Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 55.1


What.


Dahil nagdududa ako sa katauhan ni Gummy Bear, hindi ko na sya kinakausap. Tapos nalulungkot ako kasi si Gaelan hindi na nagfe-facebook, wala na tuloy akong ma-stalk.


"Ria to earth, hello?" Kumaway sa akin si Kuya Ahmed. Tiningnan ko sya at medyo nagulat pa ako. Napailing sya na parang natatawa.


"Sorry  Kuya.." I apologized. Hindi ko alam .  Isang linggo na kasi akong walang balita kay Gaelan kaya feeling ko nawawalan ako ng energy. Tinatamad na akong magtrabaho. Gusto ko na  lang sa bahay tapos magbe-bake na lang ulit ako.


"Ria, bawal mag-hang. Final stage na tayo ng business plan. We have to finish our malls in one year, otherwise maapektuhan ng husto ang conglomerate." Paliwanag sa akin ni Kuya. I sighed.  Alam ko naman yon, kaya lang anong magagawa ko?


Nagpamewang si Kuya at tumayo sa harapan ko, "Okay, ganito na  lang. Take a day off. You're maybe exhausted. But I expect you to be hands-on on the day of the construction  okay? I will check the quality while you will stay close with our suppliers. Nakausap mo na ba ang Valdemar o ang Armstrong? Well, yung Valdemar kasi focuses on townhouses now, ang Nemesis and ASM naman are exclusive to Jacinto's Malls. My pick is Armstrong. I've spoke with Marga, their VP Sales and she said she will be sending the quotation today so review it tomorrow,  rest for a while. Relax, Princess.." Mahinahong sabi sa akin ni Kuya.


Hindi naman kasi ako masyadong stress eh. Baka matawa lang si Kuya kapag sinabi ko ang dahilan ng pag-e-space out ko. I glimpsed on my ipad again. Wala pa ding post si Gaelan. Si Gummy Bear, himala at hindi naman ako kinukulit ngayon. Nagsawa na siguro.


Sinunod ko ang payo ni Kuya. I think I need to get sleep. Kakaabang ng post ni Gaelan, para akong fangirl nya na napupuyat sa wala. Gusto ko lang naman kasing malaman kung kumusta na sya pero hindi naman nya ako ina-add sa facebook nya.


Pagdating ko naman sa bahay, wala si Rigo, isinama daw ni Mommy at Daddy sa golf course. Wala tuloy akong mapaglibangan.  Binuksan ko muli ang laptop ko at tiningnan ang sinasabing email ni Kuya mula sa Armstrong.


I scanned through the prices and noticed one thing.


Mahal.


Ganito ba ang presyo ng semento at bakal? Siguro kung makakadiscount kami ng kahit 25% pa, malaki ang matitipid namin.


Humingi ako ng tulong kay Selene ng hindi ko mapalagay. Ipinasa nya ako sa kanilang staff para bigyan ako ng presyo ng bawat materyales.  I compared the prices of Armstrong from the cost at nakita kong sobrang laki ng deprensya.


"Grabe Selene! Ang laki ng tubo nung kukuning kumpanya ni Kuya. Sana ay kayo na lang!" Reklamo ko sa telepono habang nakahiga sa aking kama. Sumakit na kasi ang mata ko sa kakatingin ng napakahabang listahan ng mga materyales na kakailanganin.


"Hindi na tumatanggap ng malls si Daddy. Masakit nga daw sa ulo dahil mahigpit sa deadline at napakadaming requirements. Feeling ni Daddy nalulugi sya sa back jobs dahil sa specifications ng arkitekto na hindi sang-ayon sa engineer."


"Ganoon ba?" Ngumuso ako at tiningnan muli ang papel na hawak. "Imagine, isang bag ng semento doon sa kukuning contractor namin ay 240 pesos, samantalang ang cost lang pala nito ay 110 pesos. Imagine kung ilang bags ang kakailanganin namin. We are not talking about one piece of cement bag Selene, Milyong bag ng semento para sa limang malls na sabay sabay itatayo. And not only that, mayroon pang steel--" Naghuhurumentado na ako dahil sa laki ng gastusin. Bago sa akin ang lahat ng ito. Nakikita ko lang kasi ang finish product at hindi ko akalain na ganito pala kalaki.


"Ria, you may ask for a discount." Suhestyon ni Selene.


"Bukas nga ay makikipag-usap ako kay Marga, Yun ang contact ni Kuya. Dapat ay discounted na ito."


"For sure it is discounted, hindi ka lang sanay sa presyuhan. Dapat pala ay hindi ko na lang binigay sayo ang at cost ng mga materyales, hindi ka tuloy mapalagay ngayon. Kailan ka ba pupunta dito?" Pag-iiba ni Selene sa usapan.


Ilang sandali pa kaming nag-usap ni Selene. Nasa ibang yugto na naman sya ng buhay nya dahil bumalik daw sya sa kanyang asawa. Well kailangan ko sigurong dalawin si Selene dahil kung nananakit ang asawa nyang yon, he should know that Selene has a friend, hindi na ako makakapayag na saktan ng ganoon si Selene. However, I respect her decision if she really loves her husband.


"Hello, Marga?" Sambit ko sa kabilang linya. ng papagabi na. Kanina pa ako sumusubok na tumawag sa Armstrong at laging busy ang kanilang linya.


"Yes, Miss Floresca?"


"I want to ask if your quotation is already the best price that you could give us? Sa inyo din naman kami kukuha ng gagawa. I mean, from the scratch we will build a mall at sa inyo kukuhanin lahat. Wala bang discount pa?" 


"Naku, Miss Floresca, that is way lower than the prevailing market rates but I can present tomorrow some freebies that we can negotiate on. Sa presyo ng materyales, iyan na talaga."


I mentally rolled my eyes. Yes, lower than the prevailing market pero pupwede pa namang ibaba sana. Napabuga ako ng hangin.


"Okay, I will see  you tomorrow. Your office or mine?" I asked.


"Is it okay if we will meet in  Armstrong, Miss Floresca.? I have a very tight schedule tomorrow and my only available time is after lunch. I will just make it super quick lang.  But if not, I can meet you in Ahmed on Saturday." Tiningnan ko ang aking digital calendar sa side table ng aking kwarto. It is Rigo's vaccination.


"Okay, let's meet in Armstrong tomorrow, Marga. Thank you!"


Kinabukasan, kahit tanghali pa ang meeting ko kay Marga, maaga na akong naghanda. Napakalayo ng Ahmed sa Armstrong. I need to be in Ahmed to sign some checks then pupunta na ako ng Armstrong. I have to do it early. Kahit tulog pa si Rigo ay kailangan ko ng umalis, mabuti na lang at may sarili na syang nursery room kaya hindi na sya maabala tuwing maaga ako. I kissed him on the cheek before I rushed down in the stairs.


"Ria, kain muna." I heard Kuya Gilad from the dining table. Katabi nya si Sam at kumakain silang dalawa. Sam smiled and gave an okay sign. I looked at my dress, it is just a black skater skirt and white longsleeves. Ipinusod ko ang ngayon ay mahabang buhok ko at naglagay ng manipis na makeup.


"Hindi na, Kuya.  I need to rush!" I kissed him on the cheek and Sam tapos tumakbo na ako patungo sa main door.


Ipinag-drive thru ako ni Agent Neto sa Starbucks ng Hot Chocolate at French toast. Maybe he can sense that I haven't eaten yet. Sinasabi ko na nga ba't maalalahanin itong si Agent Neto. I think it was a good idea dahil sinalubong agad namin ang traffic. Habang kumakain ay naglilibang ako sa news channel dito sa sasakyan.


"Finally!" I said ng makarating na kami sa Ahmed. Kahit hindi masyadong malayo ay trapik pa din. "Hi Manong!" Kumaway ako sa gwardiya sa aming lobby. The guard smiled back.


"Ang aga ni Ma'am!" Puna nya pa sa akin.


Isang mabilis na pagpirma ng mga checks ang ginawa ko. The wall clock said it is 10am. Ganoon lang yon? Wala pa akong masyadong nagagawa at kailangan ko ulit umalis.


"O? Aalis ka na?"Nagulat pa si  Kuya Ahmed ng nagmamadali akong lumabas ng office namin. I nodded.


"Yes, meeting in Armstrong." I said. Kumunot ang noo nya. 


"Sino ang kausap mo?"


"Marga. Di ba sabi mo ireview ko ang quote? Nagawa ko na kagabi and I have questions so we decided to meet."


"Ohhh, okayyy.." Tiningnan ako ni Kuya na parang naguguluhan pa din. I just smiled.


Kinakabahan siguro sya dahil ito ang kauna-unahang external meeting ko. I never met any of our suppliers, laging mga empleyado lang namin dito ang ka-meeting ko.


"Agent Neto, Armstrong tayo.." I said as I sat comfortably at the back. Kumunot ang noo ni Agent Neto.


"Bakit po?" He asked. It is my time to crease my forehead. He never asked why, he always say okay.


"Business Meeting." Tipid na sagot ko. Nawala naman ang pagkunot nya saka tumango tango.


"Okay, I understand." He said. Maybe another safety protocol. May history ba ng terrorist attack sa Armstrong kaya ganoon ang mga reaksyon nila?


Saktong dalawang oras ang inabot ng aming byahe. The traffic is getting worst. Buti na  lang ay nakatulog ako ng kaunti. I'll take my lunch after my meeting. 12:30 pa lang ay napagpasyahan ko ng sumulong sa loob ng Armstrong.


Napabilib agad ako sa kanilang opisina. Ang ganda ng mga kulay na ginamit sa lobby pa lang.  Lumapit ako sa front desk para hanapin si Marga pagkatapos ay binusog muli ang aking mga mata sa  pulang walls at wood carvings ng lobby. The furniture are all made of steel. Impressive. Kaya siguro ito ang gustong contractor ni Kuya Ahmed.


Pati ang sofa ay expensive leather. Sa Italy lang ako nakakita ng ganitong materyales. Dinama pa iyong ng kamay ko at pasimpleng pinuri ang mga gamit.


"Miss Floresca, may I assist you?" Sabi sa akin ng receptionist.


Tumayo agad ako mula sa pagkakaupo "Yes please."


Naglakad kami sa malawak na lobby patungo sa siyam na pintong elevator. The scent of fresh lavender welcomed my nose. Nagtungo kami sa  nakahiwalay na elevator door, hindi gawa sa metal ang pinto kundi gawa sa kahoy, aakalain mong parte pa din ito ng disenyo ng kanilang pader.


Ting!


Tuamlima agad ako ng bumukas ang pinto. Isang button lang ang mayroon sa loob. Nilahad ng receptionist ang kanyang kamay at pinapasok ako sa loob. Inantay ko syang pumasok pero papasara na ang pinto at hindi na sya kumilos.


I pressed the hold button "Hindi ka sasama?" I asked. Ngumiti ang receptionist at umiling.


"We are not allowed to go upstairs Ma'am." magalang na sagot nito. Tumango lamang ako at inantay na magsara ang pinto.


Bumukas muli ang elevator pagkatapos ng napakahabang pag-akyat. I am not even sure which floor I am.  Huminga muna ako ng malalim bago humakbang. 


Another scent welcomed my nose, and it is somehow, familiar.


Not a scent of a flower but a wood. A fragrant manly scent of a wood.


"Good Afternoon, Miss Floresca. You are early." Halos mapatalon pa ako sa boses ng nagsalita, nagmula ito sa  isang parte ng kwarto at naglakad patungo sa malapad na office table. 


Hindi ako agad makapagsalita sa sobrang gulat at halos kapusin pa ng hininga!


Gaelan is there. Staring at me blankly. 


 And why does he looks so dashing in his three piece suit? Isang longsleeves na navy blue ang kanyang pang-ilalaim at slim cut ang kanyang slacks.  Tumaas ang kanyang kilay ng hindi ako nagsalita kaagad.


"I-iam l-looking for M-marga." C'mon Maria, do not stutter!


Tumaas ang kilay ni Gaelan at kalmadong umupo sa malapad na swivel chair. Pinatong nya ang kanyang siko sa armrest at nilagay ang kanyang dalawang daliri sa kanyang baba.


"Marga said you are here to negotiate about the price? Might as well talk to the owner." He said without any recognition in his voice. Ramdam ko ang panlalamig sa kanyang boses.


He's the owner of all these?


Huminga ako ng malalim at pinigilan ang panginginig ng tuhod. Hindi nya dapat mahalata na gulat na gulat akong makaharap sya ngayon. At hindi nya dapat malaman na gustong gusto kong--


Makita sya..


I missed him.


"Ahm, yes." Kinuha ko sa bulsa ng bag ko ang aking USB, nandoon ang quotation ni Marga at ang proposed pricing ko kahit hindi ko tiyak kung tama ba na ganoon ang ginawa ko.


Nilagay ni Gaelan ang aking USB sa kanyang laptop at nagtipa ng ilang beses bago muling sumandal sa kanyang swivel chair at kunot noong tiningnan ang file. Nilingon nya ako ng may nanunuyang mata pagkatapos ng ilang minuto.


"You are kidding right?" He asked. Mabilis akong umiling, nanatili pa din akong nakatayo sa kanyang harapan.


"From 240, you want us to lower down the price to 130?"


I eagerly nodded again.


"And why would we do that?" He asked.


"Because your cost in every bag of cement is just 110." I pointed out. "Volume naman ang aming kukunin--"


"Miss Floresca, what about our mobilization? The delivery of these to your site, trucks, gasoline, manpower, food for my crew.. Pagkakasyahin mo ang lahat ng iyon sa bente pesos kada bag ng semento?" He curiously asked. 


I stiffened.


Para namang may isang bola ng common sense ang tumama sa akin, napiahiya ako. Nanliit ako tuloy at gusto ko na lang kainin ng lupa.


I was not able to think about that! Saan nga ba lumipad ang utak ko?


"You have to revise your file or find someone who can work on this pricing."


"S-sandali, how about the others?" I asked ng akmang tatanggalin na nya ang USB sa kanyang laptop.


"Do I have to say that your file is a trash? Hindi ko na kailangang tingnan ang lahat." Malamig na sabi nya. Napalabi ako at naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko.


No, Ria... Not now. Save your tears later.


"Ang sungit sungit mo naman!" I yelled kasabay non ang pagtunog ng aking tyan. Gaelan's wall clock said it is past 1PM. Mas lalong namula ang aking pisngi. Di ko na napigilan ang pagtulo ng luha.


I am mentally tired thinking about my job and this guy in front of me tapos puro pagsusungit lang pala ang aabutin ko.


Tumalikod na ako at sinubukan pindutin ang elevator button pero hindi nagbukas iyon. Inulit ulit ko pa pero ayaw pa din. Natuyuan na ako ng luha at ibinaling ang atensyon ko sa elevator.


"Nandito ang control nyan." I heard Gaelan said pero hindi ko na sya nilingon.


"Eh di pindutin mo ng makababa na ako. Maghahanap pa ako ng hardware na tatanggap ng proposal ko." Pinilit kong patatagin ang boses ko.


Inantay kong buksan nya ang kanyang elevator door pero hindi yon bumukas hanggang sa maramdaman ko na lang na nakatayo na si Gaelan sa aking likod at sya na mismo ang nagpindot ng elevator button, this time it opened.


Nagmartsa ako papasok, nagulat na lang ako na pumasok din sya. May distansya sa aming pagitan but still, I think this is suffocating. I hate the feeling.


Nakahinga ako ng maluwag ng bumukas ang pinto sa lobby, nauna akong maglakad papalabas ng elevator and all eyes on me now. No, all eyes on Gaelan, parang manghang mangha pa ang mga tao na makita sya. 


Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Agent Neto para magpakuha na sa entrance ng Armstrong ngunit bigla na lang nawala sa kamay ko ang aking cellphone.


"Let's eat lunch, pumayat ka. Sinabi ng wag nagpapagutom." He said without any humor on his face. 


What's with this guy?







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro