na ang pagtawa. Baka kasi hindi na nya ituloy ang balak nya.

"Sagot!" Gaelan demanded, naiinis na sa akin habang nakatayo pa din sa harapan ko. Tumayo ako mula sa couch at lumapit sa kanya. Inayos ko ang kanyang itim na coat at necktie.

"Baka magulat si Daddy kasi ang gwapo naman pala ng pakakasalan ko." Seryoso kong sabi sa kanya. Unti unting napawi ang kaba sa mukha ni Gaelan.

"Pero lagot ka sa mga Kuya ko." Pagbibiro ko.

"Itatanan kita kapag hindi sila pumayag!" Pagbabanta ni Gaelan.

"Akala ko ba confident ka sa sagot nila?"

Napabuga ng hangin si Gaelan, "Baka kasi sabihin nila na kapag 30 ka na, saka papupwede ang kasal. Gusto ko ngayong taon na."

"Bakit ka ba nagmamadali?" Kumunot ang noo ko.

"Kasalanan bang hilingin na makatabi ka gabi gabi sa pagtulog hanggang sa pag-gising sa umaga? Saka gusto kong magkaroon ng pamilya habang maaga para kapag malalaki na ang mga anak natin at kaya ng tumayo sa sarili nilang mga paa, hindi pa tayo ganoon katanda. Tatakas tayo at lilibutin natin ang buong mundo ng tayong dalawa lang." His eyes went dreamy. Habang binabanggit nya yon, talagang nakita ko ang sarili ko kasama nya sa iba't ibang parte ng mundo. I love that. I want him to be a part of that dream too.

Pero ayoko ng ideyang iiwan namin ang mga anak namin para magliwaliw.

"Gusto ko kasama pa din natin ang mga anak natin!" I insisted.

"Paano kita ma-so-solo!?" Tutol ni Gaelan.

Umismid ako, "Mr. Ancheta, tiyak kong kapag matanda na tayo hindi ka na masasabik sa presensya ko. Mapupuno na ako ng kulubot at puting buhok!"

He smirked, parang hinahamon ako ng ngiti nyang yon.

Inilagay ni Gaelan ang mga kamay nya sa aking magkabilang bewang at mataman akong tinitigan. Itinapat nya ang noo nya sa aking noo.

"Mrs. Ancheta, hindi mangyayari yon. Paulit ulit akong masasabik sa presensya mo hanggang sa huling beses ng paghinga ko. Hindi ko matitiis ang hindi ka makita, makausap o makasama. I promise that you will be in my frequently called list and at the top of my facebook messenger. Paulit ulit kong lalagyan ng puso ang mga posts mo at ako ang unang makakatikim ng bawat lulutuin mo. I promise to be clingy when I have all the rights to." Buong pagsuyo nyang sabi.

Kinapos ako ng hininga dahil sa sinabi nyang iyon.

Nag-umapaw sa emosyon ang puso ko. I never imagined that looking forward to a life with him will be this happy. Mga planong kay sarap pakinggan at panghawakan. Nakakatuwa, nakakasabik.

---

Nakatunghay kami sa harap ng aming mansyon at hindi pa din pumapasok. Madilim na ang paligid at halos malapit na ang dinner time. Nagtext na nga si Daddy na iintayin ako sa dinner kaya kailangan na naming bumaba. Plano kong i-sorpresa ang pamilya ko sa pagdating ni Gaelan.

"Halika na, nag-iintay na ang pamilya ko." Aya ko. Lumunok si Gaelan at sinulyapan ako. "Kasi naman ang dami mong dinala na cake saka wines. May cheese platter pa at ham. Wala namang party.. natagalan tuloy tayong dalawa." Sambit ko. Hindi talaga nagpapigil si Gaelan sa pamimili kahit sinabi ko na wala na syang dapat ipag-alala. I just need to formally introduce him to my family as his boyfriend.

"Did I bring enough?" Kinakabahan pa din talaga. Kinuha ko ang magkabilang kamay ni Gaelan na malalamig and gave him a comforting smile.

"More than enough. Wag ka ng kabahan. Kapag hindi sila pumayag, better luck next time."

Sumimangot si Gaelan.

"Hindi ka nakakatulong." Angil sa akin ni Gaelan kaya natawa ako. Mabuti naman at pumayag na din syang bumaba ng kanyang sasakyan pagkalipas pa ng limang minuto. Sya ang nagbitbit ng mga pinamili nya at tinanggihan ang alok kong tulong.

Naririnig ko na ang boses ng aking pamilya sa hapagkainan. Nilapitan ko si Gaelan at sinabayan ang kanyang paghakbang. Nang makarating kami sa dining area, parang TV na nalagay sa mute ang kwentuhan ng aking pamilya, binaba nila ang kanilang kubyertos. Nawala ang kanilang boses at lumipat sa amin ang tingin.

Tumikhim ako, "Good evening! K-kasama ko si Gaelan." Now this is really awkward. Napadako ang mga mata ko kay Kuya Rab na inilipat ang tingin sa hawak ni Gaelan pagkatapos ay pinanliitan kami ng mga mata na para bang naiintindihan na ang mangyayari.

"No way." Kalmado naman ang pagkakasabi non ni Kuya Rab pero bakas ang pagtutol, kitang kita ko ang panghihina sa mata ni Gaelan. Kuya Rab and Gaelan was supposed to be the closest! Pero ito ang unang tumutol.

"Saan ka nanggaling, Ria? Umalis ka daw sabi ni Ahmed?" Daddy asked to break the ice.

"Dad, I said she was in the meeting." Singit ni Kuya Ahmed.

"Outside." Dad pointed out.

"Nag-punta po ako sa condo ni Gaelan---"

"What?" Gulat na gulat si Daddy. Si Mommy naman ay agad na humawak sa braso ni Daddy para pigilan ito sa pag-aalburoto. May mali ba akong nasabi?

Oh please, family, hindi pa kami nakakaupo!

"I never knew what kind of set up you had when you were in that island.." Panimula ni Daddy na hindi pa din kami inaalok ng upuan. "But now my Princess is safe at dinala mo sa iyong condo?"

"Wala po kaming ginawa na masama—" Putol ni Gaelan.

"Ang karangalan ng anak ko bilang isang babae ang nakasalalay dito, Mr. Ancheta. Dalagang tao at dinala mo sa condo mo na kayo lang dalawa. Mahuhusgahan si Ria dahil doon. Hindi ako makakapayag na hindi mo sya papakasalan."

Pinanlakihan kaming lahat ng mata bukod kay Daddy. Ganon ganon lang iyon? Hindi pa nga nagtatanong si Gaelan ay pinagtulakan na nya ako!

"Pierre Alfred!" Suway ni Mommy kay Daddy.

"What?" Tila nagtataka pa si Daddy sa bayolenteng reaksyon ni Mommy.

"Hindi pa nga tayo tiyak kung may nangyari na ba!" Si Mommy.

"Helga Maurice, noon naman at walang nangyari sa atin, nakasal din naman tayo, hindi ba?" Malambing na sabi ni Daddy kay Mommy na awtomatikong namula ang kabuuan ng mukha.

Ngiting ngiti si Gaelan pagkakita ko. Ang mga Kuya ko naman ay parang sinakluban ng langit at lupa.

"Ang bilis naman." Bulong ni Kuya Xenon.

"Six years. I waited for six years to marry her." Singit ni Gaelan.

"Oo nga naman, matagal syang nag-intay." Singit muli ni Daddy. Now this is getting weird. Parang sobrang sang-ayon naman si Daddy at pinagtutulakan nga akong makasal. "Upo muna kayo. May bagong seating arrangement. Xenon, lumipat ka sa tabi ni Ahmed at Rab, Sam at Gilad sa gawing kaliwa tapos si Gaelan at Ria sa kanilang tabi."

And this funny seating arrangement we have as a family. Ibig sabihin kahit sa library talks ay magiging ganito na din ang ayos. Laging mayroong space para sa karagdagang miyembro ng aming pamilya. Kitang kita ko ang saya sa mukha ni Gaelan dahil sa pagtanggap ni Daddy. Sya ang nag-aasikaso sa akin, ang naglalagay ng pagkain sa aking pinggan at pati na din ang inumin. Si Kuya Rab ay masama pa din ang tingin kaya hindi na din sya tinitingnan ni Gaelan.

"You should still give information to Kuya Rab about Brie. Mukhang malungkot sya dahil wala na syang kapalitan ng impormasyon." Bulong ko kay Gaelan habang kumakain kami ng dessert.

"What? They broke up." Pabulong din ang sabi ni Gaelan.

"Naging sila? Kailan? Paano?" Bulong ko pabalik at nagulat ng husto.

"Oo, mga three days lang. Tapos nakipagbreak si Brie na walang sinasabi."

Kaya naman pala iritado si Kuya Rab noong mga nakaraang araw. Kawawa naman pala sya.

Kaswal na kwentuhan lang ang ginawa ng aming pamilya doon sa living room, nandoon si Rigo at gumagawa ng sarili nyang ingay, nakumusta na din sya ni Gaelan kanina and they had their picture together.

Pinatanggal ko na kay Gaelan ang kanyang coat at necktie dahil binigyan sya ni Daddy ng wine. Baka mainitan sya kung ganoon pa din ang suot, isa pa, nakapambahay na ang buong pamilya ko at sya lang ang pormal na pormal.

"When shall we set the engagement party?" Tanong ni Daddy na mukhang excited na excited pa.

"As soon as possible, Sir." Magalang na tugon ni Gaelan.

"Drop the Sir, call me Dad too."

Ngumiti si Gaelan at tumango. "I will set up a dinner this coming Friday for our whole family to formally announce our engagement, Sir—Dad. Nandito po kasi ang pamilya ko from Germany so I think this will be the best time. I want our wedding to happen in three months time, sa Birthday po ni Maria."

Nagulat naman ako dahil mayroon na palang naka-set na date! At sa birthday ko pa!

"Maganda yan." Si Daddy.

"Ang corny!" Tutol ni Kuya Rab habang hinehele si Rigo sa kanyang mga bisig.

"Radley Brent." Suway ni Mommy, napailing na lamang si Kuya Rab.

All in all naging masaya naman ang usapan kahit na tumututol si Kuya Rab ng paunti unti. Masyado lang siguro syang malungkot sa nangyari sa kanila ni Brie.

Inihatid ko si Gaelan sa kanyang sasakyan ng mas lumalim na ang gabi. Kahit ayaw ko na sanang matapos, kailangang umusad ang mga araw para dumating na ang araw ng kasal namin. I won't have to walk to his car every night and say goodnight over the phone. Lahat ay magagawa na namin ng magkaharap. Iniiisip ko pa lang iyon ay parang may paru-paro na sa tyan ko na nagdidiwang.

"Bakit sa birthday ko?" I asked noong akang bubuksan na ni Gaelan ang pinto ng kanyang sasakyan.

Ngumiti si Gaelan at tumingala sa langit bago ako muling tiningnan, "I want happy memories. Gusto kong burahin ang lungkot na ibinigay ko sayo noong 17th Birthday mo. Nangako ako sa sarili ko na papalitan ko ang memoryang yon. Kung iiyak ka, titiyakin kong luluha ka sa saya dahil finally, hindi ka na ulit aalis mag-isa. Lagi mo na akong kasama kahit saan ka magpunta."

"But you never left me. Lagi kang nakabantay kahit malayo ka—"

"I want to change that memory of mine too. Masakit tingnan ka mula sa malayo."

Ngumiti ako at yumakap kay Gaelan. This is too happy. Masyadong masaya, sana ay wala ng magbago pa.

Hindi ko na muling kakayanin kung magkakaroon muli.

Napatingin ako kay Gaelan at nakatingin sya sa akin.

What now?

"Baby?"

"Hm?" My lips automatically smiled, napawi iyon dahil mabilis akong hinalikan ni Gaelan sa labi.

"I've been wanting to do that since yesterday. I love you Baby and I am so happy right now." Puno ng pagmamahal ang bawat salitang kanyang binitawan habang hindi pa din ako nakakabawi sa gulat. Kinurot ni Gaelan ang aking ilong.

"Masanay ka na. I love you.." He said.

"I love you too.." I answered back.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro